"Iniisip ko kung gusto ba tayong ilibre ni Gerald ng dinner, Gerald? After all, halos tatlong taon na rin naman tayong magkaklase," ang ilan sa mga batang babae sumabad sa usapan.Napaisip si Gerald. Dahil nasabi na niya na nanalo na siya sa lotto, maiinis ang mga tao kung hindi niya inalok na ilibre ang mga ito.Sa katunayan, binalak na ni Gerald na ilibre ng dinner sila Naomi at ang mga roomates niya. Pero ngayon…Simpleng sumagot si Gerald, “Sige na nga. Ilibre ko na kayo ng dinner ngayong gabi. Kung sinong may gusto pwedeng sumama. ”Sa katunayan, ang kahulugan sa likod ng mga salita ni Gerald ay ang mga taong na malapit lang sa kanya ay pwedeng sumama para ilibre niya ng dinner.“Yay!”Ang lahat ng kanyang mga kaklase ay nagsimulang magsaya at marami rin silang natutunan sa lessons nila ng araw na iyon. Bukod dito, maraming tao ang nagtitipon sa paligid ni Gerald dahil gusto nilang malaman kung magkano ang pera na napanalunan ni Gerald mula sa lotto. Gayunpaman, tumanggi s
“Gerald, gusto mong mag-book ng isang room para mag-dinner dito? Kaya mo ba? Oh my god. Alam mo ba kung magkano ang gastos mo dito pag dito ka mag-dinner? ” Tumingin si Whitney kay Gerald na may nakakatakot na ekspresyon sa kanyang mukha na parang nakatitig sa isang tanga.Akala niya baliw ang lalaking 'to. Bakit niya naisip na makakaya niyang kumain sa Homeland Kitchen? "Beauty, kilala mo ba ang lalaking ito?" tanong ng manager habang nakatingin kay Whitney na may ngiti sa kanyang labi.Sa totoo lang, kung titingnan ang pananamit ni Gerald, hindi naisip ng manager na makakaya ni Gerald na kumain dito. Ang mga presyo na pagkain dito ay umaabot ng one hundred fifty dollars hanggang two thousand dollars kada tao.Two thousand five hundred dollars ang presyo para sa mag-book ng isang private room sa restaurant, hindi pa kasama ang gastos para sa pagkonsumo ng pagkain at inumin. Ito ay dahil sa nasa Mayberry Commercial Street ang restaurant, ang Homeland Kitchen ay kilala sa las
Sobrang nababalisa si Whitney ngayon! Gayunpaman, sumakay na si Gerald ng taxi pabalik sa university.Sa kanilang mga klase ng hapon, tuwang-tuwa si Gerald dahil tuluyan nang nawala ang tingin na masama ng mga kaklase niya. Sa katunayan, marami pa ring mga tao na naiinggit sa kanya.“Gerald, saang lugar nag-book para sa dinner mamayang gabi? Sa ordinaryong maliit na restaurant ba ito? " Nang matapos na ang klase, si Danny at Blondie ay lumapit kay Gerald at tinanong siya nito na nakakalokong ngiti sa kanilang mga mukha.Sa oras na ito, karamihan sa kanyang mga kamag-aral ay tumingin kay Gerald dahil nagtataka sila. Ngumiti si Gerald bago siya sumagot, "Dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na ililibre ko ang lahat ng mga kaklase ko ng dinner, naka-book na ako ng tatlong lamesa sa Homeland Kitchen mamayang gabi.""Ano? Homeland Kitchen? " Nagulat si Danny at lahat ng mga kaklase ni Gerald ay nagulat din at napatingin sa direksyon ni Gerald. "Gerald, ang Homeland Kitchen
Pagkatapos nito, idinagdag ni Gerald mamahaling private room na nagkakahalaga ng mahigit sa two thousand five hundred dollars bawat tao.Ang nasa mamahaling private room ay ang mga pinaka popular na estudyante sa klase — sila Danny, Xavia, Yuri, Cassandra, Gerald at ang mga roommates niya, at ang nag-iisang si Naomi.Ang iba pang mga estudyante ay sa iba pang private room tumungo. "Yuri, dahil nandito na tayo sa mamahaling private room, sino ang mag-order ng pagkain ngayon?" Tanong ni Gerald habang nakangiti."Wala kang tamang asal? Si Yuri ang bisita natin ngayon kaya natural lang na siya ang unang mag-order ng pagkain! Bakit? Natatakot ka bang mag-order ng sobra si Yuri at hindi mo na kayang magbayad para sa dinner ngayong gabi? " Galit na sinabi ni Xavia.Syempre, si Yuri ang una munang mag-order ng pagkain. Kung hindi, natatakot si Xavia na baka mag-order lamang si Gerald ng spicy at sour na patatas. Kung iyon talaga ang mangyayari, ang kanilang plano na gastusin ang lahat
