Bumalik ang atensyon nila kay Ray nang marinig nila ang nanginginig nitong boses na sinasabi “Nakakatakot, Mr. Crawford…!” Sumimangot si Gerald nang makita niya ang takot na takot na itsura ni Ray, bago niya sinabi, “Anong nakita mo?" "Oo nga, parang wala namang kahit ano sa paligid..." sabi ni Juno nang makaramdam din siya ng pagkataranta gaya ni Gerald. Gayunpaman, sigurado silang dalawa na ang nakita ni Ray ay hindi isang multo. Pagkatapos ng lahat, hindi nila naramdam ang kahit anong presensya ng multo. “Hin-Hindi rin ako sigurado... pero noong tumayo ako pagkatapos kong gumamit ng CR, bigla akong nakaramdam ng malamig na simoy ng hangin na dumaan sa akin... Pero… pagkatapos nito…” nanginginig na sinabi ni Ray at hindi na niya kayang tapusin ang kanyang pangungusap. "…Tapos ano?" tanong ni Gerald. “…A-Ano… Noong lumingon ako at tumingala… nakita ko ang isang pares ng mga duguang mata na nakatingin sa akin…! N-Nakakatakot…!” nauutal na sinabi ni Rey habang inaalala niya
Tumango si Ray bago siya sumagot, "Kahit papaano..." Nakahinga ng maluwag si Gerald nang marinig niya iyon. Gayunpaman, nang humarap si Gerald kay Ray dahil may sasabihin pa sana siya, napagtanto nilang dalawa ni Juno na nakatitig si Ray sa isang bagay sa likuran nila... Sa sandaling iyon, naramdaman nila na may isang nilalang na malapit sa kanila... May mali talaga...! “Sa-Sa likod niyong dalawa…!” sigaw ni Ray nang sinenyasan niya sina Gerald at Juno na umiwas sa gilid at mabilis rin nilang hinila palayo si Ray. Nang makalayo sila sa tent, silang tatlo ay nanonood habang ang isang itim na figure ang tumalon ng mataas sa hangin... bago ito lumapag sa ibabaw ng kanilang campfire at pinatay nito ang apoy! Dahil sa kadiliman, takot na takot na sumigaw si Ray, “Siya-siya ang nakita ko kanina! Sigurado ako…!" Lalo lang naging makatotohanan ang sinabi ni Ray nang makita nilang kumikinang sa dilim ang isang pares kumikinang na kulay dugo na mga mata sa kadiliman... at nakatingi
"Lumayo ka at hayaan mo akong harapin ito!" dagdag ni Gerald nang mabilis siyang humarap sa baboy-ramo na sumusugod sa kanyang direksyon dahil pinatay ni Juno ang kanyang torchlight. Habang pinagmamasdan ang matalas tusk mula sa nakabukang bibig nito—malinaw na plano nitong umatake kay Gerald at niya na ang isang kagat mula dito ay kayang pumatay ng isang tao o makapinsala sa kanila. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ito hahayaang mangyari ni Gerald. Umiwas si Gerald papunta sa gilid para ilabas ang kanyang Astrabyss Sword. Ang basic use ng espada ay upang harapin ang mga multo, pero naniniwala si Gerald na makakapinsala pa rin ito tulad ng isang regular na weapon. Kahit na mukhang mabangis ang baboy-ramo, ang napakalaking katawan nito ay masyadong mabagal at hindi ito flexible. Dahil dito, hindi na ito nakahinto matapos makaiwas si Gerald sa atake nito at dumiretso ito sa malaking puno! Habang nahuhulog ang napakaraming mga dahon sa lupa dahil sa impact ng baboy-ramo, alam n
Umikot ang kanyang mga mata bago siya sumagot kay Gerald, "Hindi ito isang bagay… Ang mga cultivators ay mga taong nakikipag-ugnayan at pinapanatili ang kontrol sa mga multo at spirits..." “…Huh? Tulad sila ng mga... Ghost hunters? Yung parang nasa tv?" tanong ni Ray. "Parang ganoon na nga. Kung hindi mo pa alam, kami ni Miss Zorn ay mga cultivators!" sagot ni Gerald sabay tango. Dahil matagal na silang kasama ni Ray, naisip ni Gerald na mas maganda kung alam niya ang mga ganitong bagay. Naisip na rin ni Gerald na gawing cultivator si Ray pagdating ng panahon. Kung tutuusin, kapag naging cultivator si Ray, makakayanan niyang makipaglaban kaysa magtago kapag may malalakas silang kalaban. Alam ni Gerald na hindi mananatili si Juno sa tabi niya para protektahan siya sa buong buhay niya. Masyadong hindi makatotohanan ito! “…H-huh? Pareho kayong… mga cultivators?” dilat ang mga mata ni Ray nang tanungin niya ito. Nagpalitan sila ng tingin ni Juno bago sila ngumiti ni Gerald at t
