“Hindi ko alam. Hindi ba sinabi ni Giya na nosebleed siya sa unang pagkakataon na nakita niya si Giya? Siguro nasasabik siya sa kanyang bango! Sa tingin ko hindi ito ang totoong nangyari! " "Oo! Bakit hindi nagkaka nosebleed ang mga lalaki noong nakita nila ako noon? Hindi ba, Giya? Tingin ko hinahanap ka niya!" Ang mga babae ay nagpatuloy sa pag-uusap nang tahimik sa kanilang sarili. Namumula lang si Giya habang nakaupo siya doon. Nakaramdam siya ng kahihiyan noon sa library noong si Gerald ay nagkaroon ng nosebleed. Ngayon ay lalo siyang nahiya sa kanyang mga kaibigan na palaging inaasar siya tungkol dito. Nag-aaral na sana sila ngayon. Noong kinaumagahan, tinulak ni Tammy si Giya ng marahan bago niya tinuro ang pinto. Nakita ni Giya at ng kanyang grupo ng mga kaibigan si Gerald na papasok na bitbit ang kanyang mga libro. Mukhang naghahanap siya ng isang tao bago siya nagpasya na umupo. Ang kanyang mga quirky na aksyon ay nag-udyok sa mga babae para pag usapan siya
Gayunpaman, ang puso ni Gerald ay nakalaan lamang kay Mila. Palagi siyang nakaramdam ng pagkakasala sa tuwing mayroon siyang mga interaksyon sa mga babae na tulad nito. Iyon din ang dahilan kung bakit patuloy na nagtatago si Gerald at inilayo ang distansya kay Alice at Jacelyn. Pagpasok sa dormitoryo, kinuha ni Gerald ang box na naglalaman ng hetian jade bracelet. Sinabi niya kay Harper at sa iba pang mga lalaki ang tungkol sa kanyang plano bago tumakbo sa baba para hanapin muli ang mga babae. Habang nangyayari ito, dumating ang mga babae sa restaurant at nakakita ng isang mesa para sa kanilang sarili.. Pagkaupo pa lang nila, si Tammy at ang iba pang mga babae ay nagtakip ng kanilang bibig habang nagsisimulang tumawa. "Giya, sigurado ako na gusto ka talaga ng Gerald na ‘yon!" “Oo nga! Hindi niyo alam ito, pero nakagawa na ako ng ilang investigation sa kanya. Si Gerald ay nagmula sa Department of Language and Literature. Isa rin siyang mahirap! " "Ano naman kung mahirap
Sa sandaling iyon nang dumating si Gerald. Nasa kanyang kamay ang pulseras na binili niya noong isang araw. Kahit na sinabi ni Giya na siya ang sasagot ng agahan, inisip ito ng maigi ni Gerald habang papunta siya doon. Dahil balak niyang iwanang mag-isa ang mga babae sa sandaling maabot sa kanya ang pulseras, maaari din niyang ilibre sila ng isang breakfast. Handa siyang magbayad ng bill kahit ano man ang mangyari. Gayunpaman, nang lumapit siya sa lamesa ng mga babae, napansin niyang nandoon din si Yacob. Karagdagan pa doon, parang binigyan ni Yacob si Giya ng isang bracelet. “Gerald! Nandito kami!" Ayaw ni Giya na tumingin kay Yacob kaya't nakatingin siya sa hagdanan. Sa sandaling makita niya si Gerald, ngumiti siya at winagayway ang kanyang kamay upang tawagan si Gerald. "Bakit nandito din ang lalaking 'to?" Agad na sumimangot si Yacob sa sa sandaling nakita niya si Gerald. Ito ay isang bihirang okasyon para sa kanya na makasama si Giya at ang iba pang mga babae. Ga
“Heh. Hoy, Gerald ang pangalan mo, di ba? Bakit hindi mo ilabas ang binili mong bracelet para kay Giya at ipakita din sa amin?" Sa kanyang isipan, inisip ni Yacob na si Gerald ang tiyak na dahilan kung bakit hindi siya pinapansin ni Giya sa lahat buong oras na ito. Samakatuwid, target niya ngayon si Gerald. "Kalimutan mo na ang tungkol sa akin! Ang jade bracelet na binili ko ay hindi kasing ganda ng sayo. Hindi mo kailangang tingnan ito!" Prangka na sinabi ni Gerald. Kung tutuusin, bumili lang naman siya ng isang jade bracelet na nagkakahalaga ng seven thousand five hundred dollars para kay Giya. Hindi ito malapit sa walang katotohanan na presyo ng regalo ni Yacob. Bukod pa dito, kung gusto talaga niyang asarin si Yacob, mas madali para kay Gerald na sampalin lang sa mukha ang lalaki. Gayunpaman, ayaw ni Gerald na makisali sa kanya o kay Giya at sa mga kaibigan niya ng sobra sa hinaharap kaya't umiwas siya sa ngayon. Mabait sa kanya si Mila kaya gusto niyang gawin din ito
"Ang jade bracelet na ito... ay mula sa lola ko. Dahil wala na akong ibang kabayaran para kay Giya,ibinigay ko ito sa kanya sa halip…" pagsisinungaling ni Gerald. "Oh my god! Gerald, hindi mo alam ang halaga ng bracelet na ito? Sigurado ka bang hindi ka magsisisi kung ibigay mo ito kay Giya ngayon? Sinasabi ko sayo ng seryoso na hindi pa huli ang lahat para magsisi ka ngayon!" sabi ni Tammy ng maramdaman niya ang bigat sa dibdib na unti-unting umaangat. P*ta! Muntikan na siyang mamatay sa takot ngayon lang. Kung talagang binili ni Gerald ang dragon jade bracelet na nagkakahalaga ng thirty two thousand dollars, maaari siyang maging isang low key rich heir! Hindi tulad ng karamihan sa iba pang mga babae, si Tammy ay hindi nakaramdam ng anumang inis kay Gerald. Gayunpaman, ito ay magiging sobrang nakakagulat at hindi makapaniwala kung ang isang mahirap na tulad ni Gerald ay biglang naging isang tagapagmana na mas mayaman pa kaysa sa kanilang lahat. Sa kabutihang palad, hindi iyo
Hinabol ulit siya ni Giya. "Alam mo, magiging mahirap para sayo na sabihin sa akin kapag ikakasal ka na. Bakit hindi tayo magpalitan ng contact information para maging madali sa atin na makausap ang isa't isa." "Ah... sige. I-add kita sa WeChat. Sigurado na ipapaalam ko sayo kung kailan ito mangyayari!" Hindi na alam ni Gerald ang sasabihin niya. Hindi siya pwedeng tumanggi at lumingon para umalis. Hindi lang siya ganoong klaseng tao. Kung tutuusin, mapapahiya si Giya kung umalis siya nang hindi tinatanggap ang alok nito. Kaya nakisama na lang siya at idinagdag si Giya sa kanyang WeChat account. Siyempre, hindi ganoong narcissistic si Gerald para maniwala na ang magandang diyosa ay magkakagusto sa kanya. Kahit na pagkatapos na idagdag siya sa WeChat, naramdaman niya na hindi pa rin sila masyadong nag-uusap sa bawat isa. Sinubukan niya ang makakaya niya na huwag mag-isip ng sobra tungkol dito. Sa sandaling tapos na ang palitan nila ng contact information, kinuha ni Giya
“Pasensya na, napakaraming tao sa library kanina! Nag-aral na lang ako sa dormitory!” sagot ni Gerald. "Oh, naintindihan ko! Mula ngayon, pwede tayong pumunta sa library nang mas maaga. Kung sino man ang mauna ang magpapa-reserba ng upuan para sa bawat isa, tama ba?" "Sa totoo lang, may kailangan akong puntahan ngayon, kakausapin na lang kiya sa susunod!" Itinapon ni Gerald ang kanyang cellphone matapos sumagot sa message ni Giya. Totoo nga sinusubukan niyang iwasan si Giya. Sa katunayan, mula nang naging maayos ang mga bagay kay Mila, sadyang sinubukan ni Gerald na ilayo ang kanyang sarili sa ibang mga babae. Sa katunayan, sa sandaling natapos na ang kasalukuyang examination, si Gerald at ang iba pang mga mag-aaral mula sa kanyang depatment ay kailangang manatili sa paaralan sa loob ng tatlong buwan pa para harapin ang kanilang thesis at dissertation. Ang mga estudyante mula sa department nila Giya at ng iba pa ay umalis para makuha ang kanilang mga internship sa oras na i
"Bakit ka nagtatago? Bakit hindi ka maging isang lalaki? Kailangan kong sabihin na si Giya ay may gusto sayo kahit na hindi namin alam kung bakit, pero talagang sinaktan mo siya!" Sabi ni Tammy.Agad na nagsisi si Gerald pagkatapos makinig sa kanya, sapagkat sa katunayan ay inimbitahan siya ni Giya nang maraming beses, ngunit palagi niyang tinanggihan ang alok nito.Naisip ni Gerald na si Giya ay naging mabait lamang, ngunit hindi niya alam na naging seryoso siya kay Gerald at bumili ng pagkain habang hinihintay siya sa canteen.Sobra ang pagkakasala ni Gerald sa kanya."Alam mo ba kung ano ang sinabi ni Giya tungkol sayo?""Ano?""Iniisip ni Giya na ikaw ay isang mabait at matapat na tao. Iniisip din niya na ikaw ay napaka-cute, at talagang gugustuhin niyang maging kaibigan ka. Manloloko ka lang pala! Si Giya ay nagkakaproblema at nandito ka bumibili ng inumin para sa mga magagandang babae! Ni wala kang pakialam kahit kaunti tungkol kay Giya. Mali talaga siya tungkol sayo!" Agad