Napansin ni Juno ang ekspresyon ni Gerald at nag-aalala siyang nagtanong.“Nag-aalala lang ako na baka hindi magiging madali na tumawid sa tulay. Masama talaga ang kutob ko!"Seryoso ang mukha ni Gerald nang sabihin niya ito.Tumingin sa paligid si Juno ngunit wala siyang nakitang kakaiba."Hindi kaya masyado ka lang nag-iingat?"Naghihinalang tinanong ni Juno.Napailing si Gerald.“Hindi maaari. Hindi ako masyadong nag-iingat. Malakas lang talaga ang kutob ko!"Boom!Pagkasabi pa lang ni Gerald ay isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa buong canyon.Mabilis na napatingin ang mga tao sa kaliwang bahagi ng canyon, mula sa direksyon na pinanggalingan ng tunog.Madilim ang buong canyon kaya hindi malinaw sa kanila ang sitwasyon. Bukod pa dito, madilim na rin ang langit na may namumuong itim na ulap sa kalangitan. Hindi ito isang magandang senyales.Sa sumunod na segundo, may nangyari na ikinagulat ng lahat.Naparaming mga insekto ang lumipad mula sa kaliwang bahagi ng
Snap!Isang malutong nabasag na tunog ang narinig at ang kahoy na tulay ay walang awang nasira!Sa isang iglap, nahulog ang lahat sa malalim na bangin ng canyon.Napakaraming hiyawan ang narinig mula sa hiyawan. Matagal na umalingawngaw ang tunog na ito bago ito tuluyang nawala.Sa pagkakataong iyon, nahulog si Gerald at ang kanyang mga kaibigan sa ilog ng canyon.Sa kabutihang palad, hindi lupa ang ilalim ng lupa ngunit isa itong ilog. Kung hindi, sila ay nahulog hanggang sa kanilang kamatayan.Gayunpaman, ang tubig ng ilog na ito ay napakalamig.Mabilis na hinanap ni Gerald si Juno at ang iba pa at dinala niya ang bawat isa sa tabing ilog.Tuluyan na nawalan ng malay si Ray, siguro dahil sa sobrang takot.Matapos ang isang mahirap na paglalangoy, sa wakas ay kinaladkad nina Gerald, Juno, at Yrsa si Ray sa tabing ilog.Kasalukuyang nakahiga ang apat sa tabing ilog.Mabilis na nag-react si Gerald matapos niyang mahabol ang kanyang hininga.“Bilisan niyo! Hindi tayo dapat na
“Hindi ko alam. Ang mga insektong iyon ay hindi simple tulad ng inaakala ng iba. Kumakain sila ng tao. Nakita niyo naman na naging buto na lang ang mga soul hunters matapos silang salakayin ng mga iyon!"Sabi ni Gerald habang iniisip niya ang nangyari kanina.Kinilabutan si Juno at ang dalawa pa nang sabihin ito ni Gerald.Hindi maikakaila na talagang nakakatakot ang kanilang nakita kanina.Ang isang buhay na tao ay naging isang tumpok ng mga puting buto matapos itong salakayin ng mga insekto.Sa kabutihang palad, nakaalis na sila sa panganib na iyon.Sa sandaling iyon ay nagkamalay na rin si Ray."Ray, gising ka na pala."Tumingin si Gerald kay Ray nang makita niyang gising na ito."Kuya Gerald, Miss Zorn, patay… patay na ba tayo?"Naguguluhang tinanong ni Ray habang nakatingin kina Gerald at Juno.Smack!Hinampas ni Gerald si Ray sa kanyang batok nang marinig niya ang kalokohang pinagsasabi nito.“Anong kalokohan ang pinagsasabi mo?! Buhay tayong lahat! Ayusin mo nga ang
Umalis ulit silang apat. Ang daan na tinahak nila ay itinuturing na madali dahil ito ay patag na lupa, kaya wala silang makakasalubong na panganib.Malayo-layo na pala ang nilakad nilang apat nang hindi nila ito namamalayan. Dumaan sila sa dalawang burol at nakarating pa sila sa isa pang burol.Nang makitang dumidilim na ang langit, naghanap si Gerald at ang kanyang mga kaibigan ng lugar kung saan pwede silnag magpahinga.Sa sandaling iyon, isang liwanag ang nakakuha ng atensyon nila.“Kuya Gerald, tingnan mo! May bahay!"Matalim ang mga mata ni Ray kaya nakita niya ito kaagad at mabilis niyang pinaalam ito kay Gerald.Napatingin si Gerald at ang mga babae sa direksyon kung saan siya nakaturo. Tama ang kanyang sinabi nang makita niya ang isang bahay na may usok na lumalabas sa chimney.Nagulat silang lahat nang makita ito. Hindi nila akalain na may nakatira sa malalim na kagubatan. Ito ay medyo hindi kapani-paniwala.Walang pag-aalinlangan na naglakad sila patungo sa bahay, na
