Kasalukuyang natutuwa si Ray, pero si Gerald sa kabilang banda ay hindi pa rin kumikibo mula sa kanyang unang pwesto at makikita ang pagka-seryoso sa kanyang mukha... Nang makitang malalim ang iniisip ni Gerald, tumahimik si Juno bago siya nagtanong, “…May problema ba, Gerald…? Ayaw mo ba ang pagkain...?" Nang marinig iyon, mabilis na isinantabi ni Gerald ang kanyang iniisip bago siya sumagot, “…Huh? Ah, may naisip lang ako!" Pagkasabi niya nito, umupo si Gerald sa tabi ng dining table at nagsimulang kumain... Ngunit isang mangkok ng kanin lang ang kinain ni Gerald bago siya tumayo at umalis papuntang sala... Sa karaniwang sitwasyon, ang ibig sabihin nito ay magkakaroon ng maraming tira. Gayunpaman, si Ray ay hindi isang karaniwang tao. Masyadong malaki ang appetite niya at tinapos niya ang karamihan sa mga pagkain nang walang anumang problema! Ngayong tapos na ang dinner, sinamahan ng tatlo si Gerald sa sala para magsimulang makipag-usap. Si Juno ang unang bumasag sa k
Humiga siya sa sopa bago tumitig sa kisame, bago sinabi ni Tye, "Maghintay ka lang, Gerald... Hindi ko hahayaan na makatakas ka ng napakadali...!" Sa tuwing naiisip niya si Gerald, lalong nananaig ang galit sa puso niya. Anuman ang mangyari, sisiguraduhin niyang pagbabayaran ni Gerald ang matinding halaga ng kanyang ginawa...! Fast forward sa kinaumagahan, maagang nagising si Gerald at tahimik na umalis ng bahay na mag-isa. Umalis siya para puntahan si Master Snyder sa pag-asang tanungin siya kung alam niya ang isang paraan para talunin si Tye sa kanyang kasalukuyang kapangyarihan… Pagdating niya sa bahay ni Master Snyder makalipas ang halos kalahating oras, kusang bumukas ang pinto bago pa man kumatok si Gerald. "Pumasok ka!" sabi ni Master Snyder mula sa loob na pinapatunayan na naramdaman na niya ang presensya ni Gerald. Dahil doon ay pumasok si Gerald at kusang sumara ang pinto sa likuran niya... Huminto si Gerald nang makarating siya sa gitna ng hall at sinabi niya,
Gaya ng hula ni Gerald, tumatawag si Harold para magpatulong na malutas ang isang misteryo... Gayunpaman, ayaw ni Gerald na i-prioritize ang ibang bagay lalo na’t may kakayahan si Tye na magdulot ng kaguluhan sa buong city. At saka, hindi niya naman kailangang tulungan si Harold na lutasin ang isang misteryo. Dahil dito ay sumagot si Gerald, “Pasensya na, Mr. Lee, pero abala ako sa ngayon… May mga bagay pa akong kailangan asikasuhin…” “Ganun ba... Pero pakinggan mo muna ako, Mr. Crawford! May namatay sa loob ng building ng Sun Group at ang biktima, isang security guard ng kumpanya na natuyo ang buong katawan! Nakakatawang mapakinggan ang paglalarawan na ito, pero parang hinigop ang kanyang kaluluwa!" paliwanag ni Harold. “Ano ulit? Sa Sun Group? Isang tuyong bangkay?!” sigaw ni Gerald, naalala niya agad na si Tye ay may kapangyarihang kumuha ng energy at kaluluwa ng isang tao. Dagdag pa dito ang katotohnan na nangyari ang pagpatay sa gusali ng Sun Group! Paniguradong si Tye ang
Dahil ayaw niyang mag-aksaya ng oras, tinanong kaagad ni Gerald, “Anong sitwasyon?” “Nasabi ko na sayo na ang biktima ay isang security guard ng Sun Group. Mula sa mga impormasyon na natipon namin, ang oras ng kamatayan ay mga hatinggabi kahapon, sa tingin namin ay may may nakatagpo siyang isang paranormal being dahil ang kanyang katawan ay sinipsip hanggang sa matuyo na ito! Ang kanyang mga mata ay napaka-puti rin!" paliwanag ni Harold habang nakasquat si Gerald sa tabi ng katawan ng security guard... Matapos itong suriin ng maayos, mas sigurado ngayon si Gerald na si Tye ang may kasalanan. Tiningnan niya ang paligid at napansin niya ang isang bote ng alak at isang baso sa isa sa mga cabinet... Nakataas ang isang kilay ni Gerald bago siya lumapit upang mag-imbestiga... at nakakita siya ng mantsa sa may wineglass. Nang makita iyon, agad na naisip ni Gerald kung paano nagkaroon ng stain doon. Malakas ang kutob niya na si Tye ay bumalik sa sa Sun Group building kagabi para umin
“Sinuri ko ang opisina kanina at sigurado ako na pumunta siya dito kagabi para lang uminom ng wine. Dahil doon ay naniniwala ako na babalik siya dito ngayong gabi para magtago. Suggestion ko na magtulungan tayo upang mahuli siya kapag sumapit ang gabi!” sabi ni Gerald. Alam ni Harold na iyon ang tamang desisyon at wala siyang dahilan na tumanggi. “…Sige, gawin natin yan! Sana gumana ang plano na ito!" sagot ni Harold bilang pagsang-ayon. Pagkatapos nito ay iniwan Harold ang trabaho ng pangangalaga sa bangkay sa kanyang mga tauhan at sinimulan nilang ayusin ni Gerald ang kanilang plano ngayong gabi... Nang matapos sila, ang mga hidden monitoring device na nai-set up sa buong opisina. Ang gagawin lang nila ngayon ay maghintay hanggang gabi... Fast forward hanggang hatinggabi, nagsisimula nang lumiwanag ang mga street lamp habang dumidilim ang kalangitan... Parami ng parami ang mga ilaw na nakabukas habang lumalaim ang gabi, nanatiling madilim ang loob ng gusali ng Sun Group s
Pagkasabi niya nito, isang net ang lumipad mula sa gilid at dumiretso ito patungo kay Tye.May kuryente ang net at ito ay espesyal na idinisenyo para mapigilan ang sinuman na makatakas mula dito.Nang matabunan ng lambat si Tye, agad siyang nakuryente at nawalan siya ng malay.Sa wakas, si Tye Lamano ay nahuli sa pinagsamang pagsisikap nina Gerald at Harold.Hiss!Ang lambat ay nagpakawala ng mga electric current sa katawan ni Tye.Nang makontrol nila si Tye, agad na inutusan ni Harold ang kanyang mga tauhan na ibalik siya sa Great Council at ikulong siya."Mr. Crawford, maraming salamat sa tulong mo!”Nagpasalamat si Harold kay Gerald.“Hehe. Masyado kang magalang, Mr. Lee. Hindi mo kailangang magpasalamat sa akin. BMabuti na lang at nahuli na natin sa wakas si Tye Lamano,” sabi ni Gerald.Ang layunin nila ay mahuli si Tye Lamano para hindi na siya pumunta sa iba’t ibang lugar at magdulot ng pinsala sa lipunan.Hindi alam nina Gerald at Harold na hindi magandang bagay ang p
Nakaupo sila sa harap ng salamin habang nakatingin kay Tye Lamano."Tye Lamano, sabihin mo sa akin kung bakit mo pinatay ang security guard?"Umupo si Harold sa kanyang upuan habang tinatanong niya si Tye.Hindi sinagot ni Tye ang tanong ni Harold. Sa halip, dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo at tinitigan si Harold. Isang masasamang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha at talagang kinilabutan ang lahat ng taong nakakita sa kanya."May tinatanong ako sayo!"Galit na sumigaw si Harold."Hah, akala mo ba madali mo akong mahuhuli?"Malamig na sumigaw si Tye.Bigla namang kumunot ang noo ni Harold dahil hindi maintindihan ang ibig sabihin ni Tye.Sa sumunod na segundo, naglabas si Tye ng itim na mist mula sa kanyang katawan. Ang itim na fog ay nag-transform sa isang matalim na spike at mabilis na tumagos sa salamin sa kanyang harapan, agad na nabasag ang salamin sa napakaraming piraso.Sa isang iglap ay itinapon sa lupa si Harold at ang kanyang tauhan.Si Tye naman ay nakal
Nakuha na ni Tye ang mga kaluluwa at lakas ng dalawang karaniwang tao kanina, pero hindi pa siya nakaka-recover. Ayaw niyang subukan na makipaglaban sa Astrabyss Sword, kaya sa ngayon ay magtatago na lang muna siya.Tumakbo si Harold palabas ng interrogation room at tinawag niya ang ibang tao para makakuha siya ng backup. Silang lahat ay may hawak na baril sa kanilang mga kamay.Iyon ay walang silbi sa isang half-phantom tulad ni Tye.Dahil dito ay sinigawan ni Gerald ang lahat, “Palabasin ang lahat ng tao sa gusaling ito!”Kung hindi sila aalis, sisipsipin ni Tye ang lahat ng kanilang lakas at kaluluwa sa abot ng makakaya niya. Hindi kayang iligtas ni Gerald ang lahat ng tao dito sa lahat ng pagkakataon.Takot na takot si Harold sa oras na ito. Ayaw niyang suwayin ang utos ni Gerald at inutusan niya kaagad ang kanyang mga tauhan.“Umalis kayong lahat!”Galit na galit si Tye nang makita niyang tumatakas ang lahat ng kanyang mga pagkain. Nag-transform muli siya sa isang itim na f