Kinakabahan si Avery habang naglalakad papunta sa maternity unit. Pero bigla siyang hinila ni Mike para magpa ultrasound. Nagulat si Avery at hindi niya alam kung anong plano ni Mike. “Sa tingin ko… Mas maganda na magpa ultrasound ka na kaagad.” Sinubukan ni Mike na wag magpahalata pero bandang huli, hindi niya rin kinaya.“Okay okay… Nandito kasi Elliot at hinihintay ka na niya sa ultrasound room.” Biglang hinawi ni Avery ang kamay ni Mike at naiinis na sumagot, “At kailan ka pa nakipag kampihan sakanya?”Itinaas ni Mike ang kamay niya at nangako, “Hindi ako! Sinabi lang sakin ni Chad!” “Assistant niya si Chad. Pero ikaw? Ano kayang pinagkaiba na nakikipag kampihan ka kay Chad sa nakikipagkampihan ka kay Elliot?”“Huy magkaiba yun! Hindi naman masamang tao si Chad no!” Pagtatanggol ni Mike sa boyfriend sabay hawak sa braso ni Avery. “Pinangako sakin ni Chad na magreresign daw talaga siya sa walang kwenta niyang amo sa oras na awayin ka ulit niya!” “Wag mo kasing ireport
“Okay ang baby, Mike.” Nahihiyang sabi ni Avery.“Talaga?” Hinila ni Avery si Mike papunta sa elevator. “Pumunta tayo sa office!” “Okay daw ba talaga ang baby?” Hindi makapaniwalang tanong ni MIke. “Pinayagan ka na ba ng doktor mo na bumalik sa trabaho?” “Oo, pwede na raw.”Ngayong alam niya ng okay ang baby at mas mabuti na rin ang pakiramdam niya, kayang kaya niya ng bumalik sa trabaho. Si Chad, na nakatayo sa tabi ni Elliot, ay masayang sinabi, “Congratulations, Sir! Malapit ng mag three months ang baby. Kapag nalampasan niya ang first trimester, medyo mas safe na siya.”Hindi alam ni Elliot kung paano siya sasagot kasi hindi niya rin maintindihan kung ano eksakto ang nararamdaman niya. Nanaginip siya kagabi na nawala raw ang baby nila. Kaya sobrang nakahinga siya ng maluwag noong nalaman niyang okay ang baby. Pagkarating ni Avery sa Tate Industries, nag report kaaagd sakanya ang vice president. Habang nasa bakasyon, araw-araw nakakatanggap si Avery ng email ga
Ilang segundo rin na nakatayo lang si Elliot bago niya tawagan si Chad sakanyang office intercom para itanong kung sino ang nagpadala ng magazine sa office niya.“Dineliver ng isa sa mga staff ng Tate Industries. Twenty copies ang binigay nila sa atin kaya inutusan ko yung secretary ang bawat department head.”“Nabasa mo na ba?” Tanong ni Elliot na nakakunot ang noo. “Hindi pa. Bibili palang ako mamaya bago ako umuwi.”“Kunin mo nalang yung sakin!” Hindi nagtagal, dumating si Chad sa office ni Elliot. Nang makita niyang nakangisi ang amo, kinutuban siya kaagad na hindi nito nagustuhan ang laman ng magazine. Cover palang ang nakikita niya at parang wala namang problema kasi sobrang ganda ni Avery sa picture. Malamang nasa content!!“Gusto mo bang kunin ko ‘tong magazine, Sir?” Tanong ni Chad. “Ilayo sakin yan!” Naiiritang sagot ni Elliot. Halatang mainit ang ulo nito kaya hindi na nagtanong si Chad at agad-agad niyang kinuha ang magazine, sabay alis. Binuksan niya an
“Kalimutan mo na ang plano mong matalo siya kung hindi mo rin naman kayang mawala ang bata!” Sigaw ni Zoe para mas matrigger si Wanda. “Sa oras na magtuloy-tuloy ito, iexpect mo na hinding hindi na masusundan ang investment ko sayo!” Biglang nabuhayan ang mga mata ni Wanda, “Magkano pa ba ang makukuha mo kay Elliot?”Tinignan ni Zoe si Wanda at confident na sumagot, “Kulang kulang one hundred fifty million.”“Wag kang mag alala! Hinding hindi ko hahayaang mabuhay ang batang yun!” …Pagkauwi ni Avery noong gabing yun galing sa trabaho, naabutan niya na may naka park na sasakyan sa harap ng gate ng bahay nila. May bisita?Nang marning nina Layla, Hayden at Shea na nagpark at bumaba si Avery, nagmamadali silang tumakbo palabas. “Mommy!” Sigaw ni Layla.Binuhat ni Mike si Layla noong tumakabo ito palapit kay Avery.“Anong ginagawa ni Shea dito?” Tanong ni Mike.Lumapit si Shea at ngumiti kina Mike at Avery. “Uuwi na ako, Avery!” Pagkatapos magsalita, sumakay kaagad ito ng
