Kabanata 127
Hindi alam ni Henry kung saan natutunan ni James ang kakayahan niya sa panggagamot.

Gayunpaman, nakakuha rin siya ng kaalaman sa medisina mula kay James.

Samantala, pumasok si James sa ospital at pumunta sa kwarto ni Rowena.

Hiniwa ni James ang mukha ni Rowena at pinutol ang kamay niya.

Kahit na naikabit na ang kamay niya, hindi pa rin siya pwedeng makalabas ng ospital.

Naging masklap ang buhay niya simula nang nalaman niya ang pagkatao ng lalaking nakamaskara. Dahan-dahang lumipas ang mga araw, at ang bawat isang araw ay puno ng kaba at takot. Malapit nang bumigay ang isip niya.

Tap! Tap! Tap!

Narinig ang tunog ng leather na sapatos sa pasilyo ng ospital sa gitna ng gabi.

Dumating si James si kwarto ni Rowena, binuksan ang pinto, at pumasok sa loob.

"Sino! Sino…"

Malapit na ang hangganan ni Rowena at ilang araw na siyang ginagambala ng napakaraming bangungot.

Narinig niya ang tunog at naramdaman niyang may pumasok sa kwarto niya. Nagmamadali niyang niyakap ang kum
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo