"Sinasabi mo ba na susugurin lamang ng mga gagamba ang may hawak ng mga kayamanan?" tanong ni Gerald. Nagulat si Gerald at ang kanyang grupo nang makita nilang tumango si Old Flint. Ang mga gagambang ito ay pumipili ng kanilang biktima… Samantala, si Lech at ang kanyang natitirang mga miyembro ay nilamon ng buhay ng mga dambuhalang gagamba! Nakakatakot makita ang buong eksenang ito… Si Lech ay nagmamakaawang nakatingin kay Gerald habang nakatayo siya malapit sa may pintuan, “B-Brother Crawford...! Pakiusap, iligtas mo kami…!” “Tu-Tulong! Tulungan niyo kami!” sigaw din ng iba pang nahihirapang mga miyembro ng team ni Lech. Gayunpaman, walang magawa si Gerald. Kinuha nilang lahat ang mga kayamanang may sumpa dahil sa kanilang matinding kasakiman. Sa madaling salita, dinala ang kanilang sarili sa sitwasyon na ito. Dahil doon, walang magawa si Gerald habang patuloy silang sumisigaw at kinakain ng mga gagamba… Si Lech naman ay napunit sa kalahati bago siya itinapon sa kalaliman.
Hindi nagtagal, bumalik si Gerald at ang iba pa sa chamber... Gayunpaman, pagpasok nila sa loob, bigla silang sinalubong ng kakaibang mga katok... Biglang naging maingat si Ray at napatingin siya kay Gerald habang nagtatanong, “…Naririnig mo ba iyon, brother Gerald?” Tumango si Gerald, saka sumagot ng, “Oo.” Dahil dito, sinimulang hanapin ng lima ang pinanggalingan ng tunog... hanggang sa kalaunan ay napagtanto ni Gerald na ito ay nagmumula sa pinakasentro ng round platform sa chamber... “… Doon nanggagaling ang tunog!” sabi ni Gerald habang nakaturo sa platform. Nang marinig iyon, nagtipon ang lahat palibot ng plataporma bago nila idiniin ang kanilang mga tainga dito... Tama ang kanyang sinabi dahil naging malinaw ang tunog ng pagkatok nang makalapit sila dito! Kung susuriin ito ng maigi, ang katok ay may partikular na rhythm. “…Sa tingin mo ba ay may nakakulong sa loob nito, Gerald…?” tanong ni Ray. “…Baka nga! Mukhang totoo ito base sa rhythm ng katok.” sagot ni Gera
Nakakulong sa ibaba ang isang malakas at mahabang buhok na parang unggoy na nilalang... “…Anong meron diyan, Brother Gerald?” pabulong na tinanong ni Ray. Pagtingin sa kanila, tahimik na sumenyas si Gerald na lumapit sila para tingnan kung ano ang nasa loob. Nang makita iyon, gumapang ang ibang miyembro ng grupo ni Gerald bago sumilip sa loob. Tumingin si Gerald kay Old Flint bago niya sinabi, “…Alam mo ba kung ano iyon, Old Flint…?” Nag-isip ng sandali si Old Flint bago siya sumagot, “...Kung hindi ako dinadaya ng mga mata ko, iyon ay isang black gibbon. Naaalala ko ang isang kwento tungkol sa mga bampira ay palihim na nagpapalaki ng black gibbon at ginagamit nila ito upang tulungan silang manghuli ng mga tao... Siguro ito ang nilalang na iyon!" Habang nanlalaki ang mga mata ni Gerald, mabilis namang sinabi ni Ray, “Ang ibig sabihin lamang nito ay... ang black gibbon na ito ay isang mabangis na hayop! Mas mabuti kung papanatilihing naka-lock ito sa loob ng platform!" Tot
“Oo. Maraming mga tao na ang nagtangkang hanapin ang kabaong ng unang ninuno ng bampira para makuha ang vampiric pearl sa loob nito…” sagot ni Old Flint pagkatapos niyang tumango. “Ang vampiric pearl? Pumunta ka dito para hanapin ‘yan, tama ba?" tanong ni Gerald. "Ang vampiric pearl ay isang kayamanan ng mga bampira na pwedeng makapagbigay sa kanila ng bagong katawan!" paliwanag ni Old Flint. Tumango lang si Gerald nang marinig niya iyon. Hindi siya masyadong interesado dito kahit na nakakaintriga malaman ang tungkol sa nasabing kayamanan. Kung tutuusin, pumunta lang siya dito para tulungan si Old Flint. Pagkatapos itong suriin ni Gerald ay sinabi niya, “…Mukha naman safe ito. Buksan natin ang kabaong!" Tumango si Old Flint nang marinig niya iyon dahil nasasabik siyang mahawakan na sa wakas ang vampiric pearl. Dahil hindi tumutol si Old Flint, humarap si Gerald kina Juno at Nori at sinabi niya, “Lumayo kayong dalawa! Tumakbo kayo kapag may nakita kayong mali, okay?" Mabil
