Kabanata 706
Nasa incubator ng icu ang sanggol at may nag aalagang nurse dito.

Ligtas sa mikrobyo ang icu. Sa normal na sitwasyon, hindi pwede ang bisita para sa mga premature na sanggol.

Pero, espesyal ang katayuan ni Elliot. Nang makapasok siya sa neonatal unit, dinisinfect siya ng nurse, tinulungan siyang isuot ang sterile suit, at hinatid siya sa icu.

“Maganda ang kalagayan ng anak mo, Mr. Foster. Nagkaron siya ng respiratory distress… Normal iyon sa premature na sanggol, kaya hindi mo kailangan mag alala,” paliwanag ng nurse.

Nalaman na ni Elliot ang lagay ng bata mula sa doktor kainang hapon, kaya hindi siya masyadong nag aalala.

Tinitigan niya ang anak sa incubator.

Nakabigkis ang bata habang nakakonekya ang tubo ng oxygen sa ilong nito. Sa nakapikit nitong mata at hindi gumagalaw, mukha itong tulog.

Agad na napuno ng luha ang mata ni Elliot.

Hindi mahihirapan ang sanggol ng ganito kung ipinanganak siya sa tamang oras.

Hindi niya sinisi si Avery.

Naghirap siya ng walong b
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo