Ito ay isang napakalaking street at gayon pa man, wala ito sa paningin ni Mr. Crawford. Gaano kayaman ang pamilyang Crawford?! Si Whitney at ang ibang mga dalaga ay nahulog kay G. Crawford. Ninanais nila na maging boyfriend siya. "Hindi ba parang sobrang yaman naman ang meron sila?" "Kung sila ay isang maimpluwensyang pamilya, dapat na nakita natin ito sa Internet!" Duda ng mga dalaga na kasama nila. Tumawa si Quinton. "Ang mga nakikita mo sa online ay hindi ang mga pinaka-makapangyarihan. Isipin mo. Anong uri ng pagkakaroon ng isang kumpanya kapag ang lahat ng malalaking kumpanya na alam mo sa online ay sinusuportahan nito? Marami sa malalaking industriya ang sinusuportahan ng isang napakalakas na kumpanya, at ang mga nasabing kumpanya ay pinamamahalaan ng mga pamilya na hindi natin karaniwang naririnig ang kanilang mga pangalan!" "Hmm, tama nga naman." Kumbinsido na ang mga dalaga. Ring! Ring!Tumunog ang telepono. Kinuha ni Mrs. Smith ang telepono. Nabigla siya na
Sa halip ay nainis siya sa kanyang pagiging inosente noon. Ngayong natapos na ang kanyang kakaibang pagiging magulang noon at gumastos siya ng napakaraming pera, pinagagalitan pa rin siya ng kanyang kapatid! Naramdaman ni Gerald na medyo dramatiko ang kanyang buhay, halos parang panaginip ito. "Uy, nakita ko ang mga transaksyon ng iyong card. Ginastos mo na ang lahat ng pera! Haha, mahusay! Narinig ko mula kay Zack na nag-improve ka na. Natutunan mo ring gamitin ang mga pondo ng kumpanya para mag-invest sa isang maliit na kumpanya! Gumawa ako ng isang background check sa kumpanyang tinulungan mo. Na-inlove ka ba sa isang babae? Ginagawa mo ba akong hipag?" Mapaglarong tanong ni Jessica. Totoo na si Gerald ay nakikipag-ugnay kay Mila sa nakalipas na ilang araw at talagang nagkakaroon sila ng koneksyon sa bawat isa. Kinuwentuhan siya ni Mila tungkol sa halos lahat ng bagay, at napakasaya niyang nakipag-usap sa kanya ng anuman. Gayunpaman, kung mas malapit sila, mas nag-aatubi
Talagang nagulat si Gerald nang makita niya si Xavia na nagtatrabaho bilang isang waitress sa villa. Hindi kataka-taka na nawala siya sa mga nakaraang araw, napunta pala siya dito. Gayunpaman, masaya si Gerald para kay Xavia. Paano niya ito sasabihin... Siguro nanatiling galit sa kanya si Xavia, hindi siya nahulog at nakakita ng trabaho pagkatapos ng pangyayaring iyon, nagsusumikap upang kumita ng pera. Kung ihahambing sa iba pang mga kahihinatnan, ginusto ni Gerald na makita siya sa ganitong kalagayan. “Gerald, bakit ka nandito?! Ito ba ang lugar na pwede kang makarating at makapunta nang malaya? Lumabas ka na ngayon!" Malamig na sabi ni Xavia. “Hoy, Xavia! Kilala mo ba ang lalaking ito?" Ilang waitresses na nasa edad ni Gerald ang lumakad at tumayo sa tabi ni Xavia. Nasa senior year sila, katulad ni Xavia, at magsisimulang sa kanilanh internship. Samakatuwid, nais nilang magtrabaho sa villa upang kumita ng ilang pera. Narinig nila na makakakilala sila ng maraming tao
Ngayon, gusto ni Xavia na ilabas ang lahat ng kanyang sama ng loob sa kanya. Ikaw, Gerald, wala kang kwenta! Anong ipagmamalaki mo! “Hmph, talo ka. Labas. Kung hindi ka lalabas ngayon, tatawag ako sa security guard!" Manhid nagsalita ang ilang mga babae. "Hindi ito ang lugar... Ah! Xavia, tingnan mo! Nandito na si Mr. Bale! ” Biglang masaya nilang tinuro ang gate na habang kinukutya si Gerald. Isang luxurious na sasakyan ang huminto sa may gate, at isang guwapong binata na nakasuot ng asul na suit ang bumaba mula sa sasakyan. Mayabang siyang lumakad na may isang kamay sa kanyang bulsa. "Mr. Bale! " Maraming babaeng waitresses ang kumaway sa kanya nang masaya. Sa kabilang banda, si Xavia ay naging mahinhon at kumilos tulad ng isang matikas na babae. "Xavia, busy kayo..." Lumapit si Mr. Bale at ngumiti. "Hindi, hindi kami abala, Mr. Bale. Pinipigilan lamang namin ang isang mahirap na pumasok sa villa kung sakaling maistorbo niya ang meeting ng tatay mo at ng ibang tao sa
“Nababaliw ka na ba? Paanong magiging pagmamay-ari mo ang buong Mayberry Commercial Street? Bakit ‘di mo na angkinin pati ang langit?”Nakatingin ang mga dalaga kay Gerald na para bang isa siyang baliw.Tumatawa ng malakas si Bale dahil sa mga sinabi ni Gerald.Ang Mayberry Commercial Street? Sinabi ng lalaking ‘yon na pagmamay-ari ito ng kanyang pamilya.Napangiti nalang si Gerald. Sa mga sandaling iyon, tumunog ang kayang cellphone.Isang tawag mula kay Zack.“Mr. Gerald, nakarating ka na ba?”“Oo Zack. Nasa front hall ako,” Sagot ni Gerald.“Ah! Okay, okay. Kasama ko sina Mr. Harrison at Mr. Henderson mula sa Bureau of Education. Pupuntahan ka namin diyan ngayon din! Matagal ka na nilang gustong makita nang malaman nila na mag-iinvest ka sa ilang public welfare projects at mga commercial projects.” “Ah… Okay!”Hindi inaasahan ni Gerald na magpupunta agad ang mga direktor, at binaba na niya ang kanyang cellphone pagkatapos niya magsalita.Sa kabilang dako, nagulat sina Mr
Nagging busy sina Jane at iba pang mga batikang waiter dahil sa dinner ngayon ngayon lang. Kaya kakarating lang ni Jane.Pagkatapos marinig ang sinabi ni Zack, walang awang sinampal ni Jane si Xavia.“Pumunta ka sa likuran ngayon din!”Bagamat isang karalangan ang makapagtrabaho sa villa, kailangan maintindihan ang mga patakaran habang nagtratrabaho dito!Nagulat si Xavia sa sampal na kanyang natamo.Talaga?!Tanging ang alam niya lang ay hindi siya nananaginip ng maramdaman ang sakit dulot ng sampal.Totoo ang lahat ng nangyayari!Hindi nagsisinungaling si Gerald. Isa nga siyang mayamang second generation. Walang binatbat sa kanya sina Yuri at Mr. Bale!Siya ang may-ari ng commercial street, at nangangahulugan ito na siya ang pinakamayan sa Mayberry City o baka pati na sa buong mundo.Nakaramdam ng matinding sakit si Xavia. Kung hindi siya nakipaghiwalay kay Gerald, mayaman na dapat siya ngayon?!Sa malamang ay oo dahil minahal siya ng labis ni Gerald!“Mr. Gerald, ipapaki
Tumalikod si Gerald at walang pakialam na tumingin kay Xavia. "Xavia, syempre hindi ko nakalimutan ang mga sinabi mo. Sa katunayan, ito ay dahil sa iyo na iparamdam sa akin na may pag-asa sa aking buhay sa panahong iyon. Alam mo ba? Handa kong ibigay sa iyo ang lahat sa oras na iyon. Pero, ikaw ang nakipaghiwalay sa akin. Sa totoo lang, nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. Sana lang ay maging maayos ka palagi. Mangyayari ulit ito sa hinaharap. Dapat kang magpatuloy sa buhay mo!" Hindi na posible para sa kanya na makipagbalikan kay Xavia matapos maranasan ang mga bagay na nangyari sa mga nagdaang araw! Hindi niya lang ito sinasabi, seryoso si Gerald sa mga salitang sinambit niya. Sa wakas ay kumalma si Xavia matapos marinig ang mga salitang ito, at ang kanyang mukha ay namula. Noon, mayroong isang batang lalaki na mahal na mahal siya at handang isakripisyo ang lahat para sa kanya.Gustong manghingi ni Xavia ngayon ng comfort. Ngayon, hindi masabi ni Xavia na minahal niya si G
Hindi niya kailanman inaasahan na si Mr. Gerald, na isang napakahusay na mayamang tao, ay mapagpakumbaba. Ibang-iba ito sa naisip niya! Bukod dito, nag-alok siya ng malaking tulong sa oras na ito. Para kay Gerald, alam niya na hindi pa rin siya masyadong palakaibigan, ngunit hindi siya nagmamadali, at alam niya na kailangan niyang maglaan ng oras para matuto. "Mr. Gerald! " Naghahanda na si Gerald na umalis nang umalis na ang mga panauhin. May exam siyang dadaluhan bukas, kaya, kailangan niyang bumalik at magsanay muli. Naglalakad si Jane na may namumulang mukha sa oras na ito. Kanina pa siya sinampal, at medyo nahihiya siyang harapin si Gerald sa oras na ito. Naawa rin si Gerald sa kanya.Ang magandang babae na ito ay mabangis, kahit na halos sumuko siya sa huling pagkakataon! "Yes? May kailangan ka ba?" Tanong ni Gerald. "Mr. Crawford, wala akong shift sa hapon. Kaya, uuwi na ako ngayon. Gusto mo bang ihatid kita sa university kasi papunta na rin naman tayo sa parehong d