Início / Todos / Nang Namulat Ang Kanyang Mata / Capítulo 591 - Capítulo 600
Todos os capítulos do Nang Namulat Ang Kanyang Mata: Capítulo 591 - Capítulo 600
3175 chapters
Kabanata 591
Nilagay ni Avery sa posisyon niya si Elliot. Kung sakaling siya ang sinampal ni Elliot kanina, sigurado siya na kamumuhian niya na ‘to habambuhay at baka nga umabot pa siya sa punto na ipalaglag niya nalang nang tuluyan ang bata.Habang iniisip niya ‘to, lalong lumalakas sakanya na baka nga sa pagkakataong ito ay tuluyan na siyang tigilan ni Elliot. Makalipas ang isang linggo, nagkita sila ni Tammy sa isa sa pinaka mahal na restaurant na malapit. Magaling na ang pisngi ni Tammy at kagaya ng pangako niya, gusto niyang ilibre si Avery. Gusto sana niyang isama nito ang mga bata, pero naunahan siya ni Wesley. Sinundo nito ang mga bata para may makalaro si Shea. “Avery, hindi ka naman ginulo ni Elliot no?” Nag aalalang tanong ni Tammy. “Mhm.” Sagot ni Avery habang namimili ng pagkain. Pagkasabi niya order niya, pinasa niya naman kay Tammy ang menu. “Ang nabalitaan ko, hindi daw siya lumalabas sakanila.” Hindi napigilan ni Tammy na matawa habang nagkwekwento. “Hindi naman na talag
Ler mais
Kabanata 592
“Heh! Sinasabi ko na nga ba eh!” Natatawang sabi ni Tammy. “Dinala nga ng Chelsea na yun yung babaeng yun para kay Elliot.”Hindi interesado si Avery na makita ang mga susunod na mangyayari kasi wala rin naman siyang magagawa.” “Ang malas naman! Ang saya-saya natin kanina tapos makikita pa natin sila dito.” Uminom si Tammy ng tubig at tumingin kay Avery. “Avery, gusto mo bang lumipat nalang tayo ng restaurant?”Umiling si Avery. “Nauna tayo dito.”“Baka kasi hindi ka lang mag enjoy.” “Hindi naman. Okay lang. Hindi tayo aalis dito.” Kalmadong sagot ni Avery. “Nakapag oreder na tayo kaya ienjoy nalang natin.”“Eh kung itake out nalang kaya natin tapos doon nalang tayo kumain sa bahay niyo!” “Tammy, nakilala mo ba ako na ganun kaduwag? Kung totoo ngang ginaya ako nung babaeng yun, hindi ba dapat suya ang matakot na makita ako? Bakit naman ako ang aalis para sakanya?” “Ako rin! Hindi rin ako duwag! At kahit lapitan pa tayo ni Elliot, hindi ako matatakot.” Kahit na sinasabi ni T
Ler mais
Kabanata 593
Inubos kaagad nila Avery at Tammy ang mga pagkain nila dahil wala silang balak na magtagal pa doon. “Avery, tara! Gusto mo bang mag shopping? Sasamahan kita.”Umiling si Avery. “Sobrang nabusog ako kaya medyo inaantok ako.” “Ihahatid nalang kita sa inyo.” Kinuha ni Tammy ang kanyang bag at umikot siya para alalayang tumayo si Avery.Dahil dun, hindi napigilan ni Avery na matawa. “Ano ka ba! Hindi mo naman ako kailangang alalayan. Kaya kong maglakad mag isa.”“Gusto lang naman kitang alalayan.” Hinawakan ni Tammy ang tiyan ni Avery. “Medyo malaki na nga siya. Maluwag lang kasi yung damit mo kaya hindi masyadong halata, pero kapag hinawakan mo, ang laki laki. Parang pakwan!”“Maliit na pakwan.” Natatawang sagot ni Avery.“Bakit may nakita ka na bang malaking pakwan? Pwede na nating makita ang mukha ng baby, diba?” “Hmm. Nakita ko na noong nag pacheck up ako sa Bridgedale.”“Sinong kamukha ng baby?” Medyo matagal bago sumagot si Avery. “Kamukha niya yung sarili niya.”“Babae
Ler mais
Kabanata 594
