"Wala akong alam," sinabi ni Elliot. "Huwag kang mag-alala sa kanila.""Malaki na ang kuhain natin kung ganoon!" Ani Avery. "Sampung pulgada, siguro?"Sumulyap si Elliot sa tindera at sinabi, "Sampung pulgada.""Walang problema po. Nagda-date po ba kayong dalawa? Ang cute niyo pong magkasama," sinabi ng tindera nang may ngiti.Ang alon ng kahihiyan ay bumuhos sa buong mukha ni Avery, na ang kanyang porselanang kutis ay naging pulang-pula. Sa kabilang banda, sumulyap si Elliot sa mga matatamis na naka-display at nagtanong, "Gusto mo pa ba ng ibang iuuwi?" "Ayos na ito..." sagot ni Avery. "Sige lang at kumuha ka para sa mama mo."Napansin ni Avery ang mapulang pisngi ni Elliot, humalakhak siya sa sarili, tapos ay sinabi, "Sige! Kukuha ako ng iba pa."Isang oras bago sila nakaalis sa bakery.Hawak hawak ni Elliot ang cake sa isang hindi mapakaling ekspresyon sa kanyang mukha. Halos walang tao sa kalsada. Malamig ang panahon pero ang init na nakapalibot sa kanya ang nakatu
Pagkatapos ng ilang sandali, minulat ni Elliot ang kanyang mga mata at hinipan ang mga kandila sa kanyang cake. Bumukas ulit ang mga kurtina, at bumaha ng ilaw ulit ang buong silid. "Anong hiniling mo, Elliot?" tanong ni Ben ng may ngisi, "Palagi mo bang binubunyag ang kahilingan sa lahat ng tao tuwing kaarawan mo?" bawi ni Elliot. Napuno ng tawanan ang buong silid. Hinati ni Elliot ang cake at nilagay ito sa plato ni Avery. "Ikaw dapat ang unang makatikim nito," sinabi ni Avery habang tinutulak ang cake pabalik sa kanya. "Hindi ko makakain ang ganyang karami," sagot ni Elliot. Kinuha niya ang tinidor, tinikman ang cake, at tinulak ito pabalik kay Avery. Parang may sarili silang mundo, nakahiwalay sila sa lahat ng tao sa silid. Nagsimulang mag-ingay ang lahat at nag-usap ng katuwa-tuwang bagay. "Simulan na ba nating tawagin ngayon si Miss Tate ng Mrs. Foster?""Bakit hindi mo subukan? Hindi naman yata 'yan pupunahin ni boss!""Hahaha! Hindi rin pupunahin ni Miss
Sa pintuan ng pang-bisitang silid, sinabi ni Avery, "Ihahatid na kita pabalik doon sa silid. Kaya kong bumalik dito para magpahinga pagkatapos gawin 'yon, sasamahan kita paggising ko."Pumasok si Elliot ng kwarto at sinabi, "Pagod din ako."Napatigil si Avery. "Hindi ka kumain ng kahit ano! Kumain ka muna-""Kalimutan mo na 'yan. Magpahinga ka na."Paano kakalimutan ni Avery 'yon?Hindi maganda ang pakiramdam niya kung hahayaan niyang magutom siya sa kanyang kaarawan. Agad siyang bumalik sa pribadong silid para ikuha ng pagkain si Elliot. Masaya siyang tinulungan ng lahat. "Kuha ka pa ng karne, Miss Tate! Kailangan mong siguraduhin na kakainin niya ito lahat! Malaki ang pinayat niya pagkatapos ng aksidente.""Iwan na namin ang boss namin sa'yo, Miss Tate! Alagaan mo siya para sa amin!""Pahinga ka na pagkatapos mo kumain, Miss Tate. Hindi ka namin guguluhin pa!"...Iniwan ni Avery ang kwarto na may namumulang pisngi at bumalik sa kwarto na may isang tray ng pagkain.
Ang putok ng baril ay tumagos sa gabi sinundan agad ng tunog ng gulong ng kotse papunta sa walang humpay na hiyaw. Pakiramdam ni Avery ay sasabog na ang kanyang tainga habang nakahawak ng mahigpit kay Elliot. Bumuhos ang luha sa kanyang mukha habang walang tigil ang panginginig ng kanyang katawan. Sumabog ang mga gulong ng itim na sedan. Lumihis ito at bumangga sa kung saan naka-puwesto ang cotton candy na binilhan kanina ni Avery. Niyakap ni Elliot si Avery habang pinapanood ang kotse mula sa gilid ng kanyang mga mata.May gustong pumatay sa kanya pero hindi nagtagumpay. Tapos ay may pagputok ulit ng baril sa kung saan. Sa oras na ito ay nakatutok na ang baril sa kanila mula sa upuan ng nagmamaneho. Napalibutan ng iyak at takot sina Avery at Elliot habang nagkawatak-watak ang mga tao para makahanap ng masisilungan mula sa kapahamakan. Malamig ang balat ni Avery. Hinele ni Elliot ang mukha niya sa kanyang mga kamay, tumitig sa natatakot niyang mukha, at namamaos na
Binaba ni Avery ang kanyang telepono sa lamesa. Agad na nanuyo ang kanyang bibig kaya kinuha niya ang mangkok ng sabaw na pinasa sa kanya ni Ben. Kinatok ni Ben ang lamesa at sinabi, "Hoy! Pa-sikreto ba kayong nagpapadala ng mensahe ngayon?"Natatakot si Avery na may ibulalas na nakakagulat si Elliot ang, kaya agad niyang sinabi, "Busog na kami pareho, kaya uuwi na kami!""Sige! Busog na rin kami," panunuya ni Ben. "Napuno kakanood ng PDA niyo!"...Narinig ni Rosalie ang pagtangkang pagpatay na balita kay Elliot at agad na nagmadali sa buong kagabi papunta sa mansyon ng mga Foster. Nanlamig ang mukha niya nang makita si Avery. "Nang muntik nang masagasaan ng kotse si Mr.Foster kanina, tumalon si Miss Avery sa kanya at niyakap niya sa kanyang bisig!"Nakita ng gwardiya ang buong pangyayari at naramdaman na obliga siyang i-ulat ang kung anong nakita niya kay Rosalie. "Kung hindi ko binaril ang mga gulong, babangga ang kotse diretso sa kanila. Malamang ay mapipisa si Miss
"Ako lang mag-isa," sagot ni Elliot nang may mahinahon na tono, "Pero, pwede mo akong tulungan kung nag-aalala ka."Pakiramdam ni Avery na binungkal niya ang sarili niyang hukay. Syempre, mag-aalala siya kung inaalagaan ba ni Elliot ang sarili niyang kalinisan, pero anong pinagkaiba sa pagitan ng pagpapaligo sa kanya, at ang pagsabay nilang pagligo?Pumasok sila sa kwarto, at sinarado ni Avery ang pintuan sa likuran niya. "Pwede mo bang ibigay sa akin ang tungkod ko, pakiusap?" tanong ni Elliot na may malalim at mababang boses. Tatanungin na sana ni Avery kung saan nakalagay ang tungkod niya nang nakita niya ito at binigay ito sa kanya. Kinuha ni Elliot ang tungkod at ginamit ito bilang suporta habang nahihirapan siyang tumayo sa kanyang wheelchair. "Ayos ka lang?" natatarantang tanong ni Avery. "Ayos lang ako. Naliligo ako mag-isa ng ilang araw," sagot ni Elliot nang may himig ng kapilyuhan sa kanyang boses. "Tinakot ba kita?"Namula si Avery tapos ay sinabi, "Inaasar m
Muling pumasok si Avery sa kwarto dala ang pang-unang lunas sa kanyang kamay. Lumuhod siya sa paa ni Elliot at sinimulang hubarin ang benda sa mga sugat niya. Malala pa kaysa sa inaasahan niya ang mga natamo niyang pinsala. Ang malaking piraso ng balat ay nawawala mula sa kanyang paa, pinapakita ang madugong laman nito. Labis siguro ang paghihirap niya!Halos hindi kumibot si Elliot habang ginagamot at binibihisan ni Avery ang sugat. Napansin niyang naging mabigat ang kanyang hininga. "Mukha lang 'yang malala. Hindi 'yan masakit," sinabi niya, ang boses niya ay gumuhit sa katahimikan. Gusto niyang bumuti ang pakiramdam ni Avery, pero hindi niya gusto ang maling kaaliwan ni Elliot. Sinundot ni Avery ang sugat niya gamit ang kanyang darili, dahilan kung bakit napaigtad si Elliot. "Sabihin mo ulit sa akin na hindi masakit," sinabi niya habang namumula ang kanyang matang nakatitig kay Elliot. Nilagay ni Elliot ang kanyang mga braso sa likod niya, tapos ay pinasingkit a
Ang balita sa pagkamatay ni Cassandra ay umabot ng bandang ala-siyete ng umaga. Tumalon siya sa bintana ng kanyang silid sa hotel kung saan siya nanatili at namatay mula sa pagkahulog. Nabalik ng mga pulisya ang contact na impormasyon ni Avery mula sa pagkakakilanlan na iniwan ni Cassandra sa kanyang silid. Patay na si Jack at nasa ibang bansa naman si Wanda. Ang tanging tao lang na makakakilala sa katawan ni Cassandra ay si Avery. Halos tulog pa rin si Avery nang sinagot niya ang tawag. Kahit pagkatapos niyang ibaba ito, akala niya ay nananaginip pa rin siya. Hanggang sa bumalik ang ulirat niya at tiningnan ang kanyang phone call history at doon niya napagtanto na hindi siya nananginip. Bumangon siya sa kama, kinaligtaan ang almusal, at nagmadali sa hotel kung saan nangyari ang insidente. ..."Tumalon siya, Sir. Nang binuksan namin ang pinto, tumakbo siya sa bintana at tumalon bago pa kami may magawa. Halata na punong-puno siya ng pagsisisi."Inulat ng tauhan ni El