“…Huh? Imposible iyon! Sigurado akong nasa kwarto sila kanina lang!" naguguluhang sumigaw ang may-ari ng inn. “…Sinusubukan mo ba akong gawing tanga?” naaasar na sinabi ni Mr. Panther habang hawak niya ang kwelyo ng innkeeper! “Hin-Hindi ko susubukang lokohin ka, Mr. Panther! Nangangako ako sayo na nandito talaga sila kanina!” paliwanag ng takot na takot na innkeeper. Bago pa man makasagot si Mr. Panther, bigla na lang siyang tumalsik palabas ng kwarto na parang biglang umihip ng malakas na hangin! Ang 'hangin' na ito ay si Gerald talaga na sumugod lang kay Mr. Panther at hinawakan ito sa kanyang leeg! Gayunpaman, ang dalawang lalaki ay nalilitong nakatingin sa paligid dahil hindi nila makita si Gerald sa kanyang kasalukuyang anyo, hindi sila sigurado kung ano ang nangyayari. Habang dumidiin ang pagkakasakal ni Gerald, isang malutong na snap ang maririnig… Binali ni Gerald ang leeg ni Mr. Panther! Alam na niya ngayon na may maruming pag-iisip si Mr. Panther kay Juno at Yrsa
Pagdating sa ibaba, nakita nilang apat ang innkeeper na nakatali sa isang upuan at malinaw sa kanila na wala siyang malay dahil nakayuko siya... “…Huh? Anong… nangyari sa kanya, kuya Gerald…?” gulat na tinanong ni Ray. Humalakhak si Gerald bago siya ngumiti habang sumasagot, "Nahimatay lang siya sa gulat!" Pagkatapos nito ay kumuha si Gerald ng isang basong tubig bago niya ito ibinuhos sa buong mukha ng innkeeper! Nagising ang innkeeper at natakot siya nang makita niya si Gerald hanggang sa magsimula siyang sumigaw, "Mu-Multo...! May multo…!” Bago pa siya makasigaw, nakatanggap siya ng isang mahigpit na sampal sa kaliwang pisngi mula kay Gerald! Ginawa ito ni Gerald para pakalmahin ang innkeepet at gumana naman ito tulad ng inaasahan niya. Ngayon ay napatahimik na, tinitigan ng nalilitong innkeeper ang apat na indibidwal na nakatayo sa kanyang harapan... Ibang-iba ang physical form ni Gerald kumpara sa kanyang multo, kaya hindi inakala ng innkeeper na si Gerald ang multo
“…P*tang-ina!” sabi ni Ray. “Hmm? Ano yun Ray?" tanong ni Gerald habang nakataas ng bahagya ang isang kilay. "Hindi mo sinabi sa akin noon na ang pagsampal sa iba ay ganito kasaya pala!" sagot ni Ray habang ipinapakita ang kanyang nakakatakot na ngiti. Napaikot na lamang ang mga mata ni Gerald at gayundin ang mga babae nang marinig nila iyon. Nakakainis ngunit nakakatuwa talaga ang lalaking ito... “Huwag tayong masyadong mag-isip na parang bata, pwede ba?” napabuntong-hininga si Gerald habang nahihiyang tumawa si Ray habang nagkakamot ng batok. “Ano pala ang dapat nating gawin sa kanya, kuya Gerald? Kailangan ba natin siyang patayin?" tanong ni Rey habang pinapakita ang gesture na hinihiwa ang kanyang leeg, halatang nagpapahiwatig ng pagpugot ng ulo. “P-please! Alam ko na ngayon ang mga pagkakamali ko! Kaya please, please, huwag niyo akong patayin…!" sigaw ng nagpapanic na innkeeper habang nagmamakaawa siya. Hindi niya inasahan na ang pagnanais niyang kumita ng fast cash
Habang naglalakad sila, biglang napatanong si Ray, “…Kuya Gerald… sa tingin mo ba ay maghahanap ng mga tao ang innkeeper na aatake sa atin bilang paghihiganti…?” Lumingon si Gerald kay Ray at sinabi, “Hindi naman siguro. Kahit na subukan niyang makaganti, kaya nating harapin ang anumang ibato niya sa atin. Sigurado akong naiintindihan niya na kapag hindi niya ako mapapatay, ako mismo ang magdadala sa kanya sa impiyerno!” Naramdaman ni Gerald na hindi sila susubukang saktan ng innkeeper na ito. Kung tutuusin, siniguro niyang magdudulot siya ng matinding takot sa lalaking iyon. "…Naiintindihan ko! Pero paano mo naitali ang innkeeper sa upuan kung nasa kwarto ka lang kanina...?” tanong ni Ray dahil interesado talaga siyang malaman. “…Hmm? Gusto mo ba talagang malaman?" mapaglarong tinanong ni Gerald. Nakita niyang tumango si Ray bago siya sumagot, “Gusto ko itong sabihin sayo, pero hindi mo pa ito magagawa dahil sa iyong kasalukuyang stage. Pero huwag kang mag-alala. Sasabihin k
Pagkatapos ng kanyang pangungusap, isang nakasisilaw na kislap ng purple lightning ang dumaloy sa kalangitan. Dahil doon, alam ng apat na ang tanging pagpipilian nila ay ang tiisin ang mabahong amoy at magpahinga sa kweba hanggang sa matapos ang bagyo... “...Masakit para sa akin na sabihin ito pero kailangan nating magpahinga sa kweba na iyon... Itutuloy natin ang paglalakbay kapag humina na ang bagyo!” sabi ni Gerald at pumayag naman doon ang tatlo. Pagkatapos ng lahat, mas ligtas kung mananatili sila sa kweba dahil masyadong malakas ang ulan at kidlat sa labas. Dahil buo na ang isip nila, nagpahinga ng kaunti ang apat bago sila umupo sa lupa. Nakapikit sina Juno at Yrsa habang magkahawak-kamay silang nakaupo at nakasandal sila sa dingding ng kuweba, umupo naman sa kabilang dulo sina Gerald at Ray para magpahinga. Kahit na kakilakilabot ang amoy sa loob, kung hindi dahil sa kweba na ito ay nabasa na sila sa ulan ngayon... Maya-maya pa, ang nakakaaliw na tunog ng ulan at ku
Hiss!Biglang sumirit ang higanteng sawa kay Gerald.Pagkatapos nito ay sumugod ang sawa papunta kay Gerald.Mabilis na tumabi si Gerald para makaiwas sa atake."Maghanap kayo ng ibang lugar at magtago kaagad!"Sinamantala ni Gerald ang pagkakataon para sigawan ang kanyang mga kasama.Mabilis na nag-react ang tatlo matapos marinig ang sinabi ni Gerald at nakahanap sila ng puno para magtago sa likod nito.Pagkatapos ng lahat, ang higanteng sawa ay kayang makipaglaban lamang sa isang tao. So, ipaubaya na lang nila ito kay Gerald.Nabigo ang sawa sa unang atake nito, pero hindi ibig sabihin ay susuko na siya sa pag-atake. Tumalikod ito at muling sumugod kay Gerald.Habang gumagalaw ang malaking katawan nito sa lupa, naramdaman nila na parang nagsimulang yumanig ang lupa.Sumugod ang higanteng sawa kay Gerald at itinaas ang ulo nito, sinusubukan niyang saktan ito.Kapag natamaan siya ng sawa, malamang ay mawawalan siya ng malay kahit na hindi siya mamatay ng direkta.Gayunpaman
Bilin ni Gerald kay Ray.Nang marinig ni Ray ang kanyang sinabi, tuwang-tuwa siyang naglakad papunta sa higanteng sawa at nag-squat siya para kunin ito.Maya-maya pa, sinimulan na ni Gerald ang apoy at nagsimula na siyang mag-ihaw ng karne ng ahas sa apoy.“Kuya Gerald, sinabi ko naman sayo na hindi simple ang kweba na ito. Napakabaho nito at hindi ko inaasahan na ito ay isang kweba ng ahas!"Napatingin si Ray kay Gerald habang sinasabi niya ito. Pakiramdam niya ay medyo kakaiba ang kweba kanina dahil sa mabahong amoy at tama siya dahil may hayop talaga na nakatira dito.Malamang ay lumabas sa kweba ang natutulog na higanteng sawa para makita sila dahil hindi nila namamalayang ginulo nila ito.Sa huli, namatay pa rin ang higanteng sawa sa kamay ni Gerald at naging pagkain pa nila ito.Ganito talaga ang food chain. Ang kanilang buhay at kamatayan ay itinakda ng Diyos.Malas lang ang higanteng sawa na nakilala niya si Gerald at ang tatlo.Makalipas ang kalahating oras o higit pa
Hindi masyadong mahaba ang ilang kilometrong biyahe at dalawang oras lang ang inabot ni Gerald at ng iba pa para matapos ang kanilang paglalakbay.Nang makalabas na sa kagubatan si Gerald at ang kanyang mga kaibigan, lumingon sila at tumingin sa likuran nila.Alam nila sa kanilang mga sarili na nakaalis na sila sa phosphorite area.Mayroong isang malaking bundok na mayaman sa red phosphorite sa likuran nila. Nangangahulugan ito na sila ay lumabas sa phosphorite area."Sa wakas nakalabas na tayo sa phosphorite area!"Napasigaw sa tuwa si Ray nang makita niya ito.Swish! Swish! Swish!Gayunpaman, pagkatapos magsalita ni Ray ay lumabas ang dose-dosenang itim na anino na bumaba mula sa pader na bato sa kanilang paligid.Pinalibutan agad ng maiitim na anino ang apat.Ang mga ito ay walang iba kundi ang mga soul hunters.Nagbago ang mga emosyon sa mukha nina Gerald at Juno nang makita nila ito. Hindi nila inaasahan na mangyayari ang sitwasyong pinakakinatatakutan nila.Totoo pala