Inicio / Todos / Nang Namulat Ang Kanyang Mata / Capítulo 721 - Capítulo 730
Todos los capítulos de Nang Namulat Ang Kanyang Mata: Capítulo 721 - Capítulo 730
3175 chapters
Kabanata 721
Biglang lumakas ang loob ni Wesley nang marinig niya ang boses ni Shea. Kung tama ang pagkakaalala niya, RH negative ang blood type ni Shea…Tandang tanda niya na bago ito operahan ni Avery noon, ginawan niya ito ng pre-op check-up.Habang tinitigan niya si Shea, lalong bumibilis ang tibok ng puso niya. “Bakit mo ako tinitignan ng ganyan, Wesley?” Naguguluhang tanong ni Shea. “Magsalita ka! Ano bang nangyayari?” Gusto naman talagang magsalita ni Wesley pero hindi niya maibuka ang mga labi niya!Kung normal lang sana si Shea, mas maiintindihan nito ang mga nangyayari at hindi niya na kailangan pang mag isip kung paano siya magpapaliwanag dito..Alam niya naman na hindi ito magdadalawang isip na mag donate ng dugo para mailigtas si baby Robert. Pero hindi kasi normal si Shea…Hanggang ngayon ay nagrerecover pa rin ito galinjg sa mga naging major surgery nito. At hindi niya rin naman kakayaning makita na si Shea ang nahihirapan sa mga magiging side effects kapag nagdonate i
Leer más
Kabanata 722
Lumabas kaagad ang resulta at hindi kamatch ni Elliot ang blood type ni baby Robert. Buti nalang din at malakas ang koneksyon niya kaya nakapag announce kaagad sa publiko na nangangailangan siya ng RH negative na mga blood donor. Pagkarating ni Mike sa ospital, si Elliot ang una niyang nakita. “Anong nangyari kay baby Robert? Bakit daw kailangan niyang masalinan ng dugo?”Sakto, nandoon din ang doktor kaya ito na mismo ang sumagot. “Normal lang sa mga premature na baby ang magkaroon ng mga kumplikasyon…”“So lahat ng ‘to ay dahil sa pagiging premature niya?!” Galit na galit si Mike. “Hindi naman sana siya magiging premature kung hindi dahil kay Chelsea Tierney! T*ng*n* niya!” Hindi maintindihan ng doktor kung bakit ganun kagalit si Mike pero nagpatuloy pa rin ito sa pagpapaliwanag, “Pero medyo kakaiba pa rin ang symptoms ni baby Robert kumpara sa ibang mga premature kaya sa tingin ko ay kahit pa sumakto siya sa kabuwanan niya, lalabas at lalabas pa rin ang mga kumplikasyon niya
Leer más
Kabanata 723
Gusto sanang mag hintay ni Elliot sa neonatal unti, pero bigla itong umalis matapos itong awayin ni Mike. Hinila ni Chad ang collar ni Mike at kinaladkad ito papunta sa exit. “Baliw ka na ba?! Sobrang nag aalala na nga si Mr. Foster kay Robert tapos brining up mo pa yung tungkol kay Chelsea?!” Kaninang umaga pa tumatawag si Chad sa iba’t ibang blood bank sa buong Aryadelle, kaya ngayon lang siya nakapunta sa ospital.”“Hindi naman sana mapapaaga ng panganganak si Avery kung hindi dahil sa Chelsea na yun. At kung hindi sana naging premature si Robert, hindi siya magkakasakit ng ganito!” Namumutla na si Mike sa sobrang galit. “Sino ba kasing nag sabi sayo na palalampasin ni Mr. Foster si Chelsea?! Desidido talaga siya at dahil sa phone call niya kay Charlie, biglang nagbago ang lahat. Sa tingin ko may nasabi si Charlie kay Mr. Foster!” “Meron nga! Sinabi lang naman ni Charlie Tierney na baliw daw ang kapatid niya, kaya ayun! Naawa ang magaling mong amo!” “Imposible yang sinasa
Leer más
Kabanata 724
