Pumunta si Sabrina sa forklift ng walang pag-aalinlangan at hinarangan ito.Pagkakita dito, napatalon ang forklift driver sa gulat at kaagad napatigil. Galit siyang sumigaw pagkatapos bumaba, “”Gusto mo bang mamatay? Kahit na gusto mo ito, hindi ka pa rin dapat tumayo sa harap nito at gumawa ng gulo. Sino ka ba sa tingin mo? Alis, alis, huwag kang mang-istorbo sa trabaho namin!KAhit na fierce ang tono ng lalaki, nakatayo lang doon si Sabrina ng hindi gumagalaw, “Bahay ko ito, at hindi ako pumayag na mademolish ito!”Pagkakita na walang masabi ang driver ng forklift, tumingala siya at tumingin sa mga nakapaligid sa kanya.Wala siyang marecognise na pamilyar na mukha.Ang mga dati niyang kapitbahay ay wala na o baka iba na ang mga itsura nila ngayon.Pagkatapos, isang matandang lalaki ang tumawag mula sa likod niya, “Sabbie, ikaw ba yan?”Kaagad namang lumingon si Sabrina at nakita ang isang kubang, 80-year-old na matanda. Pagkatapos ng kaunting pag-aalinlangan, nagtanong siya, “Ikaw ay
Ngayon, pagkatapos ng mahabang panahon, sa wakas, nakabalik na si Sabrina.“Sabbie, sumama ka sakin sa bahay ko, kailangan kitang kausapin.” Kahit na matanda na siya ngayon, si Grand uncle Scott ay maingat pa rin at alert. Pagkakita na dumami ang tao sa paligid, alam niyang hindi sila pwede mag-usap dito.Pagkatapos tumango ni Sabrina, tumingin siya sa mga taong nakapaligid at sa forklift driver na pabalik na sa trabaho. Huminga siya ng malalim at inanunsyo, “Ako ang may-ari ng mga bahay na ito. Dahil nandito na ako ngayon, kailangan niyo ipaliwanag sakin kung bakit pwede kayong magsimula ng demolisyon dito ng wala ang consent ko.”“Kung hindi, hihiga lang ako dito at tingnan natin kung paano niyo ipagpapatuloy ang trabaho niyo!”Walang masabi ang forklift driver.Sa huli kasi, sumusunod lang naman siya sa mga utos. Pagkakita dito, walang choice ang manager ng construction kung hindi tumawag sa iilang mga tao.Pagkatapos ng ilang sandali, napabuntong hininga ito at umiliing, sabi niya
Kaagad tumigil si Grand uncle Scott sa pagsasaita at nanginig sa shock nung narinig niya ang malakas at mayabang na boses.Mahina siyang bumulong kay Sabrina, “Ang pinsan mo ay nandito.”Pagkarinig nito, kalmadong pumunta si Sabrina at nakita ang babaeng nakatayo sa bakuran ni Grand uncle Scott.Mukha siyang five o six years na mas matanda kaysa kay Sabrina. Sa isang tingin, aakalain ng mga tao na nasa 30s siya.Kahit na maganda ito manamit, ang balat ng babaeng ito ay kahindik-hindik at medyo malaman din ito.Walang pag-aalinlangan, mayabang siyang sumigaw, “Sabrina! Mukhang naalala mo na rin ang hometown mo, lumabas ka dyan!”Pagkatapos, sinabihan niya si Grand uncle Scott, “Ikaw na matanda, sa tingin ko ay mali ang kinakampihan mo dito. Kahit nga ang anak mo at ang son-in-law mo ay takot na bumalik dito, pero, inaasahan mo na susuportahan ka ng mixed-breed na yan?”Mixed-breed?Nung narinig niya ito, kaagad naalala ni Sabrina ang kabataan niya, lagi siyang inaasar ng mga villager na
Kaagad namang tumigil ang driver sa pagsasalita.Nagulat siya sa fierce na tono ni Coral kaya hindi siya makaimik ng kahit siang salita.Ang tanging nagawa niya lang ay tingnan si Sabrina.Pagkakita sa itsura nito, gentle na sinabi ni Sabrina, “Salamat, sir, hintayin mo nalang ako sa kotse. Babayaran kita kapag naayos ko na ang mga nagyayari dito.”“Sige, sige, Miss.” Walang choice ang driver kung hindi bumalik sa kotse niya.Pagkatapos, tumingin si Sabrina kay Coral ng may nakakatakot na expression. “Sino ang nagsabi sayo ng mga bagay na yan tungkol sakin?”Pumunta ba dito ang Lynn family?Hindi nag-aalala si Sabrina sa kahit na ano, kahit pa ang compensation fee. Basta ba ay mahanap niya ang mga lumang gamit ng mga magulang niya at makuha ang mga labi nito, kuntento na siya.Sa kabilang banda, tumaas ang kilay ni Coral at napunta na naman ang atensyon niya kay Sabrina. Ngumisi siya.Sa nagdaang lima o anim na taon na natakbo si Sabrina, ang lynn family ay bumabalik sa village ng ilan
