‘Grabe! Akala mo talaga sobrang tinong lalaki niyan. Paano niya nagawa yun?!’‘Mukha naman talaga siyang nanakit ng kahit sino! Sino kaya yung babaeng sinampal niya?’‘Ano naman kung nanakit siya? Mayaman pa rin siya at kung ako ang tatanungin, kahit pa siguro mamatay tao siya ay papakasalan ko pa rin siya!’‘Ew! Kung ako siguro yung sinampal niya, sobrang madedepress ako!’‘Sino ba kasi yung babae? Infairness kahit naka side view siya, parang ganda niya pa rin ha!’…Pagkatapos magshower ni Avery, uminom siya ng folic acid at muli siyang humiga sa kama, pero dahil halos buong maghapon siyang natulog kanina, hindi pa siya inaantok kaya kinuha niya ang kanyang phone para mag browse. Binuksan niya ang chat group ng mga dating niyang kaklase sa University. Mukhang may mainit na chismis na pinag uusapan ang mga ito. ‘Actually, akala ko nga si Tammy noong una kong tingin!’‘Nako kamukha niya lang yan pero imposibleng si Tammy yan! Untouchable kaya si Tammy!’‘Kung tama ang pagkaka
“Sinampal ko si Chelsea ng malakas. Nabigla lang ako kanina, pero alam mo? Kung babalikan ko yung mga nangyari kanina, mas lalakasan ko pa yung sampal ko sakanya hanggang sa tumilapon siya. Masyado siyang nagfifeeling na may ari ng Sterling Group. Sino ba siya sa inaakala niya?!” Hindi alam ni Avery kung anongisasagot niya. Aminado siya na may kasalanan si Tammy pero bakit kailangan pang mangielam ni Elliot kung si Chelsea naman pala ang kaaway nito. “At yung g*g*ng Elliot na yun. Hindi ko rin siya mapapatawad at alam ko naman na wala siyang pakielam!” Tinignan ni Tammy si Avery at medyo mas kalmadong sinabi, “Avery, sa amin lang ‘to ni Elliot. Labas ka na dito kaya pabayaan mo na. Nasampal niya ako kasi may mga nasabi rin akong masasakit sakanya. Alam ko naman na hindi yun dahil sa pinagtatanggol niya si Chelsea.”“Hindi na mahalaga kung ano ang mga nasabi mo sakanya, Tammy. Hindi ka niya dapat sinampal. Sinakal niya rin si Hayden noon kaya hanggang ngayon, galit na galit pa rin
Hinatid ni Chad si Avery sa office ni Elliot at binigyan ito ng isang baso ng maligamgam na tubig. “May gusto ka bang kainin?” “Wala naman. Salamat. Sige na, bumalik ka na sa ginagawa mo. Okay lang ako dito.”“Wala naman akong gagawin ngayon kaya sasamahan nalang muna kita.” Nakangiting sagot ni Chad. Kinuha ni Avery ang baso at uminom ng tubig. “Avery, nabalitan ko na nasampal daw ni Mr. Foster si Tammy kahapon. Hmm… magpapaliwanag ako! Hindi naman nasampal ni Mr. Foster si Tammy dahil gusto niyang ipagtanggol si Chelsea, may mga nasabi kasi si Tammy na hindi na rin tama. Tinawag niyang walang kwenta si Mr. Foster at tama lang daw na nakipag hiwalay ka…”Tumingin lang si Avery kay Chad. Kaya biglang nagpanic si Chad at nagmamadaling nagpatuloy, “Um…Naipaliwanag naman na ni Mr. Foster kay Jun ang nangyari..”“Alam mo? Habang mas pinagtatanggol mo siya, mas nagagalit ako sayo.” Walang emosyong sagot ni Avery bago niya ilapag ang baso. Marami pa sanang gustong sabihin si Cha
Hindi inaasahan ni Chelsea na hanggang kahuli-hulihan ay ipagtatanggol pa rin ni Elliot si Avery. Pakiramdam niya ay sobrang napahiya siya kaya bigla siyang umiyak sa harapan ni Elliot. Nagmamadali namang pumasok si Chad para hilain palabas si Avery.“Hindi ko alam kung bakit biglang sumulpot si Chelsea. Ihahatid na kita sa baba.” Nahihiyang paliwanag ni Chad. “Okay lang.” Hinawi ni Avery ang kamay ni Chad at naglakad siya papunta sa elevator. Nabigla lang talaga siya. Sinadya niya si Elliot sa Sterling Group para lang sana komprontahin ito sa nangyari kay Tammy. Hindi niya naman plinano na sampalin ito. Oo, pinilit siya ni Elliot, pero hindi pa rin dapat siya pumayag!Kilala niya si Elliot na mabilis uminit ang ulo kaya nga palagi silang nag aaway, pero kahit kailan, hindi siya napag buhatan nito ng kamay. Paglabas niya ng elevator, dumiretso siya sa sasakyan niya at nag drive pabalik sa Tate Industries. Habang nasa highway, tumawag si Tammy na sinagot niya naman kaagad.
