Inicio / Romance / Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig / Capítulo 701 - Capítulo 710
Todos los capítulos de Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig: Capítulo 701 - Capítulo 710
2077 chapters
Kabanata 701
Matapos niyang matutunan ang leksyon, mas naging maingat si Ruth, at umiiwas na siya sa mga nakakahiyang kilos hanggat kaya niya.Dahil dito, bago pa mangyari ang insidente, hindi niya nga rin pinapayagan si Ryan na hawakan ang kamay niya.Pero, ngayon na pakiramdam niya ay may utang siya sa kanya, pakiramdam ni Ryan ay parang napaamo niya na ang matapang na babae.Nung oras na hahalikan na sana niya si Ruth, bigla namang pumasok si Marcus at Yvonne sa loob ng kwarto.Si Marcus ang unang nagsalita. "Ryan, anong nangyari, malala ba ang sugat mo?"Si Yvonne naman sa kabilang banda, ay mas nag-aalala sa kaibigan niya. "Ruth, ayos ka lang ba? Hindi ka naman nasugatan sa mukha, di ba?"Agad namang humarap si Ruth para tingnan sila at ang mga mata niya ay puno ng luha. Kitang kita ang pagkalungkot niya.Ang mga tao lang naman kasi na may pakialam sa kalagayan niya ngayon ay ang dalawang bago niyang kaibigan na hindi pa niya nakikilala nang matagal. Bukod pa dito, ang taong nagligtas s
Leer más
Kabanata 702
Agad namang naging seryoso ang tono ni Sebastian nung nagtanong siya, "Anong problema?"Matapos na masigurado na si Sabrina ay nakapila sa harap nila, sinabi niya kay Sebastian nang mahina, "Yung Lynn family po, may nangyari po sa kanila."Bago pa makapagsalita si Sebastian, nag-aalalang nagpatuloy si Kingston, "Wala sa mga taong pinadala natin para bantayan ang Lynn family ang nakakita sa kanila ng ilang araw na. Posible siguro na takot si Jade at Selene na lumabas ng bahay dahil nahihiya sila, pero kahit na, si Lincoln ay may mga bagay na kailangan asikasuhin sa trabaho di ba? Pero sa buong maghapon, ang mga tao natin ay walang nakita kahit isa sa kanila na umaalis or bumabalik. Dahil naghihinala na sila dito, pinasok nila ang bahay para tingnan at nakita na silang tatlo ay wala pala sa bahay."Halatang nadismaya si Sebastian dahil sa balitang ito. "... Paano nangyari 'to?! Bakit wala sila sa bahay?!"Hindi niya talaga ito inasahan kahit kailan.Nung kinukwestyon sila ng mga tao
Leer más
Kabanata 703
Hindi alam ng parehong magulang niya kung ano ang magiging reaksyon nila sa hiling niya.Samantala, ang malaking airport ay talagang punong puno ng iba pang taong maglalakbay.Marami sa kanila ay nakilala si Sebastian, pero walang kahit sino ang nagtangka na lapitan siya para magpakuha ng litrato o kausapin. Ang reputasyon niya bilang isang nakakatakot na tao ay hindi pa rin siya tinatraydor. Pero ito rin ang eksaktong lalaki na maglalaro ng bato, papel, gunting kasama ang asawa niya.Si Kingston, na nakatayo sa tabi nila, ay agad namang tinakpan ang bibig niya.Dahil kung hindi, talagang sasabog ang tawa niya!Matapos na marinig ang pag-uusap nila, hindi niya mapigilan ang pagkamangha sa Munting Prinsesa, na isang eksperto sa pagpapahirap sa daddy niya.Sige!Kahit ang lalaking tinatawag nilang King of South City ay walang magawa sa harap ng batang ito.Bato, papel, gunting!Ang direktor ng Ford Group ay maglalaro na ng bato, papel, gunting kalaban ang asawa niya sa airport.