Noong oras na yun, nasa veranda ng ospital si Elliot. Kaya medyo nahirapan si Chad na hanapin ito. Noong nakita niya kung gaano ito kalungkot, natural lang din na malungkot din siya para rito. “Bakit mag isa ka lang dito, sir?” Huminga ng malalim si Chad at nagpatuloy, “Mag dinner na tayo.”“Hindi ko kayang kumain.”Kailangan ni Robert na mapalitan ng dugo, pero dahil nga medyo maselan ang blood type nito, hindi na niya alam kung ano pang pwede niyang gawin.Isa lang yun sa mga iniisip niya. Ang pangalawa ay nakukutuban niya na ka blood type ni Robert si Shea pero hindi niya pwedeng ungkatin yun.Hindi niya papayagan si Shea na mag donate ng dugo kay Robert. 20 years niyang hinintay na magkaroon ng development si Shea at ngayon niya palang yun nakikita. Wala naman siyang ibang gusto para sa kapatid niya kundi ang mabuhay ito ng parang isang normal na tao. Kaya panao niya naman hahayaan si Shea na magdonate ng dugo kay Robert? Paano kapag si Shea naman ang nawala sakan
Leer más
Kabanata 725
Naglakad si Avery papunta sa parking lot at kumaripas siya ng maneho pauwi. Dahil naiipon na ang luha sa magkabila niyang mga mata, halos hindi niya na makta ang daan kaya huminto muna siya sa isang gilid. Kung alam niya lang na ganito ang mangyayari kay Robert dahil sa pagiging premature nito, sana may kinontrol niya ang emosyon niya.Habang iniisip niya na sinalo ni Robert ang lahat ng sakit na nararamdaman niya, hindi mapatawad ni Avery ang sarili niya. Kung papipiliin siya sa buhay nila ni Robert, hindi siya magdadalawang isip na ialay ang buhay niya para sa anak niya! …Sa mansyon ni Wanda, kasalukuyan siyang umiinom ng wine habang nakikipag usap sakanyang phone. “Congrats, Chelsea!” Masaya niyang bati. “Malapit ng mamatay ang anak ni Avery Tate. Kung hindi sana naging premature ang bata, baka hindi ito nangyari.”Nakwento na ni Charlie kay Chelsea ang tungkol dun kanina. Pero ang pagkakasabi ng kapatid niya ay may sakit lang ang bata at wala naman itong nabanggit
Leer más
Kabanata 726
Alam ni Mrs. Cooper na sa lagay ni Avery ngayon ay hindi nito kakayaning magbuhat ng mabigat kaya siya na mismo ang nag represinta, “Gusto mo bang dalhin ko nalang yan sa kwarto mo?” Nakatitig lang si Avery sa kahon at umiling, “Wala naman akong binili kaya hindi ko rin alam kung anong laman niya. Pakibuksan nalang.”“Sige, kukuha lang ako ng gunting.”Noong umalis si Mrs. Cooper, sakto namang dumating sina Hayden at Layla. Hindi na talaga kaya ni Avery ang sakit ng tiyan niya kaya umupo muna siya sa sofa. “Mommy, anong laman ng package na yan?” Tanong ni Layla. “Hindi ko rin alam kasi wala naman akong binili.” Sagot ni Avery.Kumunot ang noo ni Hayden. “Hindi kaya nakkaatkot nanaman ang laman niyan kagaya noong nakaraan?”Bigla ring naalarma si Avery. Sabi ni Mrs. Cooper, mabigat daw ang kahon. Ano naman kayang laman niyan? Bato? Semento?“Pumunta muna kayo sa kwarto niyo.” Nag aalala si Avery na baka kung ano nanaman ang laman ng package at ayaw niyang matakot nanaman
Leer más
Kabanata 727
Nanginginig ang mga tuhod ni Avery habang naglalakad para tignan ang itim na lapida. “Avery! Wag mo ng tignan!” Sigaw ni Mrs. Cooper at dali-dali niyang hinarangan ang lapida para hindi makita ni Avery.Pero hinawi ni Avery si Mrs. Cooper. “Gusto kong makita kung ano ang nakasulat… Ipakita mo sa akin!” Bago pa humarang si Mrs. Cooper, nasilip na ni Avery ang puting ink na nakaukit. “Dito naka himlay si Robert Foster”Buhay pa ang anak niya… lumalaban… sino nanamang kampon ni Satanas ang gumawa nito?!“Avery, kung sino man ang nagpadala nito, sigurado ako na may masama siyang balak! Kailangan nating tumawag ng pulis!” Nangingig ang mga kamay ni Mrs. Cooper sa kaba nang hawakan niya ang kamay ni Avery. “Wag kang magpapatinag sakanila! Kailangan mong tatagan ang loob mo, Avery. Buhay pa si Robert! At kahit ano pang sabihin nila, lumalaban ang bata.”Dahil sa mga sinabi ni Mrs. Cooper, hindi na napigilan ni Avery na maging emosyunal. Niyakap niya si Mrs. Cooper at umiiyak na