“Gerald, seryoso ka ba? Gusto mo ng isang kahon ng red wine?" Lumampas na ito sa inaasahan ni Yuri. Gayunpaman, huli na para umatras pa siya ngayon dahil kung hindi, baka matalo na lang agad siya ni Gerald."Siyempre sigurado ako sa desisyon ko. Pero kung maisip mo na masyado na itong mahal, pwede mong baguhin ang red wine ng mas mura na alak lang, Yuri…” muli na namang nagsalita si Gerald. Si Gerald ay hinamak at binully ng mga lalaking ito sa nagdaang tatlong taon. Wala ito para sa kanya ngayon. Gusto niyang humingi ng hustisya para sa lahat ng pagdudusa na kinaharap niya noon. Matapos makinig sa pangungutya ni Gerald, ngumiti si Yuri at sinabi, "Sa palagay ko hindi naman ito mahal! Pwede kang mag-order ng kahit anong gusto mo! Hahatiin ko na lang ang bill sayo pagtatapos ng gabi." "Sige. Sige. Sigurado na ako ngayon. Siyanga pala, waitress, inaasahan kong maaalala mo na ang binata na ito at ako ay maghihiwalay ng bill para sa private room na ito!"Natakot si Gerald na hind
"Hindi... Hindi kita hihintayin dito!" Nang tumingin si Xavia kay Yuri, alam niya mismo kung ano ang ibig niyang sabihin. Sobrang nakakahiya ito! Paulit-ulit na umiling si Xavia."Mahal ko, tandaan kung gaano ako kabait sayo noong una pa lang. Hintayin mo lang ako dito ng saglit. Uuwi ako sa bahay at maghahanap ng pera, pagkatapos ay magmamaneho ako pabalik dito para sunduin ka. Pagkatapos nito, pwede ba na mag-stay tayo sa labas ngayong gabing, okay lang? ”Sumulyap si Yuri kay Gerald habang sinasabi niya ang mga iyon. Isang paalala din ito kay Xavia na ang dahilan kung bakit sila pumunta sa dinner ngayong gabi ay dahil gusto nilang mapahiya si Gerald at hindi niya dapat kalimutan iyon!Okay!Kumalma si Xavia nang maisip niya si Gerald. Siyempre, kailangang patunayan ni Xavia na ang kanyang bagong boyfriend ay sigurado na isang daang beses na mas mahusay kaysa kay Gerald! Isang daang beses na mas mahusay! Hindi siya dapat mapahiya sa harap ni Gerald."Okay, sige, hihint
Bumangon si Gerald sa kama at sumugod siya sa banyo para sagutin ang tawag. "Magandang umaga, Mr. Crawford!" Marespetong bumati si Zack kay Gerald. "Mr. Lyle, salamat at tumawag ka ngayong araw. May gusto akong itanong sayo ...” tanong ni Gerald habang nakangiti."Mr. Crawford, sabihin mo sa akin kung ano kailangan kong gawin. Sabihin mo ang iyong mga bilin at magagawa ko agad ito! " Sinabi ni Gerald kay Zack ang lahat tungkol sa pera na ginastos niya sa Homeland Kitchen kagabi."Oh! Ganoon ba? Mr. Crawford, sa tingin ko hindi umabot ang gastos mo ng ten thousand dollars. Sabagay, ang high-end na red wine na inorder mo kagabi, na nagkakahalaga sa iyo ng nine thousand dollars, ay talagang manufactures ng Crawford family sa ibang bansa. Kaya ang halaga ng red wine ay ilang daang dolyar lang. Hahaha ... ”Ngumiti si Zack. Sa totoo lang, nahihiya talaga si Gerald na gumastos ng kahit maliit na pera. Gayunpaman, umuunlad na si Gerald sa ipinagkatiwala ni Jessica na ipagawa sa kanya
“Sorry…”Nagmadaling humingi ng tawad si Gerald. Pagkatapos nito, inangat niya mga mata niya bago siya nagnakaw ng tingin sa batang babae na nasa likuran niya. Agad siyang nabigla sa magandang hitsura ng dalaga. Nakasuot siya ng masikip na damit at mayroon siyang napakahabang, agos na buhok na nahulog sa balikat niya. Halos kasing edad niya ang babae, ngunit ang pangangatawan nito ay nakahubog na. Tiyak na isa siya sa pinakamagandang dalaga na nakita ni Gerald. “Sorry? Sa palagay mo tapos na ang lahat dahil nanghingi ka ng tawad?" Nagpatuloy ang marahas na pagmumura sa kanya ng dalaga habang hinihimas niya ang parte kung saan siya nasaktan.Hindi sinasadya ni Gerald na masaktan ang babae ng turnstile. Nasugatan ang babae at nararamdaman niya ang isang maalab na sakit sa kanyang katawan. Sa katunayan, kitang-kita na siya ang nakabangga kay Gerald ngunit dahil nakita niya na si Gerald ay nakadamit ng ganoong kaswal, nagpasya siyang isisi na lang ito kay Gerald. "Kung hind