Walang pagda-dalawang-isip na sumunod sila Juno, Nori at Ray. Habang mabilis nilang inaayos ang kanilang mga gamit para maghanda silang umalis, bigla namang napansin ni Ray na nakatayo pa rin si Old Flint sa parehong sulok at siya ngayon sa hindi malamang dahilan... Naramdaman ni Ray na kakaiba ito kaya sinabi niya, "Old Flint, aalis na tayo!" Gayunpaman, pagkatapos niyang magsalita, nanlaki ang mga mata ni Ray nang makita niyang tinititigan siya ni Old Flint habang ang kanyang mga mata ay pulang-pula... Nanginig sa sobrang takot si Ray habang sinasabi niya, “Um, G-Gerald? Parang may mali kay Old Flint…!” Mabilis na lumingon si Gerald para tingnan ang matanda at bigla siyang nagulat nang makita niya ang kalagayan ni Old Flint. “… Old Flint…? Anong nangyari sayo?” seryosong tinanong ni Gerald habang nagkasalubong ang kanyang mga kilay. Sa kasamaang palad para sa kanila, hindi na ito ang Old Flint na nakilala nila noon. Walang pinagbago ang kanyang mukha, ngunit ang pulang-
“…Huwag mong sabihin sa akin na… wala kang naaalala?” sagot ni Gerald. Umiling-iling si Old Flint dahil nalilito siya dahil wala siyang maalala sa mga nangyari. "...Sabihin mo sa akin, bakit mo nilunok ang vampiric pearl?" tanong ni Gerald. Hindi magiging isang halimaw ang matanda kung hind niya ito nilunok. "Ako? Nilunok ko...?!” sagot ni Old Flint nang biglang nanlaki ang mga mata niya habang hindi siya makapaniwalang nakatitig kay Gerald. "Ginawa mo ito! Pagkatapos mo itong lunukin, parang naging baliw ka at sumugod ka sa amin!” paliwanag ni Gerald. Nang malaman ni Old Flint ang nangyari, bigla siyang napatingin sa pearl na nasa lupa habang bumubulong siya na puno ng pagkataranta ang kanyang boses, “...Pero... ang huling natatandaan ko ay ibinigay mo ang perlas sa akin… Hindi ko na alam kung anong nangyari pagkatapos nito!” Nakatitig si Gerald sa matanda at naramdaman niya na hindi ito nagsisinungaling. Naniwala si Gerald sa kanyang kutob at pinili niyang paniwalaan ang
Habang papalapit ang pulang mga ilaw na ito, unti-unting lumabas na ang mga ito ay mga mata pala ng isang malaking white bear!Hindi alam ni Gerald nat ng kanyang grupo na nasa panganib ang kanilang buhay dahil kasalukuyan silang tulog!Tumingin ang bear sa limang tao na natutulog sa entrance ng cave at makikita na interesado ito kay Ray. Lalo lang itong naging interesado dahil sa malakas na hilik ni Ray!Dahan-dahan itong lumapit sa kanya bago nito dinilaan ang kanyang mukha!“... Five minutes pa… Ano ba yun, Gerald…? Tumigil na ba ang snow…?” inaantok na sinabi ni Ray habang tinatapik niya ang mukha ng bear…Napahinto lamang siya nang mapansin niya na ang ‘Gerald’ na ito ay masyadong mabalbon. Hindi… hindi ito si Gerald.Nang imulat niya ang kanyang mga mata, si Gerald at ang iba ay alerto na nakatingin sa bear. May isang mapanganib na halimaw sa loob ng kwebang ito! Amoy na amoy nila ang matinding mabahong amoy ng bear dahil masyadong malapit ito sa kanila…!Binagalan ni Ray
Hindi hahayaan ni Gerald na mangyari iyon. Gumulong siya sa ilalim ng tiyan ng bear bago niya sinaksak ang halimaw! Sa sobrang lakas ng pag-ungol ng bear, alam ni Gerald na sa wakas ay na-injure niya kahit papaano ang halimaw! Gayunpaman, hindi sapat ang saksak na iyon para patayin ang halimaw. Sa katunayan, lalo lang nagalit ang bear sa kanya! Parang nababaliw na ito at sinimulan niyang sugurin si Gerald sa abot ng makakaya nito! Kung hindi ito isang life-and-death situation, nakakatuwang makita na tumatalon sila Gerald at ang bear sa buong bundok. Sa kalaunan ay napagtanto ng bear na hindi niya mahuhuli si Gerald, kaya iniba niya ang target papunta sa mga nakatagong mga tao! Sumigaw si Gerald nang mapagtanto niyang tumatakbo ang bear papunta sa kanyang mga kaibigan, “Mag-ingat kayo! Papunta ito sa inyo!" Nang makita nila ang paparating na bear, ang iba pang grupo ni Gerald ay mabilis na nagtangkang maghiwa-hiwalay mula sa puno na tinataguan nila mula kanina! Nagulat s