"Buhay na buhay ang celebration na ito!" sumigaw ng isang partikular na boses mula sa main entrance. Lumingon ang lahat ay nakita nila ang isang grupo ng mga tao na pinamumunuan ng isang mayaman na batang tagapagmana at ang mga ito makikitang papasok sa bahay. "Hindi ka pwedeng pumasok dahil hindi ka imbitado dito!" Sigaw ng isang servant na sinusubukan silang harangan mula sa pagpasok sa gusali. "Umalis ka sa daan ko!" Reklamo ng isa sa mga lalaking tagapamana habang tinutulak niya ang servant. Tumahimik ang lahat nang makita nila iyon. "... Shane Long?" sabi ni Lady Yaleman nang tumayo siya habang nakasimangot. Isa-isa na tumayo rin ang ibang miyembro ng pamilyang Yaleman at lahat sila ay pare-parehong may malamig na ekspresyon sa kanilang mukha habang tinititigan nila si Shane. Si Shane ang panganay na young master ng pamilyang Long at kahit pa noong bata siya, siya ay kilala bilang isang matalinong lalaki. Malinaw sa pamilyang Yaleman na sa likod ng mabait na mukha ni
Dahil naroroon din ang maraming iba pang mga presidente na nakipagtulungan sa kanila, mabilis na idinagdag ni Yuma, "Hindi mo ba alam na ang ginawa mo ay sumira sa pamilya Yaleman?!" "Tama na, Yuma. Bulag ka ba? Malinaw na ang Chairman Mill at ang iba pa ay nakipag sabwatan sa pamilyang Long bago pa man!" sabi ni Lady Yaleman habang nakatingin kay Yuma. Ang mga kasangkot na presidente ay simpleng nagkatinginan bago sila nagkibit-balikat at nginisian si Yuma nang marinig nila iyon. "Sasabihin ko ito ngayon pa lang, kahit na magdusa tayo ng isang napakalaking loss, mas mabuti pa rin tayo kaysa sa karamihan sa mga ordinaryong tao! Ang kailangan lang nating gawin ay isuko ang ilan sa ating mga pag-aari at pagkatapos nito ay hindi natin kailangang bayaran ang pamilyang Longb ng kahit isang sentimo! Hindi mo kailangang mag-alala tungkol doon!" sabi ni Lady Yaleman. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang sinasabi niya iyon. Pagkatapos ng lahat, malinaw sa kanya na ang pamilyang Yale
“Birthday lang niya ang iniisip niya! Kaninong birthday ang maaaring maging mas mahalaga kaysa sa pagdiriwang ng pamilyang Yaleman?!" sigaw ni Lady Yaleman, nararamdaman niya na parang mahihimatay na siya sa sobrang sama ng loob. "Lola!" sigaw ni Bea habang tumatakbo papunta sa kanya, ang iba pang mga chairman mula sa birthday party ni Bea na sumusunod sa likuran. "Ikaw! Saan ka-" Nang malapit nang ilabas ni Lady Yaleman ang lahat ng kanyang pinipigil na galit, ang kanyang tingin ay nakatuon sa mga nakatayo sa likuran ni Bea. Matagal bago niya mapagtanto kung sino ang mga tao na nasa likod ni Bea. Hindi makapaniwala ang lahat ng mga panauhin at ni Lady Yaleman matapos nilang makabalik mula sa kanilang kaninang pagkatuliro. "Hindi ba siya si Chairman Jagger?! Ang pinakamayamang tao sa Jacksonville?!" “D*mn! Siya nga talaga yun! Hindi ba si Chairman Yarbury ang nasa tabi niya? Anong ginagawa ng big shot na tulad niya dito?" “Nandito din si Chairman Goldwell! Siya ang pina
Makikita ang mapait na ngiti sa mukha ni Gerald habang sinasabi niya iyon. “Hmm? Bakit bumalik si Shane sa loob?" Bago pa man makapag-react ang sinuman sa pahayag na iyon, isang malakas na hiyaw ng pagkabigla ang umalingawngaw sa loob ng hall. Hindi nagtagal bago nakita ng lahat sila Shane at ang kanyang mga nasasakupan na umatras pabalik sa sala, at sa mabuting dahilan din. Ang isang makapangyarihang babae ay nagpakita sa kanya makalipas ang ilang segundo, sumunod sa likuran niya ang isang grupo ng mga nakakatakot at mukhang malalakas na mga kalalakihan. 'Sino... Sino ang taong ito…?' Naisip ni Lady Yaleman sa kanyang sarili habang kumikibot ang mga sulok ng kanyang labi. Si Bea naman ay napuno ng pagkamangha habang nakatingin sa magandang babae. Sa katunayan, nasaksihan niya sa kanyang sariling mga mata kung paano napaatras si Shane sa sobrang takot nang makaharap niya ang presensya ng babaeng iyon. "Nagkataon na nandito ka rin, Shane! Nagkita ulit tayo!” sabi ng baba
