Nakaramdam nang pagiging ligtas si Sabrina sa puso niya.Hindi niya ito inaasahan na sa loob ng dalawang buwan na nasa South City siya, nakilala niya si Sebastian, si Nigel at sinubukan niya ring humiram ng pera kay Marcus noon.Ang isang tao na hindi niya lang masyadong nakausap ay si Zayn. Tuwing nakikita niya si Nigel, makikita niya si Zayn na kasama ito. At tuwing nagkikita sila, hindi siya kinakausap ni Zayn at ngingiti lang sakanya. Hindi niya inaasahan na ililigtas siya ni Zayn ngayong araw.“Salamat, Young Master Smith.” Sabi ni Sabrina.Pinakalma siya ni Zayn, “Ligtas na tayo pagkaalis natin ng South City. Pwede naman tayong bumalik sa hinaharap kapag nagkaroon tayo nang pagkakataon.”Umiling si Sabrina, “South City, hindi na ako babalik dito. Ang tao na ‘yon, hindi ko na siya hahanapin pa. kapag sinilang ang anak ko, sasabihin ko na patay na ang tatay niya.”South City, paalam na! Sebastian, paalam din! Ayaw na rin siya sigurong makita ni Sebastian. Sa sandaling ‘yon, h
Hindi nakapagsalita si Sabrina. Nagulat siya, lumaki ang mga mata niya at tiningnan si Sebastian na parang hindi niya ito pakakasalan, “Young Master… bakit?”Sa likod nila, nagulat ang mga panauhin na dumalo.Si Lincoln at Jade na nakaupo sa harapan ay natataranta. Isang segundo lang ang nakalipas, masaya sila pero ngayon ay parang mahuhulog sila sa isang butas. Naramdaman nang dalawa na para silang papatayin.Nagmamadaling nagtanong si Jade, “Bakit Young Master? Bakit mo ‘to ginagawa? Ang bata sa tyan ni Selene ay anak mo! Anak mo siya!”Kahit si Henry ay nalitong nagtanong, “Sebastian, masyado na ito. Umabot na ang kasal sa ganito at dinadala ni Miss Lynn ang anak mo. Masyado na kapag sinabi mong ayaw mong magpakasal sakanya ngayon!”Pero, alam ni Henry na mga salita lang ito. Alam niya na hindi makikinig sakanya ang apo niya. Wala namang pinapakinggan si Sebastian. Hindi rin siya nagbigay ng eksplenasyon noong sinabi niya sa pastor na, “Ayaw ko siyang pakasalan.”Tumalikod siy
“Opo, Young Master!” sagot ng mga bodyguard.Muntik nang mapaluhod si Selene sa sahig. Kaya lang siya hindi nahulog dahil inalalayan siya ng mga bodyguard. Ang mga bodyguard ni Sebastian ay hasa sa ensayo. Dahil inutusan sila ni Sebastian na bantayan si Selene at siguraduhing walang mangyayaring masama sa anak ni Selene, ang mga bodyguard ay sinigurado na magiging responsable sila rito.Pero, parehong nahimatay sina Lincoln at Jade sa sahig. Matagal silang walang reaksyon, nanonood lang at natigilan pagkaalis ni Sebastian.“Hindi pwede…” sumigaw si Jade at bigla nalang nahimatay.The three of them were being confined and looked after like criminals.Ang tatlo sakanila ay nakakulong at binabantayan ang mga criminal.Matapos umalis sa hall, nakapunta na si Sebastian sa kotse niya, hinihintay siya ni Kingston, “Young Master, nabangga si Sabrina ng isang truck at hindi na namin alam kung nasaan siya ngayon. Hindi rin naming mahanap ang driver ng truck.”Sabi ni Sebastian, “Sige.”“Y
Nagulat si Lincoln, “Anong sinabi mo?”Hinawakan ni Jade ang binti ni Lincoln, “Lincoln, mag isip ka na agad ng plano. Anong gagawin natin ngayon? Kinulong na tayo ni Sebastian ngayon, hindi na tayo pwedeng tumakas. Kapag nanganak si Selene malalaman niyang hindi niya ito anak, mamamatay tayo sa hirap… Lincoln…”“Papa! Papa, mag isip ka ng plano…” gumapang si Selene papunta kay Lincoln at niyakap ang binti nito.Galit na galit si Lincoln. Hinila niya ang buhok ni Jade at nagtanong, “Anong nangyari?! Sabihin niyo sakin!”Hindi na nagbalak gumanti si Jade, habang dinadala niya ang sakit. Nanginginig siya, “Gusto kong kamuhian ni Sebastian si Sabrina. Akala ko, kahit na gaano pa maging kasama ang reputasyon niya matapos mapahiya sa Kenton noon, pinag-awayan nina Nigel at Zayn at minaliit ni Old Master Shaw, ang reputasyon ni Sabrina ay bagsak na South City. Kahit na si Master Ford ay pumunta na para sa nangyari. Kapag lalo pang pinalala ang sitwasyon, siguradong kamumuhian na talaga n