"Bates."Sinabi lang ng matanda sa kanila ang kanyang apelyido.“Nice to meet you, Mr. Bates. Ako si Gerald Crawford. Salamat sa pagpapatira sa amin sa iyong bahay ngayong gabi!”Mabilis na binati at nagpasalamat si Gerald sa matanda.“Anong ginagawa niyo dito?”Napatingin si Mr. Bates sa kanilang apat habang nagtatanong.Nagulat si Gerald at ang tatlo pa sa tanong niya.“Hehe. Mr. Bates, pumunta kami dito para lang libangin ang sarili namin, pero naligaw kami ng landas."Nakangiting pinaliwanag ni Gerald kay Mr. Bates.“Nililibang? Binata, mukhang ginagawa mo akong tanga.”Nag-alinlangan si Mr. Bates at pinayuhan niya si Gerald.Mas nagulat si Gerald at ang tatlo nang marnig ito. Hindi nila inaasahan na malalaman talaga ni Mr. Bates na may tinatago sila."Mr. Bates, bakit ka…”Tanong ni Gerald na kunwaring nakatingin kay Mr. Bates na may pagdududa."Binata, nabuhay ako sa kalahati ng aking buhay. Hindi ka pwedeng magsinungaling sa akin. Hindi ka nandito bilang isang turi
“Salamat sa paalala mo, Mr. Bates, pero meron kaming importanteng misyon na kailangang tapusin. Isang gabi lang kaming mananatili dito dahil kailangan naming mahanap kaagad ang teritoryo. Aalis kami ng madaling araw!" sagot ni Gerald habang nakatingin kay Mr. Bates. Nanatili ng tahimik si Mr. Bates nang marinig niya iyon. Gayunpaman, kung papansinin ng isa ang kanyang reaksyon, makikita nila na kumikibot kumikibot ang kanyang mukha pagkatapos magsalita ni Gerald... Malalim na ang gabi bago tuluyang napagpasyahan ni Gerald at ng kanyang grupo na matulog. Para walang makalusot sa kanila ngayong gabi, iminungkahi ni Gerald na silang apat ay salit-salit na magbabantay. Si Gerald ang unang magbabantay samantalang ang iba ay natulog na. Mabuti na lang at natapos na ang shift niya at nakipagpalit na siya kay Ray, walang nangyari na kahit anong bagay buong gabi. Ang grupo ng apat ay nagising ng maaga kinaumagahan at agad na nagsimulang mag-impake. Si Gerald naman ay lumapit sa pinto
"Huwag kang mag-alala, hindi kita sasaktan. Kung tutuusin, mas pinagkakatiwalaan kita kaysa sa naunang grupo!” dagdag ni Mr. Bates nang makita ang matinding pagbabago sa ekspresyon ni Gerald. Kahit pa sinabi iyon ni Mr. Bates, nararapat lang na nag-alala pa rin si Gerald. Wala namang nakakaalam kung nagsasabi ng totoo ang taong ito, hindi ba? Sa kabila ng kanyang pag-aalala, naunawaan ni Gerald na kailangan pa rin niya ang gabay ni Mr. Bates sa ngayon. Ang magagawa niya lamang ngayon ay kumilos ng naaayon. Kapag nakita ni Gerald na may ginawang pagkakamali si Mr. Bates, papatayin niya ito ng walang awa... Pagkatapos ng awkward na pag-uusap na iyon, naglakad ang grupo ng halos isa pang oras bago tuluyang nakarating sa tila isang napakalaking Stonehenge... Nataranta si Gerald nang makita niya ito at sinabi, "Ito?" “Dito mabubuksan ang portal na patungo sa pinaka-feminine na lugar. Pagkatapos dumaan sa lugar na iyon, malapit mo nang mahanap ang teritoryo ng Phangrottom Clan. Tan
“… Sige!” sagot ni Ray sabay tango. Pagkatapos nito ay sinabi ni Gerald, “Decided na, Mr. Bates. Kaming dalawa ang papasok, kaya pakibukas ang portal para sa amin ng maaga!" Walang sinabi si Mr. Bates nang marinig niya iyon. Sa halip, naglakad siya papunta sa pinakamalaking stone pillar sa gitna ng 'Stonehenge' bago bumunot ng maliit na kutsilyo mula sa kanyang manggas... Pagkatapos nito ay gumawa ng isang maliit na hiwa sa kanyang kamay, inilagay niya ang kanyang dumudugong palad sa parang isang simbolo ng ghost eye sa may pillar... at makalipas ang ilang segundo, nagsimulang manginig ang pillar habang ang iba pang nakapaligid na mga pillar ay nagsimulang lumiwanag ng kulay blue na ilawl! Ilang sandali pa, isang kulay blue na portal ang lumitaw sa harap ni Gerald at ng kanyang grupo… "Iyan ang portal. Pumasok ka ngayon, at tandaan mo Tatlong araw na lang o hindi ka na makakaalis!" paalala ni Mr. Bates habang tumatango sina Gerald at Ray. "Nakuha ko! Huwag kang mag-alala, M