"Isa pang regalo?" Sinabi ng ilan sa mga panauhin habang masigasig silang naghihintay. Kung tutuusin, nagtataka sila kung ano ang hinanda ng dalawang makapangyarihang magkapatid na Crawford matapos makita ang moonstone at lahat ng mga chairman na inimbitahan ni Gerald. "Dahil may mga regalo na kami ni Gerald, ang pangatlong regalong ibibigay sayo ng aming hipag!" sabi ni Jessica sabay lingon sa likod. Habang sinusundan ng iba ang kanyang tingin, nakita nila na ang isang grupo ng mga servants na naglalakad sa hall patungo sa kanila na pinamumunuan ng isang magandang babae. Kahit na mula sa malayo, napansin ng lahat ang banayad na ugali ng magandang babae. Dahil dito, lalong naging tense ang pakiramdam ng paligid. "Napakaganda ng babae!" sigaw ng maraming tao habang pinagmamasdan nila siya na papasok sa sala. "Hipag?" Gulat na gulat na sinabi ni Bea. Ang hipag na tinutukoy ay walang iba kundi si Lyra. Paglingon niya kay Gerald, yumuko lamang siya at walang sinabi. Kung tutu
Nang matapos ang pagdiriwang, hindi pa rin makapaniwala si Rose, Second aunt, at marami pang iba mula sa lahat ng kanilang nasaksihan. Nagkaroon pa sila ng idea noong una na kunin ang pabor ni Jessica, ngunit ang tanging natanggap lamang nila ay mga malalamig na tingin mula sa kanya. Sobra silang natakot kay Jessica pagkatapos ng pangyayari na iyon kaya walang sinuman ang nakalapit para makipag-usap sa kanya! Si Bea ay biglang umakyat sa stardom sa loob lamang ng isang araw. "Lumalabas na malaki ang impluwensya at kapangyarihan ni Dylan! Nakakagulat ito!" malungkot na sinabi ni Lady Yaleman matapos marinig ang isang buod ng mga pangyayari mula kay Gerald. Gabi na at nakatayo sa loob ng kwarto ni Lady Yaleman ang ilang mga tao."Hindi na kailangang panghawakan pa ang mga sama ng loob na naipon mula noon pa man, lola... Panahon na para bitawan sila at muling pagsamahin ang ating mga pamilya!" sabi ni Gerald. "Wala na ba silang pinanghahawakang sama ng loob? Napakamalupit ko ka
Ang isa sa mga kalalakihan ay agad na hinila ang buhok ni Yura bago niya ito sinampal ng maraming beses. Bumalik lang sa katinuan ang utak ni Yura nang makita niya ang isa pang tauhan ni Shane na biglang naglabas ng isang kutsilyo sa harapan niya. "Hu-Huwag naman tayong maging malupit ngayon, Mr. Long! Kaya namang pag-usapan ito kung kinakailangan!" nauutal na sinabi ni Yura habang unti-unti siyang natatakot sa bawat lumipas na segundo. “Hah! Alam mo naman pala kung paano kumilos ng maayos, hindi ko na sana kailangang malupit sayo noong una pa lang kung inayos mo ang ugali mo! Pero maliban doon, bakit ka nagsasalita na parang naghahanap ako ng problema? Nandito ako para tumulong sayo! Kung sabagay, wala namang nakakaalam na nakasuporta pala kay Bea ang magkapatid na Crawford. Dahil doon, siya na ngayon ang pinaka-maimpluwensyang tao sa buong Yanken! Mahihirapan ang pamilyang Long dahil doon, pero sigurado ako na ang pinaka-minalas dito ay ikaw, Mr. Yaleman! Hindi ka ba naniniwala
Medyo dismayado si Gerald habang patungo siya sa nasabing bahay. 'Kaya ba talaga ng isang malaking pamilya na manirahan sa isang liblib na lugar...?' Nang nasa harap na siya ng wooden house, nakita ni Gerald ang isang matandang lalaki na lumabas sa bahay na mukhang nasa sixties na. Kahit na ang matanda ay nakadamit tulad ng isang villager, ang kanyang mga damit ay malinis pa rin. Napansin niya si Gerald at nabigla siya, ngunit mabilis niyang itinago ang kanyang pagkabigla nagtanong siya habang nakangiti, “Hello, sir! May maitutulong ba ako sayo?" "Masaya akong makilala ka, sir! Gusto ko lang tanungin kung may kilala ka bang malaking pamilya na nakatira dito sa bundok na ito?" sagot ni Gerald. “Malaking pamilya? Haha! Tumingin ka sa paligid mo, sir! Walang kahit ano dito kundi mga bundok at puno sa paligid! Nakatira ako dito dahil binabantayan ko ang kagubatan! Walang ibang tao dito kundi ako!" paliwanag ng lalaki habang patuloy siyang nakangiti. “Sinabi kasi ng kaibigan k