“A-ano nang gagawin natin ngayon, Mr. Crawford…?” bulong ni Ray, napalunok siya habang nakatitig sa lahat ng giant scorpions sa kanilang paligid. Kahit anong pilit niya, wala siyang makitang butas para makatakas sila! "Kumalma ka! Nag-iisip ako!" sagot ni Gerald habang patuloy na sinusuri ang paligid, umaasa siya na makakahanap siyang escape plan. Sa kabutihang palad, hindi nagtagal ay nakita ni Gerald ang isang malaking pinto na papalabas sa lugar na ito. Mabilis na bumulong si Gerald nang makita niya ang kanilang exit, “Ray, nakikita mo ba ang malaking pinto na iyan sa twelve o’clock mo?” Tumango si Ray nang tumingin siya sa direksyon na iyon bago siya sumagot, "Oo!" "Good, makinig ka. Simple lang ang plano. Sumugod ka para buksan ang pintong iyan habang dini-distract ko ang mga scorpion! Naiintindihan mo?" paliwanag ni Gerald. “Opo, Mr. Crawford!” sagot ni Ray, alam niya na iyon ang nag-iisang paraan para makatakas sila sa lugar na iyon. Nang marinig iyon, inilabas ni
Pagkatapos sabihin iyon, tumalikod si Gerald at sinimulan niyang libutin ang bagong lugar kasama si Ray... Ilang sandali pa, narating nila ang isang spring na may malinaw na tubig na tumatalsik sa buong lugar... Nagulat ang dalawa nang makita ito dahil hindi nila inasahan na may spring sa lugar na ito... "Nakakapagtaka na may spring dito!" sabi ni Ray habang naglalakad papunta sa umaagos na tubig bago siya kumuha ng inumin... Nanlaki ang mata kanyang mga mata nang malunok niya ang tubig kaya humarap si Ray kay Gerald habang sinasabi, “Wow! Ang tamis ng tubig!" Sa buong buhay ni Ray ay hindi pa siya nakatikim ng ganoon kasarap at nakakapreskong spring water! Nang marinig iyon, lumapit din si Gerald para tikman ang tubig... at totoo sa sinabi ni Ray, matamis talaga ang tubig. Nakapagtataka talaga na may spring sa lugar na ito kung saan ang tubig ay napakatamis... Bago pa makasalok ulit si Ray, biglang bumulwak ang tubig kaya biglang napaatras si Ray sa sobrang gulat. H
Nagtanong si Ray nang makita niyang nakataas ang kilay ni Gerald, “May problema ba, Mr. Crawford...? May nahanap ka ba...?" “…Nakikita mo ba ang simbolo na iyon? Parang nakita ko ito noon..." sabi ni Gerald habang patuloy na binabalikan ang mga alaala niya... Maya-maya pa ay bigla siyang sumigaw, “Naalala ko na!” Pagkatapos nito, kinuha ni Gerald ang mapa bago niya ito mabilis na sinuri. Tumaas ang mga kilay ni Ray habang nakatingin siya sa mapa... at nang makita niya na ang eksaktong simbolo sa kabaong ay makikita sa mapa, bigla siyang sumigaw ng malakas, “… Teka… Hindi ba kayamanan ang hinahanap ni Tye? Sinusubukan niya bang hanapin ang puntod na ito kaysa hanapin ang mga kayamanan...?!” "Mukhang ganoon na nga!" sagot ni Gerald sabay tango, doon niya nalaman na may pinaplanong masama si Tye. Ngunit ano ang kanyang plano...? Habang iniisip iyon ni Gerald, sa wakas ay nakarating din si Tye at ang kanyang mga tauhan sa Moonbeam Village... Kahit pa pinabayaan na lang sila n
Hindi naniniwala si Tye kahit na mukhang seryoso si Stanton. Galit na galit na ngayon si Tye, kaya inutusan niya ang kanyang mga tauhan, “Bugbugin niyo ang matandang ito hanggang sa magsalita siya!” Nang marinig iyon, dalawa sa mga tauhan ni Tye ang lumapit na may hawak na mga latigo... at walang awa nilang pinaghahampas ang matanda! Nagalit ang mga villagers nang makita iyon at may ilang mga matatapang ang sumugod upang iligtas ang kanilang kawawang pinuno! Umiling si Tye nang makita niya iyon at tiningnan niya ng masama ang mga nangahas na sumalungat sa kanya habang mabilis niyang inabot ang kanyang baril... Matapos marinig ang isang malakas na putok, isa sa matapang na villagers ang bumagsak sa lupa hanggang sa tuluyan na itong namatay... Wala ni isa sa mga villagers ang nangahas na sumugod matapos makita ang nakakakilabot na pangyayari... Si Tye ay napangisi lang at sinabi, “Makinig ka, sa tuwing tatanggi kang sabihin sa akin kung nasaan sila, papatayin ko ang isa pan
Samantala kay Gerald at Ray, hindi nila alam ang masaker na naganap sa Moonbeam Village. Gayunpaman, panigurado na hindi hahayaang mabuhay ni Gerald si Tye at ang kanyang mga tauhan sa sandaling malaman niya ang tungkol sa ginawa nila... Pareho silang nakatayo sa harap ng kabaong ngayon, kaya si Ray ay naudyukan na magtanong, "Sa tingin mo... kailangan nating buksan ang kabaong at tingnan ang loob, Mr. Crawford...?" “Negative. Sigurado ako na may mangyayaring masama kapag ginawa natin 'yon,” sagot ni Gerald, kaya isinantabi na ni Ray ang idea na iyon. Gayunpaman, na-curious pa rin siya sa nilalaman ng gintong kabaong lalo na't sinusubukan itong hanapin ni Tye. Anong uri ng mga kayamanan ang nasa loob nito...? “… Mr. Crawford? Ano kaya ang kayamanan ang nasa libingang ito para maglakbay si Tye nang napakalayo para lamang makuha ang mga ito…?” tanong ni Ray. Umiling lang si Gerald bago siya sumagot, "Hindi ko talaga alam, pero sa tingin ko ay nasa loob ng casket ang hinahanap n
Nang mawala na ang mga lalaki, lumingon si Ray kay Gerald habang nagtatanong, “Ano nang gagawin natin ngayon, Mr. Crawford…?” “Nakuha na natin ang gusto natin kaya bumalik na tayo sa village. Para naman kay Tye at sa kanyang mga tauhan... May kutob ko na kahit na mahanap nila ang libingan, hindi sila makakalabas nang buhay mula sa lugar na iyon!" sagot ni Gerald na walang katiting na interes sa kabaong. Matapang na sinabi iyon ni Gerald para sa isang dahilan. Matapos niyang imbestigahan ang kwarto, napag-alaman ni Gerald na may ilang mga nakatagong traps sa libingan. Karamihan sa mga bitag ay activated sa pamamagitan ng paghawak sa iba't ibang bahagi ng gintong kabaong. Kung ipipilit ni Tye at ng kanyang mga tauhan na buksan ang kabaong, paniguradong mamamatay sila sa pamamagitan ng ten hanggang fifteen na traps... Sa ngayon, sila Gerald at Ray ay nagsimulang bumalik sa Moonbeam Village... Gayunpaman, nang makarating sila sa village, pareho silang napahinto sa paglalakad… N
Dahil tinanggal na nina Gerald at Ray ang lahat ng mga patibong patungo sa silid, si Tye at ang kanyang mga tauhan ay hindi na nahirapan sa pagpunta sa libingan, at nang makita ang kabaong sa unang pagkakataon, sobra ang excitement na naramdaman ni Tye. Matagumpay na tumatawa, kumikinang ang mga mata ni Tye habang tumatakbo patungo sa kabaong habang sumisigaw, "Nahanap na kita sa wakas! Pagkatapos ng lahat ng oras na ito!” Nang makita kung gaano kasaya si Tye, ang isa sa kanyang nalilitong mga tauhan ay hindi naiwasang magtanong, "Um... Kanino itong libingan, Charman Lamano...?" “Hmm? Ito ang puntod ng isang dakilang heneral ng sinaunang bansa ng Zanekh! Bagama't may hindi mabilang na mga kayamanan sa libingan na ito, ang pinakamahalaga ay matatagpuan sa mismong kabaong na ito! Batay sa mga alingawngaw na narinig ko, mayroong isang sampung libong taong gulang na perlas doon na may kakayahang pangalagaan ang isang katawan para sa kawalang-hanggan!" paliwanag ni Tye habang hinahapl
Walang hahadlang sa pagbukas ng kabaong, kahit si Gerald! "Dito ka na mamamatay, Tye!" sigaw ni Gerald habang tumatakbo papunta sa masamang tao. “Pigilan niyo siya!” sigaw ni Tye habang ang ilan sa kanyang mga tauhan ay mabilis na tumayo sa harapan ni Gerald, na humarang sa kanya na maabot si Tye! Gayunpaman, wala sa mood si Gerald na mag-aksaya ng oras sa mga buffoon na ito. Mabilis na umatake sa kanila, ang kailangan lang niya ay isang kamay para mapalipad ang lahat ng lalaki! Nang makita iyon, agad ding kumilos ang ibang mga tauhan ni Tye. Si Tye mismo ay masyadong abala sa pagbukas ng kabaong—kasama ang tatlo pang lalaki—para maabala pa si Gerald. Sa kanyang isip, ang pagbukas ng kabaong ang kanyang pangunahing priyoridad... Anuman, natural na walang kalaban-laban ang mga tauhan ni Tye laban kay Gerald, at madali niya silang ibinagsak sa lupa. Nang marinig ang paghihirap ng kanyang mga tauhan, napilitan si Tye na umiwas ng tingin sa kabaong. Napagtanto na ang iba pa