Wapak! Bago pa natapos ng manager ang kanyang sinasabi, biglang inilagay ni Gerald ang kanyang black gold card sa mesa. Pagkuha nito ng manager, tiningnan niya ang black gold card ng mabuti, at biglang nagbago kaagad ang ekspresyon ng kanyang mukha. Malinaw na alam niya ang tungkol sa black gold card. Iilan lamang na mga tao sa mundo ang may may-ari ng card na ito. "May laman ang black gold card na ito na humigit-kumulang three million dollars. Hindi ba higit pa sa sapat iyon para mabili ko ang Reventon?" Kaswal na tanong ni Gerald."Oo, higit pa sa sapat ang pera na nasa loob nito!" Gayunpaman, kahit na hindi siya sumasagot sa tanong ni Gerald, ang may edad na manager ay medyo may pag-aalinlangan pa rin sa ngayon. Hindi mahalaga kung paano niya ito tingnan, ang taong nakatayo sa harap niya ay hindi mukhang may-ari ng black gold card na ito. Maaari ba niyang kunin ang kard na ito?Kaagad pagkatapos nito, ipinakita ng lalaking may edad ang isang may paumanhin na ngiti
"Manager Wilson, anong nangyayari?" Hindi agad nakapag-react si Vanessa. Gayunpaman, naramdaman niya na may ginawa siyang isang bagay na pagsisisihan niya habang buhay. Sa gayon, nagmamadaling lumapit si Vanessa at tinanong niya ang kanyang manager. "Lumayo ka sa dinadaanan ko! Kakausapin pa kita mamaya!" Pinagsabihan ni Wilson si Vanessa habang nakatingin siya ng masama. Sa oras na ito, ang financial manager at ang handling klerk ay nakasunod din sa likuran niya, at lahat sila ay nakatingin kay Gerald na may isang magalang at magalang na ekspresyon sa kanilang mga mukha. Tulala si Vanessa. Totoong naisip niya na si Gerald ay isang miserableng mahirap lamang.Akala niya si Gerald ay nagpunta lamang dito para tingnan ang mga Lamborghini na hindi niya kayang bilhin. Samakatuwid, sa pagsisikap na maiwasang mapahamak ang batang mag-asawa para bumili ng isang Lamborghini, hindi nagdalawang-isip na saktan ni Vanessa ang binatang ito na sa palagay niya ay isang mahirap. Ngu
Sa oras na ito, tapos na rin si Wilson sa lahat ng verification at paglilipat ng mga dokumento. "Mr. Crawford, ito ang iyong susi ng kotse mo at ang aking business card. Mula ngayon, 'wag kang mag-atubiling magtanong sa akin para sa anumang bagay kung mayroon kang anumang mga espesyal na kahilingan. Kahit na wala itong kinalaman sa mga kotse, palagi kang pwedeng humingi ng tulong sa akin!” Magalang na sinabi ni Wilson. Ito ay dahil mas mas importante sa kanya si Gerald kaysa sa isang regular na customer na bumibili ng kotse. Alam niya na si Gerald ay nagmula sa isang napaka mayaman at makapangyarihang pamilya. Naramdaman ni Wilson na hindi siya matatalo sa buhay kung kakilala niya si Mr. Crawford. “O sige, salamat, Manager Wilson. Sa totoo lang, may isang bagay na gusto kong tanungin sayo kung okay lang, Manager Wilson." Nakangiting sinabi ni Gerald. “Opo, okay lang. Bigyan mo lang ako ng instructions!”"Pwede kang kumuha ng isang taong makakatulong sa akin na ibalik ang ko
"Maraming salamat sa tulong mo. Hindi ako makapaniwala na nakalimutan kong dalhin ang wallet ko!" Sambit ni Mila habang nakangiti. Hindi niya direktang tinanggihan ang alok ni Gerald na magbayad para sa kanya, at siya rin ay napaka magalang. Napakabait at mapagbigay siyang klase ng dalaga. Medyo nagulat si Mila na nakasalubong niya si Gerald ngayon. Gayunpaman, nagkaroon ng malalim na impression si Mila kay Gerald matapos nilang magkasalubong sa awditoryum noon. Naalala niya na ang estudyante na ito ay walang pakialam at hindi naapektuhan kahit na ang lahat ay pinagtatawanan at pinahiya siya sa oras na iyon. "You're welcome," sagot ni Gerald habang nakangiti."Huwag kang magalala, sigurado ako na ibabalik ko sayo ang pera sa sandaling makuha ko ang wallet ko. Nga pala, mayroon ka bang isang electronic wallet? Kung mayroon ka, maililipat ko sa iyo ang pera sa pamamagitan ng electronic payment...” "Oo meron!" Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Gerald. Kahit na ang dalaga sa