Leer más
Kabanata 728
Pero baka tama nga ang sinabi ni Avery… na hindi siya karapat-dapat na maging isang tatay! Kung sarili niya ngang buhay ay hindi niya maayos, paano pa kaya siya magpapalaki ng bata?Pagkarating ni Wesley, si Mike at Chad lang ang naabutan nila ni Shea sa neonatal unit.“Bakit, Wesley?” Gulat na tanong ni Mike nang makita niyang may dalang kahon si Wesley. May nakasulat na “Blood Transfusion Kit” sa labas nito. “Dugo,” Sagot ni Wesley. Wala na siyang oras para makipag usap kaya pagkatapos niyang sagutin si Mike, dire-diretso siyang naglakad papunta sa doctor’s office.Sinundan naman siya nina Mike at Chad. “Yan ba yung dugo na pwedeng gamitin ni Robert? Yung sinasabi nilang RH negative?”“Oo, pero kaunti lang ‘to.” Sagot ni Wesley. Parehong gulat na gulat sina Mike at Chad. “Paano ka nakakuha niyan, Wesley?”Hindi sumagot si Wesley. Sobrang bigat ng puso niya. Noong tinanong niya si Shea kung gusto nitong mag donate ng dugo para kay Robert, hindi ito nag alangan kaya
Leer más
Kabanata 729
Nagmamadaling umakyat si Elliot papunta sa master’s bedroom. Pagkabukas niya ng pintuan, tanging ang nightstand lang ang naka bukas habang si Avery naman ay nakaupo sa kama at nakatulala.“May nahanap ng dugo, Avery!” Sobrang gandang balita nun para kay Avery kaya dali-dali itong tumayo. Tumakbo si Elliot papalapit sakanya para alalayan siya. “Dito ka nalang muna, Avery. Ako na ang babalik sa ospital.” Sa wakas, nakita na ni Elliot ang pag asa sa mukha ni Avery! “Magiging okay si Robert.”“Inumpisahan na daw ba nila ang blood transfusion?” Hinawakan ni Avery ang kamay ni Elliot at mangiyak-ngiyak ang kanyang mga mata.”“Katatapos lang daw itest ng doktor ang dugo. Si Wesley daw ang nagdala kaya nagtitiwala ako. Sobrang putla mo. Magpahinga ka muna. Babalitaan kita kaagad pag nasa ospital na ako.”Nakahinga ng sobrang luwag si Avery. “Sige na, bumalik ka na sa ospital!” "Okay."Inalalayan ni Elliot si Avery na humiga at hinintay niya lang na makatulog ito bago siya luma
Leer más
Kabanata 730
Kinuha ni Elliot ang kanyang phone para tawagan si Wesley. Medyo matagal bago ito sumagot. “Kamusta na si Robert?”“Saan mo nakuha ang dugo, Wesley?” Naglakad si Elliot papunta sa isang sulok na walang makakarinig sakanya at medyo tumaas ang kanyang boses. “Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin!” Palaging magkasama sina Shea at Wesley. Kaya hindi imposibleng galing kay Shea ang dugong sinala nito! Wala naman talagang intensyon si Wesley na magsinungaling, pero hindi niya rin alam kung paano niya sasabihin kay Elliot ang katotohanan.“Sa tingin ko, hindi ka naman talaga nag titiwala sa akin, Elliot Foster.” Kalmadong sagot ni Wesley. “Kaya mo bang maniwala sa akin? Eh noong sinabi ko nga sayo na walang namamagitan sa amin ni Avery noon, ayaw mong maniwala diba?”“Ibang usapan yung ngayon!”“Pagod ako.” Ayaw ng makipag usap ni Wesley kay Elliot. “Kung gusto mong malaman kung kay Shea ba galing ang dugong yan, bakit hindi nalang siya ang tanungin mo? Sigurado ako na sasagu
Leer más
Escanea el código para leer en la APP