Hindi nakapagsalita si Linda.Hindi siya makapaniwala sa kanyang sariling mga tainga. Sa katunayan, sinimulan na rin niyang magsisi sa paninira niya kay Sabrina sa harapan ni Daniel sa buong paglalakbay sa hotel. Yamang ginamit ni Linda ang mga salitang tulad ng 'ginto-digger', 'pandaraya "at" bilanggo "sa halip na ang tunay na pangalan ni Sabrina, hindi nangyari sa kanya na talagang pinag-uusapan niya ang kanyang mabuting kaibigan.Bukod dito, malinaw na ipinagtanggol ni Daniel si Sabrina.Naramdaman ni Linda na parang sinampal lang siya sa mukha.Wala sa mga dadalo, kasama na sa kanya, ang maaaring asahan tulad ng isang pagliko ng mga kaganapan.Gayunpaman, ang ekspresyon ni Sabrina ay hindi nagbago, kahit na matapos makita si Daniel.Hindi siya biglang naging masaya dahil lang may tumulong sa kanya.Hindi talaga.Tsaka, nalaman niya na siya ay pinarusahan ng kamatayan, kaya't bakit abala ang pagsangkot sa ibang tao? Bukod dito, ang binata na ito ay isang arkitekto na may isa
Ang mga reporter at naghintay sa inaasahan nilang pagdating ni Sebastian Ford, ang magtatapos sa isang palabas na bihira lang mangyari!Lahat sila ay nagpatuloy sa pagsumpa kay Sabrina habang inaabangan ang mas malaki pang pakulo.Kahit nagsisimula ng mas maging sabik ang halos lahat ng mga reporter, yung iba ay parang nagsisimula namang maisip ang katotohanan sa likod ng mga nangyayari ngayon."T*ngina! Hindi ko na kaya 'to! Aalis na ako!""Anong ibig mong sabihin?""Ano bang nakakatuwa sa pang-aapi ng mga tao sa babaeng ito? Paulit ulit nilang sinasabi na kalmado lang siya dahil makapal masyado ang balat niya, pero paano kung bigla siyang sumabog? Dapat bang asahan natin na magsisimula siyang magkipag-away sa kanila? Kung ganun ang kaso, masasabi natin na ang babaeng ito ay may problema, pero paano na ngayon? Ano bang ginagawa ng Lindang yun?"Nagdala siya ng banyaga dito para bugbugin si Sabrina."Pero inamin niya na tinulungan siya ni Sabrina dati."Ibig sabihin mabuti tala
Hindi alam ni Sabrina kung ano ang kanyang magiging reaksyon.Naiwan siyang gulat dahil sa biglaang pagdating ni Nigel.Sa isip niya, nagtaka siya kung meron pa kayang magpapakita pagkatapos ng nangyari.Darating kaya si Sebastian?Parang nung nakaraang anim na taon lang, nung inimbita siya ni Old Master Ford sa Ford residence para lang saktan siya kasama ang iba pang miyembro ng mga nakakataas. Dati, sila ay mga galing sa nakatatandang henerasyon, pero ngayon, sa kabataan naman.Pagbalibaliktarin man, malinaw na lahat sila ay may maitim na balak laban kay Sabrina, at gusto na siya ay dispatyahin.Ngunit sa di inaasahan, si Nigel ang pumunta ngayon para iligtas siya.Nagsimula ulit siyang magsalita, "Sabrina, kung ano man ang ginawa sayo ni Zayn dati, kaya ko rin yun gawin. Hindi lang yun, kaya ko rin ibigay sa'yo ang buhay ko kung kailanganin mo. Alam kong hindi mo pa ako pinagkakatiwalaan, kaya ipapakita ko sa'yo na seryoso talaga ako. Pwede na tayong umalis ngayon at sundu
Pero, sa anim na taon na yun, hindi man lang nilambing ni Nigel si Mindy. Kahit isa siyang lalaki na ginugugol ang kanyang mga gabi kasama ang sangkaterbang mga babae, ni minsan ay hindi niya nailapat ang kanyang daliri kay Mindy. Naisip niya na maaaring ito ay dahil marami na siyang nakitang magaganda sa labas, at sa dami ng iba't ibang karanasan niya kasama sila. Pero, inakala ni Mindy na ito ay mabuting bagay. Naniwala na rin kasi siya na kung hindi interesado si Nigel sa kanya, hindi rin ito magiging interesado sa iba pang babae.Dahil dito, nang makita niya kung paano gustong alagaan ni Nigel si Sabrina, nabaliw bigla si Mindy.Sinugod niya si Sabrina, habang nakatutok ang kanyang matutulis na kuko sa mukha ni Sabrina. "Ikaw p*ta ka! Isinusumpa kong sisirain ko yang mukha mo ngayon! Ang lakas ng loob mong akitin ang asawa ko? Sisiguraduhin kong babalatan kita nang buhay sa araw na 'to!"Isinantabi na ni Mindy ang pag-aalala niya sa kanyang reputasyon at imahe. Sa pagkakat
Nang makita niya si Nigel na umalis kasama si Sabrina, sumigaw si Emma nang may galit sa kanya, "Nigel! Tumigil ka dyan!"Tinignan agad ni Nigel si Emma nang may pandidiri sa mukha. "Emma Poole! Ng Poole family sa Kidon City! Ang pinsan kong si Sebastian at ang Poole family ay may sobrang lalim na relasyon. Mas malapit pa yata siya sa Poole family kumpara sa sarili naming lolo't lola, tito at tita. Kaya tingin ko ikaw siguro ang may pakana sa okasyon ngayong araw?"Nginitian siya nang malamig ni Emma. "Mabuti naman at alam mo yan!"Tumingin siya sa mga babae sa hall bago bigyan ang tahimik na si Sabrina ng nakakainsultong tingin. Ibinalik niya ang kanyang tingin kay Nigel. "Walanghiya ka rin pala! Alam naman naming lahat na madalas kang nambababae, pero ang lakas pa rin ng loob mong ipakita yang makapal mong mukha. Tungkol naman sa kontrata niyong dalawa ni Mindy, bahala ka na sa buhay mo. Labas na kami dun."Hindi namin binalak ang okasyon na ito para atakihin si Sabrina. Ang toto
Ang grupo ng mga babae doon ay kadalasan namang kumikilos nang maayos at sinusubukan talaga nilang panatilihin ang malinis na imahe.Pero kapag gusto nilang isumpa ang isang tao, ang mga babaeng ito ay talagang mas masama pa at mas kasuklam-suklam kumpara sa kahit sino. Ang totoo niyan, walang binatbat ang mga nag-aaway na babae sa palengke kung ikukumpara sa kanila.Nag-away away sila para lang sa pagkakataong makapagsalita, na para bang natatakot sila na baka may gumaya sa mga plano nilang sabihin.Habang pinapanood niya ang mga babaeng ito na inaaway si Sabrina, nakaramdam ng matinding pagsisisi si Nigel sa puso niya.Matagal na siyang naniniwala na ang mga kamalasan ni Sabrina ay isang resulta ng mga maling ginawa niya dati.Kung hindi niya nalang sana siya pinaglaruan noong nakalipas na anim na taon.Kung nagpakita man lang sana siya ng kahit kaunting kabaitan kay Sabrina at sa bata sa sinapupunan niya dati, nabubuhay na siguro siya nang mapayapa ngayon, at ginagawa ang gust
Lahat ay natigilan nang makita nila ang pagpasok ng dalawang mga lalaki.Sa ilang saglit, ang mga journalist ay napatigil din sa pagkuha ng litrato.Pumasok din bigla si Marcus sa loob ng hall, at nakasunod si Ryan sa likod niya."Sabrina! Nasaan ka Sabrina?""Nasaan si Sabbie?!"Nang makita ng dalawa na nakatayo si Sabrina sa pwesto niya, tumaas nang sabay ang mga kilay nila.Kakababa lang ng eroplano ni Marcus.Pagkatapos niya makita ang video ng eskandalo ni Sabrina sa ward ni Old Master Shaw, agad niya itong tinawagan. Pero, nang mapansin niya na parang ayaw nitong magpaliwanag ng kahit ano sa telepono, nag-utos si Marcus sa isang tao na palabasin si Linda sa pagkakakulong para siya na lang ang tanungin. Nung oras na gagawin niya na ito, bigla siyang sinabihan ng hotel manager na nagawa nilang kumuha ng pinakamaagang alis ng eroplano pabalik sa South City. Ipinaliwanag niya na kung hindi pa umalis si Marcus papunta airport ngayon, baka hindi siya makabalik doon sa tamang ora
Inisip ni Marcus sa sarili niya, "Mindy, kakaiba talaga ang pagkatao mo!"Tiningnan niya nang masama si Ryan at sinabi, "Wag mong kalimutan, na ang tita mong yan ay minsang nagpakabaliw kay Sebastian!"Sinampal ni Ryan ang noo niya at sinabi, "Shet, nalimutan ko ang tungkol sa manyak na yun! Makamandag ang babaen yun!"Matapos na magkatinginan, ang dalawa ay nagsimulang tumakbo papunta sa banquet hall.Habang papalapit sila sa entrance, bigla nilang napansin na puno ito ng mga reporter. Nung oras na yun, wala na silang oras para palayasin ang mga journalist kaya diretso na silang puamsok sa hall kung saan nakita nila ang isang grupo ng babae na pinagsasabihan si Sabrina.Nakatayo sa gilid ni Sabrina si Nigel at Daniel."Sabbie, ayos ka lang ba?" nagtanong si Marcus, ang boses niya ay puno ng pag-aalala.Sinubukan din siyang pakalmahin ni Ryan. "Sabrina, wag kang mag-alala, ang hotel na 'to ay pagmamay-ari ng Poole family. Dahil nandito ako, walang sino man ang pwedeng mang-away