Nakapasok na rin siya noon sa ICU at noong nakita niya palang yung mga tubo at makina, tumaas na agad ang balahibo niya. Kaya nasabi niya sa sarili niya na kung darating man ang araw na magkakasakit siya ng malala, ayaw niyang mapunta sa ICU at pahirapan pa si Avery. Mas gugustuhin niya pang tanggapin nalang ang kapalaran niya dahil lahat naman ng tayo ay doon din pupunta - sa kamatayan.Naiintindihan ni Layla ang gustong iparating ng Daddy niya kaya hindi na siya pumalag pa. Next week ang schedule ng operasyon ni Eric. Kumapara noong mga nakaraang taon. Mas malamig ang panahon ngayon sa Bridgedale at halos araw-araw ding umuulan ng snow, at sa mga araw na hindi umuulan, sobrang lamig pa rin ng hangin. Kaya si Layla at ang iba pa ay palagi lang nasa loob ng kwarto at naka heater, pero habang palapit ng palapit ang araw ng operasyon, mas nararamdaman nila ang stress at kaba. Pagdating ng dinner, napansin ni Avery na halos walang gana ang lahat na kumain kaya sinabi niya, “Nag
”Eh ikaw?” Timingin si Mike kay Elliot. “Alam mo naman kung gaano kahina yang tiyan mo… Kapag nagkasakit ka, sigurado ako na mag aalala ang asawa mo.”Tumingin si Layla kina MIke at Elliot. “Sa tingin ko, mas magandang kumain na tayo!” Naisip niya na baka tumatanggi ang mga kasama niya ay dahil tumanggi rin siya. Kung siya lang, bata pa siya at puwedeng magutom nang hindi wala masyadong magiging epekto sa katawan niya, pero hindi ganun ang sitwasyon ng daddy niya at ng mga magulang ni Eric dahil mas matatanda na ito kumpara sakanya. Pagkatapos nilang mag lunch, ipinagpatuloy nila ang paghihintay sa labas ng operating room. "Relax, magiging maayos ang lahat." Sumandal si Mike sa pader at pinagmasdan ang malulungkot na mukha ng apat. “Ito ang pinaka kilalang ospital dito sa Bridgedale at ang surgeon na nagoopera kay Eric ay ang pinaka mahusay na doktor sa bansa… Isa pa, kung sakali mang hindi mag–”Biglang sumingit si Layla. "Uncle Mike, naiintindihan ko na ngayon kung bakit pa
Hindi siya masyadong kumain kaninang umaga.Palagi kasi siyang nanghihina pagkatapos niyang kumain, kaya kadalasan ay sinasadya niyang magpagutom muna bago kumain."Kumain na ba kayong lahat?" tanong ni Avery."Oo. Ala-una pasado na," sagot ni Elliot. "Layla, magpahinga na muna kayo ng mga magulang ni Eric. Babalitaan naman tayo ng ospital sa mga susunod na mangyayari.”Naisip ng mag-asawang Santos na maghintay nalang sa ospital, dahil nabanggit ng doktor na magigising naman si Eric sa loob ng dalawampu't apat na oras."Huwag na po kayong maghintay dito. Masyadong maraming tao rito. Doon nalang po tayo sa bahay!" sabi ni Layla. "Matulog po muna tayo at baka hindi natin mamalayan, pag gising natin, gising na rin siya.”Nakumbinsi naman ang dalawang matanda na magpahinga muna, at alam nila na sa oras na magising si Eric, magiging sobrang hina nito at kakailanganin nito ng magaalaga rito. ...Dinala ni Elliot si Avery sa canteen ng ospital at kumain sila ng sabay dahil hindi rin
Ah gusto mo ng baby? Madali lang yan! Tara pumunta tayo sa bahay ampunan! Maraming baby dun at ikaw pa ang mamimili kung ilang taon ang gusto mo.” Biro ni Avery.Natawa si Elliot. “Siyempre gusto ko ng apo na kadugo talaga natin.”“Hmm bakit kaya hindi nalang tayo ang gumawa ng anak natin?” "..."“Kailangan pa bang itanong yan? Gawin nalang natin!” Pagsakay ni Elliot. “Joke lang, huwag na natin silang dagdagan.” Matagal ng sinuko ni Elliot ang ideya na magdagdag pa ng anak."Huwag mo nang sabihin sa mga bata ang mga sinabi mo sa akin. Hindi ibig sabihin na gusto mo ng mga apo ay kailangan mo silang pilitin na magkaroon ng mga anak!" Tumingin ng masama si Avery kay Elliot.“Sayo ko lang naman yun sinabi!” Inakbayan ni Elliot si Avery. “Determinado na talagang pakasalan ni Layla si Eric… Wala naman sigurong plano na umatras si Eric no? Ibig sabihin, desidido rin silang magkaanak! Eh di Hayden… sa tingin mo ba kaya kong pwersahing mag asawa ang batang yun?!” “Eh kay Robert? Ka
