"Sige! Basta tutuparin mo ang pangako mo, patatawarin kita," sabi ni Layla habang inabot ang kanyang hinliliit.Sa kabilang bahagi ng silid, mahigpit na niyakap ni Mrs. Scarlet si Shea."Shea, alam mo ba kung gaano ako kalungkot noong nabalitaan kong patay ka na? Alam mo ba kung gaano kalungkot ang kapatid mo? Bakit hindi mo sinabi sa amin na buhay ka?" tanong ni Mrs Scarlet.Pagkatapos ng sunud-sunod na tanong, sa wakas ay tiningnan ni Mrs. Scarlet si Shea. "Tingnan mo kung gaano ka kapayat, malamang ay hindi ito naging madali."“Nagkasakit ako. Baka namatay na ako kung hindi lang dahil kay Adrian," paliwanag ni Shea."Wag kang gagawa ng kahit anong katangahan sa hinaharap! Lagi kang mahina, alam ng Diyos kung aning pwedeng mangyari sayo kapag ganon kadaming dugo ang nawala sayo. Alam mo ba kung gaano nag-alala ang kapatid mo?" tanong ni Mrs Scarlet."Pasensya na. Hihingi ako ng tawad sa kanya pagbalik niya," sabi ni Shea, nakayuko ang ulo.Muling niyakap ni Mrs. Scarlet si She
Nagulat si Henry sa deklarasyon ni Shea,Hindi makapaniwala si Henry na ang mahinang babaeng nasa harapan niya ay magkakaroon ng ganoong kalaking determinasyon.Mukhang naging mas matalino si Shea sa paglipas ng mga taon."Tita, hindi mo dapat sinabi sa papa ko yan. Kapatid mo siya!" sabi ni Cole."Ayokong makita kayong dalawa, scram!" sabi ni Shea."Ako rin, ayaw kitang makita! Kinuha mo ang dugo ko, masama kang tao!" bulalas ni Adrian.Ang malamig na titig at paratang ni Adrian ay naging dahilan upang lunukin ni Cole ang lahat ng mga salita na inihanda niyang gamitin para kumbinsihin sila."Alam ni Shea at Adrian ang pinaplano niyo. Lalo na si Henry, hindi lang ang sarili mong kapatid ang hindi mo inalagaan, kundi sinubukan mo pa siyang saktan! Kung nandito ang nanay mo, madidismaya siya sa iyo," sabi ni Mrs. Scarlet."Tumahimik ka!" sigaw ni Henry.Bumaling si Mrs. Scarlet sa guard, "Bantayan mo ang pinto! Huwag mong papasukin ang dalawa. Kung malapit man sila sa property n
"Nagbukas siya ng kumpanya sa Bridgedale. Sinabi niya sa akin na para kay Lilith 'yon, sa tingin ko susunod siya sa yapak ng tatay niya," ani Avery."Hindi mahalaga kung saang landas ang tatahakin niya. Ng dahil sa kanyang talino at determinasyon, sigurado akong magiging matagumpay siya na tao," ani Mike.Nitong mga nakaraang araw, ginulo ni Avery ang kanyang utak na pinipilit mag-isip ng paraan para mailigtas ang kanyang kumpanya nang hindi ginagamit ang pera ng iba. Mas gugustuhin ni Avery na mawala ang kanyang kumpanya kaysa umasa sa pera ng iba para iligtas ito.Sa sandaling makarating si Avery sa kumpanya, ipinatawag niya ang lahat ng mga executive sa isang pagpupulong."Avery, balita ko kakalabas mo lang galing sa surgery, sigurado ka bang makakapagtrabaho ka na?" tanong ni Shaun."Okay lang ako," sagot ni Avery."Ang kumpanya ay nasa mainit na sitwasyon. Sinigurado ni Wanda na ang lahat ng aksyon natin dati ay magiging walang kwenta. Kakagaling mo lang, dapat mong siguradu
Humagalpak ng tawa si Wanda."Avery, sino ka sa tingin mo? Sa tingin mo nasa posisyon ka para magbanta? Alam kong si Elliot ay hindi makaalis ngayon sa Ylore , nagkaroon pa nga siya ng bagong asawa doon. Sinong makakapagsabi, na ang bago niyang asawa ay bigyan pa siya ng bagong anak, at pagkatapos nito, hindi na siya babalik. Kung wala ang Sterling Group, wala ka," ani Wanda."Ako yung nagtatago sa Bridgedale hindi katagalan kanina. Sinong mag-aakalang mabilis darating ang pagbagsak mo! Hahahahaha! Tadhana ito!" sabi ni Wanda.Patuloy na ipinagmamalaki ni Wanda ang kanyang tagumpay at kung gaano kalaki ang ilalago ng kanyang negosyo.Tahimik lang na tinapos ni Avery ang kanyang pagkain at tumawag para sa bill.Tumakbo ang waiter dala ang bill.Pinandilatan ni Avery si Wanda at sinabing, "Siya ang kukuha ng bill. Kailangan kong bumalik at umidlip. Sa susunod na gusto mong makinig ako sa daldal mo, mapapagastos ka.""Kaya mo bang makatulog?" tanong ni Wanda."Bakit hindi?" tanong
"Nag-lunch break ka ba?" tanong ni Elliot."Hindi ako makatulog. Parang pakiramdam ko ay natalo talaga ako kay Wanda," ani Avery."Bumalik ka at magpahinga ka. Mag-iisip ako ng kahit ano," sabi ni Elliot, ang malalim niyang boses na nagbibigay ginhawa kay Avery."Paano mo ako tutulungan? Nasa Ylore ka, hindi din ikaw ang boss ng Sterling Group," tanong ni Avery."Ano ang kinalaman nito sa Sterling Group? Dahil maaari mong ibigay ang aking shares, sa tingin ko ay mas may kapangyarihan ka kaysa sa boss ng Sterling Group," sabi ni Elliot.“Elliot, pasensya na, ang gusto ko lang ay bumalik ka sa Aryadelle, tapos hihilingin ko kay Adrian na ibalik lahat ng shares mo,” saad ni Avery."Pwede ka nang magpahinga. Sasabihin ko kay Ben na tawagan ka," sabi ni Elliot habang binababa ang tawag.Nakahinga ng maluwag si Avery nang ibaba niya ang kanyang telepono. Alam niyang nakapagdesisyon na si Elliot na tulungan siya.Kahit na hindi si Elliot ang kasalukuyang CEO ng Sterling Group, handa p
Tumango si Avery. Ang iminungkahi ni Ben ay patas, ngunit siya ay nag-aalala para sa Sterling Group. Paano kung ang buong investment ng Sterling Group ay mawala dahil sa kanyang pagkabigo?"Ben, magiging pranka ako sayo. Ang pinakamalaking problema na kinakaharap natin ngayon ay ang kakulangan ng R&D personnel sa kumpanya," paliwanag ni Avery."Akala mo ba hindi ko alam? Bago ako tinawagan ni Elliot, alam ko na kung ano ang pinakamalaking problema mo. Kung gusto mong makipagkumpitensya sa kumpanya ni Wanda, kailangan mong panatilihin ang bawat linya ng produksyon. At saka, kailangan mong magbenta sa mas mababang presyo kaysa sa Wanda. Pagkatapos nito, ito naman ay magiging labanan ng attrisyon," sabi ni Ben.Lalong lumalim ang pagkunot ng noo ni Avery habang sinabing, "Malaki ang magagastos niyan... Sinabi ni Wanda na nakakuha na siya ng malaking bilang ng mga investor.""Kaya ang Sterling Group lang ang makakapagligtas sa iyo ngayon," sabi ni Ben habang sinubukan niyang humigop sa
“Eto ang tinatawag nating ‘targeting the essentails’. Ito ang pinaka gusto ni Elliot.” paliwanag ni Ben. “Kahit na malaki ang kailangan mong ilabas na pera, pero pag patay na ang target, makukuha mo na lahat.”“Sigurado ka bang makukumbinsi natin sila na kumampi satin? Malamang mas madaming nabigay ang Wanda sakanila at pwede ring pinangakuan sila ng shares...” sabi ni Avery.“Kung ano ang kaya ibigay ng Wanda, kaya nating higitan. Kung nasa sayo ang desisyon, pipiliin mo ba ang Sterling Group o Wonder Technologies?” tanong ni Ben.Malaki ang pagkakaiba ng dalawang kompanya. Hindi mo sila pwede ikumpara sa isa’t isa.“Kukumbinsihin mo ba sila o ako nanaman ang gagawa?” Tanong ni Avery.“Pareho tayo.” Sabi ni Ben. “Mas madali kung si Elliot ang gagawa. Pero nung tinanong ko siya kung kailan siya babalik, matatagalan pa daw siya.”Makikita ang pagkalungkot sa mata ni Avery. “Makakabalik lang siya pag wala na si Gary. Sa ngayon, nasa ICU si Gary. May posibilidad na hindi na siya ta
Nanlamig ang pawis ni Avery.Magkaiba na payag siyang ibigay ang lahat sakanya sa kukunin ni Elliot ng pwersa kung ano mang meron siya.Naintindihan na niya kung bakit sobrang galit ni Elliot. Hindi lang nawala sakanya ang Sterling Group. Pati narin ang mga paniniwala niya.Iniisip niyang hindi kukunin ni Elliot sakanya ang Tate Industries kaya alam rin ni Elliot na hindi gugustuhin ni Avery na basta nalang niya isuko ang Sterling Group.Inimbitahan ni Avery si Tammy sa bahay niya para maghapunan.“Avery, sumasakit parin ba yung sugat mo?” Dahan dahang kinalikot ni Tammy ang buhok ni Avery.Kinalbo ang parte ng buhok niya at nakakagulat ang sugat.Buti nalang makapal ang buhok niya kaya hindi mahahalata kung hindi titignan ng malapit.“Gagaling na rin siya sa loob ng isang buwan.” mahinahon na sabi ni Avery. “Kamusta kayo ni Jun?”“Ayun, hindi na mainit. Parang matandang mag asawa.” Hinila ni Tammy si Avery papalapit sa sofa. “Pero ako na nagpapatakbo ng business ni papa.”“K