"Ano ang nasa mapa, master?" tanong ni Master Ghost nang makita niya na biglang nagbago ang itsura ni Gerald. “…Ito ang una sa dalawang mapa. Ipinapakita ng isang ito ang entrance sa Jaellatra…! Ang isa naman ay pinapakita ang dimension na hiwalay sa lupa at sa Jaellatra... Base sa note na ito, may posibilidad na matatagpuan ang Primocoroses doon!” paliwanag ni Gerald. Ang paghahanap ng Primocorose ay tulad ng paghahanap ng isang partikular na butil ng buhangin sa loob ng isang disyerto... Sa tulong ni Daryl, mayroon na silang impormasyon kung saan nila mahahanap ang halaman! Excited si Gerald, ngunit hindi niya maiwasang maawa kay Daryl. Alam niya na ang matandang iyon ay nagsagawa ng masinsinang plano para magtagumpay siya sa kanyang layunin... Hindi niya inasahan na ang lahat ng kanyang pinagsikapan ay mapupunta lamang sa ibang tao... Nahulaan ni Gerald na gustong gamitin ni Daryl ang Herculean Primordial Spirit ni Gerald bilang scaffold upang makamit ang mas mataas na ant
Sa borders ng Yanam, ang dating dragon tower ay naging isang castle-like building. Mahigpit itong binabantayan ng mga regular na sundalo at pati na rin ng ilang malalakas na magsasaka, kaya walang nangahas na mapunta sa loob ng one hundred mile radius ng lugar... Sa pinakaloob na bahagi ng gusali, makikita ang sampung nakakatakot na matandang guwardiya na nakatayo sa magkabilang gilid ng isang pasukan na patungo sa isang parang misteryosong kweba na gawa sa bato... "Hindi pa rin ba nakalabas si master...?" bulong ng mga guwardiya sa bawat isa. Sa puntong iyon, ang isa sa mga guwardiya ay pabalik-balik na naglakad habang ang mga kamay niya ay nasa likod. Pagkaraan ng ilang sandali, biglang ngumiti ang isa sa mga guwardiya na kilala bilang Julian bago niya sinabi, “Carlos, pwede bang tumigil ka sa kakalakad sa paligid? Nahihilo ako sayo!” Nang marinig iyon, ang ibang walo ay sinimulang asarin si Carlos. Ang walong iba pang guwardiya ay malalakas na magsasaka na tinuruan ni
Umalingawngaw ang malakas na 'kulog' hanggang sa waka ay bumukas ang batong pinto at lumabas na sa wakas si Gerald... Hindi masyadong nagbago ang kanyang itsura sa nakalipas na limang taon, ngunit may kapansin-pansing pagbabago sa kanyang ugali. Mapapansin na meron siyang superior aura na mararamdaman sa kanya. “Master!” sigaw ng lahat ng naroroon habang nakayuko sila ng malalim sa harapan niya. Bahagyang tumango si Gerald at tumingin siya kay Mila na natutuwa at hindi niya napigilang sabihin, “Sa wakas nakabalik ka na, Gerald…!” “Tama ka, pero kailangan kong pabilisin ang aking training. Kung hindi, hindi ko kakayanin ang paulit-ulit na pag-atake ng mga Ringmaster of Obliteration at ng mga Chakra Kings na iyon!" sagot ni Gerald. "Meron kang nilalabas na pambihirang aura, master... Ikaw ba ay isa nang Eighth-rank Chakra King...?" tanong ni Carlos na bigla siyang namangha sa napakalaking pagbabago na naramdaman niya sa loob ni Gerald. "Oo. Sa tulong ng source ng holy spirit,
Nakikita ni Gerald ang pagbabago sa ekspresyon niya kaya kahit na may gustong sabihin si Master Ghost, mahigpit niya na lamang na itinikom ang kanyang bibig. Kahit si Mila ay napayuko dahil sa sobrang pagsisisi. Hindi nagbago ang kanilang emosyon ngunit napansin ni Gerald ang dinadamdam nila. “…Ano naman ang nangyari sa mga mula sa Ringmasters of Obliteration? Dumating ba sila para manggulo ulit?" tanong ni Gerald. "Lagi silang nangggugulo! Sa totoo lang nasanay na kami sa kanila!" "Naiintindihan ko. Kamusta naman ang mga magulang at ang ate ko?" tanong ni Gerald habang nakataas ang kanyang kilay. "...Tungkol diyan..." sagot ni Master Ghost habang namumutla ang kanyang mukha... Kahit ang sampung matatanda ay ibinababa agad ang kanilang mga ulo at hindi sila nangahas na huminga ng malakas... Tumulo rin ang luha ni Mila nang marinig niya ito. Nakita ni Gerald na biglang tinakpan ni Mila ang kanyang bibig sa sobrang lungkot at sinabi, “Anong problema? Anong nangyari sa k
