Kahit kailan ay hindi sinubukang pilitin ni Zayn na magkaroon sila ng relasyon ni Sabrina. Nagturingan ang dalawang ito na parang magkapatid. Habang lumilipas ang oras, ang pinagsamahan ng dalawang ito ay napunta sa pagturing nila sa isa't isa na parang magkadugo na din, at itinuturing ng anak ni Sabrina si Zayn bilang tito niya. Lumipas ang apat na taon at naging tahimik ang buhay nila. Umuuwi si Sabrina tuwing gabi para alagaan si Zayn. Tinutulungan niya itong makapasok sa bahay at inaayos nito ang kama para sa kanya bago siya umalis para sunduin ang anak niya sa eskwelahan. Madalas ay sinasamahan ng anak ni Sabrina ang tito niya kapag pabalik na siya sa construction site at nagtatrabaho siya hanggang alas sais imedya. Pero nung kakatapos niya lang tulungan si Zayn sa bahay, tumunog ang phone niya."Hello? Miss Wals?" Ang tawag ay galing sa guro ng anak niya doon sa eskwelahan."Mrs. Scott, kailangan niyo na pong pumunta dito ngayon. Nakipag-away na naman ang anak niyo sa isa niyan
Tumalikod ang matabang lalaki para harapin si Sabrina at sumigaw, "Ikaw hampaslupa, humingi ka ng tawad! Kailangan mong lumuhod at humingi ng tawad!""Sabi ko, ayusin mo ang pananalita mo!" Kalmadong sagot ni Sabrina."Bakit? May sinabi ba akong mali? Hindi ba solong ina ka? at hindi lang pala yun, hindi ka rin pala kasal! Ang mga babaeng katulad mo ay ipinanganak na walang hiya at walang halaga! Ang hampaslupa mong anak ay walang pinagkaiba sa hampaslupa niyang nanay, at talagang sinubukan niyang saktan ang anak ko? Sino ka ba sa tingin mo?"Isang babaeng mukhang mapanira ang nakatayo sa tabi ng matabang lalaki at masama ang tingin sa kanya. Nakasuot siya ng itim at puting stripes na jacket na gawa sa balahibo ng mink at para bang ipinagmamalaki nito kung gaano siya kayaman. Sobrang kapal ng makeup niya sa mukha at para bang nasisira ito habang sinisigawan niya si Sabrina. Kitang kita na ang mag-asawang ito ay mga hindi edukadong nagpipilit mayaman, at hindi natatakot si Sabrina sa
"Ang lolo at lola ni Leo ay malaki ang binigay at sila ang nag sponsor ng mahigit dalawang daang libong dolyar dito sa eskwelahang ito, sila ang...""So ang sinasabi mo talaga," Pinutol ni Sabrina ang pagsasalita ni Miss. Wals at nainis ito, "Kung hindi kami humingi ng tawad, pagbabawalan niyo na ang anak ko na ituloy ang pag-aaral niya sa eskwelahang ito?"Natatakot ako..." Sagot ni Miss Wals habang nahihirapan siyang sabihin ang tamang salita. "Natatakot ako na baka hindi lang ganun kasimple yun. Kahit na mag drop out si Aino, kailangan niya pa rin... humingi ng tawad.""Para saan pa?" Tumaas ang boses ni Sabrina."Ms. Scott, kailangan niyong maintindihan na yung anak niyo talaga ang naunang sumuntok sa kaklase niya," Sabi ni Miss Wals."Gusto kong makita ang kuha sa cctv!" Galit na galit si Sabrina. Sa nakalipas na limang taon na tumira siya dito, hindi siya nakagulo sa kahit sino at naging tutok lang siya sa trabaho niya. Siguro nga siya ay isang tao na tapat at seryoso at mas
"Wag kang aalis dyan, hampaslupa!" Hindi nakatayo ang lalaki dahil sa sakit ng likod niya kaya sumigaw na lang siya habang nakaupo sa sahig. "Ikaw babae, subukan mong lumabas sa eskwelahang 'to ngayon at sisiguraduhin kong magdudusa ka dahil dito. Makikita na lang ng mga tao ang bangkay mo at ng anak mo sa kalye at nabubulok na!"Nagulat si Aino sa pananakot ng lalaki at nanigas ang kamay na nakahawak sa palad ng nanay niya.Tiningnan ni Sabrina ang anak niya, kumirot nang konti ang puso niya para sa bata at sinabi niya, "Aino, okay lang yan. Si Mama ang bahala sa kanila."Tumango si Aino at si Sabrina ay lumingon at tinitigan nang kalmado ang mapanirang pamilya. "Nakatayo na ako dito ngayon, bakit di niyo na gawin ang balak niyo ngayon? Nasa sibilisadong lipunan tayo, subukan niyo lang akong saktan at tatawag ako ng pulis. At hindi lang yun, magsasampa rin ako ng kaso laban sa eskwelahang ito. Narinig ko na ang biyenan mo ang tumulong para ipatayo itong eskwelahan, tama ba yun? At
