Mula nang mabangga niya ang marumi at magulo na babae, ang gusto lang ni Sabrina ay makauwi sa lalong madaling panahon upang tingnan ang puntod ng kanyang ina.Sa katunayan, desperado siyang gawin iyon.Kung pwede lang siyang lumipad pauwi ngayon din.Marahang dumampi ang labi ni Sebastian sa kanyang noo. "Mag-leave ka na para sa isang bakasyon bukas, ako ay magbu-book ng mga tiket sa flight mo.""Salamat mahal." Dahan-dahang yumakap si Sabrina sa mga bisig ni Sebastian at nakatulog, pakiramdam na ligtas at maayos.Dumating ang Lunes.Kahit na ang kanyang katapusan ng linggo ay medyo puno ng kaganapan, nakuha pa rin ni Sabrina ang oras upang mag-draft ng ilang mga disenyo. Alinsunod sa mga instructions ni Sebastian, pumunta siya sa direktor sa umaga na may mga draft sa kanyang kamay upang mag-apply ng leave.Nagplano siyang mag-aplay para sa isang linggong pahinga, para hindi mawalan ng masyadong maraming trabaho.Gayunpaman, sa sandaling pumasok siya sa gusali habang hawak ang
Nanginginig si Ruth, na para bang nararamdaman niya ang pares ng mga mata sa likod na nakasunod sa kanya."Anong problema, Ruth?" Tanong ni Sabrina na may pag-aalalang tingin.Napangiti na lang si Ruth, “Naramdaman ko na lang ang malamig na simoy ng hangin na dumampi sa akin. Siguro dahil masyado manipis ang suot ko ngayon, dahil gusto kong magmukhang maganda, haha."Ngumiti si Sabrina pabalik at sinabing, “Ang ganda-ganda mo ngayon.”"Salamat, pero ito ay dahil sa iyo."Kahit na nakasanayan na ni Ruth na magsuot ng mamahaling damit, labis pa rin ang pasasalamat niya kay Sabrina sa mga damit na binili nito sa kanya.Kung tutuusin, ang kanyang mga damit ay halos mga hand-me-down mula kay Mindy na maaaring hindi bagay sa kanya o hindi na niya gusto.Hindi tulad ni Sabrina, hindi kailanman dadalhin ni Mindy si Ruth sa pamimili o bibigyan siya ng pagkakataong pumili ng mga damit na gusto niya.Sa pag-iisip nito, nagsimulang mag-isip si Ruth kung bulag ba siya noon. Paano niya nagaw
Biglang tumunog ang telepono ni Ruth habang nakapila sila para magbayad.Ito ang telepono na binili ni Sabrina para kay Ruth kahapon. Nang marinig niya itong tumunog, sinimulan ni Sabrina na asarin ang kanyang kaibigan, na nagsasabing, “Si Master Ryan iyon. Kakarehistro mo lang sa numerong ito kahapon, kaya sino pa kaya ito? Sabihin mo, ngayong ayaw mo na siyang pakasalan, mukhang siya na ang susunod sa iyo. I bet aayain ka niya ngayon para sa hapunan"Natawa na lang si Ruth sa sinabi ni Sabrina habang nakataas ang kanyang phone para tingnan ang caller ID. Nang makita niya kung sino ang tumatawag ay agad na napawi ang ngiti sa labi niya.Nanay niya iyon.Kahapon, pagkatapos mabili ni Sabrina ang telepono, ang unang ginawa ni Ruth ay tumawag sa bahay.Gusto niyang makipagkasundo sa kanyang mga magulang.Anuman ang nangyari, sila pa rin ang kanyang mga magulang, at hindi siya maaaring manatili sa bahay ni Yvonne.Gayunpaman, ang kanyang mga magulang ay hindi nagbabahagi ng parehon
“Ikaw bruha! Susunugin kita hanggang mamatay! sisirain ko yang mukha mo! Tingnan natin kung paano mo maakit ang mga mayayamang lalaki! Anong karapatan mong magkaroon ng masayang buhay habang ako nag hihirap! Simula nang maging maswerte ka, nagsimulang mangyari sa akin ang masamang bagay. Una, ipinahayag ng aking kasintahang hindi na niya ako gusto. Pagkatapos ay inutusan ni Sebastian ang lahat na tumigil sa pagtatrabaho sa akin at dalawang araw lang ang nakalipas, pinahiya mo pa ako sa banquet ng pamilya ng Ford!“B*tch ka, sana mamatay ka sa masakit na kamatayan! Gusto kong sunugin yang mukha mo!" Sa kabila ng pagpigil ng dalawang security guard, hindi tumigil sa pag-ungol si Mindy.Kasabay nito, napuno din ng hangin ang mga iyak ng sakit ni Ryan. "You bitch! Ang sama mol! Paano mo naisip na buhusan ng ganyang kalakas na acid ang pinsan mo?! Ouch...sobrang sakit!"Ang asido ay gumawa ng butas na kasinglaki ng palad sa manggas ni Ryan.Bukod dito, may marka ng paso, mga limang sen
Matapos niyang matutunan ang leksyon, mas naging maingat si Ruth, at umiiwas na siya sa mga nakakahiyang kilos hanggat kaya niya.Dahil dito, bago pa mangyari ang insidente, hindi niya nga rin pinapayagan si Ryan na hawakan ang kamay niya.Pero, ngayon na pakiramdam niya ay may utang siya sa kanya, pakiramdam ni Ryan ay parang napaamo niya na ang matapang na babae.Nung oras na hahalikan na sana niya si Ruth, bigla namang pumasok si Marcus at Yvonne sa loob ng kwarto.Si Marcus ang unang nagsalita. "Ryan, anong nangyari, malala ba ang sugat mo?"Si Yvonne naman sa kabilang banda, ay mas nag-aalala sa kaibigan niya. "Ruth, ayos ka lang ba? Hindi ka naman nasugatan sa mukha, di ba?"Agad namang humarap si Ruth para tingnan sila at ang mga mata niya ay puno ng luha. Kitang kita ang pagkalungkot niya.Ang mga tao lang naman kasi na may pakialam sa kalagayan niya ngayon ay ang dalawang bago niyang kaibigan na hindi pa niya nakikilala nang matagal. Bukod pa dito, ang taong nagligtas s
Agad namang naging seryoso ang tono ni Sebastian nung nagtanong siya, "Anong problema?"Matapos na masigurado na si Sabrina ay nakapila sa harap nila, sinabi niya kay Sebastian nang mahina, "Yung Lynn family po, may nangyari po sa kanila."Bago pa makapagsalita si Sebastian, nag-aalalang nagpatuloy si Kingston, "Wala sa mga taong pinadala natin para bantayan ang Lynn family ang nakakita sa kanila ng ilang araw na. Posible siguro na takot si Jade at Selene na lumabas ng bahay dahil nahihiya sila, pero kahit na, si Lincoln ay may mga bagay na kailangan asikasuhin sa trabaho di ba? Pero sa buong maghapon, ang mga tao natin ay walang nakita kahit isa sa kanila na umaalis or bumabalik. Dahil naghihinala na sila dito, pinasok nila ang bahay para tingnan at nakita na silang tatlo ay wala pala sa bahay."Halatang nadismaya si Sebastian dahil sa balitang ito. "... Paano nangyari 'to?! Bakit wala sila sa bahay?!"Hindi niya talaga ito inasahan kahit kailan.Nung kinukwestyon sila ng mga tao
Hindi alam ng parehong magulang niya kung ano ang magiging reaksyon nila sa hiling niya.Samantala, ang malaking airport ay talagang punong puno ng iba pang taong maglalakbay.Marami sa kanila ay nakilala si Sebastian, pero walang kahit sino ang nagtangka na lapitan siya para magpakuha ng litrato o kausapin. Ang reputasyon niya bilang isang nakakatakot na tao ay hindi pa rin siya tinatraydor. Pero ito rin ang eksaktong lalaki na maglalaro ng bato, papel, gunting kasama ang asawa niya.Si Kingston, na nakatayo sa tabi nila, ay agad namang tinakpan ang bibig niya.Dahil kung hindi, talagang sasabog ang tawa niya!Matapos na marinig ang pag-uusap nila, hindi niya mapigilan ang pagkamangha sa Munting Prinsesa, na isang eksperto sa pagpapahirap sa daddy niya.Sige!Kahit ang lalaking tinatawag nilang King of South City ay walang magawa sa harap ng batang ito.Bato, papel, gunting!Ang direktor ng Ford Group ay maglalaro na ng bato, papel, gunting kalaban ang asawa niya sa airport.
Sa South City naman, si Sebastian ay nasa gitna ng isang meeting.Nakaupo siya sa gitna ng kwarto habang si Aino ay nakahiga si gilid niya, tulog na tulog sa sofa na inilagay dun nang pansamantala para sa kanya. Nakaupo naman sa tapat niya at nakapalibot sa mahabang oval na mesa ang humigit-kumulang trentang lalaki at babae.Sila ang mga pinagkakatiwalaan niyang tao.Pero, hindi siya nag-alinlangang sagutin ang tawag ni Sabrina sa gitna ng madugong meeting na ito.Tinaas niya ang kamay niya para mapatahimik sila habang nagsasalita siya sa phone. "Nakapagbook ka na ba ng hotel?"Mahinahong sumagot si Sabrina, "Oo, ito ang pinakamagandang hotel sa lugar. Ang kama ay halos kasing laki ng kama natin sa bahay, pero parang wala itong laman dahil wala kayo ni Aino sa tabi ko."Kahit sinong taong nakakakilala sa kanya ay inilalarawan si Sabrina bilang isang independent na babae, isang tao na hindi naaapektuhan sa pagiging mag-isa.Pero, sa nakalipas na ilang buwan, ang maliit nilang pam