Inicio / Todos / Nang Namulat Ang Kanyang Mata / Capítulo 431 - Capítulo 440
Todos los capítulos de Nang Namulat Ang Kanyang Mata: Capítulo 431 - Capítulo 440
3175 chapters
Kabanata 431
Ayaw ni Avery ipaliwanag ang ang kaniyang sarili.“Chad sabihin mo sa boss mo na sila na ni Avery at Eric!” Gusto ni Mike na tigilan na ni Elliot si Avery.Nang marinig ni Avery ang mga sinasabi ni Mike na wala namang kasaysayan, madali niyang kinuha ang bluetooth earpiece niya mula rito.“Chad, ‘wag kang makinig sa kaniya,” sabi ni Avery, “Magkatrabaho lang kami ni Eric. At saka, ‘yung boss mo ang nagbalik sakin ng sweater ko, kaya susuotin ko ‘yun kung kailan ko man gustuhin. Kung may makatuluyan man ako sa hinaharap, susuotin ko pa rin ‘to maski sa date namin.”Hindi makapagsalita si Chad.Tanga talaga ni Mike! Ang lakas ng loob na magsinungaling at ‘wag sabihin na hindi sila ni Avery.Bukod sa hindi akma sa pakiramdam, wala nang iba pang salita ang maihahalintulad kasalukuyang sitwasyon.“Miss Tate. Damit mo ‘yan. Pwede mong suotin kung kailan mo gustuhin. Nagrereklamo lang ako kay Mike. Wala akong ibang ibig sabihin. Napagtanto ko nang hindi santo si Mr. Foster. May mga pag
Leer más
Kabanata 432
Katatapos lang maligo ni Elliot. Ang mga butil ng tubig ay pumapatak pa mula sa kaniyang buhok.Hawak niya ang tuwalya sa isang kamay at phone naman sa kabila.Nang makita niya ang balita, pinindot niya ito nang may nanginginig na daliri. Matapos basahin, nandilim ang kanyang paningin!Kailan pa tinanggap ni Avery ang nararamdaman ni Eric sa kaniya? Kaya ba hinahanap siya nito kahapon para sabihin na may bago na siyang nobya? Kailangan pa bang gawin ‘yun?Tinapon niya ang phone niya sa kabinet. Kumalabog ito nang malakas!Sa loob ng isang magarang European-manner na mansyon, hawak ni Wanda ang isang baso ng wine at dahan dahan itong pinaiikot.Mayabang niyang tinignan ang balita bago sumimsim ng red wine.“Alam mo ba ang pinakakinatatakot ng isang artista?” Sabi ni Wanda kay Zoe, “Takot silang mawalan ng mga taga suporta. Ano ang magiging dahilan para mawala ito? Ang pag aanunsyo ng bagong nobya. Kahit gaano kasikat si Eric, hindi niya matatakasan ‘to!” Humahanga si Zoe kay Wa
Leer más
Kabanata 433
“Ang galing magmanipula! Tignan mo! Sabi sa’yo e, interesado siya sa’yo!” Nakaupo si Mike sa tabi niya. Narinig niya nang malinaw ang usapan nila kanina. “Pero kung interesado ka rin sa kanya, item ka na rin kasama siya mamayang gabi!”“Masyado siyang bata. Padalos dalos ang mga bata,” paliwanag ni Avery, “Naging bata na rin ako.”Sabi ni Mike, “Alam ko! Noong bata ka pa, padalos dalos ka rin para kay Elliot. Ngayon kinakarma ka.”Hindi nakapagsalita si Avery.“Avery, tigilan mo katitingin sa Tweeter.” Hinawakan ni Mike ang ulo niya. “Mga walang pakundangan ‘yung mga tao sa internet! Ang rahas magsalita! ‘Wag mong dibdibin ang mga sinasabi nila”“Hindi ako tumitingin sa Tweeter,” kalmadong sagot ni Avery, “At kahit gawin ko man, hindi makakaapekto sa’kin ‘yun. Kaya ko pa rin tanggapin.”“Edi maganda!” Tumingin si Mike sa oras. “Niyaya ako ni Chad ng hapunan. Mauuna na ako! Tawagan mo nalang ako.”“Sige! ‘Wag kang iinom!”“Alam ko. Pangako ‘di ako iinom!” Pangako ni Mike bago ki
Leer más
Kabanata 434
