Nang marinig niya kung paano ipinakilala sa kanya si Sebastian, biglang itinaas ni Sabrina ang kanyang ulo upang tumingin sa kanya. Malinaw ang ekspresyon ni Sebastian. Ito ang uri na ang lahat ng kanyang mga damdamin at hangarin ay hindi ipinapakita sa kanyang mukha at pag-uugali. Hindi mahulaan ni Sabrina ang kanyang mga iniisip ngunit naramdaman lamang ang kanyang braso na nasa paligid niya ay may malaking lakas. Hindi siya maaaring makawala kahit na gusto niya. Maaari lamang niyang sundin ang kanyang tingin at lumakad sa bulwagan. Ang pangunahing bulwagan ng tirahan ng Ford ay bilang klasikong, maluho, malawak at nangingibabaw tulad ng anim na taon na ang nakalilipas. Gayunpaman, hindi tulad ng maraming mga tao sa bulwagan tulad ng anim na taon na ang nakalilipas. Medyo huminahon ang puso ni Sabrina. Nang mas maingat siyang tumingin, nalaman niya na ang Old Master Henry Ford at Old Madam Ford ay nakaupo sa pangunahing upuan sa gitna. Nakahiga si Aino sa katawan ng matanda.
Kahit gaano pa kasama si Sebastian, hindi niya kayang gumawa ng mga bagay na makakapuksa sa mga ninuno niya.Pero, importante pa rin na takutin sila kahit papaano.Tulad ng inaasahan, apat na mga nakakatanda sa lumang bahay ang napasuko."Kahit na, siya pa rin ang nanay ni Aino. Papasukin mo siya dito." Si Henry ang kauna unahang gumaan ang loob.May sasabihin sana si Rose pero pinigilan siya ni Sean. Kilala ni Sean ang anak niya higit pa sa kahit sino, at alam ng lahat kung gaano kasama ang anak niya. Dahil nagdesisyon ang anak niya na pakasalan si Sabrina, ang sino mang pumigil sa kanya ay isang taong hindi na gustong mabuhay pa.Nanood sila nang dilat na dilat ang mga mata habang aroganteng naglakad si Sebastian at nakaakbay ang isang kamay kay Sabrina. Ang huling beses na pumunta ni Sabrina sa main hall ay noong isa pa siyang preso.Pero ngayon, siya na ang asawa ng pinaka makapangyarihang tao sa lugar na ito.Siya na ang Young Mistress dito.Hindi naging komportable ang ma
Hindi ipinanganak si Sabrina na matigas ang ulo. Siya ay isang taong masunurin kung papakitaan lang talaga siya ng kabutihan sa realidad.Pero, hindi siya nakatanggap ng kabutihan simula noong bata pa siya."Sabrina, halika dito, dali pumunta ka na." Ang old madam na nasa kabisera ay kinakawayan si Sabrina habang binubuksan niya ang isang maliit na mahogany box sa tabi niya.Mukhang meron siyang isang bagay na ilalabas para kay Sabrina.Hindi gumalaw si Sabrina nung una.Magaan naman ang pakiramdam niya kay old madam pero malakas din ang pakiramdam niya. Hindi niya gusto yung mga bagay na hindi niya dapat kunin.Wala rin naman siyang pakialam dito.Pero si Sebastian na nakaupo sa tabi niya ay tinaas ang kamay niya at hinawakan ang kamay ni Sabrina. Pinilit niyang patayuin si Sabrina, "Sabi ni Lola lumapit ka. Bakit wala kang kahit anong respeto?"Walang sinabi si Sabrina.'Napag-usapan na namin na hindi dapat ako magsalita!''Ang taong ito talaga!''Kinain niya lang ang mga
Totoong magaling tumingin ang old madam.Hindi nakapagpigil si Sebastian at hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ni Sabrina.Ang eksenang ito ay nakita ni Frost na nakaupo sa harap nila. Hindi na kailangan pang banggitin kung gaano ka emosyonal ang naramdaman niya sa puso niya.Sa oras na ito, nagsalita ulit ang matanda na nakaupo sa kabisera, "Dahil ikaw ay isang ganap na manugang na ng Ford family, dapat alam mo na ang tungkol sa mga koneksyon ng Ford family. Ang Ford family at ang Shaw family ay mga tanyag na pamilya na dalawa hanggang tatlong daang taon nang kilala sa South City.""Noong unang panahon, parehong Ford at Shaw family ay mahilig magnegosyo.""Nitong mga nakaraang dekada, ang Shaw family ay mas naging tutok sa pulitika at literatura.""Pero, ang pagkakaibigan sa pagitan ng Ford at Shaw family ay hindi kailanman nasira dati. Sinabihan ko si Sebastian na bumalik ngayon. Sa isang banda, ito ay dahil gusto naming makita ang aming apo sa tuhod na si Aino. Sa kabilang