Leer más
Kabanata 704
Sa South City naman, si Sebastian ay nasa gitna ng isang meeting.Nakaupo siya sa gitna ng kwarto habang si Aino ay nakahiga si gilid niya, tulog na tulog sa sofa na inilagay dun nang pansamantala para sa kanya. Nakaupo naman sa tapat niya at nakapalibot sa mahabang oval na mesa ang humigit-kumulang trentang lalaki at babae.Sila ang mga pinagkakatiwalaan niyang tao.Pero, hindi siya nag-alinlangang sagutin ang tawag ni Sabrina sa gitna ng madugong meeting na ito.Tinaas niya ang kamay niya para mapatahimik sila habang nagsasalita siya sa phone. "Nakapagbook ka na ba ng hotel?"Mahinahong sumagot si Sabrina, "Oo, ito ang pinakamagandang hotel sa lugar. Ang kama ay halos kasing laki ng kama natin sa bahay, pero parang wala itong laman dahil wala kayo ni Aino sa tabi ko."Kahit sinong taong nakakakilala sa kanya ay inilalarawan si Sabrina bilang isang independent na babae, isang tao na hindi naaapektuhan sa pagiging mag-isa.Pero, sa nakalipas na ilang buwan, ang maliit nilang pam
Leer más
Kabanata 705
"Ayan! Siguro, hindi mo na kailangan lumuhod pa sa washboard, pero kailangan mo pa rin dalhin si Aino sa tabi ko sa lalong madaling panahon," mahinang sinabi ni Sabrina."Sige." Kumapara kanina, ang boses ni Sebastian ay mas kalmado na ngayon.Tapos, tinaas niya ang ulo niya para tingnan ang tatlumpung katiwala na pumunta.Walang ni isa sa kanila ang nagtangkang mag-ingay kapag humihinga.May chismis ngang nagsabi na si Master Sebastian man ay malupit pagdating sa negosyo, pero siya ay talagang takot sa asawa niya.Sa pagkakataong ito, nakita nila ito mismo sa sarili nilang mata.Kahit ano pang iutos ng asawa ni Master Sebastian sa kanya, gagawin niya ito nang walang pag-aalinlangan!Ang chismis ay totoo nga talaga."Paalam, mahal." Matapos ang mahabang tawag, nagpaalam na din sa kanya si Sabrina, ito ay dahil takot siya na baka makaabala siya sa pagpapahinga nito."Mag-ingat ka, siguraduhin mong magtataxi ka pag-alis mo dyan sa hotel papunta sa dating bahay niyo. Sabihin mo s
Leer más
Kabanata 706
"Hehe, mahal." narinig na naman ang boses ni Sabrina sa speaker ng phone, "Mahal... tinawagan kita gamit ang phone ng hotel. Kapag tapos ka na sa ginagawa mo sa South City at nadala mo na si Aino dito, wag mong kalimutan tawagan ang numero na ito."Nang marinig niya ito, bumilis ang tibok ng puso ni Sebastian sa sakit.Bigla niyang naramdaman ang takot na sa puso niya.Si Sabrina ay madalas namang kalmado at matatag na tao. Kung hindi siya nababagabag ngayon, hindi niya ito tatawagan nang paulit ulit tulad ngayon.Ang boses ni Sebastian ay mas naging mahinahon. "Kukunin ko na ang pinakamaagang flight at isasama ko si Aino sa lalong madaling panahon. Tandaan mo na kumuha ng isa pang kumot sa hotel sa gabi, mas malamig sa hilaga kaysa dito sa South City.""Alam ko.""At saka, itulak mo ang trangka at ikandado mo ang pinto bago ka matulog.""Okay!""At... kung may mangyari man, tawagan mo ako agad.""Oo naman!""At...""Mahal! Bakit ba para ka yatang yaya ko?"Nagtanong si Seb
Leer más
Kabanata 707
Si Aino, na biglang nagising dahil sa tunog, ay umakyat sa kandungan ni Sebastian na parang isang maliit na kuting, nakikinig sa tawag niya habang nakahiga.Sa kabilang linya naman, tulad ng inaasahan, ay si Old Master Shaw. "Sebastian... pakiusap wag kang magagalit sa akin. Ako ang tumulong kay Selene at sa mga magulang niya para makatakas papunta sa Star Island."Matapos na makinig sa kanyang pag-amin, kalmadong tinanong ni Sebastian, "Alam mo ba kung nasaan ako ngayon?"Nanatiling tahimik si Old Master Shaw, hinihintay ang pagpapatuloy niya sa pagsasalita."Nasa loob ako ng kotse ko ngayon, at wala pa ako sa bahay. Ang anak ko ay nakahiga sa tabi ko. Natutulog siya nang mahimbing, pero ginising mo siya," sinabi ni Sebastian sa mahinahong tono.Agad na sumagot si Old Master Shaw, "Hindi ko naman alam na may may kasama kang bata ngayon."Pinabayaan niya na ito at tinanong ulit ni Sebastian, "Bakit mo ako tinawagan?"Nagbuntong hininga ang matanda. "Sebastian, meron ka nang sari