Lalo na sa tatlong buwan na yun. Pinapasok siya sa isang hindi pangkaraniwang komunidad sa South City para paglaruan ng mga lalaki na galing sa mayayamang pamilya at halos muntik pa siyang mapatay dito. Sapat na ang tatlong buwan para hindi na maniwala si Sabrina sa totoong pagmamahal at higit sa lahat ayaw niya ng magkaroon ng kinalaman sa mga mayayamang lalaki. Ang gusto niya na lang ay mabuhay nang payapa kasama ang anak niya at si Zayn dito sa probinsya habang nabubuhay pa siya at wala ng higit pa doon.Nag-alangan nang saglit si Sabrina bago sumagot, "Director Johns, medyo marami pa po akong gagawing trabaho dito. Paumanhin po pero kailangan ko munang ibaba ito."Binaba ni Sabrina ang tawag at mabilis na sumakay sa scooter kasama ang anak niya. Pagkabalik pa lang nila ng bahay, pumasok si Aino at sumigaw ito, "Tito, tito!" habang papunta siya.Narinig sila ni Zayn at ginulong ang sarili palabas. "Oh, Nandito na pala ang pinakamamahal naming si Aino. Pwede mo bang sabihin kay Ti
Tumalikod si Sabrina at nakita ang developer ng kasalukuyan niyang proyekto sa construction, ang may-ari na tumawag sa kanya kanina na si Neil.“Director John, bakit kayo nandito?” mahinahong tanong ni Sabrina habang nakatingin lang siya kay Neil.Nakasuot si Neil ng isang suit na magandang-maganda at lalo pang lumabas ang kagwapuhan at mala-atleta niyang katawan dito. Ang itsura at yaman na meron siya ang naging dahilan para mapabilang siya sa isa sa mga piling binata na maraming babae ang nagkakandarapa para makapasok sila sa puso ng mayaman na lalaking ito. Siguro kung nakakilala si Sabrina ng lalaking katulad ni Neil nung college pa siya, baka nahumaling na siya dito. Pero pagkatapos ng lahat, ang gusto na lang ni Sabrina ay tahimik na mabuhay kasama ang anak at kuya niya."Gusto sana kitang imbitahang maghapunan pero dahil nakabalik ka na pala sa bahay, naisip ko na pumunta na lang para kamustahin ka." Tinaas ni Neil ang kamay niya na may hawak na isang basket ng prutas at bula
Pagkatapos ng hapunan, nagpasya si Sabrina na magpalipas ng gabi sa pagsusuri sa blueprint para sa konstruksyon, habang si Zayn ay hawak-hawak si Aino at binabasahan sya ng libro. Ang dalawa ay labis na natuwa sa piling ng bawat isa at si Sabrina ay sumisilip naman sa kanila paminsan-minsan, pakiramdam na lahat ay tama sa mundo.Kinabukasan pagkatapos ng agahan, nagpunta si Sabrina upang makipag-usap kay Zayn."Babalik ako sa kindergarten ni Aino upang maipatuloy ang paglipat sa kanya, at maghanap ng ibang kindergarten sa ibang lugar. Marahil mas mabuti na panatilihin ang distansya natin sa mga taong tulad ni Mr. Sullivan, napakalakas nila kumpara sa atin at ayokong ipagsapalaran na sumasalungat sa kanila, mas magandang iwasan na lang silang lahat. ""Sige," tumango si Zayn bilang pagsang-ayon.Matapos mapagkasunduan, si Sabrina ay malapit nang lumabas nang makita niya ang dalawang lalaki na nakatayo sa labas ng mga bakod at papatok na sana sa pintuan. Ang dalawang lalaki ay nakasu
Napakababa ng tinig ni Sabrina na bahagya kahit na isang bulong na walang naririnig sa tabi niya, at mas katulad ng isang mahinang tunog na inilabas mula sa lalim ng kanyang lalamunan. Ang bawat kalamnan sa kanyang katawan ay hindi mapigilan sa presensya ng lalaki. Ito ay anim na taon at ang nakakatakot na aura sa kanya ay tila mas lumalim lamang mula nang huli siyang makita. Nang hindi man lang nagsabi, maaari niyang mapaluhod ang pinaka-may lakas na loob na mga tao. Ang pamilyang Sullivan ay nawala ang bawat huling hibla ng kanilang dating kayabangan sa sandaling siya ay pumasok, at kaagad na kinubkob ang lalaki."Mister ... Mr. Ford, ano ang nagdala sa iyo dito? Ito ... itong pinsala sa aking likuran na ito ay hindi naman talaga masama," mapang-asang ngumiti si Mr. Sullivan kay Sebastian, nauutal na tila ba nawalan siya ng salita. Natatarantang tumango ang kanyang asawa sa tabi niya, hindi naglakas-loob na bumigkas ng isang solong salita.Nakakagulat na ang anak nilang si Leo ay t