Kasalukuyang nasa kanyang office si Elliot nang sagutin niya ang tawag mula sa bodyguard ni Shea.“Mr. Foster, dinala ni Miss Shea si Hayden para sumali sa dinals ng National Youth Programming Championship.” Report ng bodyguard. Kumunot ang noo ni Elliot at hindi niya maintindihan kung anong nangyayari, “A–ano?”“Sinabi sakin ni Miss Shea na wag ko raw sabihin sayo.”“Eh bakit mo sinasabi sa akin?”Hindi maganda ang kutob ni Elliot. “Noong innanounce na nanalo si Hayden, tumakbo si Miss Shea paakyat sa stage. May nakakilala sakanya at nagkagulo ang lahat. Hindi naman nasaktan si Miss Shea pero nagulat siya.”Hindi makapaniwala si Elliot sa report ng bodyguard at gulat na gulat siya sa lahat ng sinasabi nito. Una, bakit naman naisip ni Shea na pasalihin si Hayden sa Youth Programming Championship?At pangalawa, ayaw na ayaw ni Hayden na makakakita ng ibang tao kaya paano siya napilit ni Shea na sumali sa competition?“Isend mo sa akin ang location niyo!” Pagkatapos magsalit
Nang makita ni Hayden si Elliot, bigla siyang nanigas sa kinatatayuan niya.Sinabihan siya ng Mommy niya na wag na wag lumapit dito. Kaya nagmamadali siyang naglakad palayo. “Hayden!” Sigaw ni Elliot nang makita niyang iniiwasan siya nito na para bang may nakakahawa siyang sakit. Medyo binagalan ni Hayden ang lakad niya, pero hindi siya huminto. Kaya mas nilakihan ni Elliiot ang hakbang niya hanggang sa mahabol niya ito.“Bakit mag isa ka lang? Nasaan si Shea?”“Lumayo ka sakin!” Ni ayaw makita ni Hayden ang mukha ni Elliot, makausap pa kaya? “Diba sabi mo sa akin dati may tutuparin kang wish ko? Wag na wag ka ng lalapit sa akin kahit kailan! Kahit kailan!” Hindi maintihan ni Elliot kung bakit pero sobrang nasaktan siya nang makita niya kung gaano kagalit sakanya si Hayden.Hindi niya naman ginusto na magka ganun ang relasyon nillang dalawa…Kung ganito kagalit sakanya si Hayden, malamang imposible na talaga silang magkasundo ni Avery.Mula noong sinakal niya ito, pina
Pagkalipas ng halos kalahating oras, nakauwi si Avery.Nagmamadali siyang bumaba ng kotse at dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay at lumapit kay Elliot. Sa sobrang pagpapanic niya, hindi na siya nakapag palit sa kanyang tsinelas. “Nasaan si Hayden? Bakit mag isa ka lang?”Sasagot pa lang sana si Elliot nang biglang manlaki ang mga mata ni Avery noong nakita ang damit ni Elliot. “Anong nangyari sa damit mo?”Sobrang gusot ng damit ni Elliot at sa likod nito ay may parte pa na napunit. Mayroon din itong kagat na halatang malalim. “Kinagat ka ba ni Hayden?”“Hindi, sumabit lang ako. Nagkulong siya sa kwarto niya.”“Ah… okay sige. Sisilipin ko muna siya. Hintayin mo ako dito, babalik ako.” Pagkatapos, nagmamadaling umakyat si Avery. Lumapit si Mike kay Elliot at tinignan ang sugat nito. “Haay. Grabe naman yang ginawa ni Big H sayo! Parang kinagat ka ng aso!” Tinignan ni Elliot si Mike ng diretso sa mga mata at walang prenong sinabi, “Mike, anak ko ba si Hayden?”G
Pagkatapos gamutin ang sugat ni Elliot, inabot ni Avery ang t-shirt na dala niya at sinabi, “Magbihis ka na.”Sinuot ito ni Elliot at tumingin kay Avery, “Pwede na ba akong magtanong?”“Ano yun?” Sobrang suplada ng tono ni Avery. “Galit sayo si Hayden kaya wag ka ng lalapit sakanya ulit. Kapag nangyari ulit ‘to, wag mo na siyang pilitin, tawagan mo nalang ako.”Hindi alam ni Elliot kung paano siya sasagot. Tanggap niya naman na may kasalanan talaga siya.Hindi na siya sumagot at kinuha nalang ang kanyang t-shirt, sabay tayo para umalis. Pero imbes na mapanatag, biglang nagpanic si Avery. Tumayo rin siya at lumapit kay Elliot, “A-ano yung gusto mong itanong?”Tumingin si Elliot at sinabi, “Sa tingin mo ba kailangan pa ni Shea na ituloy ang treatment niya? Nag aalala kasi ako na baka makasama na sakanya kapag inoperahan siya ulit.”“Diba si Zoe Sanford ang doktor ni Shea?” Nang sandaling marinig niya ang pangalan ni Zoe, biglang kumulo ang dugo ni Avery. “Ikaw mismo ang nagha
