Inicio / Urban / Realistic / Ang Alamat ng Dragon General / Capítulo 121 - Capítulo 130
Todos los capítulos de Ang Alamat ng Dragon General: Capítulo 121 - Capítulo 130
3796 chapters
Kabanata 121
Sa loob ng bahay, isang lalaking may katandaan ang nakaupo sa isang sofa.Mukha siyang nasa apatnapung taong gulang at medyo mataba. Nakasuot siya ng vest at may tattoo na Green Dragon sa braso. Pinaglalaruan niya ang dalawang walnut sa kanyang mga kamay.“Lakad.”Idiniin ng mga mersenaryo ang kanilang mga baril laban sa tatlo.Lumakad sila paharap.“Upo.”Naka-black vest at kinakalikot ang isang walnut sa kanyang kamay, itinuro ng nasa may katandaan, medyo mataba na lalaki ang sofa.Sinamaan siya ng tingin ni James at umupo.Umupo sa tabi niya sina Henry at Scarlett.Bagama't nakaupo na sila, hindi umalis ang mga mersenaryo at nakatutok pa rin sa kanila ang kanilang mga baril.Kalmadong tanong ni James, "Ikaw ba si Jake Graham, ang Boss na pinag-uusapan ng lahat?"Walang sinabi ang lalaki at sinulyapan ang isang lalaking naka-hood sa likod niya.Naintindihan naman agad ng lalaking naka-hood at nagdala ng laptop.Itinuro ng lalaking naka-black vest ang laptop at sinabing,
Leer más
Kabanata 122
Umupo si James sa sofa, naka cross ang legs, at nagsindi ng sigarilyo.Napuno ng amoy ng usok ng sigarilyo ang hangin.Sa tapat niya, ang naka itim na vest, may katandaang lalaki na kanina pa kinakalikot ng mga walnut ay madilim ang mukha. “Sasabihin ko ulit ito. Kung gusto mo ng impormasyon, gawin ang pag transfer ngayon."Bahagyang kumaway si James. “Nah, ayos lang. Hindi ko ito binibili. Hindi ito katumbas ng halaga.”Tumayo siya.Sumunod naman sina Henry at Black Rose.Suminghal ang lalaking naka itim na vest. “Ano sa tingin mo ang lugar na ito? Sa tingin mo ba pwede ka na lang pumunta at umalis kung gusto mo?"Humalakhak si James. "Papuntahin sa amin ang iyong boss kung interesado siya sa isang deal. Ito ay isang napakalaking deal, kung tutuusin. Natatakot ako na hindi ka kuwalipikadong makipagnegosyo sa akin."Bagama't saglit na natigilan, ang lalaking naka-itim na vest ay mabilis na nakabawi. "Sinasabi mo ba na hindi ako si Jake Graham?"Tinuro ni James ang surveillance
Leer más
Kabanata 123
Bago pa makapag-react ang lalaking naka itim na vest, naramdaman niya ang matinding kirot sa kanyang pulso. Sa sobrang sakit ay nalaglag niya ang kanyang pistol.Gumulong si James sa ilalim ng mesa at agad na humarap sa lalaking naka itim na vest. Sinipa niya ang lalaki at pinalipad. Pagkatapos, dinampot niya ang pistol sa lapag.Ang lahat ng ito ay nangyari sa isang segundo.Bago pa man makapag-react si Jake, pinalipad na ang kanyang tauhan, at isang pistol ang idiniin sa kanyang ulo.Nang marinig ang kaguluhan, bumalik ang mga mersenaryo at itinutok ang kanilang mga baril kay James.Kahit may baril na nakadikit sa ulo, hindi nagpanic si Jake kahit kaunti. Kalmado pa rin, mahinahon niyang tinanong, “Alam mo ba kung nasaan ka ngayon? Sa palagay mo ba ay makakaalis ka rito nang buhay pagkatapos akong patayin?""Sampung dolyar. Deal?”Idiniin ni James ang pistol sa ulo ni Jake na may pilyong ngisi sa mukha. “Mas mabuting paalisin mo ang iyong mga tauhan. Kung hindi, isang galaw ng
Leer más
Kabanata 124
Ang gusaling bato sa ilalim ng lupa sa People's Repair Shop.Isang dosenang o higit pang mga mersenaryo ang nakaluhod sa sahig.Si Jake Graham, na tinaguriang Boss at Hari ng Underworld, ay nakaluhod din sa sahig, nanginginig.Upang matiyak ang kanyang kasalukuyang posisyon at titulo, kailangan niyang makilala ang mga maimpluwensyang lalaki. Kung hindi, matagal na siyang wala.Gayunpaman, ang kahanga-hanga at inspiring na Boss ng Underworld ay nakaluhod na ngayon sa sahig na parang isang masunuring aso.Hindi nagtagal, bumalik ang lalaking naka-itim na vest na may dalang maraming impormasyon. Nang makitang nanginginig ang kanyang boss sa sahig, natumba siya. Ang mga dokumento sa kanyang mga kamay ay nakakalat kung saan-saan.Napatingin si James kay Henry.Nakuha ni Henry ang pahiwatig. Naglakad siya patungo sa lalaki at kinuha ang mga dokumentong nakakalat sa sahig. Tapos, binigay niya kay James.Binasa sila ni James nang buong taimtim.Gaya ng inaasahan kay Jake Graham at sa k
Leer más
Kabanata 125
Walang mahanap si Henry tungkol sa mga underworld forces na kasangkot sa operasyon. Gayunpaman, may mga pangalan na nakalista sa dokumento. Hindi na sila pumasok sa tirahan ng mga Caden. Sa halip, itinago nila ang kanilang mga sarili sa labas bilang isang pickup upang maiwasan ang mga bagay na mapursunada.Kabilang sa kanila si Black Wind Xander.Hindi inaasahan ni James na si Xander, na dati niyang pinatay, ay isa sa mga pangunahing salarin sa likod ng pagkawasak ng mga Caden sampung taon na ang nakararaan.Siya ay malalim sa nag-isip.Lumabas sa impormasyon na may iba pa bukod sa mga kilala.Nasaan ang Moonlit Flowers sa Cliffside's Edge? Sino ang mastermind?Nanatiling tahimik si James. Ang batong gusali ay tahimik.Pagkaraan ng ilang oras, kinuha ni James ang isang lighter at sinunog ang impormasyon sa kanyang mga kamay.Itinuon ang tingin kay Jake at sa kanyang mga tauhan na nakaluhod pa rin sa sahig, sumirit siya na bakas sa kanyang mukha ang kawalan ng pakialam. "Tumayo
Leer más
Kabanata 126
Umalis sina James at ang mga kasama niya pagkatapos makuha ang impormasyon na gusto nila. Sa loob ng kotse. Pinagana ni Henry ang makina at nagmaneho pabalik sa siyudad. Sumandal si James sa upuan sa harapan nang may nag-iisip na ekspresyon. Mahirap mahulaan kung ano ang nasa isip niya. “Henry…”Sa ilang sandali, pinutol ng boses ni James ang katahimikan. "Ano yun? Nakikinig ako." "Imbestigahan mo sina Dawson at Nine Fingers. Alamin mo kung sino sila at kumuha ka ng impormasyon tungkol sa mga pinagmulan nila. Ihatid mo ko sa ospital. Gusto ko ulit makita si Rowena." Tumango si Henry. "Sige." "Ha!" Bumuntong-hininga si James. Hindi niya malalaman na mas marami pa palang taong sangkot sa nangyari sa mga Caden sampung taon ang nakakaraan kung hindi niya binisita si Jake. Sa sandaling ito, pinagsisihan niyang pinatay niya si Trent. Si Trent ang pangunahing piraso ng puzzle. Baka makakuha pa siya ng mas maraming impormasyon tungkol sa tunay na mastermind kung buhay
Leer más
Kabanata 127
Hindi alam ni Henry kung saan natutunan ni James ang kakayahan niya sa panggagamot. Gayunpaman, nakakuha rin siya ng kaalaman sa medisina mula kay James. Samantala, pumasok si James sa ospital at pumunta sa kwarto ni Rowena. Hiniwa ni James ang mukha ni Rowena at pinutol ang kamay niya. Kahit na naikabit na ang kamay niya, hindi pa rin siya pwedeng makalabas ng ospital. Naging masklap ang buhay niya simula nang nalaman niya ang pagkatao ng lalaking nakamaskara. Dahan-dahang lumipas ang mga araw, at ang bawat isang araw ay puno ng kaba at takot. Malapit nang bumigay ang isip niya. Tap! Tap! Tap!Narinig ang tunog ng leather na sapatos sa pasilyo ng ospital sa gitna ng gabi. Dumating si James si kwarto ni Rowena, binuksan ang pinto, at pumasok sa loob. "Sino! Sino…" Malapit na ang hangganan ni Rowena at ilang araw na siyang ginagambala ng napakaraming bangungot. Narinig niya ang tunog at naramdaman niyang may pumasok sa kwarto niya. Nagmamadali niyang niyakap ang kum
Leer más
Kabanata 128
Alas-onse ng gabi. Buong maghapong magkasama sina Thea at Yuna. Sinubukan ni Thea ang lahat para magtanong tungkol sa pagkatao ng lalaking nakamaskara ng multo. Gayunpaman, iniwasan ni Yuna ang tanong. Hindi mapalagay si Thea buong araw. Nang lumalim ang gabi. Naalala niya ang nakaraan habang nakahiga sa kama. Sampung taon ang nakakaraan, nagpunta siya sa isang outing kasama ng mga kaklase niya at naglalaro sila malapit sa ilog. Bigla na lang, nakita niya ang isang villa na tinutupok ng apoy sa malayo. Kaagad silang pumunta roon at narinig niya ang mga paghingi ng tulong mula sa loob ng villa. Pagkatapos niyang magdalawang-isip, sumugod si Thea sa apoy at nagligtas ng isang tao. Gayunpaman, tumalon sa ilog ang taong iniligtas niya pagkatapos itong mailabas sa villa. Isa pang eksena sa nakaraan ang lumitaw sa utak niya. Sa top floor ng Cansington Hotel. Dinaganan siya ni Trent sa auction table at hiniwa ang mukha niya nang paulit-ulit gamit ng kutsilyo. Naala
Leer más
Kabanata 129
Muntik dumugo ang ilong ni James pagkatapos siyang makita mula sa harapan. Ang dress ay may V-neckline na pinapakita ang pagitan ng dibdib niya. Sa maputi niyang leeg ay isang bagong kristal na kwintas na nasa ibabaw ng dibdib niya. Nakakahalina siya, at naakit siya sa kanya. Nakatali ang mahaba at itim niyang buhok. Sa sandaling iyon, mukhang isang magandang puting swan si Thea. "Ang ganda mo. Bagay ang alahas na suot mo sa dress mo." Hindi napigilan ni James na purihin siya. "Talaga?" Nagliwanag sa saya ang mukha ni Thea. "Syempre. Ang asawa ko ang pinakamagandang babae sa mundo. Tiyak na ikaw ang magiging sentro ng atensyon kapag pumunta ka sa birthday party ni Yuna suot ang dress na'to." Malaki ang ngiti ni Thea. Pagkatapos, kinuha niya ang lipstick na binili niya nitong nakaraang araw at dahan-dahan itong nilagay sa labi niya. 'Diyos ko! 'Mas lalo siyang gumanda at nakakaakit pag naka-lipstick.'Malakas ang impresyon ng mapupulang labi ni Thea. Kahit si
Leer más
Kabanata 130
Maganda si Thea at mas nakakaakit siya kumpara sa mga artista sa telebisyon. Tiyak na kwalipikado siyang ikasal sa isang mayamang pamilya. Paano siya mananatiling kasal sa isang kagaya ni James na palaging nasa bahay? Narinig ni Gladys na lahat ng dadalo sa birthday party ni Yuna ay mga prominenteng tao. Karamihan sa kanila ay mga boss ng kumpanya. Sa ganda ni Thea ngayon, sigurado siya na makukuha niya ang atensyon ng mga napakayamang lalaki. Hinila ni Gladys si Thea sa tabi at bumulong, "Thea, ang mga taong pupunta sa Cansington Hotel ngayong araw ay mayayaman. Narinig ko na ang may-ari ng Gourmand, si Mr. Grayson, ay dadalo rin. Ito na ang pagkakataon mo. Siguraduhin mong makakuha ng pagkakataon para makuha mo siya." "Ma… anong sinasabi mo? May asawa na ko. Paano ko magagawa ang ganung bagay?" "Siya?" Tinignan ni Gladys si James na nakatayo sa tabi nila. "James, wala kang ibang pupuntahan ngayong araw kaya manatili ka lang sa bahay," sabi niya nang pautos. Para sa
Leer más