"Kilala mo si Tita Lacy at ang kanyang pamilya, Gerald?"Dati ay dinala ni Gerald ang isang Mercedes-Benz G500 sa ospital at kilala pa niya ang leader ng county. Nagulat talaga si Xella dahil dito.Sa totoo lang, si Gerald ay charismatic sa araw na iyon.Pero kahit ano pa ang pangyayari, mas mababa pa rin si Gerald kumpara kina Waylon at Jacky, na nakatayo sa tabi niya.Ang pamilya ni Waylon ay nagmamay-ari ng isang malaking empire. Nagsimula na rin siya ng sarili niyang kumpanya at naging boss sa isang murang edad.Bagaman si Waylon ay hindi nagmaneho ng kotse na kasingmahal ng Mercedes Benz G500 ni Gerald, mas mataas naman ang prospect niya kumpara kay Gerald.Para kay Jacky, nag-suspetya si Xella na siya ang tumulong sa kanya sa huling pagkakataon bilang deputy manager ng personnel department.Siya ay isang large organization manager at siya ay may napakataas na pamantayan sa public institution. Ginantimpalaan din siya ng napakataas na bonus at dividend sa katapusan ng taon.
Sumigaw ng napakalakas ang waitress.“Tsupe! Umalis ka dito!!”Nagmura ang isang lalaki.Pagkatapos ay nabigla ang lahat ng bigla nalang may sumipa sa pintuan para buksan ito.Isang grupo ng mga malalaking katawan na lalaki na may gupit semi-kalbo at may suot na gintong kwintas ang pumasok sa loob ng silid.Ang bawat isa sa kanila ay may tattoo na parang dragon sa kanilang buong katawan.Di maikakait na nakakasindak silang tignan.Nakasuot sila ng t-shirt na may maikling manggas, at dahan-dahan silang tumingin sa paligid habang tinititigan ng masama ang bawat isa sa loob ng silid sa mga sandaling iyon.Ang lider ng grupo ay nakasuot ng t-shirt ay may suot na sling-pouch na bag.Humipat muna siya sa sigarilyo na hawak niya bago siya sumigaw, “Sino ang nag-book sa silid na ‘to? Lumipat na kayo sa ibang silid ngayon din!”“Bakit namin gagawin ‘yon? Sino ba kayo sa tingin niyo?”Galit na tinanong ni Cindy pagkatapos tumayo. Tila hindi siya natatakot sa kanila.“Sino ako? Hah. A
Tumayo si Waylon at pagkatapos ay sumigaw.Dahil sa pagkagulat, agad na tumigil sina Warrick at kanyang mga kasamahan.“Bata, gusto mo din ba na mamatay ngayon din?”Agad na lumakad si Warrick papunta kay Waylon, kita and di kaaya-ayang ekspresyon sa kanyang mukha.“Sige, subukan niyong saktan siya! Hindi niyo ba kilala kung sino ang tatay ni Waylon?”Bagama’t naranasan na ni Xella ang mapait na realidad ng mundo sa loob ng mga nakaraang taon, hindi pa siya kailanman nalagay sa ganitong klase ng sitwasyon. Nang mangyari ang sitwasyon na iyo, agad na nawala ang naramdaman niyang seguridad mula kay Jacky.Sa kinakalabasan ng sitwasyon, tila na mas maayos na hinahandle ni Waylon ang sitwasyong ito kumpara kay Jacky.Bagama’t takot na takot, hindi napigilan ni Xella na isiwalat ang pagkakakilanlan ni Waylon upang takutin sina Warrick at mga kasamahan niya.“Pfft! Sino siya?”Bago pa makasagot si Xella, hinawakan ni Waylon ang kanyang braso at sinenyasan siya na tumahimik.“Xella,
”Sino ang may lakas ng loob na gumawa ng gulo dito?” Tanong ng binata.Nang makita ni Warrick ang binata, laking gulat niya. “Ikaw nga talaga, Jaxon the Great! Ako si Warrick at napadaan lang ako dito sa lugar. Isa lang itong malaking ‘di pagkakaintindihan!”Inimbitahasn si Jaxon na kumanta sa isang karaoke bar malapit sa Johnsbury Bistro. Noong una inisip niya na hindi tama na hindi niya tulungan si Waylon pagkatapos makatanggap ng napakaraming pabor mula sa pamilya ni Waylon.Habang iniisip ang bagay na iyon, nagpasya siya na pumunta para tignan ang nangyayari.“So ano pala ang dapat ko gawin ngayon? Waylon, nasaktan ka ba?”Tanong ni Jaxon.“Hindi ako nasaktan brader! Walang dapat alalahanin.”Lumakad si Waylon patungo kay Jaxon at naglabas ng sigarilyo bago ito iabot kay Jackson habang sinindihan ito para sa kanya.Habang humihipat si Jaxon mula sa sigarilyo, agad itong nahulog sa sahig.“Anong problema brader?”Tanong ni Waylon.“Ikaw… nandito ka?”Tanong ni Jaxon haba
