Kabanata 1477
"..." Kung sa ibang oras lang 'to, sasalubungin ni Sebastian ang madamdamin niyang imbitasyon, pero hindi ngayon. Kung tama ang hula niya, kailangan niyang magpigil. Tinulak niya ng marahan si Sabrina palayo. "Magpakabait ka, Sabrina. Hindi ngayon!"

Agad siyang nagsimulang umiyak ulit. "Hindi... Hindi mo na ba ako mahal, Sebastian? Hindi mo na ba ako gusto?" Ngumuso siya nang may mahinang eskpresyon na walang bahid ng kabangisan na pinakita niya noong nakaraang buwan kung saan plano niyang makipaghiwalay at magkaroon sila ng diborsyo.

"..." Hindi sumagot si Sebastian. Ano bang dapat niyang sabihin? Inisip niya na baka buntis si Sabrina, at 'yon ang dahilan kung bakit siya naging emosyonal? Kung pupunta sila para magpatingin ng katawan at lumabas na mali pala siya, hindi ba na mas lalong iinit ang ulo ni Sabrina 'non? Hindi niya hiniling ng sobra na mabuntis si Sabrina. May Aino na sila, kaya hindi na mahalaga kung hindi na sila magkaroon ng pangalawang anak. Pero, ang emosyon at pis
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP