“Makinig kang mabuti at ipasa mo sa iba ang aking utos! Kailangang maging armado ang lahat ng mga tauhan sa lahat ng pagkakataon! Magtipon kayo ng ilang purple Soul Hunters para tugisin ang tatlong iyon! Gusto ko silang patayin!" sigaw ng lalaking nakabalabal makalipas ang ilang sandali. "Masusunod, pinuno!" sigaw ng iba pang Soul Hunters habang nakataas ang kanilang mga kamao. Walang kaalam-alam si Gerald at ang iba pa kung gaano kalaki ang panganib na paparatingin nila sa lalong madaling panahon... Hindi nagtagal bago binalot ng dilim ng gabi ang kalangitan... Sa puntong iyon, si Gerald at ang kanyang grupo ay nagtayo ng camp sa ilalim ng isang malaking puno at iniihaw na ang natitirang karne sa apoy na sinimulan nila. Abala si Ray kay Yrsa, mas pinili ni Juno na manatili sa tabi ni Gerald. Nanahimik silang dalawa sa loob ng ilang sandali nang biglang huminga ng malalim si Gerald bago niya sinabing, “...Pakinggan mo ako, Juno, may idea ako!” Nakataas ang isang kilay ni Ju
“Sige, makinig kang mabuti... Hindi lang mga tao ang naninirahan sa planetang ito... Mayroon ding mga kaluluwa at multo! Bilang mga cultivator, kami ni Miss Zorn ang may tungkuling panatilihin ang justice at balance sa pagitan ng dalawang mundo!" paliwanag ni Gerald at talagang ikinagulat ito ni Yrsa. May mga hindi kapani-paniwalang tao na kayang harapin ang mga multo... Matapos mag-isip ng ilang sandali, lumingon siya kay Ray bago siya nagtanong, "... Ganoon rin ba si Ray...?" Tumawa si Gerald bago siya sumagot, “Kakasali lang ni Ray sa team namin, at siya ang aking disciple! Speaking of disciple, sinasabi ko sa inyo ang lahat ng ito para sa isang dahilan. Yrsa, gusto mo bang maging disciple ni Miss Zorn para maging isang cultivator? Desisyon mo ito at hindi ka namin pipilitin kung ayaw mong sumama! So, anong masasabi mo, Yrsa?” “Paano ako tatanggi, kuya Gerald? Kayong tatlo ang nagligtas sa buhay ko! Kaya sobra akong sumasang-ayon sa pagiging alagad ni Miss Zorn! Magiging mah
"Kayong mga Soul Hunter ay hindi marunong kung kailan kayo dapat sumuko, hindi ba?" galit na sinabi ni Gerald habang nakatitig sa kanila. "Tumahimik ka! Marami ka nang pinatay sa aming organization, hindi ba! Kailangan mong magbayad para dito kung ito ang huling bagay na dapat kong gawin!" sigaw ng leader ng grupo habang galit na nakaturo kay Gerald. Isang segundo lang pagkatapos niyang magsalita nang magsimulang sumugod kay Gerald ang apat pang Soul Hunters! Sa sobrang bilis ng mga purple Soul Hunters, nalaman agad ni Gerald na ibang level sila kumpara sa black Soul Hunters. Bukod sa kanilang bilis, makikita na napakalakas rin nila. Siguradong galit na galit ang leader ng organization para ipadala niya ang napakaraming pinakamagaling niyang tauhan para patayin si Gerald. Hindi nagtagal bago singugod ng limang Soul Hunter si Gerald mula sa lahat ng direksyon gamit ang iba’t ibang mga techniques. Kahit papaano ay natutuwa siya na pinili ng lahat na atakihin siya imbes na sundan
Sumagot si Gerald matapos marinig ang suggestion ni Juno, “Sige. Gawin natin iyon!" Kapag sinimulan nilang itago ang kanilang mga tracks, mababawasan ang pagkakataong mahanap sila muli ng Soul Hunters. Ayaw rin ni Gerald na mahuli siya sa bawat araw na lumilipas... Habang iniisip niya kung paano nila pagkakatakpan ang kanilang mga tracks, may biglang pumasok sa isip ni Gerald. Inilabas ang mapa na ibinigay sa kanya ni Old Flint, tinitigan niya ito ng saglit bago itinuro ang isang bayan sa mapa at sinabing, “...Pumunta tayo dito. Medyo matatagalan ang byahe natin, pero kahit papaano ay ma-bypass natin ang phosphorite area. Makakakuha din tayo ng supply doon dahil ito ay isang bayan!" "Masusunod!" sagot ni Juno nang walang pag-aalinlangan. Dahil ito na ang kanilang desisyon, binago ng grupo ng apat ang kanilang ruta at nagsimulang pumunta sa bayan na makikita sa mapa... Ang bayan ay kilala bilang Town of Five Elements at pinangalanan ito sa ganoong paraan dahil sa geographica
Nang makita nila ang crystal skull na hawak ni Mario, nagsi-hiyawan ang natuwa ang mga manonood at kasama na rin dito sila Gerald ang kanyang grupo. Kung tutuusin, hindi inaasahan ng apat na indibidwal na makakatagpo sila ng ganito kamahal na kayamanan sa lahat ng lugar. Sa sobrang linaw at nakakasilaw ng bungo, hindi nakapagtataka kung bakit naramdaman ng mga tao na espesyal ito at nakaramdam sila ng hindi maipaliwanag na emosyon sa kanilang puso... Natigilan silang lahat nang tumahimik si Mario bago niya ipinahayag, "Simulan natin ang bidding sa halagang four million! Para lang malinaw sa lahat, ang bawat pagtaas ng bid ay hindi dapat mas bababa sa isang milyon! Kung wala nang iba, simulan na natin ang bidding!" "Five million!" sigaw ng isang lalaki sabay taas ng kamay niya. "Six million!" sigaw ng isa pang lalaki habang dinadagdagan pa ang bid. Dahil sa sunod-sunod na sigaw ng mga tao, maihahambing lamang ito sa tubig na umaagos mula sa isang talon. Parang napakaliit para
Nakadapa si Gerald at nanatiling tahimik habang ginagawa niya ang lahat ng ito sa bubong, bago siya tumingin sa bakuran... Nakita niya ngayon ang lalaking may salamin ay nasa harapan na ni Mario! Napaka unexpected! Mukhang may pinag-uusapan silang mahalagang bagay... Nakakapagtaka ang kanilang pagkikita, ngunit ang sumunod na nangyari ay talagang ikinagulat ni Gerald. Nanlaki ang mga mata ni Gerald habang nakatitig siya kay Mario na kumuha ng dagger sa suot niyang jacket at sinaksak sa dibdib ang lalaking nakasalamin! Mukhang sinaksak din ni Mario ang lalaki sa puso, dahil namatay kaagad ang lalaking may salamin pagkatapos nito... Bumagsak sa lupa ang lalaking may salamin at nakita ni Gerald nang dilat ang kanyang mga mata ang isang maliwanag na senyales na hindi siya maaaring mamatay nang payapa... Dahil patay na ang lalaki, pinunasan ni Mario ang dagger ng tela na dala niya bago niya ibinalik ito sa kanyang jacket... Pagkatapos nito ay sumigaw si Mario patungo sa bahay at
Pagpasok sa inn, nakita ni Gerald ang innkeeper kaya sinabi niya, “Good evening! May available room ba, boss? Apat kami at kailangan namin ng dalawang kwarto!" Nagtanong ang innkeeper habang nakatingin sa kanila, "Bago ko ito sabihin, mula saan kayo?" Nagulat ang grupo ni Gerald nang tanungin sila ng innkeeper, ngunit ngumiti lang si Gerald bago niya sinabi, “Kami ay mula sa… Swindawn City! Nandito lang kami for leisure!" Nang marinig iyon, tumango ang innkeeper bago niya sinabing, “Mabuti, ito ang inyong mga susi para sa dalawang kwarto! Ang iyong mga kwarto ay nasa dulo ng koridor sa second floor!" "Salamat, boss!" sagot ni Gerald habang kinukuha ang susi at pinangunahan niya ang kanyang grupo sa itaas. Sumunod sila sa innkeeper hanggang sa nakarating sila ng dulo ng koridor. Sa kaliwang kwarto matutulog ang mga babae habang sa kanan naman matutulog sina Gerald at Ray. Nang makapasok sila, mabilis na ni-lock ni Gerald ang pinto sa likod niya. Ngayong may privacy na sila
Napansin rin ni Ray na may mali tungkol sa innkeeper, pero hindi niya matukoy kung ano iyon at nararamdaman niya na parang nababaliw siya dahil dito. Umiling si Gerald bago siya sumagot, “Hindi pa ako sigurado kung masama siya o hindi, pero kahit papaano ay sigurado ako na may problema sa kanya. Kanina, nakita ko na patuloy siyang tumitingin sa paligid ng kwarto natin kanina, para bang may hinahanap siya. Ang hula ko ay mayroon siyang tinatago dito!" Lalo siyang naghinala nang sabihin ng innkeeper na huwag silang lumabas pagsapit ng gabi. Dahil dito ay lalong lumakas ang determinasyon ng dalawa na malaman ang totoong karakter ng innkeeper! "...Pumunta tayo sa kwarto ni Miss Zorn!" sabi ni Gerald. Pareho sila ng naisip ni Ray, kaya pareho silang lumabas at nagsimulang kumatok sa pinto sa tapat nila... “Sino yun…?” tanong ni Juno sa paraan kung paano nagtanong si Gerald kanina. Ito ay isang malinaw na palatandaan na nagiging alerto rin siya. "Si Gerald ito!" sagot ng binata h