Leer más
Kabanata 708
“Nasa gitna ako ng meeting ngayon lang,” pagpapaliwanag ni Sebastian.Malinaw na napaatras si Sabrina at sinabi, “Ikaw… Ano yung sinabi mo?”“Oo, narinig nila ang bawat salita,” honest na sbai ni Sebastian.“Ikaw… I hate you!... Sobrang nahihiya ako ngayon! Paano ko sila kakaharapin pagkatapos nito?” Sa kabilang linya, pulang-pula ang mukha ni Sabrina.Sa kabila naman, mukhang hindi apektado si Sebastian. “Iniisip nila na sobrang cute ni Mrs. Director.”“Hindi pa ako kuntento sa pakikipagflirt mo. Pwede mo na akong landiin ngayon hangga’t gusto mo. Akitin mo na ako sa kahit anong paraan na gusto mo, wala na akong kasama dito, mag-isa lang ako.” Kahit na sinasabi nito ang mga ito, kalmado pa rin ang boses nito.Hindi alam ni Sabrina ang isasagot. “...Dear! I hate you!”“Ginagawa mo na ba ito ngayon?” Tanong niya.Gustong-gusto ni Sebastian na nakikipagflirt ito sa kanya. Kahit na hindi niya ito makita ngayon, sapat na ang imagination niya.Sinong mag-aakala na ang cool at mailap na si S
Leer más
Kabanata 709
Nung gabing yun, wala siyang napanaginipan. Kahit na mahimbing ang pagkakatulog niya, maaga siyang nagising dahil hindi siya sanay matulog na wala ang braso ni Sebastian bilang unan.Hindi katagalan simula nung umaaninag ang araw sa loob ng room niya mula sa bintana, naghanda na siya para sa panibagong araw.Pagkatapos, kumain siya ng breakfast sa hotel ng six in the morning bago pumara ng taxi.Habang nadaan siya kahapon sa county town mula sa airport kahapon, naramdaman ni Sabrina na nawala na ang luma at vintage charm ng town na ito. Ngayon, maraming nagtataasan na building na ang nakatayo sa bawat sulok nito. Pagkatapos tingnan ito ng maigi ngayong umaga, napansin niya na puno ng construction at development works sa halos buong lugar.Pagkakita na sobrang bilis ang pagdevelop sa town na ito, hindi mapigilan ni Sabrin na isipin ang luma niyang bahay na hindi ganun kalayo mula sa town centre, ano na kaya ang itsura nito ngayon?Ang bawat lot sa residential areas ay may nakatayong bag
Leer más
Kabanata 710
Pumunta si Sabrina sa forklift ng walang pag-aalinlangan at hinarangan ito.Pagkakita dito, napatalon ang forklift driver sa gulat at kaagad napatigil. Galit siyang sumigaw pagkatapos bumaba, “”Gusto mo bang mamatay? Kahit na gusto mo ito, hindi ka pa rin dapat tumayo sa harap nito at gumawa ng gulo. Sino ka ba sa tingin mo? Alis, alis, huwag kang mang-istorbo sa trabaho namin!KAhit na fierce ang tono ng lalaki, nakatayo lang doon si Sabrina ng hindi gumagalaw, “Bahay ko ito, at hindi ako pumayag na mademolish ito!”Pagkakita na walang masabi ang driver ng forklift, tumingala siya at tumingin sa mga nakapaligid sa kanya.Wala siyang marecognise na pamilyar na mukha.Ang mga dati niyang kapitbahay ay wala na o baka iba na ang mga itsura nila ngayon.Pagkatapos, isang matandang lalaki ang tumawag mula sa likod niya, “Sabbie, ikaw ba yan?”Kaagad namang lumingon si Sabrina at nakita ang isang kubang, 80-year-old na matanda. Pagkatapos ng kaunting pag-aalinlangan, nagtanong siya, “Ikaw ay
Leer más