Magalang na binati ng lahat ng tao sa silid si Zack, kasama na ang grupo ng mga binata, na tumayo din habang binabati si Zack. Tinigilan na ni Elena ang pag-atake kay Gerald sa oras na ito. "Anong nangyayari? Anong ginagawa niyong lahat?"Si Zack ay may napakalakas at kamangha-manghang aura sa paligid niya, tiningnan niya si Elena at ang mga tao na nakagrupo sa isang gilid. "Mabuti na lang at wala pa si Mr. Crawford! Kung hindi man, ano ang iisipin niya sa inyong lahat?" Sinigawan ni Zack ang grupo ng mga binata bago niya sinulyapan ang binata na nakasuot ng puti.Ang binata na nakasuot ng puti ay ramdam ang kanyang pagkakamali sa oras na ito dahil wala naman siyang ginawa para hindi ito mangyari. Gayunpaman, bahagi rin siya ng grupo na nanggulo. Mabilis na iniba ni Warren ang usapan. "Mr. Lyle, hindi ba't sinabi mo na malapit na dumating si Mr. Crawford?"Masungit na sumagot si Zack, "Parang hindi ko matawagan sa ngayon si Mr. Crawford. Sa palagay ko pinatay na niya ang kan
"Hin... hindi ko alam..." Nakaramdam ng sobrang hiya at galit si Elena sa oras na ito. Naramdaman niya na parang nahulog niya ang isang bote ng wine. Hindi niya inakala na ang mahirap at nakakasuklam na lalaking ito ay ang sikat na si Gerald Crawford. Tunay na bahagi siya ng mayamang second generation! "Mr. Crawford, humihingi ako ng tawad para sa lahat ng ginawa ng dalaga ko. Pwede mo siyang parusahan sa kahit anong paraan."Nakayuko si Warren at hindi niya talaga itinaas ang kanyang katawan. Nang makita ni Gerald sila Elena at Warren na kumikilos sa ganitong paraan, humupa na ang galit niya. Sa totoo lang, alam ni Gerald na may kasalanan din siya dahil sa totoo na nanilip siya kanina. Gayunpaman, kasalanan ito ni Elena dahil ipinamalas niya ang kanyang mahaba at magandang patas na mga binti! Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kanyang buhay na napalibutan siya ng napakaraming kababaihan!Base sa pagkatao ni Gerald, hindi niya ito gagawing isang malaking bagay at papay
Kung talagang gusto niyang may mangyari sa oras na ito, pipiliin niya sana si Elena, pero si Gerald ay hindi ganoong uri ng tao. Gayunpaman, kinailangan silang parusahan ni Gerald kaya naisipan niyang bigyan ang mga ito ng ganitong uri ng parusa upang lagi nilang maaalala ang araw na ito. “Huhu "Pagkalipas ng kalahating oras, ang mga dalaga ay naglakad palabas ng kwarto. Lahat sila ay may masakit at malungkot na ekspresyon sa kanilang mga mukha. Sa oras na ito, ang lahat ng mga second generation na young lords ay nagulat. Bwisit! Si Mr. Crawford ay sobrang kamangha-mangha. Talagang pinarusahan niya ang lahat ng limang magagandang dalaga sa loob ng kalahating oras at ang dalaga ay halos hindi makalakad sa isang tuwid na linya!Ang binata na nakasuot ng puti ay lihim ding hinahangaan si Gerald. Dahil interesado pa rin si Gerald kay Elena at sa iba pang mga dalaga, hindi na siya naglakas-loob na magkaroon ng anumang ideya na makuha ang mga dalagang ito.Nakatutuwa ang pangyayari
Naririnig ni Gerald ang isang dalaga na tumatawag sa kanya. Pagkalingon niya, napagtanto niya na wala iba ito kundi si Whitney, ang presidents ng student union. Malinaw na nasaksihan ni Whitney ang eksena kung saan lumabas si Gerald sa Ferrari. Sa oras na ito, nakatitig siya kay Gerald at hindi siya makapaniwala at makikita ang gulat na ekspresyon sa kanyang mukha."Anong magagawa ko para sayo?" Hindi inasahan ni Gerald na makikita siya ng kakilala niya kahit na sinabi niya kay Aiden na ibaba siya sa malayo sa campus. Alam ni Gerald na ang dahilan kung bakit siya tinawag ni Whitney ay dahil gusto niyang malaman kung bakit siya lumabas sa isang Ferrari.Gayunpaman, nagpanggap si Gerald na medyo nalito siya. Seryoso ... "Ikaw, ikaw, ikaw… bakit ka lumabas sa Ferrari?" Diretso siyang tinanong ni Whitney. Talagang nakaranas siya ng maraming nakagugulat na revelations sa mga huling pagtatagpo nila ni Gerald.Una sa lahat, nalaman niya na si Gerald ay nanalo ng lotto at tala