“Tama!” ngumiti si Jade. “Gustong kong mamatay si Sabrina! Kapag namatay siya, magiging masaya si Selene! Hindi ko naman inaasahan na magsisisi si Sebastian sa kasal sa huling sandali!”Tiningnan ni Lincoln si Jade, “Hindi ko inaasahan na magiging masama ka rin!”Hindi nakapagsalita si Jade.Biglang nalang ngumiti si Lincoln, “Kahit na, kapag namatay siya edi namatay siya. Matagal na dapat siyang patay, dapat namatay nalang siya sa kulungan o kaya naman dapat namatay na siya noong nakidnap siya. Dapat pinatay na siya agad ni Kenton. Matagal na siyang nabubuhay.”Tiningnan ni Jade si Lincoln na punong puno nang pag-asa, “Ang unang hakbang ay mamatay si Sabrina pero paano tayo makakaalis dito?”“Hindi tayo tatakas!” sabi ni Lincoln. “Hanggang sa may mangyaring aksidenteng pagpatay sa anak ni Selene, pwede natin itong isisi sa mga bodyguard o sa mga katulong. Sa paraan na ‘yon, kahit na hulihin tayo ni Sebastian, hindi niya tayo mahuhuli. At ikaw Selene, mananatili kang asawa ni Seba
Sa hindi kilalang city, walang kilala si Sabrina at hindi niya alam ang mga daan dito. Wala rin siyang telepono. Sinubukan niyang gamitin ang telepono ni Zayn pero hindi niya alam ang password kaya hindi niya ito mabuksan. Nakatingin si Sabrina kay Zayn na walang malay at nawawalan na nang pag-asa, tumunog ang telepono ni Zayn.Noong sinagot niya ito, si Marcus ang tumatawag. Nanginginig si Sabrina habang sinasagot niya ang telepono. “Hello, Young Master Shaw…”“Sabbie, umiiyak ka? Anong problema? Okay ka lang ba? Kasama mo si Zayn diba? Bakit ikaw ang sumagot nang tawag ko?”“Si Zayn… walang siyang malay at may lagnat siya. Nabubulok na ang sugat sa kamay niya. Wala akong telepono at hindi ko alam kung saan ako hahanap ng doktor o wala akong alam na ospital dito…” nawawalan nang pag-asa si Sabrina.“Makinig ka Sabbie, kailangan mong iligtas si Zayn o mamamatay siya. Kailangan mong kumalma. Maghanap ka ng phone booth at magdial ng emergency number. Dalhin mo muna si Zayn sa opera
"Pero yung tita ko po kasi..." nagsimula si Marcus."Wala itong kinalaman sa tita mo! Eh ano naman kung merong pagkakapareho ang babaeng yun sa tita mo? Sabi mo kamukha ni Sabrina ang tita mo, pero kung ako ang tatanungin, sasabihin ko na yung fiancé ni Sebastian Ford na si Selene Lynn ay kamukha rin ng tita mo!" Dismayadong sumigaw ang Old Master habang pinipigilan niya ang sarili niyang sipain ang apo niya."Sinong Lynn?" tanong ni Oliver.Napabuntong hininga ang Old Master at nagpaliwanag. "Sa pagkakaalam ng lahat, si Sebastian Ford ay isang masamang tao na hindi nag-aalangan marumihan ang kamay niya. Maraming tinulong sa kanya ang Lynn Family, lalo na si Selene Lynn na anak ni Lincoln Lynn, nung nahihirapan siya dati na makuha ang mataas na posisyon sa pamilya. Sinakripisyo niya ang sarili niya para maligtas si Sebastian Ford. Nung nasa panganib si Sebastian Ford, inalay niya ang pagiging inosente niya kapalit nga kaligtasan nito at ngayon buntis na siya sa anak ni Sebastian. Si
Samantala, pinatay ni Sabrina ang cellphone niya dahil sinabihan siya ni Zayn. Pagkatapos niyang kausapin si Marcus sa phone ng unang beses, tumakbo siya sa isang malapit na phone booth at tumawag sa 911 para sa emergency. Dumating agad ang ambulansya at nagkaroon na ng malay si Zayn pagkatapos niyang madala sa loob ng ambulansya.Tumingin siya ng isang beses kay Sabrina na humihikbi sa pag-aalala at sinabi, "Sabrina, wag kang umiyak. Wag mong pahirapan ang sarili mo ng ganito, mabubuhay ako."Tumango si Sabrina bilang sagot niya. "Zayn, salamat dahil sinakripisyo mo ang buhay mo para maligtas ako. Nakatanggap ako ng tawag galing kay Master Shaw ngayon lang, sinabi niya na...pinaghahanap tayo ni Sebastian Ford kung saan saan. Kinailangan kong sirain ang kasal niya at hindi niya ko lulubayan dahil doon. Hindi man ako nabangga ng truck na yun, pero bilyon ang mga paraan na pwede niyang maisip para lang patayin ako kung gusto niya talaga. Salamat, Zayn at pasensya na nadamay pa kita dit