”Para may isang napakayamang binata sa university namin! Bumili siya ng Lamborghini Reventon sports car!" "P*ta! Ang kotseng iyon ay nagkakahalaga ng halos one and a half hanggang two and a half million dollars! Tingnan natin, tingnan natin!" Marahas na tinulak palabas si Gerald ng ilang mga dalaga, at sa oras na ito, mas maraming tao na ang tumatakbo papunta sa kanyang sasakyan. Naramdaman ni Gerald na tuluyan nang wala siyang magawa. Kung gusto niyang sampalin sila sa kanilang mga mukha ngayon, ang gagawin niya lamang ay alisin ang susi ng kotse sa kanyang bulsa at direktang mai-unlock ang kanyang sasakyan. Gayunpaman, hindi ganoon ang ugali ni Gerald, lalo na't sa harap ng napakaraming tao.Hindi niya inaasahan na ang pag-park ng kotse dito sa parkingan ng kotse ay may halos parehong epekto sa pag-park ng kotse nang direkta sa harap ng entrance ng university. Tumingin sa paligid si Gerald at nagpasyang maghintay pa siya hanggang sa tuluyan nang mawalan ng tao ang paradaha
Maraming binata ang nagtipon-tipon ng mabilis, at maging si Nathaniel ay nakatingin sa direksyong iyon. Tumingin din si Gerald sa direksyong iyon na may kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha. May isang dalaga na kakalabas lang ng kotse ay totoong napakaganda niya at alam din ni Gerald kung sino siya. Sa katunayan, noong kailan ay nagkakilala na sila. Sino pa ang dalagang iyon kung hindi si Mila? “Ahh. Napakaganda niya! Mas maganda kung siya ay magiging girlfriend ko." Sabi ng binata na nakatayo sa tabi ni Nathaniel ay nagsabi, ang kanyang mga mata ay puno ng pagmamahal. Para siyang tanga sa oras na ito. “D*mn you! Sino ang nagsabi na maaari kang managinip na maging boyfriend niya?! Hayaan mong sabihin ko sayo, ito ang dalaga na gusto ng ating Brother Victor! Maaari mo lang siyang tratuhin bilang isang eye candy, ngunit hindi ka dapat umasa na siya ay magiging girlfriend mo!" Galit na sinabi ni Nathaniel. “Ahh! Si Brother Victor. Hindi nakapagtataka. Napakagwapo ni Brothe
Kahit na hindi intensyon ni Mila na magkaroon ng ibang kahulugan ang sinabi niya, ang mga nakikinig sa kanila ay sineryoso ang kanilang mga sinabi. Nakasimangot si Nathaniel nang marinig na binayaran ni Gerald ang milk tea ni Mila. Napansin niya na pareho silang magkakilala. Bukod dito, nagbayad si Gerald para sa milk tea ni Mila? Mayroon ba silang relasyon sa pagitan nila?Habang iniisip niya ito, agad na nagpadala ng text message si Nathaniel kay Victor. Pagkatapos, tiningnan ni Nathaniel si Gerald na malapit nang magpatuloy sa pakikipagdaldalan kay Mila bago niya sinabi, "Gerald, nandito ka ba para mag-praktis kung paano magmaneho, o nagpunta ka rito para makipag-chat sa mga dalaga? Siguro nahirapan kang makatipid ng sapat na pera upang magbayad para driving lessons mo. Hindi ba dapat bibigyan mo ng higit na pansin ang driving lessons mo, kaysa makipaglandian?" Maraming mga dalaga na nakatayo sa gilid ay tumingin din kay Gerald na may paghamak sa kanilang mga puso. Naisip n
"Ano?! Mila, gusto mong isama si Gerald mamaya?" Nagtatakang tanong ni Whitney. Medyo nagulat din si Gerald sa oras na ito. Dahil lang sa kanilang panandaliang pakikipag-ugnay ngayon, alam na ni Gerald na si Mila ay ang uri ng dalaga na may napakabait na puso. Hindi niya minaliit ang dukha, at hindi siya ang uri ng taong ayaw sa dukha at mahal ang mayaman. Hangga't ikaw ay isang mabuting tao, ituturing sila ni Mila bilang kanyang mabuting kaibigan. Malaki ang pinagkaiba ni Mila kung paghahambingin kay Whitney, at siya rin ay isang napaka maalalahanin na tao. Gayunpaman, hindi interesado si Gerald na dumalo sa hapunan kasama sina Victor, Whitney, at ang grupo ng kanilang mga kaibigan.Ayaw niya talaga! Tumango si Mila bago niya sinabi, “Whitney, malaki ang naitulong sa akin ni Gerald ngayon. Iyon ang dahilan kung bakit ko siya inanyayahang lumabas sa hapunan ngayong gabi. Siyempre, kailangang dumating si Gerald para mangyari iyon!” "Bakit hindi na lang kayong lahat ang lumaba