Kasalukuyang nasa kanyang office si Elliot nang sagutin niya ang tawag mula sa bodyguard ni Shea.“Mr. Foster, dinala ni Miss Shea si Hayden para sumali sa dinals ng National Youth Programming Championship.” Report ng bodyguard. Kumunot ang noo ni Elliot at hindi niya maintindihan kung anong nangyayari, “A–ano?”“Sinabi sakin ni Miss Shea na wag ko raw sabihin sayo.”“Eh bakit mo sinasabi sa akin?”Hindi maganda ang kutob ni Elliot. “Noong innanounce na nanalo si Hayden, tumakbo si Miss Shea paakyat sa stage. May nakakilala sakanya at nagkagulo ang lahat. Hindi naman nasaktan si Miss Shea pero nagulat siya.”Hindi makapaniwala si Elliot sa report ng bodyguard at gulat na gulat siya sa lahat ng sinasabi nito. Una, bakit naman naisip ni Shea na pasalihin si Hayden sa Youth Programming Championship?At pangalawa, ayaw na ayaw ni Hayden na makakakita ng ibang tao kaya paano siya napilit ni Shea na sumali sa competition?“Isend mo sa akin ang location niyo!” Pagkatapos magsalit
Nang makita ni Hayden si Elliot, bigla siyang nanigas sa kinatatayuan niya.Sinabihan siya ng Mommy niya na wag na wag lumapit dito. Kaya nagmamadali siyang naglakad palayo. “Hayden!” Sigaw ni Elliot nang makita niyang iniiwasan siya nito na para bang may nakakahawa siyang sakit. Medyo binagalan ni Hayden ang lakad niya, pero hindi siya huminto. Kaya mas nilakihan ni Elliiot ang hakbang niya hanggang sa mahabol niya ito.“Bakit mag isa ka lang? Nasaan si Shea?”“Lumayo ka sakin!” Ni ayaw makita ni Hayden ang mukha ni Elliot, makausap pa kaya? “Diba sabi mo sa akin dati may tutuparin kang wish ko? Wag na wag ka ng lalapit sa akin kahit kailan! Kahit kailan!” Hindi maintihan ni Elliot kung bakit pero sobrang nasaktan siya nang makita niya kung gaano kagalit sakanya si Hayden.Hindi niya naman ginusto na magka ganun ang relasyon nillang dalawa…Kung ganito kagalit sakanya si Hayden, malamang imposible na talaga silang magkasundo ni Avery.Mula noong sinakal niya ito, pina
Pagkalipas ng halos kalahating oras, nakauwi si Avery.Nagmamadali siyang bumaba ng kotse at dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay at lumapit kay Elliot. Sa sobrang pagpapanic niya, hindi na siya nakapag palit sa kanyang tsinelas. “Nasaan si Hayden? Bakit mag isa ka lang?”Sasagot pa lang sana si Elliot nang biglang manlaki ang mga mata ni Avery noong nakita ang damit ni Elliot. “Anong nangyari sa damit mo?”Sobrang gusot ng damit ni Elliot at sa likod nito ay may parte pa na napunit. Mayroon din itong kagat na halatang malalim. “Kinagat ka ba ni Hayden?”“Hindi, sumabit lang ako. Nagkulong siya sa kwarto niya.”“Ah… okay sige. Sisilipin ko muna siya. Hintayin mo ako dito, babalik ako.” Pagkatapos, nagmamadaling umakyat si Avery. Lumapit si Mike kay Elliot at tinignan ang sugat nito. “Haay. Grabe naman yang ginawa ni Big H sayo! Parang kinagat ka ng aso!” Tinignan ni Elliot si Mike ng diretso sa mga mata at walang prenong sinabi, “Mike, anak ko ba si Hayden?”G
Pagkatapos gamutin ang sugat ni Elliot, inabot ni Avery ang t-shirt na dala niya at sinabi, “Magbihis ka na.”Sinuot ito ni Elliot at tumingin kay Avery, “Pwede na ba akong magtanong?”“Ano yun?” Sobrang suplada ng tono ni Avery. “Galit sayo si Hayden kaya wag ka ng lalapit sakanya ulit. Kapag nangyari ulit ‘to, wag mo na siyang pilitin, tawagan mo nalang ako.”Hindi alam ni Elliot kung paano siya sasagot. Tanggap niya naman na may kasalanan talaga siya.Hindi na siya sumagot at kinuha nalang ang kanyang t-shirt, sabay tayo para umalis. Pero imbes na mapanatag, biglang nagpanic si Avery. Tumayo rin siya at lumapit kay Elliot, “A-ano yung gusto mong itanong?”Tumingin si Elliot at sinabi, “Sa tingin mo ba kailangan pa ni Shea na ituloy ang treatment niya? Nag aalala kasi ako na baka makasama na sakanya kapag inoperahan siya ulit.”“Diba si Zoe Sanford ang doktor ni Shea?” Nang sandaling marinig niya ang pangalan ni Zoe, biglang kumulo ang dugo ni Avery. “Ikaw mismo ang nagha