Gabi na nang nag-desisyon silang tatlo na bumalik sa kani-kanilang tent para matulog. Dahil sa kaninang insidente tungkol sa baboy-ramo, silang tatlo ay natulog sa iisang tent. Madadagdagan ang posibilidad na maramdaman nila ang panganib at matutulungan nila ang isa't isa kung sila ay inaatake. Sa kabutihang palad, tahimik ang lahat nang gabing iyon at maagang nagising ang tatlo pagsapit ng umaga. Umalis si Gerald sa tent at tumayo siya, napagtanto niya na marami nang mga ibon na nagpipista sa bangkay ng baboy-ramo at karamihan sa kanila ay mga agila at vultures. Hindi sila pinansin ni Gerald, at sa halip ay sinimulan niyang mag-impake. Bandang nine na ng umaga nang tumayo silang tatlo at handa nang magpatuloy sa kanilang paglalakbay sa kailaliman ng kagubatan… Ayon sa mapa ni Old Flint, ang paglalakad sa phosphorite mountain area ay makakatulong sa kanila na magawa ang kanilang pangalawang hakbang. Ang bagay na iyon ay mas madaling sabihin kaysa gawin. Ang phosphorite moun
Parehong nagulat sina Gerald at Juno tulad ng naging reaksyon ni Ray. Kung tutuusin, sinong nasa tamang pag-iisip ang mabubuhay sa gitna ng kagubatan? Nakakapagtaka talaga ito. Huminto ng saglit si Gerald bago niya sinabi, “…Dahil may nakatira rito, tanungin na lang natin sila kung alam nila kung gaano pa katagal ang lalakarin natin!” Tumango ang dalawa at nagsimula silang sumunod sa pangunguna ni Gerald habang naglalakad sila patungo sa bahay... Gayunpaman, mabilis silang napaatras papunta sa mga bushes nang mapagtanto nilang may ilang Soul Hunter na naglalakad din papunta sa bahay na iyon! Pagkatapos kumatok sa pinto, binuksan ito ng mukhang may-ari ng bahay... at bago pa man siya makapag-react, agad na pumasok ang Soul Hunters! Naging nakakatakot ang pakiramdam sa paligid pagkatapos nito! Maririnig ang nakakatakot na hiyawan sa lugar na iyon, mabilis na nagpalitan ng tingin si Gerald at ang iba pa. Pumunta ang Soul Hunters doon para patayin ang pamilyang iyon... Napakasa
Ang mga iyak niya ay lalong nagpasakit sa puso ni Juno. Napailing na lang si Gerald habang dahan-dahang lumabas ng kwarto... Paglabas niya, sumenyas si Gerald na lumapit si Ray na kasalukuyang nagtatago. Nang makita iyon, mabilis na pumunta sa bahay si Ray... Ngunit nang makita niya mga bangkay at dugo sa loob, agad siyang tumakbo palabas para isuka ang laman ng kanyang kalamnan! Nagulat talaga siya dahil ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng mga sariwang bangkay... Hindi masisisi ni Gerald si Ray sa kanyang reaksyon. Kung tutuusin, wala na siyang pakialam sa mga patay dahil sanay na siyang makakita ng mga bangkay sa puntong ito. Kaya ito ay magsasadyang ‘awakening moment’ para kay Ray dahil marami pa siyang makikitang bangkay sa hinaharap. Lumipas ang ilang sandali nang sa wakas ay nag-ipon ng lakas ng loob si Rey na muling tingnan ang mga bangkay. Nang masiguro ni Gerald na maayos na siya, ang dalawa ay nagsimulang magtrabaho sa paglibing ng mga bangkay. Hiwalay nilan
Nakita ni Gerald ang pagiging seryoso sa mga mata ni Juno at alam niya na gusto niyang tulungan ang dalagang ito. Dahil dito ay sinabi niya, “…Okay sige!” Hindi maintindihan ni Ray kung ano ang nangyayari sa dalawa, kaya ang magagawa niya lang ay ipagpatuloy ang pagtingin sa kanila sa kakaibang paraan... Si Gerald ay nagsimulang maglakad patungo sa dalaga... bago niya maingat na inilagay ang isang daliri sa kanyang noo. Nang dumapo ang kanyang daliri, isang maliit na globo ng liwanag ang lumabas mula sa noo ng dalaga... Pagkatapos ay nagsimulang umikot ang orb sa ulo ng babae... Dahan-dahan ito sa simula hanggang naging mabilis... ng pabilis ito... hanggang sa kalaunan ay tuluyan na itong nawala. Nalito si Ray sa pangyayari kaya hindi niya maiwasang magtanong, “…Anong ginawa mo, master…?” "Inalis niya lang ang memory niya… Maraming memory rin ang nawala sa kanya... Mas mabuti ito para sa kanya sa katagalan hangga't makakalimutan niya ang lahat ng nangyari ngayon..." paliwanag