Nakakatakot na ngumiti si Coral. “Ano ang plano mong gawin? Sabrina, ano ba ang ginagawa mo sa mga nagdaang mga taon? Paniguradong mahirap ito, lalo na may kinalaman ito sa business, tama? Ang isang mayamang babae mula sa South City ang nagkwento sakin ng tungkol sayo.”Kaagad tinanong ni Sabrina, “Selene Lynn?”Mas lalong lumaki ang ngiti ni Coral, “Matalino ka, pero ang lakas naman ng loob mo na tawagin ang amster mo sa pangalan niya? Hindi na nakakapagtaka kung bakit ka kinamumuhian ng master Selene mo!”“Ano ang sinabi ni Selene sayo?” Galit na sigaw ni Sabrina.“Sinabi niya sakin na sabihin ko kaagad sa kanya kapag nagpunta ka dito.”“Hindi mo ba alam ang utang mo sa kanya? Sabrina, gumawa ka ng maling move. Bilang pinsan mo, responsibilidad ko naturuan ka ng leksyon!” Parang magulang na pinapagalitan ang anak ang tini ni Coral.Dahil mag-isa ito ngayon, alam ni Sabrina na mahihirapan siya makaalis sa ganitong sitwasyon.Ang tanging option niya ay magkaroon pa ng oras.Hindi napan
Ang pinakamalala dito, mamamatay siya.Ngayong kasama na ni Aino ang tatay niya, na close na niya ngayon, makakaalis na si Sabrina sa mundong ito ng walang pagsisisi.Dahil dito, hindi siya gumawa ng kahit anong sound habang itinatali siya.“Sabbie….” Sigaw ni Grand uncle Scott, nagsimula itong umiyak.Dahil malungkot na matanda siya, walang lakas ng loob si Grand uncle Scott na kalabanin ang mga mayayamang business people na katulad ni Coral dahil may kapangyarihan at influence ito sa buong town.“Grand uncle,” kalmadong sabi ni Sabrino. “Sorry sa abala.”“Ibalik siya sa county town.” Pagkarinig sa utos ni Coral, kaagad umalis ang apat na lalaki, kasama si Sabrina. Ang iba namang mga villagers ay pinanuod lang ito.Sa huli, ang mga tahimik at hardworking na mga tao ay hindi nagsabi ng kahit na ano. Dahil hindi rin sila makapangyarihan, takot silang kalabanin ang maling tao. Ang tanging nagawa lang nila ay bumuntong hininga. Ang mga nakatayo sa gilid ay nagbulungan. “Hay nako, kung w
Agad siyang sinigawan ni Sabrina, "Ikaw maruming babae ka, ano bang balak mong gawin sa'kin!"Ang tawa ni Coral ay talagang napakasama. "Sabrina, sarili mo lang ang pwede mong sisihin kung bakit ka napunta sa maling ni Ms. Lynn."Sa nakalipas na anim na taon, ang mga Lynn ay pumunta dito nang maraming beses at hinahanap ka nila. Para lang maging malapit kay Selene, gumagastos ako ng sampung libong dolyar sa tuwing pupunta sila sa bayan."Hindi ko naman pwedeng itapon lang ang lahat ng perang yun, di ba?"Gagamitin kita para maibalik ang pera ko!"Galit na galit na sumagot si Sabrina, "Ito ay pwedeng maging human trafficking! Iligal yan!""Hah!" suminghal si Cora na parang isang baliw na babae. "Sabrina, hindi talaga alam ang lugar mo, 'no? Sa maliit na bayang ito, sa lugar ko, sinusubukan mo ang turuan ng leksyon sa paglabag sa batas? Alam mo ba kung ilang koneksyon ang meron ang sa bayang ito? Kung gusto kitang mamatay, mawawala ka sa loob lang ng ilang minuto nang ganun ganun l
Hindi ba siya ay tumira sa isang ulila at hindi masukat na kondisyon?Paano niya nagawang maging maganda pa din?Si Coral mismo ay nagtatrabaho na din simula pa nung matapos siya ng middle school. Sa isang banda, nagkaroon pa nga siya ng trabaho bilang isang escort.Nung kalaunan, matapos na pagsilbihan ang mga kliyente niya bilang kasama sa pag-inom, nagsimula siyang mag-alok pa. Hindi niya na mabilang kung ilan ang mga lalaking nakatalik niya, pero alam niya na karamihan sa kanila ay pangit, matanda, kalbo, at malalaki ang tiyan.Sa madaling salita, sinakripisyo ni Coral ang kabataan at kagandahan niya para maitayo niya ang negosyo at estado niya ngayon.Matapos na ibigay ang lahat, hindi nakakagulat na hindi niya hinahayaang makatakas na lang si Sabrina, na sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niya, mukha pa rin siyang mas maganda kaysa sa sarili niya.Matagal nang hinihintay ni Coral na makitang maghirap si Sabrina, at kasabay nito ang magkaroon ng pera para sa sarili niya. Na