Naisip din ni Sabrina na tama lang ito.Si Old Madam Ford lang naman ang tumanggap sa kanya at nagbigay ng pamana galing Ford family. Pero malapit na rin magkaroon ng edad ang old madam. Siguradong hindi papayag ang mga miyembro ng Ford family na maipasa sa kanya ang pamanang ito.Hindi nga sila naglaan ng upuan para sa kanya sa dining table, paano pa ang pagpasa ng pamana sa kanya.Naramdaman ito ni Sabrina at sinabi kay Sebastian, "Marami akong nakain kaninang umaga kaya hindi ako nagugutom. Medyo hindi komportable ang tiyan ko kaya gusto ko sanang humiga muna saglit sa kotse."Naalala niya na nagsinungaling siya kay Sebastian tungkol sa buwanang dalaw niya. Ito ang tamang oras para magsinungaling at sabihin na hindi komportable ang tiyan niya.Ngumiti agad nang mahalay si Sebastian, lumapit siya sa tenga nito at sinabi, "Masakit ang tiyan? Gusto mo bang haplusin kita? Lahat ng lalaki ay may init sa loob. Kapag nainitan yan hindi na yan sasakit."Hindi nakasagot si Sabrina. Nam
Nag-utos si Rose sa katulong na nakapwesto sa dining room, "Wag kang maglagay ng plato at kubyertos para kay Sabrina sa dining table mamaya. Ayaw niya akong ituring na biyenan at hindi man lang siya nakipag-usap sa tatay niya at sa akin. At dahil hindi niya kami kinilala, hindi siya makakakain sa la mesa!""Titingnan ko kung anong kaya nilang gawin sa akin!"Talagang sinasamantala maigi ni Rose ang pamumuno niya.Walang kahit sinong katulong ang sumubok na hindi sumunod. Nung una sampung tao ang nasa dining table kasama si Aino. Pero, ang pwesto ni Sabrina ay nawala.Nakalagay na ang mesa at mga upuan sa mga pwesto nito. Tuwang tuwa naman si Frost sa loob loob niya.Gusto niyang makita mismo kung ano ang gagawin ni Sabrina sa ganitong sitwasyon. Unang naglakad si Frost papasok sa dining room at nag-iinarte ito na dapat siya ang inuuna at umupo na siya sa dating pwesto niya.Sabik niyang binati ang mga miyembro ng Ford family, "Lolo, Lola, Tita Rose, Tito Sean, Tita at Tito Conor.
Humagalpak ang tawa ni Frost dahil ang taas ng tingin niya sa sarili niya.Tuwang tuwa siya at tumingin kay Sabrina. Ang ibig niya talagang sabihin, 'Naisip mo ba na kapag tinuring ka ni Sebastian bilang asawa eh makakaupo ka dito at makakakain sa dining room ng Ford residence?''Inakala mo ba talaga na ikaw ang asawa ni Sebastian?''Tinanggap mo ang bracelet na galing sa old madam at nadismaya mo ang buong Ford family.''Ang bracelet na yan ay para dapat sa tita ko.''Balang araw, mapapasakin din yan.''Ikaw ay isang babae na tumaas lang ang estado dahil sa anak mo, at ngayon gusto mong kamkamin ang pamana ng Ford family.''Pinapalayas ka na ngayon pa lang at dapat lang sayo yan.'Ang buong talumpati ni Frost sa imahinasyon niya ay hindi pa pala sapat sa pagmamayabang niya. Pinantayan niya ang galit ni Sebastian at pinagalitan si Sabrina. "Miss Scott! Ang dining room ng Ford family ay isang lugar na hindi mo dapat pinupuntahan. Malamang ang pagsabi sayo na lumayas ka ay ang pi
Pero, ano nga ba ang masasabi ni Rose?Buong buhay niyang nilabanan si Grace.Noong una naisip niya na naipit niya na si Grace sa kamay niya. Ipinatapon ang nag-iisang anak ni Grace at wala rin nga itong karapatan sa mana. Sinong mag-aakala na kakayaning baliktarin ng anak ni Grace ang sitwasyon ng mga kalaban nito sa isang gabi lang?Inalis niya ang lahat ng mga anak ni Rose.Bukod dito, ginawa niya ito nang tahimik.Siya ngayon ay isang taong walang direktang angkan. Ang tanging estado niya lang sa paninirahan sa Ford residence ay bilang asawa ni Sean Ford. Wala nang iba pa bukod dito.Sa oras na ito, hindi na talaga sinubukan ni Rose na mapanatili pa dito si Frost.Ang nagawa niya lang ay manuod habang pinapalayas si Frost nang dilat na dilat ang mga mata niya. Tinakpan ni Frost ang mainit at maanghang niyang mukha at pinalabas ng Ford residence habang nakatingin sa kanya ang mga katulong sa loob ng mansyon."Kumain na tayo." ngumiti na rin sa wakas ang mukha ng Old Madam Fo