“Hah! Sinabi lang yan ng master mo para hindi mo mahalata na mga walang kwenta sila! Isang kahihiyan na ang isang babae na tulad mo ay naging isang uhaw sa dugo na demonyo na nagtatrabaho para sa ibang mga demonyo!" sagot ni Darkwind, dahilan para mamula lalo ang mukha ni Elain. Totoo ba na... patay na ang mga batang iyon...? “Huwag mo siyang pakinggan, Youngest Junior! Sinusubukan lang niyang guluhin ang isip mo!" sabi ni Filipe bago siya tumayo at hinampas ang latigo! Kasunod nito, nagsimulang umagos ang isang electric current sa angelic na latigo... at sa oras na tumama ito kay Darkwind, nag-iwan ito ng malalalim na marka ng paso kung saan ito humapas...! “Para ‘yan sa kalokohan mo, tanda! Malamang may mas mahusay na paraan para gawin ang lahat ng ito, pero parati mong pinipili ang pinakamasama! Gusto mo ba talagang mamatay?!" mapanuyang sinabi ni Filipe. “Hindi, pero mukhang ikaw ang gustong mamatay. Makinig ka, kung hindi mo ako pakakawalan ngayon, hindi mo malalaman kung
Ang sumunod ay isang malakas na dagundong habang ang itim na barrier ay nagsimulang manginig ng marahas...! Sa puntong ito, si Filipe ay umubo na ng dugo at ang kanyang noo ay natatakpan ng mga nakaumbok na ugat...! Sa kasamaang palad para sa kanya, hindi nagtagal ay nabasag ang kanyang barrier sa isang milyong piraso, bago nito itinulak si Filipe paatras hanggang sa bumagsak siya sa lupa! Ang lahat ng mga meridian sa kanyang likod ay pumutok, agad na napagtanto ni Fillipe na ang atake ni Gerald ay halos sinira ang kanyang kaluluwa—kaya hindi niya napigilan na mapasigaw sa sobrang gulat, "P-Paano ito nangyari...?!" Pagkatapos ng lahat, mayroon siyang isang angelic artifact na nagpoprotekta sa kanya! Dapat maging perfect ang kanyang defense...! Naiinggit na ngayon si Filipe, kaya isinara niya ng mahigpit ang kamao sa lupa habang sinasabi, "Ikaw... Gerald Crawford...!" "Kahit na meron kang access sa isang angelic artifact, dapat mong malaman na ang mga wielder capabilities ay pan
Kabisado na ni Gerald ang lahat ng formations na makikita sa libro. Kaya kahit pa mas komplikado at naiiba sa mga regular na formation ng cultivator, alam ni Gerald na hindi ito pwedeng maging malayo mula sa basic principles. Kaya nagpatuloy lang siya sa pag-decipher ng formation... at sa kalaunan ay may naisip si Gerald. Ipinikit ang kanyang mga mata, at nagsimulang lumiwanag ang kanyang katawan sa isang gintong liwanag... At kasunod nito, ang kanilang tumatalsik ng mga kidlat at apoy ay naglaho sa oras na tumama sila sa kanyang katawan! Nang makita iyon, sina Darkwind at Lyndon—na sinusubukan pa rin umiwas sa mga atake—ay hindi maiwasang mataranta. Dahil dito ay nagpaliwanag si Gerald, “Sa pamamagitan ng mga geographical features ng bundok na ito, ang formation ay nakakahiram ng mga puwersa mula sa langit at lupa na may kakayahang gumawa ng cosmo-forces. Ito ang tanging dahilan kung bakit napakabilis at malakas ang mga atake." Nabigla si Fillipe nang marinig iyon, kaya napaisip
Kahit na galit siya, ang emosyon na iyon ay agad na napalitan ng gulat nang makita ni Filipe na pinagdikit ni Gerald ang kanyang mga sword fingers bago ito sumugod patungo sa kanya! Sobrang nabalisa si Filipe, kaya mabilis niyang inihagis ang kanyang Heavenly Guard Order! Dahil ang Heavenly Guard Order ay isa pa ring angelic artifact, naharangan ni Gerald sa Skysplit attack! Bago pa man makagamit si Gerald ng isa pang atake, isang nakakasilaw na liwanag ang sumabog mula sa artifact, panandaliang nabulag ang lahat! Sa sandaling bumalik ang kanilang paningin, hindi na nila nakita sila Filipe at Elain... “Mukhang mabilis na tumakbo ang mga g*go na iyon…!” sabi ni Darkwind. "Kung wala siyang angelic artifact na iyon, napatay agad siya ni Mr. Crawford!" Iritableng sinabi ni Lyndon. Sa kabilang banda, si Gerald ay nanatiling tahimik habang nakatitig sa token sa lupa na kumikinang pa rin... Habang nanonood na kinukuha ni Gerald ang token, nagulat si Darkwind nang makaramdam siya n
