Maya-maya pa, isang lalaking may peklat na mukha ang lumapit sa babae bago siya ngumisi, "Balak mo bang tumakas, boss?" “…Kuya, maliit lang ang negosyo namin…! Wala kaming pera na maibibigay sayo…!” sagot ng may-ari ng stall na parang nawawalan na siya ng pag-asa. “Manahimik ka!” galit na sinabi ng lalaking may peklat bago siya sinampal sa pisngi! Dahil sa lakas ng pagkakatama nito sa kanya, ang babae ay napaatras ng dalawang hakbang bago siya sumandal sa kanyang kariton para suportahan ang kanyang sarili... “Ma!” sigaw ng anak ng babae habang mabilis itong tumakbo papunta sa kanya para tulungan siyang makatayo. Dahil dito ay tinitigan siya ng masama ng lalaking may peklat bago siya sumigaw, “G*go ka…! Ang lakas ng loob mong manakit ng babae!" “Hmm? Anak mo ba ito, boss? Mukhang maganda siya!" ngumisi ang lalaking may peklat na may malisyosong ngiti sa kanyang mukha habang naglalakad siya papunta sa anak ng may-ari ng stall bago niya ito hinila papunta sa kanyang tagiliran!
“Gusto mo bang mamatay? Talaga bang gusto mong mangialam sa ginagawa ko? Kilala mo pa ba kung sino ako?!" sabi ng lalaking may peklat habang nakatingin ng masama kay Ray. “Wala akong pakialam! Pakawalan mo sila o dadalhin ko ang Great Council dito!" sabi ni Ray bago niya inilabas ang kanyang celllphone para pagbabantaan ang gangster. Nang marinig iyon, ang lalaking may peklat at ang kanyang mga grupo ay mapanuksong tumawa. Pagkatapos niyang tumawa, ang lalaking may peklat ay biglang nagbiro, "Sa tingin mo ba ay lalapit sila kapag nalaman nilang kami ang kinakalaban mo! Subukan mo silang tawagin! Tingnan natin kung anong mangyayari!" Napahinto si Ray nang marinig niya iyon. Ang mga gangster na ito ay hindi natatakot sa kapangyarihan ng Great Council! Umiling ang lalaking may peklat bago siya sumenyas sa kanyang mga tauhan na habulin si Ray at ito ang nag-udyok kay Ray na umatras... Gayunpaman, bago pa man siya makahakbang paatras at bigla siyang nakaramdam ng mahigpit na tap
“Hindi pa tayo busog, boss! Bakit hindi natin ipagpatuloy kumain?" sabi ni Gerald. “Oh! Bigyan mo lang ako ng isang minuto at gagawa ako ng maraming pagkain para sa inyong lahat!" mabilis na sinabi ng may-ari ng stall na may malawak na ngiti sa kanyang labi. Dahil sila ang nagligtas sa kanya, natural lang na kailangan niyang suklian ng kabutihan ang kanilang kabutihan. Dahil doon ay mabilis niyang binuksan muli ang kanyang stall bago siya pumasok sa trabaho... at hindi nagtagal, isang napakalaking plato ng pagkain ang nakahain sa mesa ni Gerald. "Malaki ang pinapasalamat ko tulong niyo, kaya ang lahat ng ito ay treat ko na!" deklara ng may-ari ng stall. Bago pa man makasagot si Gerald o ang mga babae, biglang sumagot si Ray, “Masyado kang mabait, boss! Maliit na bagay lang ito sa amin!" Nang marinig iyon, biglang tumitig ang tatlo kay Ray nang nakataas ang kanilang mga kilay, iniisip na masyadong makapal ang kanyang mukha. “Maliit man o hindi, malaking tulong ito pa rin sa
Ngayong gabi, may ilang mga tao na misteryosong nawala sa balat ng planeta... Hindi nagtagal, si Gerald ay kasalukuyang umaaligid sa headquarters ng Hoklux Gang... Tulad ng nakita niya kanina, ang Hoklux Gang ay isang grupo ng mga gangsters at ang pinuno ng grupo ay isang masamang tao na kilala sa pangalang Roger. Mula sa mga impormasyon na nakuha ni Gerald, madalas siyang tinatawag sa Great Council para sa ‘coffee talks.’ Habang umiikot siya sa kisame ng headquarters, nakita ni Gerald ang lalaking may peklat na nakaluhod sa harap ng isang nakaupong tao, na parang si Roger, habang sinasabi niya, “Sorry, master...! Mga wala kaming kwenta para matalo ng iba…!” “Mga basura! Basura! Talagang napatumba kayo ng iisang lalaki! Pinahiya mo ang Hoklux Gang sa pagkakataong ito!" ganti ni Roger habang tinititigan ang taong may peklat. Yumuko lamang ang lalaking may peklat nang marinig niya iyon at gayundin ang kanyang mga kasamahan, wala silang lakas ng loob na tumingala sa kanilang pin