Samantala, sa likod ng bundok sa Sacrasolis Palace.Nag-rent si Gerald ng manor dito para maging tirahan ni Mila at ng kanyang pamilya.Dahil dito, ito ay pinangalanang Crawford Manor.Sa loob ng taong ito, ni-refine din ni Gerald ang mga source stones sa pinagmumulan ng holy spirit.Pinaplano niyang ilipat ang buong pool ng pinagmulan ng holy spirit sa Crawford Island na makikita sa Northbay.Sa panahong iyon, maibabalik na niya ang negosyo ng pamilyang Crawford at ang kanyang Sacrasolis Palace ang magiging headquarters nila.Gayunpaman, ito ay isang napakalaking project na kailangan nilang simulan. Hindi ito makukumpleto sa loob ng sampung taon.Itinayo niya ang manor na ito bilang kanilang temporary home.Sa loob ng manor, may isang matabang lalaki ang gumagapang sa lupa. Wala na siyang mga mata at hindi siya makapagsalita. Bukod pa dito, ang mga litid ng kanyang mga binti at kamay ay napunit na.Naging mahirap ang kanyang buhay dahil sa mga ito.Sa isang tabi, nakaupo sa
Nag-alab at kumalat sa bawat pulgada ng katawan ni Gerald ang poot at hinanakit. Ang lahat ng mga tao sa Sacrasolis Palace ay naramdaman ang kanyang galit.Kaya naman sa mga sumunod na araw, walang nangahas na lumapit kay Gerald.“Nasaan matatagpuan ang pamilyang Quantock?”Isang araw, ipinatawag ni Gerald ang sampung matatanda at nagtanong.“Ang pamilyang Quantock ay kasalukuyang nakabase sa southeast coastal region ng Sunniva City. Sila ay isang bagong umaangat na pamilya na sinusuportahan ng pamilyang Quartermain sa Jaellatra. Ginagamit sila ng pamilyang Quartermain para sakupin ang mga pinagmulan ng holy spirit. Gusto rin nilang gawin silang bagong King of the North! Ang kasalukuyang leader ng pamilyang Quantock ay nagngangalang Zaki Quantock. Siya ay isang napakalakas na tao at sigurado ako na nasa Rune Realm siya. Bukod pa dito, marami sa kanyang mga followers ay napakalakas at sila ay sinusuportahan ng isa sa mga pwersa mula sa Jaellatra!” paliwanag ni Mr. Ghost."Kung gust
Maririnig ang pumuputok na tunog mula sa umaalab na apoy sa kalagitnaan ng gabi...Ang tunog ng bonfire ay narinig habang ang madilim na berdeng apoy ay nagniningas nang maliwanag. Ang tunog ay parang pumuputok na popcorn.Nakaupo si Gerald sa tabi ng apoy habang nagdadagdag siya ng panggatong sa apoy at tumingala siya para pagmasdan ang nakapalibot na makakapal na berdeng kagubatan.Parang mas nakakatakot ang masukal na kagubatan sa gabi.Sa malamig na kagubatan na ito, kahit si Gerald na isang Chakra King ay kailangang panatilihing mainit ang kanyang katawan sa apoy.Wala na siya sa Earth dahil nakapunta na siya sa Jaellatra.Ang kasal nila ni Mila ay naganap isang buwan na ang nakalipas.Kahit pa nakuha na ni Gerald ang pamilyang Crawford at ang Sacrasolis Palace ang naging kanilang tahanan matapos niyang pakasalan si Mila, hindi man lang gumaan ang kanyang pakiramdam.Hindi niya alam kung kailan muling mawawala ang kahanga-hanga at maiinit na mga sandali dahil ang pamilyang
Patagilid silang tiningnan ni Gerald. Mukhang hindi nila pwedeng maliitin ang kanyang kapangyarihan.Swish! Swash! Swoosh!Tatlong silver kunai ang tinapon at tumama sa puno.Makikita sa bawat silver kunai ang nakaukit na pitong bungo kaya talagang nakakatakot ang mga itsura nito.Napahinto ang tatlong magnanakaw sa kanilang nakita at makikita sa kanilang mga mukha ang matinding takot."Ano? Nandito ang Seven Deadly Lords of the Earth Capital!"Agad na lumuhod ang tatlong lalaki sa harapan ng mga ito nang mapagtanto nila kung sino ang mga ito.“Seven Lords, hindi namin alam na pupunta kayo dito. Pasensya na sa pag-abala namin sa inyo. Aalis kami agad at mawawala ng seven miles away!"Yumuko sila sa Seven Deadly Lords pagkatapos nito. Hindi na nila hinintay ang sagot mula sa mga Lords at kasing bilis ng kidlat silang umalis habang nakatingin ng masama kay Gerald.Sa kabilang banda, si Gerald naman ay nanatiling walang pakialam sa kanila.Tumingin lamang siya sa kanila ng isang