Kabanata 950
Habang ang tatlo ay tulala pa rin, ang naiinip na boses ay umalingawngaw sa itaas ng kanilang mga ulo.

"Sebastian! Ang tiwala ay isa talagang misteryosong bagay, kahit na hindi ko alam na nakuha mo na ang ganap na kontrol sa buong isla, pero simula 'nong araw na pumasok ako sa ari-arian ng mga Payne, gumawa ako ng iba pang plano para sa sarili ko. Ako lang ang tanging nakakaalam ng sikretong daan na gagabay sa'yo paounta sa lagusan sa ilalim ng tubig. Ito lang ang daan para makatakas na aking inihanda para sa sarili! Hindi ko tatanggapin ang pagkatalo!"

"Hinding-hindi!"

Ang boses ay palayo nang palayo hanggang sa mawala na talaga ito.

Agad na inutusan ni Sebastian ang kanyang mga tauhan para ipa-imbestiga ang sikretong daanan. Sa maikling sandali, nakita ng mga sundalo ang lagusan sa daan at binuksan ito. Gayunpaman, napagtanto nila na may takip ito sa kabilang dulo pagkatapos ng maikling distansya papunta sa lagusan.

Higit sa sampung mga sundalo ang nag-ulat kay Sebastian na n
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo