"...Sya…'yun?"May alam si Maia na dito nag-aaral si Gerald ayon kay Warren, hindi nya ito masyadong napapansin, pero naiba ngayon. Nang makita niya itong nagbubuhat ng mga bote mas lalong nadismaya ang mukha nito.Noong nasa ibang school sya, sya pa rin daw ang dating loser noong mga high school sila. To think na inuutusan pa sya magbitbit at magbahagi ng tubig sa iba!Ni ayaw niya nga malaman ang dahilan bakit nag aaral si Gerald aa Salford University.Samantala, ang mga babae kanina ay pinapaligiran na si Gerald."Anong ibig sabihin nito?" tanong ng isa sa mga higher-ups."Manager Luke! Nahanap na namin sya! Sya 'ang nagbigay ng donasyon na five hundred thousand dollars!" sabi ng isang volunteer na babae nang may paghanga. "...Ano?"Nang marinig nila ito, lahat ay nanahimik. Ang tingin ng iba sa sobrang gulat at di makapaniwala ay kitang kita sa mukha nila, lalo na ang mga nakatayo sa stage.Si Stella ay awkward na nakatitig kay Gerald, habang binababa ang tawag sa kanya
Pero, ang tingin nya dati kay Maia ay isang dyosa noong mahirap pa sya, ito na siguro ang huling sandali. Hindi kayang tiisin ni Gerald ang pagka prangka at talas ng dila nito."Well, dahil "nagpapanghap" lang naman akong mayaman, sagarin na ko nang "pagpanggap" hanggang sa dulo! Alam mo, dagdagan ko pa ng hundred and fifty thousand dollars sa unang five hundred thousand thousand!" inanunsyo ni Gerald nang nakangisi."A-ano?"Matapos marinig ito, lahat ay lubos na nabigla! Na parang hindi pa sapat ang five hundred thousand dollars! Ang taong ito ay nagbigay ng tumataginting na six hundred and fifty thousand dollars sa charity!Sa puntong ito, lahat ng kaklase ni Gerald ay mulat na mulat sa nangyari. Napakahirap isipin para sa kanila na ang simpleng tao na ito ay sobrang mayaman na tao pala!Habang ito ang reaksyon ng mga kaklase ni Gerald, napawi ang katahimikan nang biglang may naghiyawan sa ibang third-year class.Nang marinig ito, sumunod naman ang mga hiyawan at palakpakan.
"Oh? Kanino mo naman balak ipamigay lahat 'yan?" tanong ni Gerald habang nakangiti. Nararapat lang naman magtanong-tanong si Gerald dahil ngayon nya lang nakita ang ganitong side ni Marven."Haha… sa ating dalawa lang to, may crush akonh babae! Galing sya sa Taekwondo society kaya may tournament na mangyayari! Dahil puro training sya, naisip ko na bilhan sya ng mga pagkain para hindi sya magutom!" sagot ni Marven, na abot tenga ang ngiti. Matapos marinig ito, masaya si Gerald para kay Marven. Habang isa si Marven sa matatalinong tao, ang nararamdaman nito ay simple at totoo pa rin.At dahil close naman silang magkaibigan, naoagdesisyunan ni Gerald na makisingit na lang.At nakarating na sila sa Taekwondo society. Sa loob nito, maraming tao ay busy na nag eensayo.Tumitingin sa kanyang paligid habang yakap yakap ang nga pagkaing ipinamili, natagpuan na agad ni Marven ang hinahanap nya. Ang babaeng hinahangaan nya ay sobrang ganda."Hahaha! Tignan mo kung sino nandito, Raquel! S
Alam nya na mayroong malaking crush si Marven sa kanya. Pero, pinahalata nya sa kanya na hindi nya gusto si Marven, kaya bakit pa rin sya nangungulit?Ang bawat babae ay may ego na pinapanatili kapag pumapasok sa mga relasyon. Kapag siguro nakatanggap si Raquel ng ganoong trato sa mas poging lalaki, siguro hindi sya maiinis dito.Pero, si Marven ay may ibang storya. Pero, sa ibang tao, mayroon na syang masamang imahe kung magiging prangka lamang sya dito.Matapos mapahiya sa harap ng maraming tao, sisipain na nya sana sya sa pintuan kung hindi pa sya aware sa ginagawa nya."K-Kuya Gerald!" sigaw nya habang tumatakbo si Gerald papunta sa kanya. Habang si Gerald ay gusto pang makipag away kay Raquel, nahalata ni Marven na pinapalibutan na sila ng mga members ng Taekwondo Society. Natatakot na baka mapahamak na naman si Gerald dahil sa kanya, hinila na lamang sya ni Marven papalayo sa lugar na iyon. Ang dalawa ay patuloy na naglalakad hanggang sa punta sila sa garden na malapit la
