Napakabata pa ni Sebastian para humingi ng sarili niyang doktor. Sa oras na kailangan niya ng isa, tiyak na hindi niya gagamitin ang parehong mga doktor na nagtrabaho para kay Dean.Ipinost ni Natalie ang kanyang tagumpay sa grupo.Lahat maliban kay Sebastian ay naidagdag sa isang chat group na tinatawag na 'Fight for Our Inheritance'.[Nakakuha ako ng patunay ng mga sakit sa isip ni Dean. Malaki ang tsansa nating manalo dito.] Nag- type si Natalie.[Ang galing mo dito, Natalie. Hindi ko man lang naisip yun kanina.] sagot ni Violet.[Kailan magsisimula ang demanda? Hindi na ako makapaghintay na bawiin ang share ko kay Sebastian!] Komento ng pangalawang anak ni Dean na si Christine.[Ang liham ng abogado ay ipinadala kay Sebastian, at lahat ay susunod sa karaniwang pamamaraan. Siguraduhin mong makikinig ka sa akin, at ginagarantiyahan kong mas marami kang makukuha kaysa sa gusto mo.][gagawin ko.] Sagot ni Violet.[gayundin ako.] Pumayag naman si Christine.Pagkatapos ng pag- u
Bagaman wala sa kanila ang nakadama ng malalim na kaugnayan sa kanilang ama, at lahat sila ay nagalit sa kanya dahil sa kung gaano siya kalupit noong siya ay nabubuhay pa, sinimulan nilang alalahanin ang magagandang bagay tungkol sa kanya pagkatapos ng kanyang kamatayan. kahit na, mabait at mapagbigay si Dean sa kanila noong bata pa sila."Sebastian, Narinig ko na may mental issues si Dad. Sa tingin ko iyon ang pangunahing dahilan bakit wala siyang iniwan ni isa sa amin. Nagsimula lang kaming magtrabaho kasama si Natalie dahil wala tayong ibang paraan. Kung hindi dahil sa kanya, ikaw. Hindi man lang kami tatawagan para mag- usap," sabi ni Violet.Malinaw ang kanyang intensyon: gusto niyang ipakita kay Sebastian ang lahat ng lakas na mayroon sila para ipaalam sa kanya na matatalo siya kapag hindi siya nag- aalok sa kanila ng mas magandang deal." Hindi ko alam kung may sakit sa pag- iisip si Dad. Hindi niya sana sasabihin sa akin kahit siya," mahinahong sabi ni Sebastian. "Dinala ko
Nang opisyal na magsimula ang demanda, ang mga salita ng mga bata ni Dean ang pinaka- mahalagang aspeto ng kanilang kaso, at kailangang tiyakin ni Natalie na tinalakay niya ang mga detalye sa abogado.Pagkatapos niyang magtimpla ng kape ay pumunta siya sa kusina para magluto ng almusal.Bumili siya ng tinapay noong nakaraang gabi, kaya kailangan lang niyang magprito ng itlog at ham.Lumipat siya pabalik sa kanyang sariling apartment dalawang araw na ang nakakaraan.Sa teknikal na paraan, siya ay opisyal na lumipat noong gabi bago, dahil ang apartment ay may amag nang bumalik siya sa unang araw, kaya kinailangan niyang umupa ng mga tagapaglinis upang linisin ang lugar.Unti- unting bumabalik sa ayos ang buhay niya. Hindi siya malalagay sa anumang panganib, hangga't nanatili siya sa labas ng paraan nina Elliot at Avery. Kapag nanalo sila sa kaso, makukuha niya ang kanyang bahagi at magagawa niya ang anumang gusto niya.Ang pag- iisip na sa wakas ay makakabangon na siya mula sa kany
”Tama ang iniisip mo: Nagdesisyon nga si Sebastian na hatiin ang mga ari-arian niya para sa atin. Kaunti lang ito, pero at least kahit papaano may makukuha tayo kaya hindi na natin kailangan pang umabot sa kasuhan,” Sabi ni Violet. “Mula ngayon, wag mo na kaming icocontact.” Hindi pa man din nakakasgao9t si Natalie, biglang pinutol ni Violet ang tawag.Samantalang sa kabilang banda, lahat ng mga kasama ni Violet ay nagmamadaling makibalita. “Nagalit ba si Natalie? Minura ka ba niya?” Tanong ni Christine. Umiling si Violet. “Wala siyang sinabing kahit ano kaya binaba ko na. Hindi naman siguro ganun kakitid ang utak niya. Hindi naman tayo ang nagdedisyon na wala siyang makukuha….kaya wala siyang dahilan para magalit sa atin.” “Tama. Ngayon na sigurado na tayong sa atin nga mapupunta ang mana, masaya na ako.” “Ako rin.” Gatong ni Stacy. “Hindi ako bibigyan ng tatay ng ganito kalaki kahit pa siguro nasa tamang pag iisip siya.” “Kung okay na ang lahat sa hatian, kumain na mu
Matutulog na sana sila pero dahil sa tawga ni Sebastian, biglang nawala ang antok nila.“Hindi ata alam ng lalaking yun ang lugar niya. Hindi ba siya pwedeng tumawag sayo bukas ng umagga? Kailangan talaga ngayong gabi? Naiinis na tanong ni Elliot. “Ano naman kung tungkol yun kay Natalie? Kahit pa mabuhay ulit si Dean Jennings, wala akong pakielam.” “Siguro sobrang saya niya lang kaya nakalimutan niya ang oras.” Paliwanag ni Avery. “Napigilan ni Sebastian na makakuha si Natalie kahit singkong duling kaya sobrang saya niya. Hindi ba yun magandang balita?” “Bakit? Sa tingin mo ba wala ng ibang paraan pa para magkapera si Natalie?” Kalmadong tanong ni Elliot. “Hay.. wag na nga natin siyang pag usapan. Wag lang talaga niyang subukang galawin tayo dahil habambuhay na talaga siyang mawawala.” "Okay. Matulog na tayo! Gusto kong makita ang mga plinano mo para sa Pasko bukas para makapili rin tayo ng parehas nating gusto. Sa wakas ay makakatulog na tayo at makapagpahinga," sabi ni Avery
Bakit kaya hindi rin natin tanungin ang opinyon ng mga bata?” Tanong ni Avery. “Mabutri sana kung tayong dalawa lang ang magttravel eh.”Tama naman ang sinabi ni Avery at wala rin siyang planong makipagtalo. “Sige, hintayin nalang natin si Hayden para matanong din natin kung anong gusto niya.” Sagot ni Elliot. “Nakabili na ba siya ng ticket niya? Mga kailan daw siya dadating? Ako na susundo sakanya.”Nang makita ni Avery ang excitement sa mukha ni Elliot, natawa siya bigla. “Wala pa siyang binibiya na flight details sa akin kaya baka hindi pa siya naka book ng ticket.” Samantala, sa Bridgedale, si Hayden ay nasa isang video call kasama si Tammy.Nag voice call muna si Tammy at nang masigurado na wala siyang ginagawa, nag request ito ng video. “Hayden, gustong gusto ng Daddy mo na magtravel kayo. Hindi niya pwedeng gawin yun ngayon. NMagtravel nalang kayo sa ibang araw kasi nahanda na namin ang lahat para sa surprise wedding nila sa Pasko.” Nag aalalang bungad ni Tammy habang
"Tama ka," sagot ni Elliot. “Maganda na ang pakiramdam ko, pwede na ba akong magtrabaho ulit? Nabobored na kasi ako dito sa bahay eh. Pwede bang kahit bumisita lang ako sa office?” “Baka naman hindi ka na bumalik niyan ah!” Pang asar ni Avery. “Sige, kung talagang kaya mo na at gusto mo na talagang magtrabaho, pwede na.”“Eh paano naman ikaw?” Sa pag aalala ni Elliot na baka si Avery naman ang mainip, may naisip siya “Bakit kaya hindi ka nalang sumama sa akin sa office? Pwede kitang bigyan ng kahit anong posisyon na gusto mo. Sa tingin ko kasi mas maganda na rin na magkatrabaho tayo araw-araw!” Medyo kinilabutan si Avery sa ideya ni Elliot. ."I love you, Elliot, pero hindi talaga ako interesado sa trabaho mo. Pwede ka ng bumalik sa trabaho mo kung gusto mo. Wag kang mag alala sa akin kasi marami rin akong mga plano.”"Okay. Edi ihatid mo nalang ako sa office ngayon."Natawa si Avery, “Atat na atat ka na talagang pumasok no?” “Ang tagal ko na rin kasing nakatengga.” Sobrang e
"Natalie, nakuha mo na ba ang pera ng mga Jenning?" tanong ni Holly.Huminga ng malalim si Natalie at ngumisi, "Hindi. Pinatalsik nila ako sa laro nila. Nakakahiya mang aminin pero natalo ako at ang sakit sakit na ng ulo ko.."Nagulat si Holly, dahil hindi niya akalain na mabibigo si Natali sahil ang buong akala niya ay masyadong matalino at matinik si Natalie para mabigo.“Alam ko naman na hindi ka makikipag tulungan sa akin kasi hindi ko nagawa ang gusto mo. Mula ngayon, imposible na rin akong makahanap pa ng trabaho. Ang buong akala ko ay magiging sagot na sa paghihirap ko ang pagpatay ko kay Dean Jennings, pero lalo lang palang naging kumplikado.” Sabi ni Natalie na may kasabay na malalim na buntong hininga. “Nagpapaawa ka ba?” Naiinis na sagot ni Holly. “Sa tingin mo ba maganda ang buhay ko ngayon? Walang wala yang pinagdadaanan mo sa pinagdadaanan ko ngayon.”“Pero biniyaran naman kita ng malaking halaga, diba? Bakit hindi ka pa nagpakalayo-layo?” Naguguluhang tanong ni Na