Matapos marinig ang sinabi ni Gerald, parehong napabuntong-hininga sina Ray at Yann. “…Si-sinasabi mo ba na mamatay rin tayo tulad nila, Mr. Crawford...? Dito na ba tayo mamamatay...?" kinakabahan na sinabi ni Ray. "Uy, huwag mong i-jinx! Magtiwala ka pa kay Gerald! Sigurado akong makakasip siya ng paraan para makaalis tayo dito!" ganti ni Yann. "Napaisip rin ako tungkol doon… Base sa mga natipon nating impormasyon pagkatapos suriin ang paligid, masakit para sa akin na sabihin na may mataas na pagkakataon na tayo ay talagang mamamatay sa loob ng kweba!" sagot ni Gerald. Nanlaki ang mga mata nina Ray at Yann nang marinig iyon. Inasahan na niya na maririnig niya ang bagay na ito pero nanlumo pa rin siya ngayong narinig niya ito ... Pagkatapos sabihin iyon, nagpatuloy sa paglalakad si Gerald nang mas malalim papasok sa kweba. Alam niya na masyadong malaki ang kweba at mayroon pa ring pagkakataon na mayroong isa pang labasan sa dulo... Natural, sinundan rin siya nina Ray at Yan
Makalipas ang halos sampung minuto nang makarating si Gerald sa isang lake sa pinakamalalim na bahagi ng kweba... Nakita niya ang isang stone pier sa gitna ng tubig, at sa pier na iyon ay may nakalatag na isang jade board na gawa sa jadeite... Nakataas ang isang kilay ni Gerald habang pinapanood niya ang isang patak ng tubig na nahulog mula sa isang stalactite... at sa mismong jade board, maririnig ang kakaibang euphoric na tunog.... Sa sobrang lakas ng echo, hindi nakakapagtaka kung bakit naririnig nila ang tunog mula sa napakalayo... Nababalisa siya nang tingnan niya ang jade board, naramdaman ni Gerald na ang pagsira nito ay maglalabas lamang ng panibagong trap. Pagkatapos niya itong pag-isipan ng matagal, sa kalaunan ay nagpasya siyang maglabas ng isang shirt mula sa kanyang backpack. Kasunod nito, maingat niya itong itinutok sa jade board... at nang ihagis niya ito, ang shirt ni Gerald ay tinakpan na nito! Alam niyang hindi ligtas na sirain ito, kaya ang magagawa lang
Nagtatakang tumingin si Yann kay Gerald bago niya sinabi, “May problema ba, Gerald?” “Oo nga, Mr. Crawford! Hindi ba dapat umalis na tayo?" nalilitong tinanong ni Ray. “Hush. Bigyan mo ako ng maliit na kutsilyo, Ray!" utos ni Gerald. Sinunod niya ang sinabi ni Gerald at kinuha niya ang isang maliit na kutsilyo sa kanyang sinturon bago niya ito ibinigay kay Gerald... Ang maliit na kutsilyo na ngayon ay nasa kanyang kamay ni Gerald at naglakad siya patungo sa isang crystal emerald-green jade— na kasing laki ng isang itlog ng manok—na naka-embed sa dingding... Pagkatapos nito, nanlaki ang mga mata nina Ray at Yann habang pinagmamasdan nila si Gerald na mahusay na ginamit ang kutsilyo para tanggalin ang jade sa dingding! “…H-huh? Hindi ba't sinabi mo na huwag naming hawakan ang mga jade dito, Mr. Crawford?!" gulat na sinabi ni Ray. Matapos ihulog ang jade sa kanyang bulsa, kaswal na sumagot si Gerald, "Totoo, pero tandaan niyo na kadalasan ay walang anumang mga bitag malapit
"Hala! Iba ka talaga, Gerald!" sigaw ni Yann sa pagkamangha. Talagang naalala ni Gerald na nakawin ang mapa ni Tye kanina sa kabila ng nakaka-stress na sitwasyon! Pero ito ay maganda para sa kanila! Ngayong si Tye at ang iba pa ay wala nang mapa, hindi na nila maipagpapatuloy ang kanilang paghahanap! "Pumunta dito si Tye at ang kanyang mga tauhan para sa kayamanan, pero magkaiba kami ng layunin. Ang nakikita nating mahalaga ay iba sa kanila. Gusto ko na makinig kayong dalawa ng mabuti sa akin. Kapag nakarating na tayo sa ating destinasyon, wala kayong pwedeng hawakan o kunin ang kahit ano nang hindi muna humihingi ng pahintulot ko! Nililinaw ko ba ang sarili ko?" sabi ni Gerald. "Naiintindihan namin, Mr. Crawford!" sagot ni Ray. "Pero... kung wala tayong kukunin, ang paglalakbay na ito ay masasayang lang, hindi ba, Mr. Crawford...?" nag-aatubiling tinanong ni Yann. "Hindi ko na sana ito uulitin, pero sana maintindihan mo na ang kasakiman ay humahantong lamang sa kapahamakan,