Hindi na nabasa ni Avery ang mensahe mi Elliot dahil natulog na siya matapos makita ang Tweet ni Eric.Ang maagang pagbubuntis ay kadalasan may kasamang pagduduwal at pagiging antukin. Madali na siyang makatulog dalawang araw na ang nakalilipas.Kadalasan, kapag may mga panahon na hindi siya makatulog, sa melatonin na siya umaaasa para makatulog.Pero nang gabing ‘yon ay nakatulog na agad siya matapos humiga sa kama. Nakatulog siya hanggang alas singko ng umaga kinabukasan.Kung hindi lang siya naiihi, makatutulog pa siya.Nang magising siya, ang una niyang ginawa ay kunin ang phone at tignan ang oras. Pero nakita niya ang mensahe ni Elliot. Nagulat siya. Dinala niya ang phone sa washroom.Nakalagay sa mensahe ni Elliot, [Hinahanap mo ba ako kahapon?]Kahapon? Nag isip maigi si Avery. Hindi niya ito hinahanap nung nakaraan!Teka!Tinignan niya ang oras na natanggap niya ang mensahe. Kagabi ‘yun alas dies y media! Nanlamig siya. Tuluyan na siyang nagising.Paglabas ng washroo
Leer más
Kabanata 435
Naisip ni Elliot na siya nga ang Presidente ng Sterling Group pero sawi ang puso niya dahil sa kaniya. Nagkusa siyang magpadala ng mensahe pero hindi sinagot agad!Ang init ng ulo niya! Tinignan niya ang sagot nito nang may namumulang mata. Madali siyang nagtype sa phone niya. [Masaya ka ba?]Hindi nakapagsalita si Avery. Galit nga sa text.Pero naisip din ni Avery na hindi ito nakatulog magdamag. Kaya normal lang na mainit ang ulo nito.Kinalma ni Avery ang sarili at nagpapasensyang sumagot. [Mag aalas sais na. Matulog ka na! Ako rin matutulog pa ulit.]Matapos ng text na ‘yon, humiga ulit si Avery.Hindi na sumagot si Elliot sa kanya. Natalo siya ngayon! Sa relasyon, kung sino ang nagkukusa, sila ang talo!Alas siete ng umaga, dahan dahang bumukas ang gate ng Mansyon ni Elliot. Dala ni Mrs. Scarlet ang bag niya at paalis na.Tumingin si Shea sa likod nito at hinabol ito. Nang marinig ni Mrs. Scarlet ang mga yabag ng paa mula sa likod niya, lumingon siya. Nang makita niyang si
Leer más
Kabanata 436
Ang Tate Industries.Matapos asikasuhin ni Avery ang trabaho, hindi niya natiis at tinignan niya rin ang phone niya.Ilang beses niyang tinitignan ang pag uusap nila ni Elliot sa text.Bakit naisip niyang itext ito sa oras ng gabi?Hinanap niya ito nung isang araw. Dapat alam na niya ‘yun nung araw na ‘yon.Bakit hindi niya ito tinext nung gabing ‘yon?Sumunod niyang tinignan ang kumalat na isyu nilang dalawa ni Eric. Hindi niya maiwasang isipin na nakita ni Elliot ang balita kaya nagkusa itong itext siya?Anong klaseng ugali ang naipakita niya sa kaniya nung oras na ‘yon?Kung galit siya, kahit na makita nito ang balita tungkol sa kaniya, hindi siya magtetext.Pero ginawa niya kagabi, pero hindi niya binanggit ang tungkol sa nakaraan, nakalimutan na ba niya ‘yon?Imposible!Masyado siyang nasaktan, kaya papaanong makalilimutan niya ‘yon?Kumunot ang noo niya at medyo magulo ang isip niya.Kung hindi siya nagtext kagabi, hindi niya ito iisipin.Tumunog ang p
Leer más
Kabanata 437
Nahihiyang sumagot si Avery, “Ganun ba? Ilusyon mo lang ‘yan.”Matapos kumain, kinuha niya ang phone niya at tinext si Eric, tinanong niya kung pwede ba siya sa ika-una ng Mayo.Hindi niya inaasahang sasagot ito kaagad.Matapos magpaliwanag kung anong mayroon, mabilis itong sumang-ayon.“Tammy, pupunta raw si Eric saa kasal mo.”Matapos niyang sabihin ‘yon, maririnig ang pagkasabik ng mga kasama!Sabik na sabik sina Tammy, Lisa, at Ellie.Sa isang iglap, sinabi ni Tammy kay Jun ang balita.Sinabi naman ni Jun kay Ben ang balita.“Sabi ng asawa ko si Avery ang nag imbita,” masama ang loob na sabi ni Jun, “Parang ayaw ko na magpakasal. Tagasuporta ng asawa ko si Eric… sobra! Pati ‘yung mga kaibigan niya… O sabihin na nating halos lahat ng babae. Pag dumating ang panahon, sino ang titingin sa akin? Lahat sila titingin kay Eric! Bilang groom, mananakawan ako ng atensyon. Ibang iba ito sa kasal na naisip ko!”Masama ang loob ni Jun, pero hindi niya sinabi kay Tammy.Na
Leer más
Kabanata 438
Syempre, hindi sinagot ni Avery ang tanong na 'yon. Hindi rin siya nagpakita ng sobrang pagtanggi, kaya may pahiwatig niyang sabi, "Hindi mo na dapat binanggit ang kahit anong tanong na may kinalaman sa kanya. Natatakot ako na kapag dumating ang oras, hindi na maayos maibabahagi ang magazine."Ang sagot niya ang nagpamulat sa mga nakiki-usyosong staff sa katangahan nila. "Sige, Miss Tate. Nag-aral ka ng medisina. Bakit mo naisipang magsimula ng sariling negosyo pagkatapos magtapos? Ano ang nag-udyok sa'yo para piliin na mag-negosyo?"Kinunot ni Avery ang kanyang kilay ng kaunti sa tanong na iyon. Kung sasagutin niya ito ng seryoso, aabutin siya ng higit isang araw at gabi para tapusin ang istorya niya. Plano niyang harapin sila hangga't maari. Nang ibubuka na niya sana ang bibig niya para magsalita. isang hindi mapigilang nasusukang pakiramdam ang bigla niyang naramdaman. Tinakpan niya ang kanyang bibig gamit ang isang kamay at nagmadali patungo sa labas ng washroom. "M
Leer más
Kabanata 439
Tinulak niya ang phone palayo sa kanyang tenga nang sumakit ang balunbunan niya ng konti. "Avery Tate! Huwag ka nang magmaang-maangan! Dali at sabihin mo sa akin! Sinong ama ng pinagbubuntis mo? Ah! Mababaliw na ako! Nasaan ka ngayon! Hahanapin kita! Gusto kong ipaliwanag mo ang lahat sa akin harap-harapan!" Hindi mapigilan ni Avery na matawa sa reaksyon ni Tammy. "Nasa bahay na ako ngayon. Huwag mo na akong hanapin. Magpapahinga ako pagkatapos ng tawag na 'to," tamad na sabi ni Avery, "Kaninong anak pa kaya ang dinadala ko... Sinasabi ko sa'yo ang tungkol dito dahil nagiging malala na ang morning sickness ko. Kahit ang pagkain ay problema rin, pati ang pag-inom... Kung may mag-uudyok lang sa'king uminom sa kasal mo, kailangan kitang guluhin para tulungan akong harangan ang mga 'yon."Napagkasunduan nila noon na magsaya sa bachelorette party ni Tammy sa gabi bago ang kanyang kasal. Sa oras na magtipon tipon ang grupo, siguradong walang tigil ang inuman doon. "Buntis ka kaya ma
Leer más
Kabanata 440
Medyo nagulat si Ben sa sagot ni Elliot. "Napag-isipan mo na?" biro ni Ben, "Matagal mo na sanang pinag-isipan. Alam mo ba ang sinabi niya kay Chad? Sinabi niya na dahil binalik mo sa kanyang ang sweater, susuotin niya ito kung kailan niya gusto. Tama siya, pero sinabi niya rin na baka suotin niya ito sa date niyo sa susunod."Pumuti ang mga kamao ni Elliot sa mahigpit na hawak sa mga kubyertos."Sa tingin mo ba may pakialam ako?"Sabi ni Ben, "Sinusubukan ko lang na kalimutan mo siya?""Kung gano'n, bakit mo siya binabanggit?" tinangay niya si Ben sa malamig niyang titig. "Huwag mong banggitin ang tungkol sa kanya ulit. Hindi ako interesado.""Mabuti! Nag-aalala pa rin ako na hindi ka pa tapos sa kanya." Bumuntonghininga si Ben sa ginhawa. "Nakakalungkot na bawal kang uminom. Iinumin ko na lang sila mag-isa."Tumungo si Ben sa maliit na bar at kinuha ang isang bote ng wine. Kalaunan, natapos ni Elliot ang pagkain niya. Binaba niya ang mga kubyertos at iniwan ang kusina.Hawak
Leer más
Escanea el código para leer en la APP