Simple lang ang message. Gusto nitong parusahan nanaman siya. Inis na inis na sumagot si Avery, [Hindi pwede ngayong gabi.]Mabilis na nagreply si Elliot, at ramdam na ramdam ni Avery ang galit nito nang mabasa niya ang reply nito. [Hindi ako nakikipag negotiate sayo. Inuutusan kita.]Ilang segundo ring nakatitig si Avery sakanyang phone bago niya nakaisip ng isasagot. [Nakalimutan mo na ba na nagkakaregla ang mga babae? Gusto mo pa rin kahit may dugo?][Sinusubukan mo ba ako?] Reply ni Elliot. .Hindi na sumagot si Avery. Sa mga ibang pagkakataon, hindi siya natatakot na hamunin si Elliot, pero ngayon, alam niyang seseryosohin nito na gusto nitong makipag talik sakanya kahit pa sabihin niyang may regla siya.…Sa second floor ng restaurant, inilapag ni Elliot ang kanyang phone nang hindi na nagreply si Avery.Sobrang tahimik ang lahat noong nagtetext siya, at bumalik lang ang usapan noong oras na ilapag niya ang kanyang phone.“Mr. Foster, yung babae po sa baba, siya po
Lumapit ang nurse sa sasakyan ni Rosalie at inabot ang sample. “Naging okay ba ang lahat?” Masayang tinanggap ni Rosalie ang vial. Tumungo ang nurse. “Takot na takot yung kapatid niya, kaya nagpauna siyang magpakuha ng dugo. Sobrang close talaga nung magkapatid.”Hindi interesado si Rosalie kay Layla. Si Hayden lang ang kamukha ni Elliot at nabalitaan niya rin na anak ni Avery si Layla sa ibang lalaki. Kahit na malaman niyang anak ni Elliot si Hayden, hiding hindi niya pa rin matatanggap si Avery dahil sino ba naman ang gugusto sa isang babae na nag anak galing sa ibang lalaki?Maingat niyang itinago ang vial at sinarado ang pintuan ng sasakyan.Dumiretso sila sa ospital para ipa DNA test ang dugo. Pagkarating nila, ibinigay kaagad ni Rosalie ang blood sample nina Elliot at Hayden sa staff.“Gaano katagal bago lumabas ang result?”“Usually po mga tatlong araw. Iinform po namin kayo kaagad kapag lumabas na ang result.” Magalang na sbai ng staff.Halos hindi na makayanan ni R
May magandang invitation na nakapatong sa lamesa ni Avery. Binuksan niya ito at binasa ang nakasulat - ito ay invitation para sa isang summit. Pagkapasok ni Mike, nakita niyang hawak ni Avery ang invitation at sinabi, “Kung ayaw mong pumunta—”“Pupunta ako,” sagot ni Avery hindi pa man natatapos ni Mike ang gusto niyang sabihin. Pagkatapos, kinuha niya ang kanyang pouch para kunin ang kanyang lipstick bago niya ayusin ang kanyang make up.“Na provoke ka no? Teka bago ba yang lipstick mo? Ang tingkad ah! Ang alam ko mahilig ka sa mga hindi masyadong pansinin pero tignan mo naman ngayon! Boss Madam! Sigurado ako na kahit sampung Wanda pa yan, walang wala yang binatbat sayo.”Pagkatapos ni Avery mag retouch, binalik niya ang kanyang powder at lipstick sa loob ng kanyang pouch at tumingin siya kay Mike, “Sasama ka ba sa akin?”“Oo naman! Ako ang magiging driver mo!” Nagsama-sama ang mga kilalang negosyante sa summit. Pag dating ni Avery, sinalubong siya kaagad ng organizer at sin
Halos twenty minutes na nag away sina Mike at Chad at bandang huli ay pareho lang silang napagod. “Sobrang walang kwenta ng paninindigan mo!” sabi ni Chad habang inaayos ang kanyang kurbata. “Ikaw ang baliw dahil palagi mong pinagtatanggol ang boss mo! Tatay mo ba siya? Bakit ba grabe mo siya ipag laban?!” Galit na sagot ni Mike. “Ano ba kasing pakielam mo kung saan nag invest ang boss ko? Kung naisip niyang mag invest kay Wanda Tate, ibig sabihin lang nun ay nakitaan niya ng potensyal ang negosyo nito at hindi ibig sabihin nun ay gusto niya na si Wanda bilang tao! Mahirap bang intindihin yun?!” “Mula ngayon, wag na wag mo na akong tatawagan kapag kailangan mo ng kainuman. Tutal nakikipag team up naman kayo kay Wanda Tate, mas mabuti siguro na putulin na natin ang anumang meron sa atin at wag na tayong magkita habang buhay! Basta kay Avery lang ako!” Desidido si Mike na putulin ang lahat ng ugnayan nila ni Chad para kay Avery. Namumula na ang mukha ni Chad sa sobrang galit. “
