"Doktora Sandford, sinabihan ako ng boss ko na ibigay ito sa'yo." Binigayng bodyguard ang isang tseke kay Zoe.Tinanggap ni Zoe ang tseke at sumulyap sa mga numero na nakasulat dito,bago ngumuso."Sobrang mapagbigay naman niya! Natulog lang kaming magkasama ng isang gabiat bibigyan na niya ako ng limang milyon." Inayos niya ang tseke sa lamesanang may mapait na ngiti. "Maliban sa tseke na 'to, may sinabi pa ba siyangiba?"Umiling ang bodyguard.Sumakit ang puso ni Zoe habang iniisip ito sa kanyang sarili, "Ano batalaga ang tingin ni Elliot sa akin? Isang pokpok? Binayaran lang niya akopagkatapos matulog kasama ko! Ang pinagkaiba ko lang ay mas mataas angbayad sa akin kaysa sa totoong pokpok!"Pinangngalatian ni Zoe ang mga ngipin niya at binato ang librong medikal salupa. "Alam ba niya kung paano respetuhin ang isang tao?""Doktora Sandford, binigyan ka na niya ng sapat na respeto. Kung hindi,hindi ka makakatanggap ng pera dahil dito," walang emosyong sabi ngbodyguard.
Umiwas ng tingin si Avery ng ilang sandali, pero pagkatapos, nagsimulasiyang humalakhak, "Ito ba ang unang pagkakataon na natulog kayongmagkasama? Matagal na rin simula nang lumabas kayo sa publiko kasama angrelasyon niyo. Inosente naman."Nandilim ang ekspresyon ni Elliot. "Kung makapagsalita ka parang ang damimo nang naranasan, ah. Natulog ka na ba sa ibang lalaki maliban sakin?"Ngumiti siya sa kanya, "Syempre!"'Lalaki' rin naman si Hayden.Ang postura sa mukha ni Elliot ay nawala."Avery Tate! Mauulol na ako kapag hinanap kita ulit!" sabi niya sanangngalaiting ngipin bago lumabas ng silid.Pinanood siyang mawala ni Avery, at ngiti sa kanyang mukha ay nawala.Mas mabuti kung hindi na niya ulit hanapin si Avery ulit. Sa ganoon, parehona silang mamumuhay ng magkaibang buhay, pero bakit hindi siya masayatungkol dito?Humawak siya sa kumot at humugot ng malalim na hininga. Kaamoy niya pa rinito.Bumukas ang pintuan, at pumasok si Mike."May ginawa ba si Elliot sayo? G
Sinagot ni phone ang tawag. “Hello.”“Ako ‘to.”Sinilip ni Chad ang pangalan ng tumatawag sakanyang screen at walang emosyong sumagot, “Anong kailangan mo?”“Aba. Ayus-ayusin mo ang tono ng pananalita mo o baka naman hindi niyo na kailangan ang drone namin?” Panakot ni Mike. “Tinatakot mo ba ako? Wala namang may gusto ng drone!” Pasinghal na sagot ni Chad. Ilang segundo ring natigilan si Mike bago siya muling sumagot, “Sino pa ba? Syempre yung magaling mong boss! Nakareceive kamu ng order galing sa purchasing department niyo. Teka, wag niyong sabihing nahack nanaman kayo?”Huminga ng malalim si Chad. “So ang ibig mong sabihin nagpaorder ang boss ko sa purchasing department ng drone sa inyo?”“Oo! Bakit? Hindi mo alam? Haha, nako… akala ko pa naman pinagkakatiwalaan ka ng boss mo. Mukhang hindi naman pala masyado.” Pang’asar ni Mike, sabay baba ng tawag. Dahil dito, inis na inis si Chad kaya pumunta siya kaagad sa office ni Elliot para iconfirm ang sinabi ni Mike. Kasaluk
Samantalang si Elliot naman na nasa kabilang linya ay biglang natahimik. Naiilang na binigay ni Chad kay Avery ang kanyang phone. Niloud speaker ni Avery para marinig ng lahat. “Hello, Mr. Foster.”Nang marinig ni Mike kung gaano ka pormal na bumati si Avery, gusto niyang humalakhak pero pinilit niyang pigilan, samantalang si Chad naman ay hindi makapagsalita. Walang balak na magpatalo si Elliot kaya binati niya rin si Avery ng may mas pormal na tono, “Hello, Miss Tate.”agulat si Avery. Nagpipigil ng tawang kinuha ni Mike ang kanyang baso at uminom ng tubig. Kinuha rin ni Chad ang kanya, pero narealize niya na wala pala itong laman. “Gusto ko lang sanang iexplain sayo ang sitwasyon namin kasi ayaw ko namang isipin mo na ginigipit ka namin.” Pinilit ni Avery na kumalma at makipag usap kay Elliot bilang kliente. “Sigurado ako na alam mong kakaumpisa palang ng company namin diba? Kaya sa totoo lang kulang pa ang equipment at mga tao namin at dahil dun, imposibleng mafulfill n
“Mr. Foster, nalaman po namin na naghahanap si Miss Zoe ng doktor.,” report ng private investigator na nakilala ni Elliot galing sa ibang bansa. Kinuha ito ni Elliot noong naghahanap siya ng doktor na gagamot kay Shea. “Ang requirement po ni Miss Sanford ay lalaki na nasa middle age at may 1.7 meters na tangkad.”“Bakit siya naghahanap ng ibang doktor?” Galit na sagot ni Elliot. “Palagay ko po ay naghahanap siya ng makakatuwang sa pag’gamot kay Shea.” May nakukutubang mali si Elliot, “Kailangan nating hanapin yang doktor na yan bago niya tayo maunahan.”“Okay po. Bukod dun, napag’alamanan ko na bago mamatay si Professor Hough ay may isa siyang sikretong estudyante. Sobrang confidential ng information ng estudyanteng ito pero sobrang lawak daw di umano ng exposure nito sa laboratory ni professor Hough.”“Hindi kaya yun ang estudyanteng hinahanap ni doctor Zoe?”“Yun din ang naiisip ko.”Pagsapit ng alas sinco ng hapon, sinundo ni Elliot si Shea sa Angela Special Needs Academy
Sa loob ng dalawampung taon, nandoon lang ang kahon na yun, at ni isang beses ay hindi siya nagkaroon ng problema… Pero ngayon, nasaan ito?!Nang makita niyang wala ang kahon, nagpapanic niyang kinalkal ang buong third row. Naka dikit ang shelf sa pader kaya imposibleng malaglag ito sa likod…Wala pang ilang minuto ay nagkalat na ang lahat ng libro niya sa sahig, pero… wala talaga ang kahon. “Nasaan yun?!” Galit na galit si Elliot. “Sinong pumasok dito sa study room ko at pinakielaman ang gamit ko?!” Hindi siya pwedeng magkamali… nakita niya pa yun noong huling beses niyang chineck ito.Galit na galit niyang tinawagan ang surveillance room, “Akin lahat ng footage ngayong buwan. May pumasok sa study room ko!” Halos maihi sa takot ang bodyguard na nakausap niya, “Opo sir, kukunin ko po at babalikan ko po kayo kaagad.”“Kumuha ka ng kahit gaano karaming tutulong sayo. Kailangan ko yan sa lalong madaling panaho!” Galit na galit si Elliot at parang sasabog ang puso niya sa sobrang
Tinanggal ang pangalan ni Mike, pagkatapos ang kay Hayden din. Dalawang beses ng nakarating sa mansyon si Hayden pero bantay-sarado niya ito kaya sigurado siya na nasa sala lang ang bata sa mga pagkakataong yun at imposibleng naka salisi ito sakanya at umakyat sa taas. Si Layla… ito ang nakaakyat pero sa tingin niya hindi naman ganun kalikot ang isip nito kumpara kay Hayden. Sa pagkakatanda niya pa nga ay nagwala ito noong huling beses itong pumunta. Tinanggal din ni Elliot ang pangalan ni Layla. Zoe… Hindi kaya siya?Pero… sa tuwing nandito si Zoe, may mga nakabuntot dito kaya imposible ring naka puslit ito sa study room. HIndi alam ni Elliot kung saan siya maguumpisa at ang tanging magagawa niya nalang ngayon ay ang hintayin ang mga footage na hiningi niya. Sa surveillance room na nagpalipas ng gabi si Elliot. Halos hindi na siya kumurap habang pinapanuod ang bawat anggulo na kuha ng CCTV. Noong araw na hinatid niya si Avery sa bahay nito, napansin niya na nagkaroon ng
Nang makita ni Laura na pumasok si Avery sa pintuan, nagmamadali siyang tumayo mula sa sofa para salubungin ito.“Avery, nag dinner ka na ba?” “Mommy, may nakita ka bang pulang kahon?” Nagmamadaling hinagis ni Avery ang kanyang bag sa sofa at natataranta siyang dumiretso sa kwarto ng kambal. “Pulang kahon?” Nag’aalalang sinundan ni Laura si Avery, “Parang wala naman akong napansin. Bakit?”“May nawawalang ganun si Elliot. Chineck niya ang surveillance footage at wala siyang nakita. Pero noong pumunta kami sa mansyaon, hinack ni Hayden ang mga surveillance camera nila kaya hindi maiwasan ni Elliot na isiping baka si Hayden ang kumuha.” Paliwanag ni Avery. “Grabe naman siya para pagbintangan si Hayden!” Galit na sagot ni Laura. Bakas sa mga mata ni Avery ang sobrang pag’aalala nang tumingin siya kay Laura, “Mommy, alam kong hindi yun kayang gawin ni Hayden, pero nitong mga nakaraang araw kasi kahit ako ginugulat din ni Hayden sa mga ginagawa niya eh.”Napabuntong hininga nalan