Nilagay ni Avery sa posisyon niya si Elliot. Kung sakaling siya ang sinampal ni Elliot kanina, sigurado siya na kamumuhian niya na ‘to habambuhay at baka nga umabot pa siya sa punto na ipalaglag niya nalang nang tuluyan ang bata.Habang iniisip niya ‘to, lalong lumalakas sakanya na baka nga sa pagkakataong ito ay tuluyan na siyang tigilan ni Elliot. Makalipas ang isang linggo, nagkita sila ni Tammy sa isa sa pinaka mahal na restaurant na malapit. Magaling na ang pisngi ni Tammy at kagaya ng pangako niya, gusto niyang ilibre si Avery. Gusto sana niyang isama nito ang mga bata, pero naunahan siya ni Wesley. Sinundo nito ang mga bata para may makalaro si Shea. “Avery, hindi ka naman ginulo ni Elliot no?” Nag aalalang tanong ni Tammy. “Mhm.” Sagot ni Avery habang namimili ng pagkain. Pagkasabi niya order niya, pinasa niya naman kay Tammy ang menu. “Ang nabalitaan ko, hindi daw siya lumalabas sakanila.” Hindi napigilan ni Tammy na matawa habang nagkwekwento. “Hindi naman na talag
“Heh! Sinasabi ko na nga ba eh!” Natatawang sabi ni Tammy. “Dinala nga ng Chelsea na yun yung babaeng yun para kay Elliot.”Hindi interesado si Avery na makita ang mga susunod na mangyayari kasi wala rin naman siyang magagawa.” “Ang malas naman! Ang saya-saya natin kanina tapos makikita pa natin sila dito.” Uminom si Tammy ng tubig at tumingin kay Avery. “Avery, gusto mo bang lumipat nalang tayo ng restaurant?”Umiling si Avery. “Nauna tayo dito.”“Baka kasi hindi ka lang mag enjoy.” “Hindi naman. Okay lang. Hindi tayo aalis dito.” Kalmadong sagot ni Avery. “Nakapag oreder na tayo kaya ienjoy nalang natin.”“Eh kung itake out nalang kaya natin tapos doon nalang tayo kumain sa bahay niyo!” “Tammy, nakilala mo ba ako na ganun kaduwag? Kung totoo ngang ginaya ako nung babaeng yun, hindi ba dapat suya ang matakot na makita ako? Bakit naman ako ang aalis para sakanya?” “Ako rin! Hindi rin ako duwag! At kahit lapitan pa tayo ni Elliot, hindi ako matatakot.” Kahit na sinasabi ni T
Inubos kaagad nila Avery at Tammy ang mga pagkain nila dahil wala silang balak na magtagal pa doon. “Avery, tara! Gusto mo bang mag shopping? Sasamahan kita.”Umiling si Avery. “Sobrang nabusog ako kaya medyo inaantok ako.” “Ihahatid nalang kita sa inyo.” Kinuha ni Tammy ang kanyang bag at umikot siya para alalayang tumayo si Avery.Dahil dun, hindi napigilan ni Avery na matawa. “Ano ka ba! Hindi mo naman ako kailangang alalayan. Kaya kong maglakad mag isa.”“Gusto lang naman kitang alalayan.” Hinawakan ni Tammy ang tiyan ni Avery. “Medyo malaki na nga siya. Maluwag lang kasi yung damit mo kaya hindi masyadong halata, pero kapag hinawakan mo, ang laki laki. Parang pakwan!”“Maliit na pakwan.” Natatawang sagot ni Avery.“Bakit may nakita ka na bang malaking pakwan? Pwede na nating makita ang mukha ng baby, diba?” “Hmm. Nakita ko na noong nag pacheck up ako sa Bridgedale.”“Sinong kamukha ng baby?” Medyo matagal bago sumagot si Avery. “Kamukha niya yung sarili niya.”“Babae
Bumaba si Tammy na dala ang report at nang marinig ni Elliot ang yabag ng mga paa niya, tumingin kaagad ito sa hagdan.Sobrang nakakailang nang magtagpo ang mga mata nila. “Mr. Foster, anong ginagawa mo dito?” Kahit na natatakot si Tammy kay Elliot, medyo mas malakas pa rin ang loob niya dahil alam niyang ipagtatanggol siya ni Avery. Hindi pinansin ni Elliot si Tammy at tinignan ang hawak niya. “Natutulog pa ba si Avery?”“Oh. Nandito ka ba para samahan si Avery na kunin ang report?” Pinakita ni Tammy ang hawak niyang papel. “Nakuha na niya.”“Akin na.” Lumapit si Elliot para kunin sana ang report. Pero bigla itong tinago ni Tammy sa likod niya. “Magaling na ba yung pisngi mo? Akala ko pa naman hindi mo na pupuntahan si Avery kahit kailan. Infairness ha! Napabilib mo ako. Mas mahalaga pa rin pala sayo ang anak mo kaysa sa pride mo.” Alam ni Elliot na sinasadya yun ni Tammy para asarin niya pero sinubukan niyang mag pigil ng galit.“Bakit ba masyado kang concern sa bata? Dah