”Thirty thousand dollars? Sino ang nagsabing nanalo ako ng thirty thousand dollars? Mga hula lang iyon. Three thousand dollars ang kinuha ko mula sa bangko pero sino ang nagsabing nanalo ako ng three thousand dollars mula sa lotto? " Sagot ni Gerald na may nagmamalaking ekspresyon sa kanyang mukha. Nang makita ni Whitney ang ekspresyon sa mukha nito, ramdam na ramdam niya agad ang paglubog ng puso niya.Oo naman, tama ang hula niya. Dahil si Gerald ay handang gumastos ng twenty-two thousand dollars nang ganon na lang, sigurado na nanalo si Gerald ng higit sa thirty thousand dollars sa lotto. "Magkano ang napanalunan mo?" "Hindi okay sa akin na sabihin ko sayo ang bagay na iyon. Pero, hindi marami ang napanalunan ko! Hindi masyadong marami! Okay, Miss President Jenkins, kung wala nang iba, gusto ko nang umalis ngayon! " Sagot ni Gerald na may walang malasakit na ekspresyon sa kanyang mukha.Nararamdaman ni Whitney na parang sasabog na siya sa oras na ito! “Hmph! Sa tingin mo t
Pareho silang nalungkot habang bumabyahe papunta sa unang maintenance ng kanyang Audi A6. Ipinagmamalaki ni Victor ang kanyang kotse, pero nahiya siya nang maisip niya ang Ferrari na minamaneho ng kaibigan ni Gerald. Pareho silang naguguluhan sa pangyayari na iyon at naramdaman na kailangan nilang malaman ang katotohanan kung sino ang kaibigan ni Gerald.Pagkatapos nito, habang hinihintay ni Victor ang maintenance ng kanyang kotse sa maintenance shop, bigla siyang nakipag-usap sa boss dahil nais niyang makuha ang paghanga at respeto mula sa mga taong ito na humahanga para sa kanya. Sa oras na ito, ang taong responsable sa maintenance ng sasakyan ni Victor ay nagsalira, "Sir, napakatalino mo para pumili ng isang high-end na Audi bilang personal mo na kotse. Ang mga Audi car namin ay hindi katulad ng alinman sa iba pang mga high-end o mamahaling kotse sa market. Halimbawa, ang isang Ferrari sports car ay pinaparamdam sa mga tao na respetado sila. Ang mga mayayaman lamang ang nag-iin
"Hindi, ang dahilan kung bakit kami nagpasya na imbitahan ka at kausapin ka tungkol dito ay dahil sinabi ni Alice na dalhin ka sa selebrasyon!" Agad na sinabi ni Harper kay Charlie. "Ha?" Nagulat si Gerald. Hindi maipaliwanag ang pangyayari na ito. Hindi ba laging naiinis si Alice tuwing nakikita si Gerald? Bakit siya mismo ang mag-yayaya kay Gerald na sumama sa isang selebrasyon?Sa totoo lang, nakainom na si Gerald at kumain ng maraming pagkain sa banquet kaninang tanghali, kaya hindi pa siya nagugutom. Sa katunayan, pagod na pagod na siya dahil sa nakipag-usap siya sa mga negosyante kanina. Wala talaga siyang ganang pumunta.At saka, dahil ito ay isang simpleng pagtitipon lamang, gusto talaga ni Gerald na maghanda para sa kanyang driving test.Siguro ito ang kalooban ng Diyos. Pagkatapos ng lahat, ang karamihan sa mga second generation rich kids ay palaging nasa mga pagtitipon para makisalamuha sa isa't-isa. Kahit na hindi niya pa pinapaalam ang kanyang tunay na pagkatao, l
Sobrang hindi mapalagay ni Gerald nang marinig niya ang balitang ito. Malinaw na siya ang nag-resolba sa bagay na tinutukoy ni Alice. Sa totoo lang, ayaw ni Gerald na may kinalaman siya kay Alice. Bukod pa dito, ang tanging dahilan kung bakit siya nagpasya na tumulong na lutasin ang problema sa gabing iyon ay para kay Naomi.Gayunpaman, sa sandaling ito, nagkamali si Alice na si Quinton ang tumulong sa kanya na malutas ang bagay na ito. Naramdaman din niya na ang Quinton ay napakagaling at iyon ang dahilan kung bakit siya nag desisyon na maging boyfriend si Quinton. Si Alice ay isang napakagandang babae at hindi pa siya nagmamahal dati. Siya ay isang tunay na diyosa.Nagsisinungaling si Gerald kung sasabihin niyang hindi siya nabihag sa hitsura ni Alice. Dapat ba siyang maghanap ng isang pagkakataon para sabihin ang totoo kay Alice? Kahit na hindi magpasalamat si Alice sa kanya, kahit papaano ay malalaman niya ang totoo at hindi siya makikipag-relasyon sa isang tao dahil lamang