Biglang sumigaw si Yann nang marinig niya iyon, “Oo nga! Dalawang oras na rin tayong naglalakad. Magpahinga muna tayo!" Pumayag na si Gerald nang mapagtanto niya na walang endurance at stamina ang dalawa. Pagkatapos ng lahat, kailangan nilang magpahinga para hindi sila magkaroon ng travel exhaustion... Tumango naman si Gerald bago siya sumagot, “Sige ba, magpahinga muna tayo!" Umupo ang tatlo sa tabi ng batis para makapag pahinga sila ng maayos... Habang walang ginagawa si Gerald, hinugasan nila Ray at Yann ang kanilang mga mukha sa batis at ininom rin nila ang tubig dito. Gayunpaman, nang mawala ang uhaw ng dalawa, nakita ni Ray ang isang bagay na nakaipit sa ilalim ng mala-kristal na batis... Agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto niya kung ano iyon. Nagulat si Gerald nang marinig niyang sumigaw si Ray, kaya naudyukan siyang magtanong, "Ano ‘yon?!" “Mr-Mr. Crawford...! Tumingin ka doon...! Ito... Buto ito ng tao...!" nanginginig na umatras si Ray habang na
Umalis agad sina Ray at Yann nang marinig nila ang sinabi ni Gerald . Sa kasamaang-palad para sa kanila, lalo lang ginanahan ang halimaw dahil sa kanilang mga movements! Nagsimulang tumakbo ng mabilis si Ray nang makita niya na papunta sa kanila ang halimaw habang sumisigaw siya ng, "P-Please, huwag mo akong habulin...!" Gaya ng inaasahan, lalong bumilis ang halimaw nang marinig niya ang sinabi ni Ray habang tumatakbo ito ng mabilis! Ilang pulgada na lang ang layo ng halimaw kay Ray, kaya mabilis na ipinatawag ni Gerald ang Astrabyss Sword bago niya ito inihagis sa halimaw! Matagumpay na hiniwa ng espada ang laman ng halimaw kaya umungol ito sa sobrang sakit! Tiningnan ng masama ng halimaw si Gerald bago siya sumugod papunta sa lalaki! Kahit pa nakakatakot ito, nanatiling kalmado si Gerald at muli niyang nilabas ang espada sa kanyang kamay. Nang ilang hakbang na lang ang layo ng halimaw sa kanya, hinanda ni Gerald ang kanyang sarili na umatake bago siya sumugod ng mabil
Sumagot si Gerald nang marinig niya ang tanong ng matanda, “… Nanggaling kami sa kabilang bahagi ng bundok… Bago pa man ‘yon, pwede mo bang sabihin sa amin kung nasaan kami at kung ano ang halimaw na ito…? ” "... Ah, ang halimaw… ang halimaw na iyon ay kilala sa pangalang Taotie... Bago mo ito patayin, nakatira ito sa kalaliman ng mga bundok at isa itong mabangis na hayop!" sagot ng matanda. Nang marinig iyon, nagpalitan ng tingin si Gerald at ang kanyang grupo. Tulad ng hula ni Yann kanina, ang nilalang ay isang Taotie... "Siguro mali ang narinig ko, pero sinabi mo ba na galing kayong tatlo sa kabilang bahagi ng bundok...?" dagdag pa ng matanda, maririnig na hindi siya makapaniwala. Tumango ang tatlo saka sumagot si Gerald, “Tama ang pagkakarinig mo!” Biglang itinaas ni Ray ang kanyang kilay at nagtanong nang marinig niyang iisa ang pinag-uusapan ng lahat, "... May… rason ba kung bakit gulat na gulat kayong lahat...?" Mabilis na nagpaliwanag ang matanda nang marinig niya a
Tumawa si Stanton nang marinig niya ang tanong ni Ray bago siya sumagot, "Malalaman mo kapag sumapit ang gabi!" Nagkibit balikat na lamang si Ray nang marinig niya iyon. Hindi nagtagal bago dinala ng mga villagers ang lahat ng uri ng pagkain at inumin sa tahanan ni Stanton. Pagkatapos nilang ilagay ang lahat ng mga goodies sa harap ni Gerald at ng kanyang grupo, ngumiti si Stanton bago niya sinabi, “Kumain kayo! Paniguradong gutom at pagod kayong lahat pagkatapos niyong maglakbay ng napakalayo!" Bago pa man makapagsalita si Gerald, sumagot naman kaagad si Ray, “Nagugutom na talaga ako! Salamat sa pagtanggap sa amin, chief!” Natatawang tumingin si Gerald kay Ray dahil sa lakas ng loob nito, ngunit sa oras na iyon ay abala na si Ray sa pagpupuno ng pagkain sa kanyang bibig. Halos buong araw na hindi kumakain ng kahit ano ang tatlo, ngunit si Ray ay isang binata na may malaking appetite. Gayunpaman, sa sobrang bilis niyang kumain, naramdaman ni Gerald na maihahalintulad ang kany