Hindi na sumagot si Avery at nakasimangot na naglakad papunta sa pintuan. “Hindi ko sigurado kung matatawag yun na investment kay Wanda.” Hindi rin natiis ni Elliot si Avery at sinagot din ang tanong nito. “Pero binigyan ko ng three hundred million si Zoe.” Natigilan si Avery. ‘Three hundred million? Binigyan niya ng three hundred million si Zoe?!’ “Akala ko ba one hundred fifty five million lang?” Naiiritang sagot ni Avery.Natawa si Elliot. “So nakasubaybay ka pala sa nangyayari sa amin ni Zoe. Oo, binigyan ko siya ng one hundred fifty five million, pero binigyan ko siya ulit ng isa pang one hundred fifty five million noong isang araw. Dalawang beses niyang inoperahan si Shea kaya para ko siyang binayaran ng seventy five million sa bawat surgery.Biglang nanggigil si Avery. Dahil sa dalawang surgery, nakakuha si Zoe kay Elliot ng sobrang laking pera, na ininvest nito lahat kay Wanda.‘Grabe! Grabe talaga! Sobrang nakakatawa kasi ako ang gumawa ng dalawang surgery na yun. Ibi
“Mommy, sinabi ng nurse na si Hayden muna ang mauna para hindi ako matakot. Gusto niyang ipakita sa akin na hindi masakit.” Paliwanag ni Layla. “Nagpakuha lang ng dugo si Hayden dahil sa akin. Mahal niya talaga ako!” Huminga ng malalim si Avery at nakangiting sumagot, “Ang cute at ang babait talaga ng mga baby ko! Mahal na mahal kayo ni Mommy!” “Mommy, mahal ka rin namin!” Nakangiting sagot ni Layla. Napakamot nalang ng ulo ang bodyguard, na nakatayo sa tabi nila, habang pinapanuod silang tatlo. “Miss Tate, magluluto po ba ako?”“Hindi ka ba maabala?”Umiling ang bodyguard. “Hindi po.”Pagkatapos magsalita, dumiretso ito sa kusina para magluto. “Mommy, sobrang sarap magluto nung uncle na yun! Lulutuan niya tayo ng buffalo wings!” Hinawakan ni Layla ang kamay ni Avery. “Bakit hindi mo kasama si Uncle Mike?”Kumunot ang noo ni Avery na para bang may bigla siyang naalala. “May ginagawa pa kasi siya kaya hindi kami sabay na umuwi.”Pinatay ni Elliot ang phone niya kanina kaya
Umalis si Zoe sa mansyon ni Elliot at umuwi sa mansyon ng mga Foster. Maagang natutulog si Rosalie. Samantalang si Henry at asawa naman niyo ay madalas gabi na umuuwi, at si Cole naman ay umaga na umuuwi at kadalasan pa nakakulong lang sa kwarto nito kaya palaging tahimik ang mansyon ng mga Foster.Pagkapasok ni Zoe sa kwarto niya, tinext niya si Cole na pumunta sa kwarto niya at wala pang ilang minuto ay dumating ito. “Zoe, wala na ang anak natin. Anong kailangan mo sa akin?” Walang emosyong bungad ni Cole habang nakatayo sa may pintuan. Alam niya na sinadya ni Zoe na mamatay ang bata at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin yun matanggap. Siguro mahal niya pa rin ang anak niya dahil kung hindi, hindi naman siya masasaktan diba?“Sa tingin mo ba hindi ko mahal ang anak ko? Dugo’t laman ko yun! Pero hindi siya pwedeng maipanganak dahil kung nagkataon, siya rin mismo ang dahilan ng kamatayan natin!” Hinila ni Zoe si Cole at sinarado ang pintuan. Medyo nakainom si Cole. “Eh bakit
Pagkalipas ng isang oras, nakatanggap ng tawag si Elliot mula kay Henry.“Elliot! Kailangan mong pumunta sa ospital! Nadulas si Mommy at hindi maganda ang lagay niya ngayon!” Biglang humigpit ang hawak ni Elliot sa kanyang phone at walang anu-ano, lumabas siya ng kanyang office at naglakad papunta sa elevator. Nang mapansin ni Chad na nakakunot ang noo ni Elliot, bigla siyang nag alala. Anong nangyari?“Mr. Foster, gusto niyo po bang icancel ang mga meeting niyo?”“Sabihan mo nalang yung vice president na siya na ang mag lead. Isend mo nalang sa akin ang meeting notes.” Pagkatapos nagsalita, sumakay siya sakanyang private elevator. Masama ang kutob ni Chad dahil sobrang bihira niya lang na makita si Elliot na hindi mapakali habang kapag office. Kasalukuyang nasa emergency room si Rosalie noong dumating si Elliot. “Anong nangyari?” Nanlilisik ang mga mata ni Elliot nang tignan niya si Henry. “Wala ako sa bahay. Ang sabi ni Cole, narinig niya raw si Mommy na sumigaw at pa