Pagkatapos nito, saglit na umiwas ang tatlo na pag-usapan ang tungkol kay Daryl at mas ginusto nilang uminom ng tsaa... Maya-maya pa ay lumingon ang matanda kay Fujiko bago siya nagtanong, "...Ang pamilyang Futaba ay may matagal nang problema sa pamilyang Hanyu, tama ba?" Nabigla si Fujiko nang marinig ito, ngunit mabilis siyang bumalik sa katinuan bago niya sinabi, “…Hindi ko inaasahan na malalaman mo ito…” "Ipapaalam ko sa iyo na kaming mga Yamashita ay may sapat na kaalaman tungkol sa mga nangyayari sa labas sa kabila ng aming teritoryo... Kahit na alam namin ang tungkol sa alitan ng inyong mga pamilya, pero hindi namin inaasahan na ang inyong mga pamilya ay aatake sa isa't isa," paliwanag ng matanda na mas gumaan ang pakiramdam dahil hindi na nila pinag-uusapan si Daryl. “Kamakailan lang nagsimula ang away na ito. Hindi ko pa alam kung ano ang motibo ng pamilyang Hanyu, pero bigla silang nagpadala ng mga assassins para patayin ako noon... Kung hindi pumasok si Gerald para t
"Gusto mo bang matutunan ito?" ngumiti ang matanda kay Gerald habang sinasabi ito.“Ako ay isang cultivator. Paano ako matututo ng ninjutsu?" Napawi ang ngiti ni Gerald at nalilito siyang nagtanong.“Kaya mo itong matutunan. Ang cultivation at ninjutsu ay pareho ng pinagmulan. Pareho silang kumukuha ng natural power sa pagitan ng langit at lupa. May kaunting pagkakaiba lang. Ikaw ay isang cultivator at mayroon kang kapangyarihan ng Herculean Primordial Spirit. Ang pag-aaral ng ninjutsu ay napakadali para sayo, kaya sa tingin ko ay makakapagsimula ka na sa loob ng ilang araw lamang,” sabi ng matanda habang nakatingin kay Gerald.“Magandang bagay ‘yan.” Hindi tumanggi sa matanda si Gerald. Kung matututuhan niya ang kakayahang ito at maging expert siya sa kapangyarihan na ito, magiging malaki ang kanyang pagkakataong mailigtas ang kanyang mga magulang at ang kanyang kapatid na babae, na nasa Sun League."Gusto mo bang matuto ngayon?" hindi na makapaghintay na magsimula ang matanda.“
Hindi nagtagal ay nakarating na ang dalawa sa Futaba Mansion.Bago sila dumating, nakarating na ang mga expert na hinanda ng matanda.“Gerald, sino ang mga taong ito? Tinanong ko sila kanina kung sino sila, pero hindi nila sinabi sa akin. Sinabi lang nila sa akin na pumunta sila dito dahil inutusan sila. Sila ba ang mga katulong na nakuha niyo?" nakatayo si Takuya sa entrance ng manor sa oras na ito. Mabilis siyang lumapit kay Gerald nang makita niya ito at nagtanong sabay turo sa mga tao na nakatayo sa magkabilang gilid ng mansyon."Pumasok muna tayo bago natin pag-usapan ito.""Salamat sa tulong niyo. Sabihin niyo sa akin kung may kailangan kayo!"Ayaw itong ipaliwanag ni Gerald sa harap ng mga taong ito. Sa halip, kumaway siya sa kanila at dinala sina Takuya at Fujiko sa loob ng bahay.Sa loob ng parlor, inulit ni Takuya ang kanyang tanong nang makapasok sila sa loob.Masyado nang komplikado ang sitwasyon ng pamilyang ito. Hindi lang nila kinailangang harapin ang mga pamilyan
"Walang pinagkaiba ang aking tanong. Napakalaki ng naitulong mo sa amin at inilagay isinakripisyo mo pa ang sarili mong buhay. At saka, nasaktan mo pa ang pamilyang Kanagawa at Hanyu. Kahit na napakalakas mo, hindi mo kailangang ilagay ang iyong sarili sa napakaraming problema. Gusto ko lang malaman kung bakit mo ito ginagawa. Ano ang iyong dahilan? O para ba ito kay Fujiko?"Pinunasan ni Takuya ang kanyang mga kamay at nahihiyang nagtanong. Ang tanong na ito ay matagal nang bumabagabag sa kanyang isipan. Ilang beses na niya itong pinag-isipan, pero wala pa rin siyang mahanap na sagot. Kaya hindi na niya napigilan ang kanyang sarili at diretso siyang nagtanong.Napatingin si Fujiko kay Gerald."May rason kung bakit ko ito ginagawa." Napatingin sa kanila si Gerald at nag-alinlangan siya ng sandali, pero sa huli ay sinabi pa rin niya sa kanila ang totoo."Hindi problema 'yan. Basta sasabihin mo ito at tutuparin ko ang kahilingan mo.” naramdaman ni Takuya na normal lamang magkaroon ng
Naglalakad sila papunta sa parlor habang nag-uusap sina Gerald at Aiden.Makikita na mas maayos ang security ng manor matapos makapasok ng napakaraming tao dito. May nakikita pa siyang mga security guard na naka-uniporme. Dahil nag-aalala si Takuya na baka maaksidente ang mga taong ito sa manor, kumuha siya ng mga security guard mula sa isang security company sa labas.Kung tutuusin, miyembro pa rin sila ng pamilyang Futaba kahit matagal na silang umalis sa kanilang pamilya. Mahihirapan siya kung may makatagpo silang panganib."Hindi ba ikaw si Futaba Suke?" Pagpasok ni Gerald sa pinto, nakita niya ang isang binata na nakatayo sa looban. Siya ang binata na nagbanta sa kanya sa garden pagkatapos ng meeting noong nakaraan. Hindi na magkukunwari si Gerald na hindi siya nakita sa pagkakataon na ito at handa na siyang kausapin ang binata.“Swerte ka talaga!” Alam ni Suke ang nangyari kay Gerald kamakailan, at bumulong siya na may malungkot na mga mata.Kung hindi lang nakaharang si Ger
Inaasahan na ni Takuya na maraming sasalungat sa kanya at pinaghandaan na niya ito, pero lalo siyang nabalisa habang nagsisimula silang magtalo. Siya pa rin ang patriarch, ngunit maging ang kanyang mga salita ay kinuwestiyon at tinanggihan ng mga miyembro ng kanyang pamilya. Wala itong pinagkaiba kung humawak siya sa posisyon bilang patriarch o hindi."Ano ang dahilan kung bakit mo kami pinatawag ngayon?""Hindi na namin kailangang pumunta pa dito kung para ito sa isang maliit na bagay. Pwede mo kaming tawagan at ipaalam sa amin ang gusto mong sabihin. Hindi ka pa rin naman makikinig sa aming mga opinyon!"Nanatiling tahimik na ang mga miyembro ng amilya nang makita nilang nagagalit na si Takuya. Sa kabila ng katahimikan sa parlor, sinabi ni Masaru ang mga salitang ito gamit ang kanyang paos na boses. Siya pa rin ang tito ni Takuya, at pwede niyang hindi pansinin ang mga salita ni Takuya.Nang sabihin iyon ni Masaru, tumango naman ang lahat para sumang-ayon sa kanya.“Pinapunta ko
Nabigla ang lahat sa biglaang outburst ni Takuya, at hindi sila nangahas na magsalita. Kahit na wala silang paggalang sa patriarch na ito, hindi ito nangangahulugan na ang kanyang kapangyarihan ay wala na sa kanya.Batay sa Japanese rules, kung ang isang tao sa isang pamilya ay lumabag sa utos ng patriarch, kailangan na pasanin ang mga kahihinatnan ng parehong batas ng pamilya at pati na rin ang legal aspects.Nagkaroon sila ng lakas ng loob na iwan ang pamilya at gamitin ang pangalan ng pamilya upang makakuha ng ilang mga benefits ay dahil nakita nila si Takuya bilang isang down-to-earth na tao, at wala siyang gagawin sa kanila dahil sila ay bahagi ng pamilyang Futaba.“Takuya, alam kong anak mo si Fujiko, kaya gusto mo ang best para sa kanya, pero bilang patriarch, kailangan mong unahin ang buong pamilya! Kailangan pa rin natin ang tulong ng pamilyang Kanagawa. Kung sisirain natin ang marriage contract, hindi na tayo tutulungan ng pamilyang Kanagawa, kundi baka talikuran nila tayo
Nagkibit balikat si Gerald at mabilis siyang pumayag. "Pero kung sila nga ay mga tauhan ng pamilyang Yamashita...""Gagapang ako sa ilalim ng crotch mo at lalabas ako rito!" Nang hindi na hinintay na matapos ni Gerald ang kanyang mga salita, agad namang nagsalita si Suke. Naniniwala siyang nagyayabang lang si Gerald. Hindi pa siya nakakakita ng sinumang miyembro ng pamilyang Yamashita sa buong buhay niya, pero alam niya na hindi siya magkakaroon ng koneksyon sa kanila."Walang problema!" Agad namang sumagot si Gerald.Hindi nagtagal, sinundan ng ilang lalaki si Aiden sa kwarto at ang lahat ng mga tao ay nakatingin sa kanila."Kuya Gerald." Tumango si Aiden kay Gerald bago siya pumwesto sa likod.“Brothers, ang mga lalaking ito ay nagdududa sa katotohanan na kayo ay mula sa pamilyang Yamashita. Mayroon ba kayong anumang bagay para patunayan ang inyong identity?" Tanong ni Gerald na nakatingin sa kanila."Meron kaming identification." Kinuha ng lalaking nakatayo sa harapan ang kany