Kabanata 1207
“Pero siyempre kailangan niyo ring tignan kung gaano kainit. Kapag sobrang tirik ng araw, wag na wag niyong didiligan ang tinanim niyo kasi mamatay lang.”

Nagpatuloy si Sabrina sa paghuhukay habang nagpapaliwanag sa dalawa.

Sobrang kalmado at seryoso ng itsura niya.

Walang bakas ng kahit anong yabang na para bang nagtuturo lang talaga siya sa mga nakababata niyang kapatid.

Samantalang ang dalawang binatilyo naman ay nakatulala nalang kay Sabrina. Ngayon lang sila nakakita ng ganun kagandang babae na naghuhukay ng lupa!

“Miss, bakit ang dami mong alam sa lupa na para bang….”

Biglang natigilan ang binatilyo sa pagsasalita dahil nahihiya siyang sabihin ng malakas.

Pero biglang ngumiti si Sabrina. “Magsasaka?”

Nahihiya namang ngumiti ang isa pang binatilyo, “Magsasaka ka?”

“Oo.”

Muli, gulat na gulat ang dalawa.

“Pinanganak ako sa bundok. Lumpo ang tatay ko at medyo mahina rin ang katawan niya, kaya ang nanay ko lang ang nagtatrabaho para sa amin noon. Noong six years ol
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP