Kabanata 1688
Ayaw niyo ba ng amicable divorce? May problema ba kayo sa mga property?

“Ayoko!” Walang pagdadalawang isip na sagot ni Neo. “Kahit kailan, hindi siya nagkaroon ng sarili niyang kita kaya lahat ng mga pangangailangan niya ay inasa niya sa akin. Sampung taon siyang nakatira sa bahay ko tapos ganun ganun nalang yun? Pati yung apo niya, ako na rin ang sumalo ng responsibilidad sa pagpapalaki! Kaya hindi ako papayag na wala akong makuha! Kulang pa nga yung two hundred thousand dollars kung tutuusin eh!”

Tinignan ng staff si Cecilia, “Ganun ba?”

Noong oras na yun, hindi maawat si Cecilia sa kakaiyak. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay walang nakakaintindi sakanya! Kung hindi siya magtatagumpay ngayong araw na makipag divorce kay Neo, buo na ang desisyon niyang iuumpog nalang ang ulo niya sa pader para mamatay na siya! Humahagulgol niyang sinabi. “Nasaan na ba yung mga taong may alam sa batas! Noong mga panahon bang kasal kami, hindi ba pamilya ang tawag sa amin?”

Tumungo
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP