Kabanata 1285
“Sige, hindi mo aaminin,” ngumisi si Sabrina at nagpatuloy, “Lori Gibson! Nahanap mo ang kindergarten ng anak ko at inenroll mo dito ang anak mo, pumunta ka para kontakin ako ng mas maaga. Tahimik mong plinano at pinangatawanan ang pagiging malamig at mailap mong tao sa harap ko para mag iwan ng magandang impresyon sa akin dahil sa tingin mo mas gusto ko yung mga tipo na cool at loner kagaya mo, tama ba?”

“Ano..ano yang sinasabi mo? Wala akong maintindihan kahit isa sa mga sinasabi mo! Pakiusap bitawan mo ako! Makakaapekto sa imahe ng kumpanya ni Direktor Ford ang mga ginagawa mo! Pakiusap bitawan mo na ako! Umaasta ka na parang babaeng baliw!”

Ngumisi si sabrina, “Wala ka sa lugar para tawagin akong baliw! Lori, yung palabas na plinano mo ay talagang isang malaking katatawanan!”

Nakaladkad na ni Sabrina si Lori sa harapan ng front desk ng mga oras na iyon. Hindi inakala ng babaeng empleyado na yung drama na inaantay niya ay mangyayari ng mas maaga at magiging agaw eksena.

Hinagis
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP