Hindi na nag-abala pa si Sabrina na tingnan si Jade.Pero, si Jade ang nagkaroon ng matinding reaksyon. Pagkatapos niyang mahimasmasan sa una niyang pagkagulat, sinigawan niya si Sabrina, sinusubukan niyang itago ang pagkakasala niya, "Ikaw...kailan ka pa dumating dito!"Kalmadong nagtanong is Sabrina, "Hindi ka ba nag-aalala?""Ano?!" Inakala ni Jade na sasabihin ni Sabrina ang tungkol sa nangyari sa kanila ng lalaki sa kotse kanina.Ang ekspresyon sa mukha ni Sabrina ay para bang hindi natitinag. "Ang lolo ng anak mo ay nakaratay sa ospital sa Kidon City, pero bakit parang hindi ka nag-aalala sa kondisyon niya? O baka hindi ka nalulungkot kasi hindi mo naman kamag-anak si Old Master Shaw?"Kahit na halata namang iniinis siya ni Sabrina, biglang mas naging kalmado si Jade nang marinig niya ito.Hanggat walang alam si Sabrina tungkol sa pakikipag landian niya sa iba, wala na siyang pakialam sa ibang bagay.Samantala, suminghal si Sabrina sa sarili niya.Alam niyang takot si Jad
Ang wala sa oras na pagbabalik na Sabrina ay nagpababa lang ng posibilidad na matuloy ang kasal ng anak niya kay Sebastian.Bukod dito, ang katotohanan na nagsilang siya ng isang bata na kasama niya ay mas nagpatama pa nang malakas ngayon sa Lynn family.Ang pagkabuhay ng batang ito ay nagpatunay na nagsinungaling lang ang Lynn family sa mga taong nakalipas.Bukod dito, ipinakita lang nito sa lahat na nabahiran na ang pagkababae si Selene, at naging buntis pa sa anak niya sa ibang lalaki.Kung hindi lang dahil sa pagprotekta sa kanila ni Old Master Shaw sa nakalipas na anim na taon, siguro matagal nang sinira ni Sebastian ang Lynn family at pinatay silang tatlo, at pinagpira-piraso ang kanilang katawan.Walang paraan para sa isang masamang taong katulad niya na hayaan lang ang Lynn family na guluhin siya nang ganun.Sa pag-iisip niya nito, isang galit na galit na Jade ang lumapit kay Sabrina, ang mga braso niya ay humaba para lumaban.Siya ay na sa mga late 50s na. Bukod dito, p
Nang makita na natigilan si Lincoln sa kinatatayuan niya, si Jade, na meron pa ring putik at dugo sa mga labi niya, ay parang nagulat din.Anong kaya ang nakalagay sa sulat? Gusto niya talagang malaman.Kahit na siya mismo ay nangangaliwa kay Lincoln para sa ibang lalaki nang hindi nito alam, hindi niya hahayaan na lokohin siya ni Lincoln."Lincoln, sabihin mo sa akin kung ano ang nasa sulat!" Naiinip siyang sinigawan ni Jade.Pero, si Lincoln ay walang imik at nakatulala lang sa kanya.Pagkatapos na basahin ulit ito nang isa pang beses, nilabas ni Sabrina ang lighter na dala niya at sinilaban ang sulat at nasira na rin sa oras na yun.Habang hawak niya ang nasusunog na sulat, nakatutok ang mata ni Sabrina kay Jade nang may ngiti sa mukha niya.Mukhang lalo pang nag-alala at kinabahan si Jade dito. "Lincoln! Tungkol saan ba ang ipinadalang sulat sayo ng mama ni Sabrina!"Galit na sumagot si Lincoln, "Wala! Wala lang yun!""Lincoln! Sa tingin mo ba tanga ako!" Nagwala si Jade.
Paano sila nahulog sa patibong ni Sabrina nang ganito?Ang sampal ni Lincoln ay tumama sa pisngi ni Jade, na nagpainit sa pisngi niya na parang nasusunog ito. Natigilan si Jade ng ilang segundo sa pwesto niya, bago nagsimulang kagatin at sipain nang matindi ang asawa niya.Ang pag-atake sa kanya ng asawa niya ay lalo pang nagpagalit kay Lincoln. Sinabunutan niya ang buhok ni Jade at tinapon ito sa gilid ng buong lakas niya.Kailan nga ba matatalo ng isang babae ang isang lalaki sa isang totoong labanan?Lalo na si Jade, na ginugol ang buong buhay niya sa malamyang paligid.Bago pa magawang hawakan ulit ni Jade ang asawa niya, agad siyang nasipa nang malakas ni Lincoln. Nung sinubukan niyang umatake ulit, sinabunutan niya ang buhok ni Jade nang malakas at kita na meron ng isang bungkos ang nalagas. Nung bumitaw na siya dito, nagdudugo ang isang parte ng anit ni Jade na nawalan ng buhok.Nung oras na ang katawan at mukha niya ay puno na ng sugat at pasa dahil sa pambubugbog sa kany
Si Ruth, na halatang may kasalanan sa tono ng pananalita niya, ay nagsalita sa nahihiyang boses. "Sabrina, pupunta ka na ba sa handaan ngayon?"Nang walang pag-aalinlangan, tinanong ni Sabrina, "Ano bang gusto mo!"Nautal si Ruth, "A...alam ko, kinamumuhian mo ako. Lahat ng mga nangyari nung nakaraan ay kasalanan ko. Hindi dapat ako nakinig sa pinsan ko at kumampi sa kanya laban sayo. Inaamin ko na ngayon na nagseselos lang ako sa kung gaano ka kaganda at kalamig."Nag...nagseselos ako sayo.""Ano bang gusto mong sabihin?" malamig na sumagot si Sabrina."Nag...nagsasabi na ako nang bukal sa loob ko ngayon. Hindi...hindi na ako mag-iisip na saktan ka ulit," nagawa rin na sabihin ni Ruth matapos na kumuha ng lakas ng loob.Si Yvonne, na nakatayo sa tabi ni Ruth, ay halos mamatay na sa pagkabahala habang pinapakinggan ang usapan nila sa tawag.Matapos niyang pagalitan nang matindi si Ruth, handa na si Yvonne na ituring siyang kaaway ni Ruth simula ngayon. Pero, sa ilang rason, isan
Kung maari, inaasahan ni Sabrina na hindi madamay ang mga inosenteng batang babae sa problema niya. Matapos ang tawag, hinimok niya ang driver na bilisan pang magmaneho. Pagkatapos ng halos isang oras, sa wakas ay nakarating na si Sabrina sa bungad ng hotel.Nandito na naman siya. Noong nakaraan na naparito siya, na side-line siya ng mga mayayamang babae mula sa kindergarten.At sa oras na ito, anong klaseng kapalaran ang nag-aabang sa kanya? Kahit hindi man isipin, kayang hulaan ni Sabrina ang mga mangyayari. Kasama ang may masamang balak na babaeng si Emma sa kanyang kapangyarihan, malamang na ang piging ngayon ay walang kapatawaran kaysa sa maliit na pagtitipon ng mga magulang noong nakaraang linggo. Sapul sa banga ang hinala ni Sabrina.Nang nakalabas siya sa sasakyan, ang grupo ng hindi tataas sa benteng reporter ang nagmadaling kuyugin siya. Ang ilan sa kanila ay may hawak na microphone sa kanilang mga kamay, habang ang iba ay propesyonal na dala ang kanilang mga cam
Tumitig si Sabrina kay Emma sa kalmadong ekspresyon. “Anong meron?”Si Emma, na mukhang sobrang naiinis ay bumulalas, “Sabrina, sobra... sobra ka na! Hindi nakakagulat na sina Lolo Shaw at ang Lolo Ford ko ay nagdesisyon na magsanib pwersa sa Timog na syudad para pigilan ka. Kitang-kita ko kung bakit ang mga mayayaman ay may sama ng loob laban sayo anim na taon na ang nakakalipas. Hindi ako makapaniwala na wala ka pa ring kahihiyan!”Kahit na matapos siyang magsalita, patuloy pa ring pinakita ni Emma ang nandidiri niyang mukha kay Sabrina. Maya maya, ang grupo ng mga reporter na nakatayo sa tabi nila ay patuloy na pinipindot ang kanilang mga camera habang nagsasalita sila at pinamamahalaang itala ang nandidiring ekspresyon ni Emma. “Lumabas ka! Lumabas kayo, lahat kayo! Sino ang nagpapasok sa inyo rito?! Hindi ko gustong lumabas ang pangalan ko online katulad ng Sabrina na ‘to!” Galit na sigaw ni Emma sa grupo ng mga reporter. Gayunpaman, tulad ng sinabi ni Emma. Kahit na ang p
"Sabrina, ang pagkahumaling mo sa kasikatan ay binabaliw ka na ngayon! Plano ko sanang bigyan ka ng pagkakataon para baliktarin ang sitwasyon, pero tinawag mo ang mga reporter para magtipon tipon dito. Ano ba talaga ang motibo mo?" Pinagalitan ni Emma si Sabrina sa harap ng dagat-dagatang kamera.Ang mga reporter ay kinuha ang pagkakataon para tanungin si Emma."Miss Poole, maari mo bang sabihin sa amin ang tungkol sa detalye?" "Miss Poole, ano ang ibig mong sabihin na may pagkakataong mapabuti kayo? Naisip mo bang ipaliwanag ito sa amin?" Umismid si Emma sa kanila, "Sa ngayon, masasabi ko lang na ikaw, Sabrina, ay binabaril sa iyong sariling mga paa. "Alam ko ang iniisip mo! "Alam ko na ngayon. Ang mga hubad na larawan mo sa mga bisig ng isang lalaki. Ikaw ang nag-post nito sa Internet, hindi ba? "Ginamit mo ang maliit na panlilinlang mo na ito upang makuha ang atensyon ng lahat ng mga mamamahayag na ito. "Kung ganoon, tinawag mo sila rito upang makakuha ka ng litrato sa