Alam ni Gerald kung sino ang tinutukoy niya. Kung tutuusin, sinubukan niyang sundan ang Sun League mula nang kunin nila ang kanyang fiancée ... Hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung si Mila ay buhay o patay na... "Kahit pa wala masyadong nakakaalam kung ano ang nangyari sa Deitus Realm, marami pa rin silang iniwan na tagapagmana. Matapos nilang unti-unting hatiin ang sekular na mundo, sa huli ay nabuo nila ang cultivation realm na kilala natin ngayon,” dagdag ni Lyndon. Nang marinig iyon ni Gerald, biglang bumalik sa kanyang alaala noong hinanap niya ang puntod ng dati niyang incarnation. Noong panahong iyon, nakakita siya ng isang painting ng isang malaking puno na nahuhulog mula sa langit... at nang mahulog ito sa lupa, makikita na ang puno ay natatakpan ng maraming bangkay ng mga heavenly soldiers. Hind kaya may koneksyon ang mga bangkay na iyon sa pagkawasak ng Deitus Realm...? Bukod pa doon, sigurado rin si Gerald na si Sister Indigo at ang iba pa ay mula sa Deitus Re
Kasunod nito ay nag-aalalang nagtanong si Master Greendrake, "A-ano ang dapat nating gawin, Master...?" “Gamutin mo siya gamit ang mga liquid essence ng mga halaman. I-extract ang liquid essence at ibabad ang buong katawan niya dito sa loob ng forty nine days. Pagkatapos nito, gagamitin ko ang aking essential qi para patatagin ang kanyang cultivation. Kung gumana ang lahat ayon sa plano, malamang gagaling siya mula sa kanyang kondisyon." Pagkatapos nito, isang sinag ng liwanag ang lumabas mula sa stone statue at bumalot sa katawan ni Filipe... Sa loob ng ilang segundo, medyo gumanda na ang pakiramdam ni Filipe! Tuwang-tuwa si Master Greendrake nang makita iyon, kaya napasigaw siya, "S-salamat, Master...!" “Gusto kong humingi ng tawad dahil nawala ko ang Heavenly Guard Order na ibinigay mo sa akin, Master…! Sa tingin ko ay na kay Gerald na ito…!” bulong ni Filipe na buong pagmamakaawa. "…Ano?! Nawala mo pa ang iyong angelic artifact...?!" Napasigaw si Master Greendrake. “Wal
"May nahanap ka bang karagdagang impormasyon?!" Sabi ni Darkwind. Mukhang nataranta si Propesor Boyle, kaya umiling siya bago sinabing, "Hindi pa, pero..." “Kahit na wala pa kaming nahanap, nakatanggap kami ng invitation letter na naka-address kay Mr. Crawford! Nag-aalala ako na ikaw ang susunod na titirahin nila, kaya nagmadali akong lumapit sa propesor!" paliwanag ni Lyndon habang inilalabas niya ang invitation letter... Tumaas ang kilay ni Gerald nang kunin niya ang sulat at sinimulan niyang basahin ito... Pagkatapos nito, napagtanto niyang lahat sila ay iniimbitahan sa banquet ng pamilyang Zandt na gaganapin ngayong gabi... Matapos niyang sabihin ang mensahe, agad namang sinabi ni Darkwind, "Malinaw naman na ito ay isang trap, Mr. Crawford! Malamang ang mga malalaking demonyo ang makikipaglaban sayo sa oras na ito, kaya dapat tayong maging maingat kung dumalo man tayo! Hindi sila magiging madaling talunin kagaya ni Filipe…!” "Tama siya. Nakasulat dito na dadalo rin sina M
Samantala sa loob ng Zandt family residence, biglang napagtanto ni Freyr na bumubuti ang kanyang pakiramdam. Kung tutuusin, gumaling siya sa tamang panahon dahil hindi lamang siya binigyan ni Master Trilight ng isang importanteng misyon, ngunit sinabi rin niya sa kanya na si Master Greendrake—isang big boss—ay darating din sa banquet! Dahil dito, siniguro ng pamilyang Zandt na i-supervise ang lahat ng preparations... Gayunpaman, may isang miyembro ng pamilyang Zandt ang hindi pinahintulutang tumulong... At iyon ay si Fae! Matapos siyang pagsabihan na tumayo sa pasukan ng manor, mahigit isang dosenang beses na sinampal ni Fae ang kanyang mga tauhan kanina para mawala ang galit niya, “Hindi ba ako ay miyembro rin ng pamilyang Zandt?! Bakit pinapayagan ang kapatid ko na manatili habang ako ay pinalayas?! Bwisit!” "S-Second Young Mistress, ang mga taong darating mamaya ay mga big shot... Hindi tayo pwedeng maging bastos sa kanila, kaya makinig na lang tayo kay Master at huwag nang duma