Pinanood ng mga mamamahayag si Sebastian habang yakap-yakap niya ang kanyang asawa at ang assistant na sinusundan sila sa kanilang likuran. Blangko nilang tiningnan ang isa't isa pagkatapos umalis ng tatlo sa hotel. Natakasan ba nila ang higpit ng kamatayan ng ganoon lang?Iisipin ng mga mamamahayag na isa itong panaginip kung hindi dahil sa isang lalaki na umiiyak sa maliit na piging sa bulwagan. "Tulong, tulungan niyo ako, dalhin niyo ako sa ospital..." Ang lalaki, na nakahiga sa dagat ng kanyang dugo, ay itinaas ang kanyang kamay at nagmakaawa sa mga mamamahayag. Naghiwalay sa iba't-ibang direksyon ang mga mamamahayag. Ang iba sa kanila ay kumuha ng pagkakataon na pintasan ito, "Nararapat lang iyan sa'yo! Nakita kong nakikipag-usap ka kay Sabrina gamit ang kanyang pangalan bawat oras. Ang mga taong walang alam ay iniisip na may kaugnayan ka kay Sabrina. Dapat ay matagal ka nang namatay!"Sanay na ang mga mamamahayag sa pagsasalita tungkol sa kasalanan ng iba. Hindi nila na
[Wala akong masabi...][Pakiramdam ko natuyo ng sobra ang utak ko.][Ang walang hiyang mukhang pera na ito, ay naging...][Ano siya? Ano siya? Dalian niyo, sabihin niyo sa akin, hindi ko mabasa, mahina ang koneksyon ko. Huwag niyong sabihan na may kakaiba siyang sakit at kakalat ito...][Siya ang asawa ni Sebastian Ford!][...][...][...]Napuno ng sobra ang internet kasama ang mga nananabik na mga mokong na tsismosa at ang kasalukuyang mga ulat na halos maipasara. Ang lahat ay natigilan sa dulo ng antipara. Ang lahat ng mga mokong tsismosa ay hindi alam na magtatapos ito sa ganito. Ang babae na halos isumpa ng buong sambayanan sa Internet, na palaging mukhang kalmado at walang pake sa kamatayan, ay lumabas na asawa ni Sebastian Ford. Si Sebastian ang namamahala ng Ford Group sa loob ng anim na taon. Walang kahit na anong mga balita tungkol sa romantikong buhay nito sa loob ng anim na taon. Base sa mga sabi sabi, kahit ang mga sekretarya sa paligid niya ay puro mga lalak
Ang ina ni Susan ang unang lumapit kay Sabrina. Mababa ang tingin nito kay Sabrina noon, ngunit ay binawi niya ang kanyang kuko matapos magbanta si Sebastian. Kalaunan ay lumapit siya kay Sabrina nang may kabaitan, ngunit hindi isang napaka-sosyal na tao si Sabrina. Bukod pa 'ron, ang ina ni Susan ay hindi uri ng tao na gugustuhin niya. Pinilit niya ang kanyang sarili na makisama sa ina ni Susan at sa kanyang grupo noong nakaraan dahil kay Aino. Ang kanyang anak ay nangangailangan ng isang patag na kapaligiran sa pag-aaral at isang matatag na pangkat ng mga kaibigan. Gayunpaman, napagtanto ni Sabrina na hindi siya maaring magkasya sa grupo, kahit anong pilit niyang subukan. Samakatuwid, nanatili siyang taga-labas, at ang mga taong ito ang nangutya sa kanya. Tumigil siya sa pagsubok na makihalubilo. Nakipagkaibigan lang siya sa mga taong nakakasundo niya. Samakatuwid, nang lumapit sa kanya ang ina ni Susan upang mabigyan ng pabor sa kanya, malamig at lumalayo ang ekspresyon ni
Mahal niya ang bata, kahit na kinamumuhian niya ang ina ng bata."Tsaka po...Tita, kapag kaarawan na ni Aino, maaari ko po bang ipagdiwang ang kanyang kaarawan?" Tinanong ulit ni Susan.Tumango si Sabrina, "Siyempre naman. Kapag kaarawan ni Aino, maaaring mag-imbita si Aino ng maraming mabubuting kaibigan sa gusto niya. Siyempre, sasang-ayon ako!""Salamat, Tita! Yay! Tita, mas mabuti ka kaysa sa aking ina. Ikaw ay isang daang beses na mas maganda kaysa sa aking ina. Tita Scott, gusto kita!" Hindi itinago ni Susan ang pagmamahal niya kay Sabrina.Sa tabi niya, ang ina ni Susan ay labis na napahiya at hindi nakapagsalita.Nang pamunuan ni Sabrina si Aino, at pinangunahan ni Aino si Susan sa kanyang ina, ibinaba ng ina ni Susan ang kanyang ulo.Maya-maya, sinabi niya, "Ina ni Aino, Alam ...Alam ko na hindi ako karapat-dapat na maging kaibigan mo. Salamat sa pagpapahintulot sa iyong anak na maging kaibigan ang aking anak. Salamat."Hinawakan ng ina ni Susan ang kamay ni Susan at na