Sa mga mata ni Gerald, karapat-dapat lang silang mamatay.Imbes na pabayaan sila ni Gerald at gumawa ng gulo, mas gugustuhin ni Gerald na patayin na lang sila. Sa ganoong paraan, maiiwasan niya ang mas malaking gulo.Tinitigan niya ito ng ilang segundo bago inilabas ni Gerald ang Phangrottom Rune.Gamit ang unang wave ng Phangrottom Rune, pinatay ni Gerald ang mga kaluluwa ng dalawang iyon.Ang mga taong tulad nila ay hindi karapat-dapat na muling mabuhay at dapat lang na mawala sial sa balat ng lupa.Pagkatapos niyang harapin ang bagay na iyon, umalis na kaagad si Gerald.Alam ni Gerald na ang pagkamatay ng pinuno ng Hoklux Gang ay makikita sa bawat news channel at ikakagulat ito ng buong city.Gayunpaman, karamihan sa mga tao ay natuwa na ang leader ng gang ay pinarusahan na sa wakas para sa kanyang kasamaan.Pagbabalik ni Gerald sa kanyang pwesto, bumalik siya sa kanyang katawan at nakatulog.Kinaumagahan, isang phone call ang gumising kay Gerald.Kinuha niya ang kanyang p
“Kuya Gerald, hindi ba gumagamit ka ng out-of-body technique? Kailan ko kaya iyon matutunan?"Curious na tinanong ni Ray si Gerald habang nasa sasakyan sila. Gusto niya rin niyang matutunan ang technique na iyon.“Huwag kang magmadali. Matututuhan mo ito balang araw, pero ang kailangang mong pagtuunan ngayon ay basic knowledge!"Napalingon si Gerald at tumingin kay Ray.May ilang mga techniques na hindi madaling sauluhin. Hindi pwedeng matutong tumakbo ang isang tao bago siya matutong maglakad.Dumating sila sa headquarters ng Hoklux Gang habang sila ay nag-uusap.Ang lugar ay napapaligiran ng maraming tao sa loob at labas, kaya napakasikip nito.Mayroon ilang sasakyan ng Great Council sa harap ng gusali at ang mga inspektor ay nagtatrabaho upang mapanatili ang order sa pinangyarihan.Lumapit si Gerald kay Ray.“Ray, wag kang magsalita kapag nakapasok na tayo. Ako nang bahala sa lahat!"Paalala ni Gerald kay Ray habang papasok sila.Tumango si Ray bilang pagpapakita ng pag-i
“Aura ng sama ng loob? Bakit hindi ko ito naramdaman?"Naguguluhang tinanong ni Harold.Napatingin si Gerald kay Harold."Ikaw ay isang ordinaryong tao, kaya hindi mo ito nararamdaman."Simple lamang sumagot si Gerald.Nakaramdam ng kawalan si Harold nang marinig niya ito, naisip niya na mas makaktulong sa kanya kung sasabihin ni Gerald ang kanyang punto.Si Ray naman na nasa gilid ay medyo natawa.Gayunpaman, tanging si Gerald lang ang nakakakita ng lahat.Inakala ni Ray na nagpapanggap lang si Gerald nang sabihin niya iyon. Gayunpaman, ito ang katotohanan. Nakaramdam nga si Gerald ng matinding aura ng sama ng loob.Hindi pa naramdaman ni Gerald ang aura na ito kagabi, pero bigla itong lumitaw ngayon.Nagulat siya nang maramdaman niya ito dahil sigurado siyang hindi nagmumula ang aura sa kaluluwa ni Roger at sa taong may peklat.Ang kanilang mga kaluluwa ay tinanggal ni Gerald gamit ang Phangrottom Rune kanina.Parang may mali sa lugar na ito. Sigurado siya na may namatay
"Oh no! Lumalakas ang aura!"Naalarma si Gerald.“Bilisan mo Mr. Lee, paalisin mo na ang mga tauhan mo dito. Lumabas na kayo ngayon din! Ang masculine aura sa inyong mga katawan ang puntirya ng mga masasamang multo!"Sinigawan ng malakas ni Gerald si Harold.“Umalis kayong lahat!”Sigaw ni Harold nang hindi nagdadalawang isip.Ang lahat ng mga inspektor ay umatras mula sa hall kasama si Harold at agad na tumayo sa tabi ng kalsada.Paglabas ni, nakita ni Harold at ng kanyang mga tauhan ang itim na fog na sumugod papunta sa hall ng Hoklux Gang mula sa langit.Natakot silang lahat nang makita nila ito. Nakakakilabot para sa kanila na makita ito dahil ito ang unang pagkakataon na nakatagpo nila ang ganitong eksena.Sa pagkakataong iyon, tanging sina Gerald at Ray lang ang naiwan sa loob ng hall.Napatingin si Gerald kay Ray na nasa likuran niya."Anong ginagawa mo dito?! Lumabas ka na!"Sigaw ni Gerald.“Kuya Gerald, gusto kong tulungan ka!”Sagot ni Ray.“Anong maitutulong