Kinabukasan, maagang ginising si Avery ng isang doorbell. Antok na antok siyang bumangon at bumababa para tignan kung sino ito.Nang makita niya si Tammy sa camera, walang pagdadalawang isip niyang pinagbuksan ito.Pagkatapos ng kasal nina Tammy at Jun, nag ibang bansa ang mga ito para mag honeymoon.Ang nabanggit nito kay Avery ay isang buwan itong magbabakasyon. Pero dalawang linggo palang ang nakakalipas..“Kamusta na ang pakiramdam mo, Avery?” Tanong ni Tammy habang naglalakad papasok sa sala, dala-dala ang mga dala niyang pasalubong. “Okay naman ako. Pumapasok na rin ako sa office. Teka, bakit parang napaaga ata ang uwi mo?”Nagbuntong hininga si Tammy at nakasimangot na sumagot, “Hindi naman ako nag enjoy! Wala naman akong ibang gusto kundi ang maging relaxing ang honeymoon namin, pero wala namang ibang ginawa si Jun kundi magtrabaho ng magtrabaho. Haaay, parang gusto ko tuloy makipag divorce.”Inabot ni Avery kay Tammy ang kinuha niyang tubig. “Wag kang pabigla-bigla
“Nasaan yung doktor na nag abort sakanaya dati?” Tanong ng bodyguard.“Naalala mo ba ang pangalan niya?” Sagot ng direktor. “Paano konaman malalaman? Ni mukha niya nga hindi ko maalala kasi nakasuot siya ng surgical cap at mask!” “Osige ganito nalanag… itatanong ko sa maternity unit kung may nakaka alala sakanila kay Miss Tate.”Hindi na sumagot si Elliot at nagdire-diretso siyang maglakad palabas. Nakuha na niya ang sagot na hinahanap niya.Hindi totoong nagpa abort si Avery five years ago.Anak niya nga talaga si Hayden Tate.Pero… ano pa bang magagawa niya?Nasaktan niya na ng sobra ang sarili niyang anak at sobrang kinamumuhian na siya nito ngayon. Kung sakanya nga hindi sinabi ni Avery ang totoo, sa mga bata pa kaya?At hindi niya naman masisisi si Avery dahil aminado siya na kasalanan niya ang lahat.Five years ago, tinakot niya ito na sa oras na lumabas ang bata, siya mismo ang sasakal dito hanggang sa mamatay ito. At wala siyang kaalam-alam na talagang nagawa
Napatili ng sobrang lakas si Layla!Kaya dali-dali itong binuhat ni Tammy at tumakabo papasok sa loob ng bahay. “Wag kang matakot, Layla! Tatawag ako ng ambulansya!” Nilapag ni Tammy si Layla sa sofa at nagpapanic na kinuha ang kanyang phone sa bag niya para tawagan ang 911. Hindi maawat si Layla kakaiyak. “Patay na ba ang Daddy ko? Hindi niya pa nga alam na anak niya ako eh!” Muling binuhat ni Tammy si Layla sa isa niyang kamay habang patuloy na kinokontak ang 911 sa kabila niyang kamay. Nang sandaling sumagot ang operator, binigay niya kaagad ang detalye ng nangyari at address. “Dito ka lang, Layla. Titignan ko lang kung anong nangyari.” Bilin ni Tammy bago siya tumakbo palabas.…Noong umagang yun, tumawag kay Avery ang associate dean ng Central University kaya dinala niya doon si Hayden. Kahapon, nanalo si Hayden sa National Youth Programming Championships. Hindi naman siya ang pinaka bata sa lahat ng mga sumali pero siya ang pinaka batang nakapasok sa finals.
Ano nalang kaya ang pwedeng mangyari kung nagkataon na wala si Tammy noong oras na yun sa bahay ni Elliot na tumawag ng ambulansya. Noong araw na yun, nag isip ng maigi si Avery hanggang sa kinagabihan, napagdesisyunan niyang pumunta sa mansyon ni Elliot. “Ipagdadrive na nita,” Sabi ni Mike habang nakasunod kay Avery palabas ng bahay.Umiling si Avery at simabi, “Hindi na, bibisitahin ko lang si Shea. Babalik din ako kaagad.”“Ako pa niloko mo! Kung si Shea lang talaga ang pakay mo, pwede mo naman siyang tawagan lalo na ngayon na may phone na siya!” Dahil masyadong prangka si Mike, alam ni Avery na hindi siya mananalo dito kahit pa anong palusot ang sabihin niya. “Wag mo na akong ipag drive. Kaya ko ng pumunta mag isa doon.”“Baliw ka ba?! Buntis ka ngayon kaya sa tingin mo ba hahayaan kitang mag drive ng mag isa, lalo na at sobrang lalim na ng gabi? Takot ko lang na patayin ako ni Elliot kapag may nangyari sayo!” Pagpupumilit ni Mike. “Ganito nalang…Ipagdadrive nalang kita