Kampon ng demonyo?Agad na kinuha ni Sebastian ang telepono mula sa mga kamay ni Sabrina at diniin ito sa kanyang tainga.Sa kabilang banda, si Lincoln ay nagpatuloy na galit, "Kampon ka ng demonyo! Bakit hindi mo pinatay ang iyong sarili? Dapat matagal ka nang namatay! Ito ay mga taon at hindi ko pa rin maintindihan kung paano ka makakaligtas hanggang ngayon! Totoo ito nang sinabi nilang ang Diyos ay kumukuha lamang ng pinakamahusay sa kanya, habang ang kasamaan ay nananatili at lason sa mundo! Sabrina Scott! Makinig ka sa akin; naisip mo ba na matagumpay mong ihagis ang isa sa aking relasyon sa aking asawa sa iyong maliit na panloloko?!""Huwag mong hayaang mahuli kita. Kapag nagawa ko ay babalatan ko kayo ng buhay!"Galit na galit si Lincoln kaya naramdaman niyang magdurusa siya sa atake sa puso.Nag-away sila ng kanyang asawang si Jade buong hapon!Hindi man niya natapos ang kanyang trabaho!Hindi lamang sila nag-away; ang laban ay naging pisikal muli nang makauwi sila.Una
Sumunod naman si Lincoln at hinugasan ang mga paa niya.Sa panlabas na itsura, siya ay walang ginawa kung di maging magalang at masunurin. Hinugasan niya ang mga paa ni Jade hanggang sa maging komportable ito, at ang tubo na hawak ni Jade ay nahulog na sa sahig.Nahulog ang tubo!Dumating ang oportunidad ni Lincoln. Bigla niyang binitawan si Jade, lumuhod para kunin ang bakal na tubo na nahulog sa sahig at hinampas sa sakong ng paa ni Jade."Aray..." Namilipit na parang hipon si Jade sa sakit, "Lincoln, ako ang asawa mo..."Sabi ni Lincoln, "Kapag hindi kita pinatay na hinayupak ka ngayon, hindi ako magiging si Lincoln Lynn! Hindi ako magiging lalaki! Gusto kong malaman mo na kapag ang isang lalaki ay gusto kang patayin, siguradong hindi ka niya hahayaang mamatay ng basta basta lang!"Kumuha si Lincoln ng isa pang bakal na tubo at hinampas ito direkta sa kanya.Sumigaw ulit si Jade dahil sa sakit.Wala siyang suot na kahit anong damit. Nang tumama ang bakal na tubo sa katawan n
Natigilan si Lincoln na nasa kabilang linya ng telepono.Hindi niya naiwasan na mautal ang boses niya ng ilang saglit at sinabi, "Master... Master Sebastian, hindi ba dapat nasa Kidon City ka? Bakit ikaw ang...""Naloko ang asawa ko, kaya bumalik ako na mas maaga sa oras," matapat na sumagot si Sebastian."Ang asawa mo...?" Alam naman talaga ni Lincoln kung sino ang asawa ni Sebastian, pero nung oras na yun, tinanong niya pa rin ito."Si Sabrina Scott!" sagot ni Sebastian.Natahimik si Lincoln.Nahulog ang phone niya sa sahig."Anong meron, mahal?" Lumapit si Jade sa kanya. Ang mukha niya ay puno ng galos at mga pasa habang nakatingin siya kay Lincoln at nagtanong."Si Sabrina at Master Sebastian, kinasal na sila.Walang nasabi si Jade.Sumigaw si Jade sa galit matapos ang ilang segundo na parang isang baboy na malapit nang mamatay, "Ikaw...anong sinabi mo?! Pinakasalan ni Sabrina si Master Sebastian. Paano naman nangyari yun?! Paano niya nagawa yun! Kung sila ay kasal na, pa
Marami na siyang pinagdaanang hirap.Pero, kahit kailan hindi niya ginustong malaman pa ito ng anak niya. Masasaktan lang ang puso ng anak niya and malulungkot din siya.Ang munti niyang kaluluwa ay masasaktan.Masyadong na siyang nadismaya dahil hindi niya nabigyan si Aino ng kumpletong pamilya sa nakalipas na anim na taon, kaya ayaw ni Sabrina na masaktan pa ang munting puso ng anak niya."Nung isang araw, nagkaroon ng sipon ang Mommy mo dahil pinaliguan ka niya nang matagal. Naiinitan siya nung una tapos nalamigan naman." Nakaisip agad ng ibang dahilan si Sebastian.Agad namang dinampi ni Aino ang kamay niya sa noo ng mama niya, "Mommy, meron ka po bang lagnat? Pasensya na po, Mommy kung hindi po kita naalagaan nang maayos.""Okay lang yun, anak." Hinila ni Sabrina ang anak niya at niyakap ito.Niyakap din naman siya ni Aino.Nang makauwi sila nung gabing yun, agad ni inubos ni Aino ang pagkain niya nang hindi kinakailangan ang pagpilit sa kanya ng mga magulang niya at hindi