"Anong nangyayari? Wag ka magmadali, focus ka sa pagsabi sakin lahat ng detalye!" dagdag ni Gerald. "Si… si lolo Finnley! Nag iimpake na sya ng gamit at gustong maglayas! Hanggang ngayon, nahihirapan na akong pigilan sya!""Ano? Pero bakit? Okay naman lahat 'nong nakaraan! Bakit bigla bigla syang maglalayas?" sagot ni Gerald, na nagtataka.Kilala ni Gerald si Finnley bilang isang misteryosong matanda - na kahit sa edad nya - gusto pa ring mapag-isa.Isang tadhana na magkakilala si Gerald at Finnley, at ang matanda ay ilang beses nang tinulungan si Gerald. Habang si Finnley ay masayang kinukulit ito, wala nang masabi si Gerald patungkol dito. Marami na rin syang natanggap na tulong galing sa matanda.Para sa kapalit ng lahat ng tulong, pinatira ni Gerald si Finnley sa kanyang mansion na may maayos na pagkain na rin. At dahil niligtas rin ni Finnley ang buhay ni Queta, tinrato rin nya itong mabuti, at siniguradong maayos ang kanyang mga kinakain. At ang trato na ni Queta sa mat
“Sige, ganito na lang. Mananatili ako dito ng tatlong araw pa at kahit na hindi mo matututunan ang anumang mahirap na moves sa loob ng maikling panahon, sa ilalim ng aking guidance, sigurado naman ako na matututo ka kahit papaano ng konting self defense. Sa ganoong paraan, ang iyong mga kaaway ay hindi makakalapit sayo nang ganoong kadali! Kahit na ang mga moves na ito ay praktikal at mas madaling matutunan, tandaan mo na ang mga moves na ito ay hindi idinisenyo para saktan ang mga tao! Kung tutuusin, ang mga ito ang mga self-defense moves!" sabi ni Finnley. "... Teka, hindi ka nagbibiro, di ba? Matututunan ko ang basic self-defense sa loob lamang ng tatlong araw?" nakangiting sinabi ni Gerald. "Makinig ka, kung sasabihin kong maaari mo na itong makabisado sa panahon na iyon, siguradong kakayanin mo ito! Isipin mo na lang na swerte ka dahil mananatili ako para turuan ka,ang apo kong makulit! At huwag tumingin sa akin na parang nagdududa ka! Kung hindi ka naniniwala sa akin, subukan
Kumulo ang dugo niya nang mapagtanto niya na sinasadya ni Gerald na hindi siya pansinin. ‘Sino ka para hindi ako pansinin?’ Naisip ni Maia sa kanyang sarili. "Anong kailangan mo?" Alam ni Gerald na magulo ang nararamdaman niya para kay Maia, kaya naisip niya na ito ay sapat na dahilan para hindi siya pansinin. Bukod pa dito, naintindihan niya kung bakit siya mababagabag na makita siya, ngayon na mas mayaman siya kaysa kay Maia. Ayaw lang niyang pansinin ang babaeng ito. "Ano naman kung medyo mayaman ka na ngayon? Hindi iyon magandang dahilan para hindi mo ako pansinin! Gusto ko lang malaman kung saan mo nakuha ang lahat ng pera na iyon,” sabi ni Maia habang nakatitig siya ng diretso sa mga mata ni Gerald. "Pasensya na pero private information iyon," malamig na sumagot si Gerald. “Private? Hah! Kumita ka lang ng konting pera, big deal! Hindi pa rin nagbabago ang katotohanang ikaw ay isang pulubi noon! Magiging totoo ako sayo, Gerald! Ikaw ay isang upstart lamang? At ang mg
Nagdesisyon silang dalawa na ilagay ang kanilang kumpanya sa isang gusali na malapit sa university. Ang gusali mismo ay engrande at mukhang perpektong lugar para magsimula ng isang firm. Napapaligiran din ito ng mga berdeng halaman, na parang personal na pinagpala ni Mother Nature ang lokasyon. Marami pang ibang mga kumpanya ang gumagamit na rin ng gusali. Ang kasikatan ng lugar ay lumampas sa kanilang inaasahan. Sa pagsisimula ng kanilang travel agency doon, ang iba pang mga kumpanya ay tiyak na magsisimulang ayusin ang kanilang annual travels sa tulong ng kanilang agency! Iniwasan nila ang mga lokasyon na nasa gitna ng kawalan. Ang pagkakaiba sa revenue ang makakapagsabi ng lahat. Hindi nagtagal at dumating ang dalawa sa investment center sa loob ng gusali. "Hindi ba natin naayos ito sa telepono? Nasaan ang lalaki na makikipagkita sa atin?" tanong ni Gerald habang pareho silang naglakad papunta sa main entrance. "Hindi rin ako sigurado. Tinawagan ko siya kanina pero busy an