Bumaba si Tammy na dala ang report at nang marinig ni Elliot ang yabag ng mga paa niya, tumingin kaagad ito sa hagdan.Sobrang nakakailang nang magtagpo ang mga mata nila. “Mr. Foster, anong ginagawa mo dito?” Kahit na natatakot si Tammy kay Elliot, medyo mas malakas pa rin ang loob niya dahil alam niyang ipagtatanggol siya ni Avery. Hindi pinansin ni Elliot si Tammy at tinignan ang hawak niya. “Natutulog pa ba si Avery?”“Oh. Nandito ka ba para samahan si Avery na kunin ang report?” Pinakita ni Tammy ang hawak niyang papel. “Nakuha na niya.”“Akin na.” Lumapit si Elliot para kunin sana ang report. Pero bigla itong tinago ni Tammy sa likod niya. “Magaling na ba yung pisngi mo? Akala ko pa naman hindi mo na pupuntahan si Avery kahit kailan. Infairness ha! Napabilib mo ako. Mas mahalaga pa rin pala sayo ang anak mo kaysa sa pride mo.” Alam ni Elliot na sinasadya yun ni Tammy para asarin niya pero sinubukan niyang mag pigil ng galit.“Bakit ba masyado kang concern sa bata? Dah
Ler mais
Kabanata 595
Gusto sanang matulog ni Avery pero dahil nagising na siya, hindi na siya makabalik sa tulog. “Ngayon na tayo pumunta!” Umakyat siya sandali sa kwarto niya para kunin ang kanyang bag. Habang bumababa siya, nakatitig si Elliot sa tiyan niya. “Avery, gusto mo bang magpalagay ng elevator dito sa bahay mo?”“Hindi.” Alam ni Avery kung ano ang iniisip ni Elliot. Natatakot ito na baka mapagod siya kakaakyat panaog at baka maapektuhan pa ang bata sa sinapupunan niya, pero hindi naman siya napapagod. Kahit pa mas lumaki na ang tiyan niya, sigurado naman siya na kakayanin niya pa ring umakyat sa hagdan. “Mamili ka nalang kung gusto mo bang ipalipat ang kwarto mo dito sa baba o magpalagay tayo ng elevator.” “Paano naman ako magpapalagay ng elevator? Gusto mo bang tibagin ko ‘tong bahay ko?” Inirapan ni Avery si Elliot at nagpatuloy, “Siyempre kapag hindi ko na kayang umakyat, ako na mismo ang magsasabing dito nalang muna ako sa baba.”Dire-diretsong lumabas si Avery habang si Elliot n
Ler mais
Kabanata 596
“Mr. Foster, congratulations. It’s a boy!” Tinuro ng head ng department ang bata para ipakita kay Elliot. Lumunok si Elliot at sinabi habang tutok na tutok na nakatingin sa screen. “Patingin ng mukha niya.”Nilipat ng head ng department ang scanner pero nakatalikod ang baby niya kaya hanggang gilid lang nito ang nakita niya. “Teka, nasave ko yung scan niya noong nakaharap siya.” Tinap ng head ng department ang kinunan niya at pinakita kay Elliot, “Mr. Foster, kamukhang kamukha mo yung baby mo oh! Unang tingin palang, kitang kita na.”Nang makita ni Elliot ang picture ng anak niya, bigla siyang naging emosyunal. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ito na buo na. Ngayon niya lang naintindihan kung bakit galit na galit sakanya si Avery noong pinilit niya itong painumin ng gamot noon kasi natatakot itong mapano ang anak nila. “Ipiprint ko ‘to mamaya para maibigay ko sayo. Nakangiting sabi ng head ng department. Sandali… titignan ko ang development ng bata.” Tumungo si Elliot
Ler mais
Kabanata 597
Kinuha ni Chelsea ang sonogram. Kahit medyo malabo pa ang picture, halatang kamukhang kamukha ito ni Elliot at natural, sobrang nasaktan nanaman siya.“Kamukhang kamukha mo ang baby mo! Lalaki siya no?” Nakangiting tanong ni Chelsea.Tumungo lang si Elliot at kinuha ang sonogram. “Bakit ka nandito?”“Ah, ngayon kasi ang first day ng pinsan ko dito sa office. Dumaan lang ako dito para ipaalam sayo.” Nakangiting paliwanag ni Chelsea. “Elliot, Congratulations! Magiging tatay ka na! Kamukhang kamukha mo ang baby mo! Sigurado ako na magiging kasing galing ka niya.” Hindi mapantayan ang saya ni Elliot ngayon kaya kahit ano pang sabihin sakanya ng kahit sino, kalmado lang siya.Paglabas ni Chelsea ng office ni Eliot, pinilit niyang ngumiti sa takot niya na baka magka issue pa siya. Pero pagkarating na pagkarating niya sa kanyang office, hindi na niya napigilan ang sarili niya at nagwala siya sa sobrang galit! ‘Maayos ang bata?! Bakit ba ang damot damot ng Diyos sakin?!’Hindi nagta