Mag sstay ba tayo dito sa ospital o uuwi muna tayo?” Tanong ni Elliot."Gusto mo bang umuwi muna sa bahay?" tanong ni Avery.Gusto sana ni Avery na magstay na muna sa ospital hanggang sa magising si Eric para na rin mapanatag na ang loob ng mga magulang ni Eric. “Sasamahan kita dito sa ospital!” Kabisado ni Elliot si Avery. “Alam mo naman pala ang sgaot eh, bakit tinatanong mo pa ako?” Natatawang tanong ni Avery. “Kung hanggang ngayon ay hindi pa rin kita basahin pagkatapos ng matagal na panahong pagsasama natin, aba baka may mali sa relasyon natin! Kaya hindi ko talaga alam ang mararamdaman ko kapag ikaw naman ang hindi nakabasa sakin.”“Akala ko dati matagal na kitang kilala, pero noong madalas tayong nag aaway, naisip ko na baka nga hindi talaga kita kilala. Hmm sa tingin ko ang pinaka mahalaga ngayon ay hindi yung kung gaano natin kakilalala ang isa’t-isa pero yung kung gaano tayao kasaya sa isa’t-isa kahit na hindi na natin naiintindihan kung ano na ang nangyayari.”“Eh
"Mommy may sinabi ba siya sa'yo?" Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Layla.Umiling si Avery. "Gising na siya, pero… tinanong ko lang ko siya ng ilang tanong at tumango lang siya."Hindi napigilang humagulgol ni Layula, "Mommy, pwede ko na ba siyang punatahan? Gusto ko po kasi sanang alagaan siya.""Nasa VIP ward siya ngayon at may mga nurse na nag-aalaga sa kanya sa lahat ng oraskaya hindi mo na kailangang gawin yun.." Hinawakan ni Avery ang kamay ni Layla. "Alam kong gusto siyang samahan, pero mahina pa siya at tulog lang din siya kadalasan. Hmm baka mas magandang puntahan mo nalang siya kapag medyo mas magaling na siya?”Tumango si Layla at hindi na siya nangatwiran pa. "Okay po."Hindi nagtagal, dumating sila sa kwarto ni Eric, at agad namang lumabas ang nurse nang makita sila para bigyan sila ng privacy.Dumilat sii Eric nang marinig ang mga yapak.Nasabihan na siya ni Avery kanina na kasalukuyang naghihintay ang mga magulang niya sa labas, at noong tinanong siya nito kung h
Pagkalabas nina Mr. at Mrs. Santos, nagmamadali ring hinatak ni Avery si Elliot palabas.Sa wakas, nasolo na rin ni Layla si Eric. Huminga siya ng malalim at tumingin kay Eric. "Naalala mo ba ‘tong jacket na suot ko? Diba ito yung pinahiram mo sa akin? Ibabalik ko ‘to sayo kapag nakalabas ka na rito.”Pinag-aralan ni Eric ang jacket na suot niya na parang walang emosyon, at pakiramdam niya ay medyo pagod na siya.Tinitigan lang ni Eric ang jacket at hindi siya sumagot. Pagod na pagod na siya at gusto niya na sanang magpahinga dahil naubos ang lakas niya matapos niyang kausapin ang mga magulang niya. Tinignan niya si Layla ng diretso sa mga mata. "Nakausap ko na sina Mommy at Daddy at ang mga magulang mo. Lahat sila pumayag na magpakasal na tayo pagna’dischareg ka na dito." Alam ni Layla na mahina pa si Eric kaya wala siyang balak na patagalin pa ang usapan.Gulat na gulat si Eric at hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Layla. HIndi niya rin alam kung bakit pero sobrang nalung
“Anak ko si Layla at responsibilidad ko na turuan siya ng mga dapat niyang gawin, pero hindi na siya bata at wala siyang ibang gusto kundi ang makasama ka… sino naman ako para pigilan siya?” Pagpapatuloy ni Avery. Narinig ni Eric ang lahat ng sinabi ni Avery pero hindi niya alam kung paano siya sasagot. “Eric… alam kong ginagawa mo ito para sakanya pero naiimagine mo ba kung anong mangyayari sakanya kapag pinagtabuyan mo siya?” Nahihirapan din si Avery… Hindi niya naman gustong pilitin si Eric, pero hindi niya rin kayang isipin kung anong mangyayari kay Layla. Parehong mahalahga ang dalawang ito para sakanya. “Eh ano namang opinyon ni Elliot?” Alam ni Eric na hindi niya makukumbinsi si Avery kaya susubukan niyang kausapin si Elliot. “Gusto mo ba siyang makausap?” Tumango si Eric."Sige, tatawagan ko siya." Kinuha ni Avery ang kanyang phone para tawagan si Elliot. Pagkatapos ng tawag, sinabi niya kay Eric, "Parehas lang daw kami ng sasabihin kaya wala ring pupuntahan kung kak