Nagulat ang lahat sa galang na pinakita ni Jaxon kay Gerald.Lalo na si Xella, na ngayon ay tuluyan ng nagbago ang expresyon habang tinitignan si Gerald.Inakala niya dati na sa mga pangkaraniwang mga kilalang tao lang may personal na koneksyon si Gerald. Sino mag-aakala na kilala niya ang isang makapangyarihan at kagalang-galang na tao katulad ni Jaxon!Bukod pa dito, tiniruan pa ng leksyon ni Jaxon ang mga tano na nagplanong gulpihin si Gerald. Hindi niya sila pinagbigyan!“Napakalaking pagkakataon! Kung hindi dahil sayo, malamang nagulpi na ako ngayon!” Sabi ni Gerald habang bahagyang nakangiti.Nakita niya ang pinaplano ni Waylon. Kung tama ang kanyang inaakala, ang lahat ng nangyari ay kagagawan ni Waylon. Ito marahil ang rason kung bakit tumatawa sina Waylon at Milo kanina. Yumuko lang si Jaxon sa sinabi ni Gerald.Napaka-awkward naman ng tanghalian ngayong araw… Naramdaman ni Gerald na nabusog na siya.Pagkatapos makita ni Francesca na magulpi si Waylon, wala na siya sa
Pagkaalis ni Gerald, muling pumasok si Xella sa gusali at tahimik na tumayo sa tabi ni Francesca at anak niya.Nagsimula siyang makinig sa usapan ng mag-ina sa sandaling nagsimula ulit silang mag-usap.“Anong nangyari sa karaoke bar?” nag-aalalang tanong ni Xella bago pa makasagot si Francesca.“Oh, nagpunta kami sa isang karaoker bar kanina para magsaya. May nakaaway yung isa naming kaibigan doon at humantong iyon sa alitan kay Louie ng Lourdes Mining Group sa Serene County! Noong mga sandaling iyon, pati si Douglas nanigas sa takot bagama’t may kakayanan din siya! Siyempre iyon ay dahil si Louie ang aming nakaalitan. Inutos pa ni Louie na maiwan ang lahat ng babae sa bar at uminom kasama siya!”“Ano? Cindy! Bakit hindi ako nasabihan tungkol dito kanina?”Ang tanging alam lang ni Francesca ay inimbitahan ni Gerald ang kanyang anak para mananghalian. Ngayon niya lang nalaman ang buong pangyayari ngayong araw.“Natakot kasi ako na mag-aalala ka! Ipapaliwanag ko na din sayo ang lah
”Grabe ka naman Deputi Leia. Minsan lang namin makita na ganito kasaya si Deputy Lacy! Dahil alam namin na malaki pa ang quota na kailangan niyang maabot na ultimo ang President ay mahihirapan abutin, tapos deputy palang siya!” Kutya ng isa sa mga babaing malapit kay Leia.Natuwa si Leia na marinig iyon. “Tama ka! Deputy pa lamang siya! Akala mo naman may ganoon siyang kakayanan!”Ngumiti lang si Lacy at nanatiling tahimik.Habang nangyayari ito, isang may edad na babae ang biglang pumasok sa opisina habang pawis na pawis mula ulo hanggang paa.Pagkakita dito, agad na napasigaw ang mga empleyado sa loob ng silid, “President!”“Anong problema President Khan? Pawis na pawis ka!” tanong ni Leia. Karaniwan, si Leia ay makakakuha ng higit na respeto mula kay Pangulong Khan dahil sa kanyang asawa. Sa oras na ito, gayunpaman, hindi man siya tumingin sa kanya. Pasimple siyang naglakad papunta kay Lacy na para bang wala siyang naririnig na salita mula kay Leia. "Deputy Lacy, nakamit mo
“O, alam mo, Gerald. Sa totoo lang, ngayong naiisip ko ito, dapat ay mas kilala mo siya kaysa sa akin. Pagkatapos ng lahat, siya ang nagbawi ng siyamnapung libong dolyar na cash at siya rin ang matalik na kaibigan ng aking anak na babae! Napakabait ng trato nyia, alam mo ba?” Alam na alam ng bawat isa sa opisina ang bawat isa, kung kaya't nagsalita si Lacy nang walang kahit na alinlangan. “Wow! Dapat siya ang magiging manugang mo! " Ang bawat isa ay may bahagyang pagkainggit sa kanilang tinig. "…Ano? Ano ang pinaguusapan mo? Na para bang magkakaroon siya ng ganoong kapangyarihang! Nagbibiro ka di ba? " sigaw ni Leia. "Haha ... Oh oo, oo, siguradong nagbibiro ako!" sarkastikong sagot ni Lacy habang nakangiti. Ang mga salita ni Lacy ay tumusok sa puso ni Leia na parang mga sibat. Galit na galit siya na wala man lang siyang masabi sa oras na iyon. Paano hindi siya naging? Ang kanyang katunggali ay nagwagi ng lahat! Natalo pa siya sa taong pinakamababang pagtingin niya! Si Ge