Ler mais
Kabanata 598
Gulat na gulat si Avery dahil wala siyang kaalam alam sa ginawa ni Elliot! ‘Bakit kailangang iboycott ni Elliot si Eric?!’Nagpapanic na kwinento ng manager ni Eric ang nangyari. “Tinawagan kasi ako ng assistant ni Elliot kahapon para daw makita niya si Eric kaya pumunta kami sa Sterling Group. Silang dalawa lang yung nag usap kaya wala akong alam. Paglabas ni Eric, halatang galit na galit siya. Siguro nag away sila pero hindi ko naman alam na aabot sa puntong iboboycott ni Elliot si Eric…”“Kamusta si Eric?” Nag aalalang tanong ni Avery.“Okay naman siya! Sa totoo lang, hindi naman kawalan sakanya kung mag quiquit siya sa entertainment industry. Pwede naman siyang umuwi kahit anong oras at nag aabang lang sakanya ang family business nila, pero ako ang ayaw na huminto siya kasi nakikita ko ang potential niya! “Miss Tate, tulungan mo si Eric!” “Wag kang mag alala. Kakausapin ko si Elliot.” Medyo nakahinga ng maluwag ang manager ni Eric. “Salamat!” Pagkatapos nilang mag usap, hi
Ler mais
Kabanata 599
Humarap sa camera ang secretary ni Avery at ngumiti. “Magandang gabi sa inyong lahat! Welcome sa livestream ng Tate Industries! Hindi kona patatagalin pa, palakpakan nating lahat ang aming presidente, Miss Avery Tate!” Nagsipalakpakan ang lahat. Nakasuot si Avery ng V-neck na evening gown. Hapit na hapit ito sa katawan niya kaya kitang kita ang kanyang baby bump!Kasama niyang umakyat sa stage ay Eric. Inalalayan nito ang laylayan ng kanyang gown. Biglang lumubo ang bilang ng mga nanuod at nagcomment sa live stream! [Noong nasangkot sa problema ang Tate Industries, si Eric ang tumulong sakanila. Ngayon, na si Eric naman ang nagkaproblema, sobrang nakaka tuwa na nandiyan din ang Tate Industries para tulungan siya!][Tatandaan ko ang lahat ng mga brand na nag cancel ng kontrata kay Eric! Hinding hindi na ako bibili sainyo mula ngayon! Tate Industries! Nasa inyo ang suporta ko! Asahan niyong bibili ako ng maraminng produkto na galing sainyo!][Sobrang hot ni Eric! Ahhhh! Babe!
Ler mais
Kabanata 600
Pagkatapos ng tawag, tumingin si Chad kay Elliot. “Mr. Foster, tinawagan ako ni Mike. Ininvite niya lang akong kumain sa isang hotel.” Natigilan si Chad at medyo nag alangan pa siya noong una, “Gusto mong sumama?” Umirap si Elliot. “Hindi nila ako ininvite, bakit naman ako sasama?” Nahihiyang ngumiti si Chad. “Nabalitaan ko na sinusubukan ka raw na tawagan ni Avery kanina pero hindi ka sumagot. Bakit kaya hindi kayo mag kita para mag usap nalang kayo sa personal? Wag kang maniwala sa ngiti niya sa livestream nila kasi ang totoo niyan, galit na galit daw siya. Sa tingin ko… Sinadya niyang suotin yung damit niya kanina para magalit ka.”“Sigurado ka ba na hindi niya sinuot yun para kay Eric?” Ramdam na ramdam ni Chad ang galit ni Elliot kaya hindi na siya sumagot. Sa livestream, tinuturuan ni Eric ang mga manunuod kung paano ikontrol ang latest model ng drone ng Tate Industries. Bukod dun, kumanta rin siya para maaliw ang mga ito. Ang simpleng live stream ay biglang naging
Ler mais
Digitalize o código para ler no App