Kahit na nakaalis na siya sa tubig, hindi pa rin niya alam kung gaano kalalim ang underground na ito. Bukod pa doon, halos walang hangganan ang dagat na nilalangoy niya! Gamit ang kanyang rough estimate, alam niya na ito ay hindi bababa sa kalahati ng north-west area…"Kakaiba na may napakalawak na dagat sa ilalim ng lupa!" bulong ni Gerald sa kanyang sarili bago siya lumipad sa paligid para tingnan kung may clues na makikita...Hindi nagtagal bago narinig ni Gerald na may sumusunod sa kanya sa ilalim ng mga alon! Dahil nakakakita ng malinaw si Gerald sa dilim, nakita niya ang isang napakalaking anino na tumatalon sa ilalim ng tubig!Nang mawala na ito sa kanyang paningin ay bumulong siya sa kanyang sarili, “...Matatagpuan ba ang mga sikreto sa ilalim ng dagat na ito?”Sinuri niya muli ang kanyang paligid—at matapos kumpirmahin na walang kakaiba sa paligid niya—, agad na sinabi ni Gerald, “...Sa tingin ko ay mas mabuti nang maghanap ng clues sa ilalim ng dagat kaysa lumipad sa taas
Matapos simulan ang kanyang transformation technique, nagtransform si Gerald sa isang mahinang sinag ng liwanag at pumasok sa malalim at walang hangganang karagatan! Pinalaganap niya ang kanyang divine sense, at napagtanto ni Gerald na agad siyang nakawala sa ilusyon! Sa kasalukuyan, siya ay nasa isang storage space ng isang mansyon. Napagtanto niya ito dahil may ilang mga kahon na may iba't ibang laki na nakapalibot sa kanya. Medyo nalilito si Gerald, pero mas gumaan ang loob niya habang iniisip niya, 'Salamat sa Diyos at alam ko kung paano mag-transform... Kung hindi, malamang nakakulong na ako doon magpakailanman!' Natakot siya nang maisip niya iyon, kaya mabilis na umiling si Gerald bago siya tumingin sa paligid... Bukod sa mga kahon, ang tanging bagay sa loob ng kwarto ay isang landscape painting scroll na nakasabit sa dingding. Ang painting ay naglalarawan ng isang malaking open space sa loob ng isang peach na kagubatan na napapaligiran ng matataas na bundok at mga waterfal
Hindi ito ang tamang oras para mag-alinlangan...! Buong lakas na umiwas si Gerald nang lumapit ang warrior para hiwain siya... at naiwasan lamang niya ang atake ng ilang dangkal...! Ngunit hindi dito nagtatapos ang labanan, at hindi nagtagal ay tumakbo ng mabilis si Gerald habang iniiwasan niya ang mga atake ng mga warriors! Imposible na makalaban niya ang mga ito...! Habang patuloy siyang umiiwas sa mga atake, ang isa sa mga blades of light ng warrior ay bumangga sa isang scroll painting sa likod ni Gerald... at namangha siya nang ma-absorb nito ang energy ng blade. “Pa-Paano ito nangyari…?!” natulala si Gerald nang lumingon siya para tingnan nang mabuti ang painting… at ang nakita niya ang nagdulot ng panginginig sa kanyang katawan...! Noong una ay sigurado siya na may isang tao lamang sa loob ng pavilion ng scroll... pero ngayon ay dalawa na! Makikita pa na masaya silang umiinom ng tsaa...! Ang mas nakakagulat pa doon ay biglang narinig ni Gerald ang boses ni Finnley sa ka
Habang nanatiling gulat at hindi makagalaw si Gerald, ilang sandali lang ay idinagdag ni Finnley, “Ano, Zearl? Sa tingin mo ba ay makakapasa ang disciple ko sa iyong pagsubok?" Nang marinig iyon, tumango sa kanya si Zearl na may mapait na tawa habang sumasagot, “Kahit na hindi ako naniniwala, papayag pa rin akong kunin niya ito. Pagkatapos ng lahat, may utang akong pabor sayo. Kung hindi mo ako tinulungan noon, malamang magiging demonyo ako! Mas relaxed at komportable ako sa kasalukuyang estado ko, at kahit hindi ko na kayang mag-cultivate pa, pwede ko na ngayong alagaan ang puso ko!” “Tungkol sa pagsubok... Inilagay ko ang Dragonprime at ang aking angelic inheritance sa dalawang location, at kung mahahanap ni Gerald ang mga ito, hindi lang mapapatumba ni Gerald ang dakilang demonyo, pero makakalaban rin niya ang Soluna Deus Sect!” sabi ng matanda. “…Sinasabi mo bang handa kang ipasa sa akin ang angelic inheritance?” sagot ni Gerald nang magulat siya sa kanyang narinig. Lumalabas
Habang patuloy na nakaturo si Zearl sa noo ni Gerald, biglang napagtanto ni Gerald na alam na niya ngayon ang dalawang bagong magical chants...! Gaya ng ipinangako ni Zearl, magagamit na ni Gerald ang heavenly power ng Realm in the Sleeve at ng Beadation Warrior...! “Pagkatapos mong makuha ang aking mana, siguraduhin mong i-cultivate ng maigi ang bagong godly powers na natutunan mo, gayundin ang iyong existing transformation technique. Gawin mo iyon nang sapat at kaya mong kalabanin ang napakaraming mga kalaban, gayundin ang anumang heavenly tribulation! Tungkol naman sa iyong cultivation, ang iyong kasalukuyang katawan ay para lamang sa normal na cultivation. Sa madaling salita, hangga’t makapasok ka sa Deitus Realm, hindi mo malilinang ang maayos ang iyong godly powers." "Dahil ako na ngayon ang iyong master at natulungan na kita, hayaan mo akong bigyan ka ng isang magic artifact para masiguro ang iyong kaligtasan bago mo mahanap ang Dragonprime at ang aking inheritance!" sabi n
Inakala noon ni Sanchez na namatay na si Gerald, kaya napailing siya nang marinig ang boses ng lalaking ito. "Tama ka, ako nga, at dapat lang na magpasalamat ka dahil dito. Kung hindi, makukulong ka sa lugar na ito hanggang sa araw na mamatay ka!" mapanuyang sinabi ni Gerald. Hindi pa sapat ang lakas ni Gerald para harapin si Sanchez, ngunit nasa loob pa rin sila ng Realm of the Sleeve, at mas pamilyar si Gerald sa kung paano gumagana ang lugar na ito ngayon kumpara sa matandang iyon. Sa madaling salita, alam ni Gerald na hindi siya masasaktan ng matanda dito. Ilang sandali pa ay sinabi ni Sanchez, “…Anong klaseng lugar ito? At hindi ba mas mababa ang level of cultivation mo kumpara sa akin? Bakit napaka-casual mo sa ganitong klaseng sitwasyon?" “Mukhang alam mo kung paano makaalis sa lugar na ito, bata. Mas mabuti nang ituro mo sa amin kung paano makaalis dito kung ayaw mo ng gulo!" sabi ng Blancetnoir Double Lords, habang parehong nakataas ang kanilang mga kilay. “Oh? Hind
“Oh? Sinasabi mo ba na susubukan mo akong patayin pagkatapos kitang tulungan?" Mapaglarong sinabi ni Gerald. Tumawa si Sanchez saka siya sumagot, “Madali lang para sa akin na patayin ka! Gusto kong magdusa ka! Ang lakas ng loob mo na sabihing magpapasakop ako sa isang batang tulad mo...! Ipapakita ko sayo ang aking tunay na kapangyarihan ngayon kung ito ang huling bagay na gagawin ko!" Pagkatapos nito ay huminga ng malalim si Sanchez... at ilang sandali pa, nabalot ng itim na liwanag ang kanyang palad! Naramdaman ng lahat ang lakas ng ilaw, kaya hindi naiwasan ni Yusra na mag-alala habang sinasabi, "Pigilan niyo si Sanchez, Blancetnoir Double Lords...!" Sa kanyang pagkadismaya, hindi gumalaw ang dalawa ng kahit isang pulgada. Kung tutuusin, parang sabik na silang makitang naghihirap si Gerald! Totoo na si Gerald ang nagligtas sa kanila, pero tinakot pa din sila ng batang ito kanina. Muntikan niya pang hayaan ang mga ito na mamatay...! Ito ay isang madilim na sandali para sa k
Dahil sinakop na sila ng Nineraid Band, ang iba pang mga big shot cultivator ay napatitig kay Gerald, alam nila na hindi nila kailanman makukuha ang kanyang mga angelic artifact. Kung tutuusin, anong laban nila kung kaya niyang ibagsak ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez? Sa puntong ito, kahit papaano ay nakatayo si Sanchez nang buong pagsisikap. Hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng anumang padalus-dalos na galaw laban kay Gerald. Sa halip ay sinabi niya, “Iba ka talaga, Gerald…! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo ang tulong namin. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang ikaw ang tanging tao na nakakaalam ng mga sikreto sa puntod ng general, pero hawak mo na rin ang maraming angelic artifacts!" “Huwag 'kang mag-alala. Sa sobrang lakas ninyong tatlo, kailangan ko kayong gawing disciples habang papunta tayo sa North Desert para hanapin ang isang tao! Kung ako sayo, hindi ko susubukang makipaglaban sa akin para lang makawala mula sa aking kontrol." "Sa sandaling mamatay ako,